Kapatid malinaw, next yung colosas
Tia.
Let no man therefore judge you in meat, or in drink, or in respect of an holyday, or of the new moon, or of the sabbath days: Which are a shadow of things to come; but the body is of Christ. (Col 2:16-17)
Ito pong sitas ay kadalasan na ginagamit ng ating mga kritiko na sinasabi na nila na ito daw ay nagpapatunay na wala na ang weekly Sabbath at hindi na ito dapat pang iobserve...
Kung mapapansin na naman natin plural po ang sabbath dyan sa sitas....tulad ng sinabi ko sa unang post ko maraming uri ng sabbath (Lev 23)
Ang tanong po, sa Col 2:16-17, kasali ba dyan ang weekly Sabbath? Ang sagot po ay hindi.....kung mapapansin po natin sa talata may sinasabi na ito daw sila (holy day, new moon or the sabbath days) ay "shadow of things to come" or sa tagalog po ay "Na isang anino ng mga bagay na magsisidating".....ang sunod na tanong, ang weekly Sabbath po ba ay "anino ng mga bagay na magsisidating"? Ang sagot po ay hindi, sapagkat ang weekly Sabbath po ay memorial or commemoration ng creation....kung babasahin po natin ang verse 11 sa Exodus 20 ito po ang sabi,
"Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal."
ang weekly Sabbath po ay hindi shadow kundi pag-alala sa paglalang ng sanlibutan.....ang tinutukoy po dyan na sabbath days sa colosas ay ang mga ceremonial sabbath o ang ceremonial law sapagkat sila po ay anino sa darating na kamatayan ni Hesu-Kristo....
"For since the law has but a
shadow of the good things to come instead of the true form of these realities, it can never, by the same sacrifices that are continually offered every year, make perfect those who draw near." (Heb 10:1)
sa makatuwid po ay hindi po sinasabi sa Colosas 2:16-17 na hindi na dapat sundin ang weekly Sabbath..
kung hindi parin po malinaw pakisabi po..o kung may mga katanungan po pakisabi lang po..