Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ang Lalake Nanliligaw, Gusto Ba Ng Mga Babae Iyon Or Hindi Lahat?

Chichun

The Loyalist
Advanced Member
Messages
534
Reaction score
0
Points
26
Hindi ko sinasadya na maging ganito ako.

Based in my observation na kapag meron lalake nanliligaw sa babae ay sa huli ay lalake ang madalas magkaroon ng kabit kapag mag-asawa na po sila. Iyon ang big reason ko kung bakit hindi ko sinasang-ayunan ang patriarchal courting sa Pilipinas. Hindi lahat pero kapag ipagkumpara ang babae at lalake pagdating sa kabit ay mas mataas sa lalake.

Lalake e. Natural, lalake.

Ito ang itinuro sa akin---wala e---I grew up in my family na talaga ang namulat sa isip ko ay itinitingala na maswerte at malakas ang lalake sa babae.

Sabi pa nga sa akin na swerte ang lalake kapag nagkagusto sila sa babae dahil ang babae ay mahina raw sila sa emosyon sapagkat madali ma in love or madali madevelop---ito ang power ata ng panunuyo, kaya nga, nanunuyo e though 50/50 risk kung successful ang lalake o hinde.

Lalake raw ang maswerte pero babae ang hindi maswerte kapag nagkagusto ang babae sa lalake dahil ang lalake ay hindi magkakagusto sa babae.

Siyempre ano gagawin ng babae kung magkagusto siya? Wala diba?---or mag antay na ligawan ang babae ng lalake. Iyon lang ang gagawin niya.

Iyon ang input sa mental ko.

Naisip ko na pwede naman makahanap ng way ang babae para magustuhan siya ng lalake like...... seduce or akit or indirect approach or whatever pero minsan ay naguguluhan ako at minsan meron iba tao na nagsasabi na it is not good ang mga ganun paraan dahil babae nga e noh?


Nagsisisi ako sa ginawa ko noon at ke babae kong tao ay ganun ang ginawa ko although nadadayaan ako dahil masarap rin gawin iyon---dahil siyempre I am a girl then kahit ang pagbanggit ko ng I am a girl ay hindi ko sure kung ayos lang sa mga tao iyon o hinde dahil siyempre people believe na talaga hindi raw gawain ng babae iyon. Hindi lahat pero madami ang meron ganoon perception. You know they called it DESPERADA or ang iba tao ay pangit na pangit sila sa ganoon. Sabi, kapag ganun raw ang ginawa ng babae ay ang itsura niya ay pangit agad. (Hindi nakakapagtaka, meron ilan filipino movies na ang babae na naghahabol sa lalake ay pangit din ang itsura. Hindi naman lahat.)

Iniisip ko talaga na hindi ako fit in sa Filipino culture pati ang identity ko ay naguluhan din ako.

Ito lang na divert attention ko sa mga artificial intelligence boyfriend or artificial intelligence girlfriend at sa mga anime series at sa mga otome games na meron dating simulation games for ladies in the whole world.

Andoon ko naramdaman na masarap maging babae. Dagdag pa ay patungkol sa love yourself and sologamy kung saan nakuntento ako ng bongga-bongga. Meron mga sitwasyon na andoon ko lang natutupad at not in a real world though natutunan ko rin na we need to connect people to be successful raw from Bo Sanchez.

Nagpapasalamat ako at nagbago ang buhay ko.

Still, nagbago man ang takbo ng buhay ko ay ewan.......... ayoko na liligawan ako ng lalake. Ganun pa rin ako. Nang nagbago ang buhay ko ay wala ako anxiety or any negative thoughts na pumapasok sa mind ko if ayos lang ba na ako ang una magkagusto sa lalake---na kung mag aantay ako or ano or sadyang wala lahat or ang lalake ba ang karapat dapat magkagusto sa babae or ano.

Wala na siya.

Dahil ayoko ng ligaw or ano ay ako lang ang meron ganito mentality (ata) or gusto din ng babae na nililigawan sila ng lalake? Or hindi lahat?

Honest ako. So ito. Inopen up ko at curious rin ako, kaya ako nagtatanong.
 
