Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Aliens/Martians Meeting Place♥

pahingi po nang link san ma dl ung movie na ancient alien... Plssssssssss...... Salamat po...
 
Pag sinabing Universe, eto yung paniniwala na nagi-isang kalawakan lang ang mayroon sa kabuuang lawak ng ating kalawakan. Ang paniniwalang Universe din ay tumutukoy sa paniniwalang wala nang ibang nilalang na nabubuhay bukod sa atin sa magkabilang hangganan ng Universe.


Hanggang sa noong 2005 ay nagsimula na ang paniniwalang Polyverse o Multiverse. Ayon sa mga paga-aral ay maaaring ihambing ang kabuuang kalawakan na kinabibilangan ng ating galaxy at solar system sa isang bula sa ilalim ng tubig. Nangangahulugang, bukod sa bula kung saan tayo naroroon ay may iba pang mga bula. Ang konseptong paniniwalang Polyverse ay tumutukoy din sa mga posibilidad na hindi lamang tayo ang nilalang ng kalakhang kalawakan.


Nakalulungkot lamang isipin na masyado na tayong huli sa teknolohiya kumpara sa ibang nilalang ayon sa mga mananaliksik ng bagay na ito. Ayon sa paglalarawan ng isang Physicist sa Japan ay para daw tayong mga LANGGAM na naninirahan sa gilid ng HIGHWAY. Kung saan ang HIGHWAY at ang kabuuang siyudad ay ang mga ALIEN o Extra Terrestrials.
Gaya ng langgam ay hindi nito nadidinig ang dagundong ng mga humaharurot na sasakyan kung kaya't wala silang ideya kung ano ang mga sasakyan, ang highway at ang siyudad.
Parang tayo ding mga tao, hindi natin tukoy kung ano ang ALIEN, ang Universe at lalo na ang Polyverse, sapagkat ang tanging basehan lang ng ating impormasyon ng kalakhang kalawakan ay sinusukat lamang ng wave length ng HYDROGEN, kung saan ang mga ALIEN diumano ay may teknolohiyang gamit ang buong spectrum wave length kung kaya may kakayahan silang matukoy at makita kung nasa saang dako tayo.


Ngunit ang napakalaking tanong ay: KUNG TUKOY NA TAYO NG MGA ALIEN AY BAKIT HINDI SILA MAGPAKITA SA ATIN? O kaya'y tuluyang dito na manirahan sa ating planeta?


Ang sagot ay nasa konsepto pa din sa pagitan ng HIGHWAY at LANGGAM. Diumano ay maaaring sinlalaki lang tayo ng langgam kumpara sa mga ALIEN, at ang mga UFO ay ilan lamang na instrumento nila upang tayo ay pag-aralan. Gaya ng sa medisina kung saan nagpapasok tayo ng foreign body sa katawan ng tao at obserbahan ang magiging reaksyon ng ating katawan sa foreign body.


Mahirap mang isipin subalit nangangahulugang ang Kalawakang ating kinabibilangan ay gatuldok na bula lamang sa dagat dagatang kalawakan na kinatatampukan pa ng mga mas di hamak na mas malaki kaysa ating kalawakan.
 
good morning po sa lahat... good thing to know na may ganitong thread sa forum nato... hehe, i'm a fan dinkasi sa mga ETs and super natural things... :D
 
May docu at ebook ako ng "chariots of the gods" upload ko minsan

busy lang ng kaunti
 
welcome ka martian ^_^

anu bang topic ngayon dito? hehe

wala na panibagong episode ng ancient alien kaya matagal na din akong hindi nakakakita ng documentaries na mga ganun... hehe baka meron kayong ma recommend dyan...
:D
 
anu bang topic ngayon dito? hehe

wala na panibagong episode ng ancient alien kaya matagal na din akong hindi nakakakita ng documentaries na mga ganun... hehe baka meron kayong ma recommend dyan...
:D

Chariots of the Gods po.
 
hindi po yung ancient alien episode. may full length documentary po yun. based sa book. ako po natapos ko na sya.
 
hindi po yung ancient alien episode. may full length documentary po yun. based sa book. ako po natapos ko na sya.

ah akala ko yung sa ancient aliens... pde pa link ng video na yan sir?
 
hmmmm..

maraming salamat po! ok na ok ang torrent dyan! yung ebook nya nasa half palang ako... hehe...

e2 lang bah documentaries ni erich v?

hmmm meron pa yatang iba pero di mismong yung mga sinulat nya ang front center parang ininterview lang sya on the side. yung prang mga apperances nya lang din sa ancient aliens.


http://www.imdb.com/name/nm0902206/
 
Re: hmmmm..

hmmm meron pa yatang iba pero di mismong yung mga sinulat nya ang front center parang ininterview lang sya on the side. yung prang mga apperances nya lang din sa ancient aliens.


http://www.imdb.com/name/nm0902206/

ah, ok thanks for the share po! so far kasi ancient aliens lang ang best ET documentary na na kita ko... ung mga nasa NATgeo at discovery d gaanong revealing eh hehe...

pero in your opinion po naniniwala ka sa ETs? hehe
 
ang maganda kasi yung series sya kaya kaya nilang magexpand sa isang particular topic, unlike kung isang full length documentary na sasayaran lang lahat ng topics..


hmmm oo.. pero di lahat nung nasa ancient aliens. yung iba kasi parang very speculative na e.
 
ang maganda kasi yung series sya kaya kaya nilang magexpand sa isang particular topic, unlike kung isang full length documentary na sasayaran lang lahat ng topics..


hmmm oo.. pero di lahat nung nasa ancient aliens. yung iba kasi parang very speculative na e.

ah tama ka nga po, maganda yung AA kasi may certain topic sila every series... hehe

hehe tama ka, meron man ding iba na non-sense pero meron din yung parang napapaisip ka talaga... damn! saan na ba sila ngayon? bat noon lang sila nag pakita!!! hahahaha :lol:
 
basahin mo nalang ito on scribd, free

http://www.scribd.com/doc/45091928/Story-Ronald-The-Space-Gods-Revealed

51IzH7-C%2BUL._SL500_AA300_.jpg
 
that book would make you a very sad sad ET believing man. :)
 
Back
Top Bottom