- Messages
- 119
- Reaction score
- 12
- Points
- 38
Nababahala ako mga kapatid. Kasi, sunod sunod na inflation ang nangyayari sa ibang mga bansa gaya ng US, UK at Europa. Ito kasi ay resulta ng gyera ng Rusya at Ukraine. Naging problema ang produksyon ng langis at pag aangkat ng trigo. Yong Sri Lanka ay natumba na, bankrupt sabi nila. Mukhang ang wave ng inflation ay from West at papunta naman sa Asya. Medyo mas delikado dito sa atin kasi hindi lang langis ang problema pati suplay ng bigas. Yong iba kasi nating mga kapitbahay sa Asya ay ayaw na mag export ng bigas gaya ng Thailand at Vietnam. Ganito din ang nangyayari sa India, may limit din yata ang pag eexport nila ng langis (galing Rusya) sa ibang mga bansa sa Asya. Sigurado, pag walang langis, lalong tatamlay ang ekonomiya natin. Marami ang mawawalan ng hanapbuhay at marami ang magugutom. Ang tanong, handa ka na ba?
Ano sa tingin mo kapatid?
Ano sa tingin mo kapatid?
Last edited: