Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano ang masasabi mo sa Federalism

It promotes uneven distribution of wealth. Since the national government will have no say on how each region develops, they will develop in an uncoordinated fashion and at varying paces. Those lucky enough to have good leaders and those blessed with natural resources will create wealth faster than those without. For federal nations, it is not uncommon to have wealthy communities like Madrid living alongside poorer ones like Extremadura. The same thing can happen to us.

Achieving progress while respecting diversity is the rationale of Federalism. As illustrated above, it can work for or against us. At the end of the day, it will all depend upon the quality of leadership steering the federal ship. So the bigger question is not federalism per se, but whether we trust Duterte and Marcos enough to lead us under a federal system of government .


Read more at http://www.mb.com.ph/the-pros-and-cons-of-federalism/#r3UxhMh6bto9QIYi.99

sana tamang leader ang manalo sa mayo wag tyo mag padalos dalos pagisipan mabuti wala akong pakialam kung taga mindanao man or luzon basta hindi sya magnanakaw at tapat sya sa bayan sya ang aking iboboto =)
 
Di naman pinipilit ni DU30 cguro yang federalism, na panood ko yung interview ni Cayetano at sinabi nya na uunahin muna nila solutionan yung mga current issue kagaya nang corruption sa loob at labas nang gobyerno.

Pero sakin parang walang sense na kaylangan pa natin ibahin yung sistema nang gobyerno? Ng kaylangan lang natin ay iboto yung mga hindi corrupt na politicians mula sa President hanggang sa barangay captain.... Or gumawa nang isang anti-graft and corruption task force na my total freedom mag imbestiga sa mga spendings nang gobyerno at gawing public yung mga info/data.
 
Last edited:
Ano ba itong Federalismo na isinusulong ni Mayor Duterte?

Magkwentohan tayo


Ihalintulad natin ang gobyerno sa isang bahay. Ang may ari ng bahay ay tayo mga Pilipino. Maraming tanim na halaman at gulay (Pera ng Bayan) sa paligid ng bahay. Itong bahay na ito (gobyerno ng Pilipinas) ay walang bakod kaya naman malayang nakakapasok ang mga ligaw na hayop (Corrupt na pulitiko) at sinisira at kinakain ang mga tanim. Dahil sa mabibilis at tuso ang mga ligaw na hayop (mga Corrupt na pulitiko) di mahuli huli ng may ari ng bahay ang mga ito. Kadalasan kalahati nalang kanyang napapakinabangan sa kanyang tanim. Ganito ang problema ng may ari simulat simula pa. Isang araw nakaisip sya ng ideya – lalagyan nya ng MATIBAY NA BAKUD (FEDERALISMO) ang paligid ng bahay upang harangin at di na makapasok ang mga ligaw na hayop na syang sumisira sa kanyang tanim!
Lets go Federal! Run duterte Run!


Main point lang po:
Hindi nag push si Duterte ng Federalism para masugpo ang corruption.

Ang main reason na pinush ni Duterte ang Federalism ay para matapos na ang gyera jan sa Mindanao.

====


Ganito kasi yan;
Ng hindi naituloy ang BBL, nag bigay ng threats of war ang MILF.

Yan ang reason kung bakit gusto ipalunsad ni PNoy ang BBL, pero ayaw talaga ng mga tao.

So si Duterte naman, na ayaw din ng gyera ay nagbigay ng alterantive, which is Federalism.

Pumunta siya sa mga MILF leaders at sinabihan nya, i consider nyo muna ang Federalism bago nyo "i pull yung trigger"

====

In other words, Federalism is just another name for a perfected form of BBL.
 
Last edited:
Main point lang po:
Hindi nag push si Duterte ng Federalism para masugpo ang corruption.

Ang main reason na pinush ni Duterte ang Federalism ay para matapos na ang gyera jan sa Mindanao.

====


Ganito kasi yan;
Ng hindi naituloy ang BBL, nag bigay ng threats of war ang MILF.

Yan ang reason kung bakit gusto ipalunsad ni PNoy ang BBL, pero ayaw talaga ng mga tao.

So si Duterte naman, na ayaw din ng gyera ay nagbigay ng alterantive, which is Federalism.

Pumunta siya sa mga MILF leaders at sinabihan nya, i consider nyo muna ang Federalism bago nyo "i pull yung trigger"

====

In other words, Federalism is just another name for a perfected form of BBL.