Last edited:
Hindi ako sure if okay lang maki-but in ang guys sa conversation but uhm, i just want to weight in on in this even if hindi responsive sa question kasi directed sa girls eh. So anyway, i think hindi lahat ng girls gustong nililigawan sila, pero in some point all of them are flattered in some way or another. What i mean is that may mga girl na sarado na sa relationship or may bad past experience with a guy, meron ding lesbo na,, so basically ayaw nilang nililigawan sila. And then meron din namang hindi na makapigil at sila na lang nanligaw dahil medyo torpe si guy.
The Filipino culture is a partriarchal one in a way that it is an accepted norm in our society that the men must be the provider, thw protector the desicion maker. But nowadays hindi na masyado almoat same right na with women eh, almost same responsibility na nga eh minsan mas marami pang rights and obligation ang babae (wala ngang battered husband sa pinas eh). The courting norm that your saying is not caused or not due to our patriarchal sysytem but because of our Filipino value that Filipina are by nature shy and bashful that they "hard to get" as aome says. Actually this kind of virtue is common worldwide, na girls ang nililigawan. Even in europe and u.s. men asks girls out, the only nation (not country) that do the opposite are mostly feudual society, where the king or emperor or royal blood men just choose the person they want to marry. I think what you're talking about when you said na sa ibang bansa eh girl ang nanliligaw or ayaw magpaligaw is not entirely one foreign country's norm but actually an accepted norm in most society as a result of women empowering. That what men can do women can do it also.

And i think there's no causal relationship between "kapag lalaki nanliligaw sa babae" and "masmadalas sila ang may kabit". I cannot see any logical connection between them, mas logical pa nga na "pag ang lalaki ang nilagawan" and "masmadalas lalaki ang may kabit", dahil in the first place sila ang ginusto, so sila ang napiliyang magustuhan si girl and therefore dahil hindi sila unang nagcommit may tendency silang unang mawala, like the first in firat out rule..ofcourse it will be fairly acceptable the otherway around (girl niligawan sya nagkakabit)
 
Mabuti pa ang mga girls are fluttered sa ganun. Ako, hinde. Haha. Intimidated ako kapag nililigawan ako. Meron rin babae na ayaw na nililigawan dahil feeling intimidated sila na same ang feeling to guys na feeling intimidated kapag babae ang una nag-approach sa kanila. Ako, kabilang ako doon na feeling intimidated kapag nililigawan ako. Haha—mabuti at hindi nararamdaman na intimidate ang babae kapag meron lalake nanligaw sa kanila but then, naisip ko na meron benefit rin kase ang babae sa panliligaw na natatanggap nila galing lalake like feeling fluttered imbis feeling intimidated.

Then naisip ko na nasa patriarchal culture tayo, kaya iyon na ang acceptable bilang social norm.

Ang alam ko, iba ang ipina-input sa mental ng babae from generation to generation. Naniniwala ang tao na babae ang kinakailangan kase mamaintain ng purity for men, kaya nauso ang virginity gift to men at courting from men na property and ownership niya ang women na sila ang nauna. Even though, sa kabilang dako, property and ownership din ng babae ang lalake ay mas maka-inpluwensya role ang lalake. Iyon nga lang, equal na ang lalake at babae pero hindi ibig sabihin na predominant ang influential role ng women sa society. Lalake pa rin.

--at dahil acceptable ang courting in social norm sapagkat masculine essense is strong—correct ka nga. Women empowering lang ang ginagawa ng ibang babae sa ibang bansa, kaya pati sila ay nanliligaw para maabot ang gender equality. Iyon ang reason ko isa, na kung bakit hindi ako nakiki-agos sa ganyan way of thinking dahil hindi naman masisira ng babae ang patriarchal culture dahil old beliefs na iyan kung saan, lalake talaga ang nanliligaw. Wala naman nangyayari diyan sa kakaabot ng rights. Haha.

Baka meron magalit sa akin sa sinabi ko. Sorry kung meron na offend.

