Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay All about February 14 By: Kikingbot

Actually, itong panulat ko na ito ay isinubmit ko sa isang website para mafeature sa kanilang funny articles para sa valentines. Nagreply naman. Ang sabi 200-300 words lang daw ang kailangan nila na article at ang article ko ay lagpas sa 900 ang mga words. Oh well, since wala na din naman akong pag gagamitan share ko na lang to sa inyo mga ka-symb. Sana magenjoy kayo sa unang panulat ko na ito :)

All about February 14
By: kikingbot

Pebrero na naman! At sa kaalaman nang lahat ay ito ang famous na buwan nang pagmamahalan.

Ika nga sa mga lumang joke books ay marami nanamang ipapanganak na sanggol sa buwan nang Setyembre. Yehey!

Bukod sa pagmamahalan ay ito din ang buwan kung saan ay literal na nagmamahal ang presyo ng mga produktong panligaw tulad nang bulaklak, tsokolate at teddy bears.

Ang kagandahan naman nito ay hindi lang naman puro pagmamahal ang meron sa buwan ng Pebrero. Dahil ito din ang buwan kung saan nagmumura naman ang mga suki nating Motels, Inn at Hotels. Dito din natin matitikman ang kani-kanilang mga limited seasonal offers tulad nang libreng Pansit Canton sa breakfast o kaya naman ay Crispy Pata pag nagextend ng 3 hours. Basta lagi lang tatandaan mga kaibigan na 0 ang reception at 1 naman ang food service.

Pero ang mas kagulat gulat sa araw na ito ay yung mga package deals na makikita natin sa mga convenience store. Sa panahong ito makakita tayo nang mga weird na kombinasyon sa kanilang mga istante. Sting na may kalakip na Condom. O di kaya ay Toppers na may kasamang pakete ng EZ lubricant.

Pagsapit nang araw nang Pebrero 14 ay inaasahan na nating maging jam pack ang ating kakalsadahan, malls, parks, tourist sites o mga restaurants dahil sa bugso nang mga dating couples. Halos karamihan ay lalabas. Dahil sa papatak nang Martes ang Valentine’s Day. Ang iba ay galling nang opisina o di naman kaya sa eskwelahan kaya malimit lang ang magiistay sa bahay at gagawing date ang panonood nang 24 oras, TV patrol o 700 club asia.

Kung single ka, marahil sa araw na iyan ay isa ka sa mga bitter na nagmamalaki sa mga friends mo na “Im proud I’m single” o kaya naman ay “I’m so lucky walang gastos”. Pero deep inside gusto mo na silang saktan dahil sa banas kakatanong nila kung may ka-date ka ba sa sa darating na Valentine’s.

O marahil ay isa ka sa mga netizens na magpopost sa mga Social Networking sites nang mga hugot shits tulad nang “Buti pa CR merong Bidet” o kaya naman ay “Aanhin mo ang pagibig na wagas kung wala namang pambili nang bigas”.

Sa totoo lang, nakakalungkot din naman talaga ang Valentine’s day para sa mga karamihan nang single. Kumbaga ito yung Nobyembre nang mga walang jowa. Biyernes santo nang mga sawi. 9/11 nang mga kakabreak pa lang. Lalo na sa mga single na ang edad ay lalagpas na sa araw na meron sa Pebrero, mas masakit ito dahil feeling nila ay ito yung dapit hapon nang kanilang mga matress o semilya.

Pero alam mo.. normal lang naman yan mga ka-macho, minsan ay darating din ang taon na pagdududahan na natin kung bakit walang pagbabago ang Valentine’s day nang kasalukuyang taon sa nakaraang taon. Sasagi sa isip na calling mo na ba ang mag pari o madre? Wag naman! dahil sayang naman yung pinaghandaan mong pagpapatuli nung grade 6.

So ano nga ba ang talaga ang gusto kong iparating sa panulat ko na ito?

Wala naman! Napansin ko lang na minsan ay masyado nating ino-over exaggerate ang pagcelebrate nang araw nang Valentine’s. Kesyo kailangan mo magkaroon nang ka-couple o ka-date para ito ay lubos na mai-celebrate. Wala na ngang pambili nang brief bibili pa nang tripleng presyong bulaklak sa dangwa.

Kung tutuusin media lang naman ang may dahilan kaya madalas nating naibabangga ang salitang Valentine’s day sa pagkakaroon nang boyfriend at girlfriend. Sabi nga nang Tatay ko ang mga postcards ang dahilan kung bakit nabuo ang Valentine’s day. Dahil sa parte ito nang kanlang advertising ang gumawa nang mga imbentong araw para makagawa din nang imbentong occasional cards.

Siguro kailangan lang nating lubos na maintindihan kung ano ba talaga ang ibig sabihin nang Valentine’s Day sa rasyonal na pagiisip at hindi sa purong emosyonal

Pero bago ang lahat, anu nga ba ang ibig sabihin nang Valentine’s Day.

Ang pinaka common na depinisyon nang Valentine’s Day ay “araw nga mga puso”. O diba malinaw na malinaw kaibigan.. “Puso” mga kaibigan at hindi “araw ng mag jowa”. So meaning? Ito ang panahon kung saan maari mong iparamdam sa mga mahal mo sa buhay na sila ay mahal na mahal mo at lubos na pinapahalagan. Kahit na pwede mo naman itong gawin sa pang araw araw na buhay. Just to make it extra special pwede ninyo I-celebrate yan sa Valentine’s Day.

Ang gusto ko lang talagang sabihin na ang pagmamahal ay hindi lang naman para sa mga couples, sa mga nagda-date, o sa mga nagliligawan ang araw na ito. Para din ito sa ating mga kaibigan, pamilya, katrabaho, komunidad, ating mga pinakamamahal nang mga alaga o para sa ating mga sarili.

Meaning? Kung wala ka namang ka-date. Maari kang makipag kita sa mga kaibigan mo na single din. Kumain kayo, magparty, kwentuhan, inuman o manuod nang sine. O di kaya naman ay itreat mo ang family mo sa mga masasarap o unusual na kainan, magpamasahe at magrelax. Maari din naman na pahalagahan mo naman ang iyong sarili mula sa lubos na pagtatrabaho. Magpamanicure ka, pedicure, facial, pagupit o lumamon ka nang mga iniiwasan mong makolesterol at mamantikang mga pagkain.

Maari mo din namang ishare ang Valentine’s Day kasama ang komunidad. Kasama nang mga kapos palad o palaboy sa kalsada. Magshare ka nang blessing sa pamamagitan nang pagbili sa kanila nang pagkain o di kaya naman ay nang kanilang mga necessities tulad nang tsinelas, damit o mga grooming kits.

Bilang panghuling panulat.

Gusto ko lang talagang iparealize sa iba ang ibat ibang aspeto nang pagcecelebrate ng Valentine’s Day. Marahil yung iba ay masaya sa kanilang mga dates. Yung iba naman magmumukmok o magececelebrate kasama nang kanilang mga mahal sa buhay. Kung anong trip man yan, ika nga nila ay walang pakeelamanan at basagan. Kanya kanyang taste lang yan. *wink* *wink*

So pano mga ka-macho, goodluck sa mga Valentine’s day nyo ha? Comment lang kayo nang mga Valentine’s experience nyo para mapagkwentuhan natin. Dahil gusto ko din naman talagang mabasa yan. Chow!
 
Last edited:
Back
Top Bottom