I agree to you that sir. But before anything else kasi maagal pa yang federalism ma construct, babagohin muna natin ang ating paligid para naman ready na tayo sa sa FEDERALISM GOVERNMENT. Pero paano ba natin babagohin, so kailan tulong2x din tayong mga Pilipino sa masid upang masugpo ang 1. CURRUPTION, 2. ILLEGAL DRUGS, AND 3. CRIMENALIDAD..
 
Main point lang po:
Hindi nag push si Duterte ng Federalism para masugpo ang corruption.

Ang main reason na pinush ni Duterte ang Federalism ay para matapos na ang gyera jan sa Mindanao.

====


Ganito kasi yan;
Ng hindi naituloy ang BBL, nag bigay ng threats of war ang MILF.

Yan ang reason kung bakit gusto ipalunsad ni PNoy ang BBL, pero ayaw talaga ng mga tao.

So si Duterte naman, na ayaw din ng gyera ay nagbigay ng alterantive, which is Federalism.

Pumunta siya sa mga MILF leaders at sinabihan nya, i consider nyo muna ang Federalism bago nyo "i pull yung trigger"

====

In other words, Federalism is just another name for a perfected form of BBL.

kung yang sinasabi mong perfected form of BBL ay ang magiging way para bitawan ng mga muslim ang kanilang mga armas pabor ako jan pero kung ganun parin at hahawak parin sila well theres no reason para isulong yang BBL na yan or Federalism, you know what i mean kung san tlga nag start ang gulong toh as long na may baril sila hndi maalis ang mga karahasan sa mindanao kung sinsero sila sa kapayapaan bitawan nila ang knilang armas at mkipag tulungan sa gobyerno =)
 
Putak na duterte to owh.. Boboto pa naman sana ako sa kanya.. Kaso iyang federalismo lang talaga ang pinaka ayaw ko.. Wala na ba siyang ibang naisip..
Sayang.... Siya na sana ang pag asa kaso may kunting ayaw ako ... Kasi hindi ko talaga ma gets paano matitigil ang corruption sa federalismo.. :upset:
 
Hindi si Duterte at Federalism ang main na problema, kundi yung mga rebelde.

If totoo yung sinabi niya na mag-surrender daw lahat ng mga rebelde kapag na implement na yang Federalism, eh okay sana jan sa Mindanao. Kaso parang mahirap maniwala sa mga taong nanginidnap at pumuputol ng ulo sa biktima kapag di binayaran yung ransom nila.

Kung sa bagay, marami namang pros yung Federalism.

Pero sana naman hindi mapupunta ang mga buwis natin sa mga rebelde, yun ang pinaka-ayaw ko. Mas gusto ko pa manakawan ako sa mga corrupt-officials kesa ibigay ko pera ko sa mga rebelde.

At least meron akong maliit na return investment dun sa corrupt-officials.
Yung tatay mo pinatay nila/pinugutan ng ulo, at saka nagbabayad ka pa sa kanila ng buwis?
 
Last edited:
Aware ka ba na ang reason kung bakit pinush ni Duterte ang Federalism (at one reason kung bakit siya nag run for President) ay Federalism bilang alternative sa BBL? In other words, it's a bigger version of the BBL (supposed to grant more power and freedom to the MILF)?

http://www.interaksyon.com/article/...hort-of-federalism-can-solve-mindanao-problem


Nakakatawa, hate natin si Pnoy dahil pro BBL siya, pero hindi natin hate si Duterte na gustong maipasa ang bigger/better version of the BBL?

Pre, hindi ko alam kung taga saang probinsya ka, pero ako ay sa bandang central LUZON ako.. kung ikaw ay taga Mindanao at lahat ng binabayad mong TAX ay napupunta at nagagamit sa LUZON particular na sa MANILA ikatutuwa mo ba? siguro maiintindihan ko kung naghihirap ang mga taga LUZON at need nila ng tulong compare sa MINDANAO, kaso parang Hindi naman.. Kaya need ng FEDERALISM atlis ang TAX na binabayad mo ay sure kang mapupunta sa BAYAN mo...
 
hindi nmn federalism ang may problema, ang mga tao ang problema, sana magkaisa n lahat para sa pagbabago.

pag sinabing bawal sumunod period tapos ang problema
 
Kung gusto ni Duterteng masolusyunan ang gulo sa Mindanao e bakit niya gagawing pederasyon ang buong Pilipinas? Bangsamoro lang ang kelangang maging federated state o autonomous hindi lahat ng region sa bansa.
 
