Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano ang masasabi mo sa Federalism

pasawsaw po ts.

medyo naguluhan ako s mga nabasa ko, federalismo...
ano nga ba itong klase ng gobyernong ito?
bakit ang mahirap n probinsya lng yata ang may gusto nito? (ndi po ako mayaman huh) ang ibig ko lng ay malinawan, bkit ayaw nila sa ating republika? (corrupt po ba ang kanilang mga naiboto ng nakaraang botohan sa kanilang lugar?
ang davao naka.ahon kasi matalino cla bumoto?) pero nasa republika padin cla ng pinas. at wag na ntin itanggi na humanga tayo sa davao. magaling cla bumoto ei. yun yon. kaya po sa pagpili ng iboboto maging magaling din po sana tayo. sa kahit anong klaseng gobyerno pa ito. isang boto mo malaking tulong yan sa lugar mo. kaya vote.wisely.

yun lng po.
 
aaahhh basta ako kay duterteeee...duterteeeee.. duterteeee.......
mas maganda yang federalismo... sawa na tayo sa makalumang pamamaraan ng goberno pag malaking pundo malaking din makurap nila.. kaya nga nang yari yang napoles scam na yan.. satingen nyo ilang taon yan nangyari yan scam na yan? at last year lang na toklasan...

kaya ako sawang sawa na ako sa makalumang goberno... at na niniwala ako si Digong lang ang makapagbabago....

SA TUNAY NA PAGBABAGO..

TINGNAN NALANG NATIN KUNG ANONG MANGYAYARI>> D KO RIN SURE ANO RESULTA PAG SI DIGONG NA MAKA.UPO.... AT SANA MARAMDAMAN NATIN YANG SINASABING PAGBABAGO..
 
Last edited:
Walang kinalaman ang federation sa republic. Goverment structure ang federal system, form of gov't naman ang republic. Pwedeng maging federation at republic nang sabay ang isang bansa. Unitary gov't ang kasalungat ng federal gov't hindi republic. Sa unitary, iisa lang ang konstitusyon at un ang sinusunod ng lahat sa buong bansa. Sa federation, mahahati ang bansa sa semi-sovereign states na may kanya kanyang konstitusyon/batas parang BBL. Sa unitary, ang central gov't ang nag-a-allocate at nagdidistribute ng funds sa lahat ng provinces/regions. Sa federation, ang kita ng isang province/region ay sa kanya lang maliban sa federal taxes na kinokolekta ng federal gov't.
 
pananaw mo yun pre , iba-iba tayo nang pananaw.. as a part of mindanao kawawa kami dito pre parang huli kami sa budget kaya mahina ang pag unlad namin dito , for the first time my bisaya at taga mindanao ang tatakbo nang presidente kaya buong mindanao bubuto ky duterte, para naman ang mindanao na naman ang sisigla at guminhawa, yun ang katotohanan bro, kaya mindanao at visayas sumuporta kay duterte... maniwala lang tayo sa kakayahan nya boss, wala akong nakitang dahilan para hindi butuhin si mayor digong.. sa lahat nang tumakbo sya lang yung my nagawa, dati pinag tawanan pa sya na imposible syang mag karuon nang 911, dahil magastos daw yun only U.S, at canada lang ang meron nyan, pero akalain mong nagkatotoo...

ihabol ko pa bro, hindi pa presidente si duterte pero unti unti nang sinunod ang rules nang davao sa ibang lugar, gaya dito sa GENSAN CITY, dati free ka manigarilyo dito kahit saan, pati pagsakay nang jeep walang bawal pero ni implement nang mayor dito sa gensan ang pag bawal nang sigarilyo, sa una dami pang ayaw dahil ang kaso malaki , pagnahuli ka kulong, may multa na 1000-8000 pesos, pero nag tagal kita mo yung improvement, fresh air ang malalanghap mo di gaya dati puro sigarilyo ang malalanghap mo,kahit saang sulok public or private places wala kanang makikitang naninigarilyo... dati davao lang ang non-smoking city pati ngayon pati gensan na...

lalakas ang mindanao pag mangyari ito yun lang sana hindi corrupt ang mga mamumuno sa mindanao pero dahil si mayor digong na ang nakaupo, yari sila sa dds. maganda ito, i can see now a bright future ahead of us. yes!!! go digong!!! long live digong!!
 
