Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay 551

" It's weird not to be weird. " - John Lennon.


(ノಠ益ಠ)ノ彡┻━┻



Madaming fan si Lennon, at isa na 'ko do'n. Binabati ko nga pala yung mga fans ng Beatles. :hi:
Hindi sa nakikiuso lang ako, pero you know how they're good in making 'quality' music.
Bukod sa maganda yung choice of words nila, astig yung beat, parang novelty na love song pero hindi pang-Willie Revillame.

Pero hindi 'to tungkol sa Beatles.

Madalas sa madalas, nakiki-bandwagon na lang yung tao sa kung ano yung nasa paligid.
Conformity, ika nga. Parang yung mga apps na may 'Flappy' sa PlayStore nung sumikat yung 'Flappy Bird'.
Kanya kanyang gaya, kanya kanyang bago, in the end halos wala naman talagang pinagkaiba.
Hilig din natin yung pagsali sa kung ano mang hindi natin alam para lang masabing 'in' tayo.

Social acceptance, sabi nga.
Paggawa ng Instagram kahit puro boobs lang naman niya yung pinapakita.
Pagtetext kahit alas dose ng gabi para lang magpa-like ng status sa Facebook.
Pagpapa-follow kahit 'di mo naman kilala. (Mamaya modus yan e.)

Saka yung nanghihingi ng rep sa Symbianize, kung meron man. (May ganun pala?) :unsure:

Nakakaiyak pero :welcome: to the internet, son.
Minsan, naghihintayan lang sila ng isang 'disagree' na comment, tapos biglang lalabas yung haters mo.

Parang yung mga nagsasabing pinaka-magaling daw si Marcos blablabla, and they support it naman.
Sabi nila, yung 1 dolyar daw dati, 1.50 pesos yung katumbas. Great.
Sabi nila, matalino daw talaga si Marcos kasi umonti yung crime rate. Great, isn't it?

That was my thought back then, until I knew what 'comfort women' are.
Nalungkot ako. Na yung mga pumupuri kay Marcos, puro kabataan. Siguro yung iba kabatch ko. (1995)

Alam kong I'm not one to stand to be an anti-Marcos kasi hindi naman ako 'Martial Law Baby'.
Pero lagi ko ngang sinasabi (sa isip), hindi mo naman kelangan ng pwesto sa senado para makatulong diba?
Hindi naman siguro kailangan maging kayo ng 'mahal' mo para lang mapatunayan mo sa kanyang mahal mo siya.
Same lang din naman, na sometimes you don't need to be there para magsabi ng opinion.
Oo, mas maganda kung nasa pwesto ka talaga, pero may utak ka naman.
Hindi mo naman siguro kelangan maging astronaut para lang sabihin sakin na mainit yung araw, diba.

And I am telling you.
Nakakatakot yung panahon ni Ferdie. Iniisip ko pa lang, gusto ko nang magkurumon ta's mag-Forum Games na lang e.
Ikaw kaya, madulas lang ng onte yung kuya mo, :kill: barilin agad sa harapan mo. Ain't it fun?
Napanood ko din yung video ni Marcos na hinotel niya yung isang sikat na starlet. Alam ko parang winner sa pageant yun e.
Naks, hashtag medyo badboy. Ihotel niya din kaya yung ate/nanay mo, pitik bayug galaw ulet 'pag kumontra ka? :clap:

Kung sasabihin mo saking 'matatakpan' ng mga accomplishments niya yung mga kasalanan niya, ako na nagsasabi sa'yo.
Pointless din yan, parang yung POV ko kay Marcos ta's susubukan kong ipersuade ka, or vice versa. PM mo na lang ako. :lol:
Cumulative yung good deeds saka bad deeds natin. Continuous yung dagdag, hindi nababawasan.
Hindi yan parang hourglass. Lahat ng ginagawa mo, counted. Walang wrong minus right, tandaan mo yan.

Isa pang issue ng conformity, e naaapektuhan yung ugali natin. Yung respect. Yung pag-iisip. Yung yung yung yung pakitungkitung.
Alimango sa dagat, malaki at masarap.

Madalas, dahil sa 'group pressure', napipilitan/nagiging malaya tayong gawin yung isang bagay na ayaw nating gawin in the first place.