Pre, hindi ko alam kung taga saang probinsya ka, pero ako ay sa bandang central LUZON ako.. kung ikaw ay taga Mindanao at lahat ng binabayad mong TAX ay napupunta at nagagamit sa LUZON particular na sa MANILA ikatutuwa mo ba? siguro maiintindihan ko kung naghihirap ang mga taga LUZON at need nila ng tulong compare sa MINDANAO, kaso parang Hindi naman.. Kaya need ng FEDERALISM atlis ang TAX na binabayad mo ay sure kang mapupunta sa BAYAN mo...
Mas gugustuhin ko pang mapunta ang pera ko sa LUZON at corrupt na official kesa mapunta ito sa mga rebelde.

At least meron akong maliit na investment sa corrupt na official.
Eh yung mga rebelde? Bala lang ibabalik sa akin.

Di mo ba alam, na nagbabayad si Duterte ng Revolutionary Tax? Uo nga, safe nga yung Davao. Eh yung ibang region naman ang nadadamay, dahil sa 120 million na binabayad niya every year ginagamit lang ng NPA pang-establish ng base dito sa amin (taga Negros Occidental ako).

Ang swerte naman ng NPA. Mag rerebelde na lang ako. At least meron pa akong additional income.
 
Ang opinion ko, hindi lang naman tax, wealth, saka security ang federalism... Mahahati ang bansa natin sa ibat ibang states. Tapos, magkakaroon ng limited na kapangyarihan ang bawat states. Each states will be govern by the national government. Drastic changes sa ating way of life saka sa sistema.

Sa ganitong pamamaraan, mas nabibigyan ng tutok ng bawat munisipalidad ang kanilang mga nasasakupan. more Issues can be resolved at the lower levels of command. more decisions can be addressed by the local government ng hindi na humihingi ng permission. Hindi na kelangan lumayo ng pondo sa local na gobyerno, kakaunti ang mangungurakot.

Ang problema ko naman dito e sa current state ng ating mga pulitiko... e medyo mahirap atang pagkatiwalaan ng kapangyarihan. Maraming loopholes ang ating constitution. Paano ang mga bayan na hindi naman ganoon kalakas ang pagkita. Yung mga malalayo sa kabihasnan. Maaari ding magbackfire ang planong ito, kasi baka ang mangyayari e mas malaki lang ang maiibulsa ng mga corrupt officials ng local government.

Generally, PABOR po ako dito. Reason being, doing something is better than doing nothing. Kung magfail man atleast nagtry ng ibang approach. Kahit hindi si Duterte ang mag usad nito. Saka ma a-isolate ang states na hindi naman nakakatulong. Hindi madadamay ang ibang lugar sa kabulukan ng ibang lugar. Marereduce ang corruption ng kaunti.
 
for my own naman mga kaSB ibang type ng Federalism ang gagawin masmataas parin control ng central government sa federal system na sinusulong ni mayor digong...tsaka di masmataas parin ang presidente kaya nga sinasabi nya na baka mapuno ang manila bay at pasig river ng mga corrupt....sa statement nayan indi parin makapaghahari-harian ang mga nasa baba ng federalism
 
Di naman pinipilit ni DU30 cguro yang federalism, na panood ko yung interview ni Cayetano at sinabi nya na uunahin muna nila solutionan yung mga current issue kagaya nang corruption sa loob at labas nang gobyerno.

Pero sakin parang walang sense na kaylangan pa natin ibahin yung sistema nang gobyerno? Ng kaylangan lang natin ay iboto yung mga hindi corrupt na politicians mula sa President hanggang sa barangay captain.... Or gumawa nang isang anti-graft and corruption task force na my total freedom mag imbestiga sa mga spendings nang gobyerno at gawing public yung mga info/data.

masyado namang typical at traditional ang mindset na sabihing "Kaylangan lang natin ay iboto yung mga hindi corrupt na politicians mula sa President hanggang sa barangay captain"


1) paano magagarantiya ng isang Pilipino na hindi corrupt ang mga nasa listahan ng balota? Anu ang mga factors na pwede nyang tingnan sa ngayong eleksyon kung wala naman ang Freedom of Information law sa ngayon? Wala din. Anu anu ba ang ahensya na credible na nagbabantay sa bawat isang politiko from top to bottom? Meron ba? wala

2) Edukado ba ang karamihan ng mga Pilipino at may mga prinsipyo ba o sadyang nagpapadala sa vote buying, at popularity rather than track record? Paano nila malalaman ang track record ng isang politiko kung hindi nga sila edukado or hindi sapat ang kaalaman. Napakaraming ganito sa mga provinces at rural sectors. This is happening and true and truth hurts.


