so ibig bang sabihin kong save kana ngayon, kahit magnakaw, papatay o anu paman ay ligtas ka na rin... dahil sa reason mong once you saved always save?
sang-ayon ako sa sinabe mo na ang kaligtasan ay hinde sa pamamagitan ng gawa kong di sa paniniwala.. pero may bisa parin ang gawa dahil sa sabi ng james 2:17
"v17Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili."
wag mong sakyan ang once you saved always saved dahil baka sa imperno ka pupulutin
Magandang araw kaibigan. Matagal na yang katwiran na liko upang salungatin ang "Once Saved Always Saved". Klaruhin natin: ang tanong mo ay "Kahit magnakaw, pagpatay o anu paman ay ligtas ka na rin..." Ang iyong paniniwala ba kaibigan ay pag naligtas ka ay magiging perpekto ka at hindi ka na makagagawa ng kasalanan? Malinaw na ang iyong batayan ay sa gawa ang kaligtasan. Dapat ay kinumpleto mo pa kaibigan at idinugtong mo sa tanong mo ito: "Kung magsimba ka twing linggo, magbigay sa nangangailangan, hindi magsasalita ng masama, ito ba ang susi sa kaligtasan?" Ang sagot po dito ay hindi. Malinaw po ang sabi ng Banal na Kasulatan: "Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios."
Ang tanong ko sa iyo kaibigan ay pinaniniwalaan mo ba ang lahat ng sinasabi sa Bibliya? Dahil kung hindi kaibigan ay hindi na dapat tayo mag diskusyon. Ako ay naniniwala ng lubos sa Banal na Bibliya.
Tungkol naman sa iyong reference sa James 2:17, basahin mo ang unang talata, sa James 2:1 - "Mga kapatid ko..." malinaw na ang mga kinakausap dito ay mga ligtas at mga nagsitanggap na sa Panginoong Hesu Kristo. Meron bang binanggit sa kabuuan ng James 2 na kapag nagkasala ay mawawala sa kanya ang kaligtasan?
Ang ibig po sabihin ng James 2:17 ay bilang isang ligtas, hindi tayo napapakinabangan ng Dios sa Kanyang gawain kung kaya't sinabing "patay sa iyong sarili..." Hindi naman sinabing mawawala ang kaligtasan.
Malinaw din ang sinasabi sa Juan 10:28 - "At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay."
Huwag nating gawing sinungaling ang Dios, binabanggit sa Tito 1:2 - "Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;"
Kaibigan, hindi ikaw ang magbabago sa sarili mo, wala tayong kakayahan na magbago sa sarili natin. Pananampalataya at pananalig sa Dios ang ating kailangan, hindi gawa, upang walang sinumang magmapuri.
Sana ay naliwanagan ka kaibigan. Ang simpleng logic lang naman dito ay kung ang paniniwala mo ay nawawala ang kaligtasan, hindi ka ligtas. Pagpalain ka ng Dios kaibigan.
aqo ay adventist dahil naniniwala aqo na babalik si Jesus muli d2 sa mundo upang tayo ay kunin at dalhin sa langit sa kanyang ikalawang pagparito...tungkol nmn sa topic sa itaas totoo ngang walang naka sulat na sambahin natin si Jesus, ang nakasulat lng ay sambahin ang Panginoong Diyos ayon sa mateo 4:10....
Ako'y iyong ituwid kung namamali ako ng aking pagkaka intindi sa iyong pahayag kaibigan, ngunit ang aking pagka unawa dito ay ang iyong paniniwala ay magkaiba ang Dios Ama at Panginoong Hesu Kristo?
Sinabi ng Juan 10:30 - "Ako at ang Ama ay iisa."
Nagsalita si Hesus sa Markos 2:5 - "...Anak, ipinatatawad ang iyong mga kasalanan." At sinabi din sa Markos 2:7 - "...sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa, ang Dios lamang..."
Sa Juan 1:1 - "Nang pasimula sya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios."
Kung kaya't ang binabanggit sa Mateo 4:10 ay maliwanag na dapat sumamba sa Panginoong Dios na si Hesu Kristo.
Mateo 2:11 - "At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ang kaniyang inang si Maria; at NANGAGPATIRAPA sila at NANGAGSISAMBA sa kaniya...." Ipinakita dito ang mga Mago na nagsisamba sa ating Panginoong Dios na si Hesus.
Mateo 28:9 - "At narito sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang Kaniyang mga paa, at Siya'y SINAMBA." Isa na namang malinaw na pahayag na sinamba ang ating Panginoong Dios na si Hesus.
Patungkol naman sa impyerno. Kung ating babasahin ang tungkol sa isang mayamang lalaki at Lazaro, na kung saan ay nuong namatay si Lazaro ay napunta sa sinapupunan ni Abraham, at nang mamatay ang mayamang lalaki ay napunta naman sa impyerno (Lukas 16:19-31). Huwag po nating kalimutan na hindi po ito isang parabula o isang kwento lamang, ngunit ito ay totoong nangyari. Isang matibay na pruweba na ang impyerno ay naghihintay sa mga ayaw sumampalataya sa Panginoong Dios natin na si Hesus.
Kung ating titingnan ay gumamit ng aktwal na pangalan sa kwentong ito ang Panginoong Hesus (Lazaro). At sa lahat ng Kanyang mga mensahe at turo ay ipinapahayag Nya kung ito ay isang parabula. Katunayan ito na ang impyerno ay kasalukuyang aktibo at ang mayamang lalaki na nakasaad sa kwento ay kasalukuyang nagdurusa sa dagat-dagatang apoy ng impyerno.
Maliwanag din ang sinasabi sa Hebreo 9:27 - "At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom."
Unawain natin ang bawat salita na nasa Banal na kasulatan na syang ating gabay sa tamang pananampalataya sa ating Panginoong Dios na si Hesus.
wag mong sakyan ang once you saved always saved dahil baka sa imperno ka pupulutin
Maliwanag ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito, Hebreo 10:26 - "Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan." Ang Panginoong Hesus ay napako at namatay sa krus at namatay ng isang beses lamang. Walang binabanggit dito na nawawala ang kasalanan. Ngunit kung hindi nabuhay namag-uli si Hesus matapos ang ikatlong araw, marahil ay sumang-ayon ako sa 'yo kaibigan.
Mateo 7:1 - "Huwag kayong magsihatol, upang hindi kayo hatulan." It's between me and the Lord my friend. Ang pagpunta sa impyerno ay desisyon at pagpili. At pinili ko na sumampalataya sa Kanya upang hindi ako mapahamak, bagkus ay magkaroon ng buhay na walang hanggan kapiling Nya sa langit.
1 John 5:12 - "He that hath the Son hath life; and he that hath not the Son of God hath not life." Maliwanag na sinasabi dito na ang kaligtasan matatagpuan kay Hesus, hindi sa pamamagitan ng gawa. Siya ang daan, katotohanan at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ni Hesus. (Juan 14:6)
Pagpalain ka kaibigan.