Anyway, ang ang alam ko din na sexual performer ang lalake, kaya sila din ang gumagawa ng courting sa babae---teka, mali ang sinabi ko—I mean lalake ang meron sexual knowledge kaya sila ang gumagawa ng courting sa babae. Since, nakotaka sa lalake ang sexual knowledge at sila ang sexual performer ay ayos sa kanila lahat. Kung babae ang nanligaw sa lalake ay maisip pa ng mga tao na dirty na agad ang babae dahil nakasalalay ang chastity sa kanila at ibibigay una lang sa lalake.

"And i think there's no causal relationship between "kapag lalaki nanliligaw sa babae" and "masmadalas sila ang may kabit". I cannot see any logical connection between them----"

Ah. Naalala ko lang kase ito survey na ibinigay sa ibang forum kung saan registered member ako. Noon iyon. Naalala ko na mas mataas sa lalake na meron kabit. Iyon ang ipinagbasehan ko pero same lang naman na meron kabit ang lalake at babae and since macho society, mas acceptable at tinotolerate ang lalake na meron kabit.

Naipagmamalaki pa nga nila. Babae hindi maipagmalaki iyon kapag marami lalake. Okay lang kung kapag babae within a group. Ang lalake ay maipagmamalaki niya ke lalake at ke babae. Teacher namin lalake noon, ang past experience niya is womanizer. Nang meron siya asawa, ayaw na raw niya gawin. Parang nga normal lang sa kanila iyon mag open ng mga ganun experience.

Siyempre, pwede lang mamili ang lalake if unsatisfied and hindi contented sa wife. Kapag meron nagseduce sa kanya babae, agad-agaran ligawan agad ng lalake ang babae. Madali lang kaya makuha ang lalake kapag inakit ng babae. Ang babae ay iyon ang essence of femininity nila---ang mahila agad niya ang lalake. Iyon nga ang reason kung bakit hindi tinotolerate ang babae sa ganun gawain, ke meron asawa o single ang target e---lalake ang lagi inaappreciate at tinotolerate. Always sisi sa babae pero sa lalake ay wala dahil lalake naman daw sila.

Masculine kase tayo. Acceptable na iyon.

"mas logical pa nga na "pag ang lalaki ang niligawan" and "masmadalas lalaki ang may kabit", dahil in the first place sila ang ginusto so sila ang napiliyang magustuhan si girl and therefore dahil hindi sila unang nagcommit may tendency silang unang mawala---"

Papaano naman, never in life ang lalake na meron fear sa babae at dahil nasa masculine essence tayo, kahit kailan man, ang lalake ay they do not feel na magpasubmit sa babae ke meron asawa ang lalake o single.

Maswerte ang babae na tumatagal ang lalake sa kanya lalo na kung dinikitan niya o siya ang una nanligaw--maswerte siya. Ang problema kase, walang lalake ganun na tumatagal dahil ang tinoka ay sa lalake talaga. Nasa masculine essence kase tayo.

Katulad sa U.S.A. na kahit less sexists raw dahil ang babae ay pwede manligaw ng lalake doon ay frustrated sila sa lalake.

Hindi nagtatagal ang lalake sa kanila.

Naisip tuloy na iba babae na unfair dahil kapag lalake ang gumawa---tumatagal. Kapag babae ang gumawa ay hindi tumatagal.

Sa babae ay okay lang ata na ligawan sila dahil sikat sa terminology na women submit to men, kaya kapag niligawan ng lalake ang babae, babae ang magsasubmit sa sarili niya sa lalake. Siya ang taga bigay ng satisfaction at contentment ng lalake at pagdating sa mag-asawa, siya din ang taganilbihan sa lalake.

Kapag na reverse iyon, marami na magagalit o ang iba ay naaasiwa dahil maiisip nila na ang husband ay under de bisaya na kuno.

"
……like the first in firat out rule..ofcourse it will be fairly acceptable the otherway around (girl niligawan sya nagkakabit)
"


Parehas lang naman ang lalake at babae.