Wag kayong matakot sa Federalism. kaya nga may equal rights ang pangulo at ang state o lugar mo kung matupad ang federalism, kasi gagabayan pa din tayo ng ating pangulo at kung makita man niya na hindi maayos ang pamamalakad ng isang state may kapangyarihan din siyang palitan ang namumuno dito. Kung willing kang mag sacrifice para sa kinabukasan ng anak mo or magiging anak mo iboto mo si duterte, pero kung ang iniisip mo lang ay yung kapakanan mo ngayon ang estado ng pamumuhay mo kawawa naman yung mga magiging anak mo or apo mo kasi baka kailanganin pa nilang umalis din ng lugar niyo na katulad ng ginawa mo, kaya ko ito sinasabi at opinion ko lang din naman ito dahil may karapatan ako bilang Miyembro ng SB at mga kasamahan niyo dahil gusto kong may sacrifice para sa magiging future ng aking anak at ang aking magiging apo man para hindi na nila kailangan pang lumayo at uunlad din ang pinanggalingan mo na probinsya dahil ang namumuno sa inyo ay kukuha ng mga investors para umunlad ang inyong kumunidad.

Maraming salamat sa inyo, at ngayon lang ata ako nakapagsulat ng ganito kahaba simula noong sumali ako ng 2008 hehehe. more power ka SB :thumbsup::thumbsup::thumbsup::thumbsup::thumbsup:
 
Walang kapangyarihan ang pangulo sa federal state na magpatalsik ng gobernador o kahit sinong local gov't official at palitan din ng kahit sinong gusto niya. Hindi ina-appoint ng pangulo ang leader ng bawat administrative division. Ang pwede lang niyang i-appoint ay ang mga miembro ng gabinete niya. Tao pa rin ang naghahalal sa mga local gov't officials at korte (Supreme Court, Sandiganbayan) o senado o ombudsman lang ang pwedeng magpatalsik sa mga un.
 
Ganito yan, kung takot ka sa pagbabago at ayaw mong subukan na magbago... manahimik ka nalang dahil wala ka din naman magagawa kundi matatakot lamang. Sugal na kung sugal, bakit ngayon pa tayo matakot sumugal? Sa dinamidami na ng eleksyon nagdaan at bomoto tayo, nangamba ba tayo na baka magkamali sa taong iboboto? Di mo kilala sa personal ang mga kandidatong iyan pero naniniwala ka na meron silang magagawa o may mali sa kanilang gagawin... Opinyon mo yan at malamang tama ka, pero ang pagsarado ng iyong isipan tungkol sa usaping "FEDERALISM" dyan ka nagkamali dahil sa dinamidami nang mga Pangulo dumaan sa ating bansa mulat sapol ng magkaisip ako, walang ni isang matino na balak ihahon ang ating naghihikahos na bansa, instead binaon lalo sa kahirapan. At sa pananaw ko may magagawa si DU30 sa pagbabago ng economiya. Be open minded in every aspect...
 
ok lang. ang federalismo . bagay sa bansa natin watak watak. mas mabilis ang services mas mabilis ang aksyon. sa kani kanilang lugar f nangailangan.. Hindi na lang lagi sa Manila ang bagsak ng pera...kaya nagsisiksikan ang mga tao dun dahil andun mga trabaho...mga oportunidad..ganun lang un. f federalismo may pagkakataon ang bawat lugar na magdesinyo ng kani kaniyang diskarte...
 
WOW... Someone dropped the word "Armas ng mga MUSLIM"...

Tanong: Sure ba kayo muslim lang ang mga rebelde at may armas?
 
One of the main points of this is to emphasize the fact that Federalism was not particularly created to end corruption.

It was created to end disorder, rebellion and war (most definitely), mainly in Mindanao.

Reasons such as; the NCR is stealing money from us (which is true) = parang overhyped ata. Hindi naman tama yung binigay nila na census.

It's okay to want change, and even use Federalism as its instrument. But to be blind to the negative effects of Federalism is simply prejudice itself. I'm sure Duterte has his reasons why he is pushing the type of government. But we have freedom to point out warnings on the negative effects of Federalism.

At ang pinaka-importante. Ano ang dapat nating gawing pag-babago kapag under na tayo sa Federalism. This thread is also to emphasize how to prepare ourselves if we are under the Federal government.
My one advice would be (if we are under the Federal Government):
1.) Huwag masyadong tingnan ang national aspect sa gobyerno. Pay more attention to your local officials, dahil sila na ang mas mayroong kapangyarihan sa inyo at hindi ang Presidente.