Pero sakin parang walang sense na kaylangan pa natin ibahin yung sistema nang gobyerno?

Paano mo masasabi na hindi na natin kailangan ibahin ang sistema ngayon? Kung ang punot dulo ng lahat is yung bulok na sistema na punong puno ng butas kaysa batas na may pangil? Siguro naman pamilyar kayo sa issue ng "cha-cha" diba? 90's pa lang umaalingasaw na yung issue na yan dahil marami na nagtangka amendahan ang Philippine Constitution para takpan ang mga butas at ibahin ang bulok na sistema subalit palage may mga grupo na pumipigil(ahem..mga negosyante sa camara as always) at yung mga religious sectors(praise the lord ahem..).


...Or gumawa nang isang anti-graft and corruption task force na my total freedom mag imbestiga sa mga spendings nang gobyerno at gawing public yung mga info/data"

1) wala pa ngang FOI diba? Kung maipatupad man ng uupo na presidente ngayon, Paano makakasiguro ang taong bayan na ang ipapatupad na FREEDOM OF INFORMATION BILL eh FULL VERSION at hind light/slim/trimmed-down version lang.

Gaya nga ng alitan nila ni Binay at Poe Pilipinas Debate 2016 round 2

Binay: "Pag ako ang naging presidente ipapatupad ko ang Freedom of Information Bill"
Poe: "Hindi sapat na isulong ang Freedom of Information bill kung ang nilalaman naman nito ay hindi kumpleto or iniba. It is about the QUALITY..."


Tama nga naman si Poe Quality ng Batas at hindi Quantity(ahem trillanes ahem).

Example nito is yung "Cheaper Medicines Act" na naipasa. Pero anu ginawa ni Roxas bago ito naipasa? Ginawang light version ang daming tinanggal na naging benefit lang sa mga negosyante ng mga gamot. Ang full version ng CMA ay layunin iregulate ang presyo 1000+ na brands na gamot pero sa light version ng CMA ni Roxas 20+ lang ang nareregulate dahil light version. edi sana ndi naghihirap ang mga Pilipino ngayon ano? Kaya wag na wag nyo iboboto yang Roxas na yan.


{angalawa, Anu ba batas sa Anti-MOney Laundering Act natin? may pangil ba? wala? So paano mo maamendyahan yung AMLA at paano mo mabbigyan ng full powers ang task force mo kung ayaw nga mag Charter Change(cha-cha) gaya ng sinabi ko amendyahan ang super outdated na Philippine Constitution.


Kung gusto ni Duterteng masolusyunan ang gulo sa Mindanao e bakit niya gagawing pederasyon ang buong Pilipinas? Bangsamoro lang ang kelangang maging federated state o autonomous hindi lahat ng region sa bansa.

Ginawa lang example ni Duterte ang Mindanao. Ginawa nya lang example ang BBL. The point is ARMM is a huge failure. Lahat ng nasa BBL ay ang original talks and agreement ng ARMM noon kaso double crossing naman ang gobyerno natin kaya nga nagaklas ang mga muslim eh. Ngayon gusto lang naman ibalik ang original napagkasunduan noon sa ARMM nirephrased lang naman bilang BBL tapos napakarami pa ring partido na gusto i trimmed-down or gawing light version ang BBL kaya nagagalit nnaman ang mga muslim.

The main point po kasi dapat decentralized na ang powers. Hindi lang ang kapirangot na lungsod ng Maynila na parang kulangot lang sa mapa ang nakikinabang ng National Treasury. Mindanao is just an example. Possible din magaklas ang ibang lungsod na sobrang hirap. Possible din tumingin ang ibang lungsod sa mga Extreme Ideology ng foreign religious terrorism at ng Extreme Communism ng NPA dahil sa sobrang kahirapan. Kung walang equal distribution ng wealth and power natural lang HINDI everybody happy diba? Natural lang kakaliwa tlaga ang iba.

Kahit naman siguro ikaw nangutang ka sabihin sayo 20% interest tapos sinisingil ka ng 120% interest magagalit k din diba? That's the main point.

Siguro nman nakikita nyo ang pattern ng past na gobyerno diba? Hacienda Luisita pa lang double crossing na sa mga magsasaka. Ayan ang main point ng Federalismo distribution of powers. Kung corrupt man ang gobernador atleast specific location lang ndi nadadamay ang whole nation sa corruption at madali din manotice ang corruption dahil isolated na.