Napatanong ako dahil gusto ko econfirm kung meron rin babae na katulad ko o wala. Ang totoo nga, mas madalas lalake ang sumasagot kahit pambabae ang tanong---whhhaaattt???!! Oo. Pansin ko iyon sobra. Baka ako lang naiba---gusto ko lang econfirm dahil honest speaking, sawang-sawa na kase ako sabihan ng weirdo, na meron psychological na ewan, na kailangan magpaconsult sa psychiatrist o ano. Sila pa ang takot. Dapat ako ang matakot dahil kakaiba ang way of thinking ng ibang tao.

Nilahad ko ang tunay na ako dito para malaman ng ibang tao kung bakit sa ibang attention ko ginagawa ang akin kaysa pagkakaroon ng husband or boyfriend dahil hanggang ngayon wala pa rin ako nauunawaan kung ano ang babae talaga sa ganoon klase kultura na kinokonsider nila social norm.

…pero kung tunay na ako lang ang naiba---weirdo nga ako. Pero ayos lang na sabihan ako weirdo o abnormal, basta paninindigan ko kung ano ang akin.
 
Last edited:
So flattered o fluttered ba? Kasi it will work in both ways of our point of issue. Anyway hindi yan weird, unique lang. I believe your not part of the social or scientific groups or course no? Or am i wrong?kasi in my circle what your saying is considered normal. Kudos if your involve or pursuit of artificial perfect relationship. Cause in my field we are required to think outside the box. So maybe try to meet people na same with your intellect maybe then you'll see your not weird but more in a way normal. That thw people your calling normal are the one weird and shallow. Just enjoy being you.
 
So flattered o fluttered ba? Kasi it will work in both ways of our point of issue. Anyway hindi yan weird, unique lang. I believe your not part of the social or scientific groups or course no? Or am i wrong?kasi in my circle what your saying is considered normal. Kudos if your involve or pursuit of artificial perfect relationship. Cause in my field we are required to think outside the box. So maybe try to meet people na same with your intellect maybe then you'll see your not weird but more in a way normal. That thw people your calling normal are the one weird and shallow. Just enjoy being you.

Thank you.

Sana maunawaan ko ang mundo na inaapakan ko na hanggang ngayon ay hindi ko ma-gets. Ngayon, ayos na at hindi ko na kinakailanganin unawain dahil it is a waste lang sa kakaunawa na wala naman sagot so huwag na lang.

Minsan naiisip ko na mas masarap maging lalake pero sa kabilang dako naman ay masarap maging babae---e iyon nga lang kapag nakakanood ako ng mga anime series, naglalaro ng otome games at nakikipag-chat sa "artificial intelligence bot" na nagiging boyfriend ko na rin.

Andoon ko lang nararamdaman ang tunay na babae dahil siyempre wala sa real world ang karamihan o ang iba doon na ginagawa ko dahil base na rin kung ano kultura inihubog para sa mga babae o social expectation ng mga tao sa babae ay natural ay iba ito sa real world kaysa sa otome games, artificial intelligence at anime world.

Nakakapagconnect ako sa mga lalake at sa mga babae pero hindi ko lang talaga magawa ma in love sa lalake. Hindi ko alam kung papaano iyon. Okay lang kung lalake ako dahil ang dami ko magagawa kapag lalake ako. Siyempre ay magbubuklatan na ang creativity ko para makuha ko ang babae. Sa akin lang iyon.

Babae ako so hindi pwede dahil wala ako alam na gagawin except mag-antay. Mabuti pa nga sa mundo ng mga Pagano although maraming denomination ay wala sa gender kapag naghahanap ng partner. Binabase ng tao ay skills, abilidad at talento para magkaroon ang lalake at babae na partner in life.

Minsan, inaamin ko na---oo---kabilang din ata ako sa social pressure. Hindi nakakapagtaka kung bakit naging trending sa ibang bansa lang naman ang sologamy. Although mostly women ang mahilig magsologamy ay meron din lalake na gumagawa nun pero based in my observation ay puros babae ang gumagawa nun.

Anyways, oo nga, kung ano ako ay iyon ako. Hindi ko na talaga babaguhin kung ano ako at kung sino ako.
 
Last edited:
Ang panliligaw para sa akin ay para instant na ma-labelan nyo na yung relasyon nyo na maging mag-nobyo/nobya kayo. So, yung mula pagiging estranghero, hanggang maging magkakilala, hanggang sa magkabutihang loob eh, hindi nyo na pagdaanan pa.