Parang ako dahil sa traffic sa C5. Andaming naglalakad, ako naghihintay pa rin ng masasakyan. Nahiya na 'ko, naglakad na din ako.
Yung estudyanteng nayaya ng mga kaibigan na mag-cutting :buddy: kasi baka daw mapagkamalan siyang 'gay'.
Yung pag-bash/panglalait sa isang bagay tapos later on kakampihan mo na rin. Madalas gan'to sa FB 'pag timeslot na ng PBB.
Yung sagot mo dapat sa tanong ng teacher na iniiba mo na lang kasi 'iba' sa sagot ng 'nakararami'.
Yung pag-iisip ng masama sa isang tao kasi yun yung bulung-bulungan ng isang grupo. At takot kang ikaw yung targetin nila.
Yung pagkasira ng mga imahe ng mga boybands dahil sa Chicser. Ay, sorry. :giggle:

Mahirap maging unique, maging outside the box. Kung 'di ka mukhang freak, sasabihin taga-bundok ka. O obsolete. O weirdo.
Pero sabi nga din, yung dulot ng pakiki-sabay sa uso e nagugustuhan ka ng lahat ng tao — maliban sa sarili mo.
Stand up for yourself. Speak what's in your mind. Sometimes, you need to play the role of the devil's advocate.
'Wag kang mahiya sa kung ano yung nasa loob mo. Chest out. Kung wala man, andyan naman si Belo. :rofl:

Sabi nga nung employer sa applicant sa isang comic strip : I'm looking for a 'Yes' man who can say 'No' without sounding negative.
Kung ako sa'yo, mabuhay ka bilang 'ikaw', hindi bilang 'kayo'. Tignan mo si Hitler. Kahit notorious, sumikat pa. Nag-enjoy sa buhay niya.
 
:clap::clap::clap:
Congratulation you just been nominated for what ever title befitting to your statement.:thumbsup::thumbsup::thumbsup:
:beat::beat::beat:

I want to make a statement too :yipee::yipee::yipee:

(according to some website)some people tend be more like a flock of sheep (interns of behavior) they instinctively follow the one in front of them. ang nag convince cguro sa mga kabataan (na tinutukoy mo) ay ang supporter ni marcos na nakinabang ng malaki noong taon ng martial law or binayaran ng marcos family to try to rewrite family's legacy (hoping na lahat ng nabiktima noon ng martial law ay patay na and they would target young, ignorant , dumb people), hypothesis ko lang naman iyon ^__^. ang masasabi ko lang we are not that dumb to not know all about the pass. i heard stories from my parents and my grandparents on how they were threatened during the regime of marcos and it wasn't a pleasing story T__T.



wahaha looking back at my statement i started with a flack of sheet and ended it with my family background stories, guess i can't make a proper solid statement myself T__T.




any way nice thread

every one you meet is fighting a battle you know nothing about..... be kind always
 
Last edited:
I'm a proud weirdo here :lol: mas unique mas masaya :yes:
simula pa lang ng kabataan ko di na ako nauto makisunod sa uso :lol: parang jologs kasi eh :rofl:

ang galing mo talaga magtahi tahi ng mga events and situation :clap:

keep writing!
 
fan ako ni john winston lennon :naughty: I Am the Walrus, Goo goo ga joob! :lol:
 
naku bandwagon, prone na prone tayo dyan :lol:

natatawa ako dun sa BBC report, yung mga nag rarally na sumali lang pero hindi nila alam
kung ano pinaglalaban nila :lol: nahatak lang daw

nung na late yung service namin sa Malta, lahat ng Pinoy naglakad nalang. Ako? Hinintay ko
yung service at mas malayo tuloy ang narating ko :lol:

sabi nga eh "You are the KING of yourself"
 
Nag hahanap hanap ako ng mga magandang basahin na essay. Ang dami pala talaga dito sa symb.. :giggle:

Di ako masyado pamilyar sa beetles .
pero yung kanta nila na hey jude . Lage kinakanta saken date. :slap:
Medyo ganun kase name ko e. :giggle:

Pak na pak paps. (Pak) :rofl:
Galing magdala.

Only dead fish go with the flow. :hat:
 
Back
Top Bottom