Pero ako sana Parliamentary ang gusto ko kung mangbribe ka you need to bribe the entire government not a few congressmen or few generals.
 
Last edited:
Walang ibang mga probinsyang mag-aaklas at papanig sa mga rebeldeng grupo dahil hindi naman nila kapareho ng ideology ang mga rebeldeng grupong un. Hindi sobrang kahirapan ang dahilan ng insurgency ng mga Islamic at communist rebel group kundi autonomy at communism na anti-democratic. Lalong maghihirap ang mahihirap nang regions sa federal system dahil sa lack of funds mula sa less resources at economic activity nila, at lalong yayaman ang mayayaman nang regions gaya ng NCR. Kayang solusyunan sa unitary system ang equitable tax distribution. Hindi na kelangang gawing federation ang buong bansa. Pwede ang decentralization sa unitary system gaya sa UK na national government ang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga local government at pwede rin niyang bawiin un kahit kailan, hindi gaya sa federal system na may constitutional powers ang bawat state at limitado ang kontrol ng federal government sa mga states. Decentralized unitary system + parliamentary form of goverment ang kelangan sa Pilipinas ala UK hindi federal system ala US.
 
yup Parliamentary talaga ang gusto ko din. Yan din talaga pitfalls ng Federalism is yung step 1. Kasi hindi pantay pantay ang economic status ng bawat magiging estado natin kasi may mga lugar tayo ni wala ngang tulay or palengke man lang so they can't stand on their own yet. THey can't generate their own income.

About naman dun sa insurgency and communism may mga factors din talaga ang kahirapan na nagccontribute doon. Ito talaga naoobserve ko the more na nahihirapan sa buhay the more na nabbrainwash ka ng mga radical at extreme ideologies especially if young minds hindi lang dito sa pilipinas. Especially if lack ng education. Due to lack of education wala pang barrier sa utak ang tao. Kaya madali nahahatak sa mga kung anu anung ideologies.

Although the main goal is tama communism and yeah they like autonomy and independence pero lumalapit pa rin sila sa mga mahihirap kasi madali nila mapaikot.

Ang punto ko lang as long as there is unhappiness and dissatisfaction kung anu anung ideology and non-sense goals ang magssulputan talaga and does not stop with Extreme Religious Ideology it does not stop sa Radical Communism there will always be others na pwede sumulpot.

Anyway sana nga parliamentary na lang eh. ang problema ko naman kasi sa parliamentary considering sa current state natin ngayon majority of corrupt politicians eh congressmens and senators. Paano sa parliamentary kung sila din uupo bilang mga mambabatas. Ang gusto ko dito kasi mabilis magsulong ng mga important na batas. Hindi na masyado kailangan magpagalingan sa debate
 
Last edited:
Di yan basta-basta maisusulong mahabang oras at panahon ang ugugulin nyan bago maipasa baka nga matapos ang term nya na di naisusulong ang federalism. Pantakam lang nya yan para mas maraming supporters ang pumanig sa kanya lalo na ang mindanao na may malaking number ng botante. Kung iisipin nyo part ng strategy yan para makuha mo ang boto ng tao. Merong magsasabing uy bago to try natin to kung effective, meron namang mga magsasabing ok to pabor ako dito kasi gusto ko ng federal government gaya ng US para naman di mapagiwanan ang lugar namin. Mas maraming ding politiko ang susuporta sa kanya pag yan ang isinulong nya. Obserbahan na lang natin pag nakaupo na siya kung ano talaga ang mangyayari at una nyang isusulong.
 
Last edited:
Less prone sa corruption ang parliamentary system. Madaling mapatalsik ang isang Prime Minister kapag hindi na satisfied sa performance niya ang mga tao, di gaya sa presidential system na ilang taon mong pagtitiisan ang isang corrupt at incompetent na presidente hanggang sa matapos ang termino niya unless na i-impeach xa na mahaba ring proseso.
 
I think magiging rampant pa din ang corruption..
So if magiging federalismo ang Pilipinas e magkakaron ng regional at national government.. so lalaki ang taong kelangan psra itaguyod ito. kelangan mo ng politiko sa national tas regional government so lalaganap ang corruption. tas yung mga sangay ng gobyerno e magkakasangay pa ulit which is expensive.
gastos nanaman.
 
Duterte po tayu mga ka symbian. ito na siguro ang pagkakataon.
#duterte2016
 
Back
Top Bottom