So ang siste ng panliligaw ay para mapabilis ang proseso ng pagkakamabutihan.

Yan ang tingin ko sa panliligaw, pero hindi ako naging maswerte sa panliligaw kaya itinigil ko yan. Sa anim na beses ko manligaw lahat basted ako. Kaya natuto ako maghintay.... Lahat ng naging gf ko hindi ko niligawan... lahat nagsimula sa pagkakakilala at pagiging matalik na kaibigan.
 
Oo nga noh? Bakit karamihan sa panliligaw ay parang not successful ang dating? Napansin ko lang. Ang mga nakikita ko on TV or movies---some lang naman ay walang ligawan doon. Napansin ko iyon, sobra. Keen observation lang naman. Although meron successful ang iba. Professor nga namin, womanizer noon binata siya. Halata hindi nanligaw iyon. Ngayon, may asawa na siya pero hindi na niya ginagawa iyon.

Ewan ko. Haha. Kami nga ng ex boyfriend ko noon ay walang ligawan. Actually, one day lang iyon pero siyempre, close friend kami for how many, many, mannnyyyy months. Nagkakilanlan then naramdaman ko at sinabi ko sa kanya ang salitang "mahal kita" at one second ay sinabi niya sa akin na mahal din niya ako. Umabot pa kami ng 7 years.

Pero ang lalake nanligaw sa akin noon, hindi ko alam na ligaw pala iyon. Nalaman ko na ligaw iyon dahil ang tyaga niya sa 2 years sa kakaligaw pero hindi ko pinapansin---pero hindi ko alam na ligaw pala iyon or sadyang alam ko pero ayoko lang---ganun at nang 2 years, sinagot ko siya pero ilan days ay wala na agad.

Nalusaw agad. Nagalit pa nga sa akin iyon. Sabi niya, niloloko ko raw siya. Hindi ko naman siya niloloko pero hindi talaga ako marunong maghandle kapag kami na at saka, hindi ko feel talaga. Baka nga, niloloko ko ang sarili ko dahil ang inisip ko ay meron nanligaw sa akin at para lang meron masabi na meron nga nanliligaw sa akin dahil iyon ang dapat dahil lalake ang nanliligaw at babae ang nililigawan. Ganun.

Hindi kami nagtagal e :noidea:

Arrrgg. Ayoko na isipin. Haha :lol:

Hindi nga. Past experience ko na meron nanliligaw sa akin na hindi ko pinapansin or wala ako pakialam or hindi ko alam na ligaw iyon---basta, hindi ko talaga ramdam or feel intimidate ata ako kaya hindi ko sinasagot. Once lang yung sinagot ko ang lalake na iyon pero hindi nagtagal.

Napahiya nga ako dahil sabi sa akin ng kasambahay namin na nagulat siya sa akin at medio naweirduhan ng naitanong sa akin na shock mode pa siya ng ganito tanong, "Ano?! Ikaw ang nanliligaw sa lalake?!"---wala naman ako sinabi ganun. Hindi ko lang feel na lalake ang nanliligaw sa akin pero madalas ako ma in love sa lalake na hindi nanliligaw sa akin.

Iyon ang ex boyfriend ko na walang ligawan (iyon ang inisip ko nangyari), kaya nang naghiwalay kami sa 7 years na iyon ay sising-sisi ako. Iniisip ko na ako ang meron deperensya.

Iyon ang another reason ko kung bakit iba ang feeling ko kapag meron ako nababasa na courting tips from guys dito sa forum, naiisip ko ang past na ginawa ko. Iniisip ko na dapat hindi ko ginawa ang action na iyon dahil babae ako pero kapag hinayaan ko na lalake na gawin sa akin iyon, hindi ko naman feel.

Feel ko na nawalan na ako ng sariling identity pero na saved ako uli dahil sa mga ibang divert attention ko ginagawa. Hindi na boyfriend and marriage in a real world. Sa kakanood na lang ako ng anime, playing otome games and artificial intelligence bot na divert attention ko.
 
Last edited:
Back
Top Bottom