2.) We are always blaming the national government; but with Federalism we have less reasons to blame it (AND MORE REASONS tO BLAME THE LOCAL ONE).
If we encounter hardships under Duterte's rule (if lang). If merong massacre, or tragedy na mangyari sa isang state, if meron si Duterte na cases of poor action/or Noynoying(as you would say), then hindi na siya pwedeng i-blame....dahil Federalism na. We have now more reasons to blame our local officials than our national officials.

3.) I think this is one of the reasons why Filipinos governance will never really improve. Because they are always looking at the national side of it, and never the local. Bakit palagi pa rin nating binoboto ang mga encumbent na local officials na meron nang corrupt records? I will look at Mindanao; (Ang Jalosos clan merong na ex-convict na official [am not talking about Nonong], at yung isa GUILTY pa sa rape[yes this is Nonong]?/ Bakit nabigyan na matagal na termino ang mga Ampatuan despite their brutalities?Those are just a few examples of it)
 
Last edited:
aware ka ba na ang reason kung bakit pinush ni duterte ang federalism (at one reason kung bakit siya nag run for president) ay federalism bilang alternative sa bbl? In other words, it's a bigger version of the bbl (supposed to grant more power and freedom to the milf)?

http://www.interaksyon.com/article/...hort-of-federalism-can-solve-mindanao-problem


nakakatawa, hate natin si pnoy dahil pro bbl siya, pero hindi natin hate si duterte na gustong maipasa ang bigger/better version of the bbl?

anong koneksyon ng bbl sa federalism?
 
anong koneksyon ng bbl sa federalism?
They actually do not have any real connection to each other.
The only connection they have is that Duterte used Federalism as a different method for autonomy when BBL was not approved.
=======================================
Sabi kasi ng MILF na "there will be war" if hindi maipasa ang BBL

Dahil hindi na pwedeng maipasa ang BBL talaga (dahil ayaw nating mga pinoy neto), eh meron na dapat gyera

Duterte used Federalism as an alternative to the BBL; para hindi tayo gyerahin ng mga MILF. Sabi nya "Before you pull the trigger, consider Federalism as an alternative

So BBL and Federalism have their similarities. Most common is that it's another method of negotiation to continue peace between the Philippine Government and the MILF. It also promotes autonomy to the Moro regions.
 
Last edited:
Malalaman ang resulta kapag naging federalism na ang Pilipinas at kung ano din ang masasabi ko. Baka maging iba siya sa pagiging federalism ng america.
 
ang pinakamalki at importanteng malaman ng isang pilipino na.... ilocano o bisaya o bicolano o ilonggo o mindanaoan muna bago maging pilipino, na ito ang akma sa atin. ang federal or central government at kukuha lamang ng pondo na para sa serbisyong nasyunal. armed forces postal service, supreme court, comelec. wala na stang authority panghawakan ang revenue at proyektong lokal.
 
They actually do not have any real connection to each other.
The only connection they have is that Duterte used Federalism as a different method for autonomy when BBL was not approved.
=======================================
Sabi kasi ng MILF na "there will be war" if hindi maipasa ang BBL

Dahil hindi na pwedeng maipasa ang BBL talaga (dahil ayaw nating mga pinoy neto), eh meron na dapat gyera

Duterte used Federalism as an alternative to the BBL; para hindi tayo gyerahin ng mga MILF. Sabi nya "Before you pull the trigger, consider Federalism as an alternative

So BBL and Federalism have their similarities. Most common is that it's another method of negotiation to continue peace between the Philippine Government and the MILF. It also promotes autonomy to the Moro regions.

There are many forms of federalism. So far si Du30 has only really expressed the economics in federalism. He endorses federalism kasi majority nang resources nang local region napupunta sa national level then budgeted then distributed not according sa kung gaano kalaki ang contribution nang isang region but based on the land mass and or number of population.

As to whether or not the sharia law will be implemented or what terrritories will be conceded hindi pa natatalakay. Even du30 says that federalism will not be an immediate change. He plans to educate the masses first on what it's about before nila isulong ang federalism sa congresso.
 
There are many forms of federalism. So far si Du30 has only really expressed the economics in federalism. He endorses federalism kasi majority nang resources nang local region napupunta sa national level then budgeted then distributed not according sa kung gaano kalaki ang contribution nang isang region but based on the land mass and or number of population.
Hindi yan ang original reason kung bakit pinush ni Duterte yung Federalism. Masasabi kong parang additional lang yan na rason, pero hindi Federalism ang gamot kapag magnanakaw yung NCR, maraming alternative jan besides Federalism.

Saying that the NCR is stealing taxes as the reason for Federalism is very shallow, and childish. They are pointing fingers without proper proof. Atsaka yung census na binigay nila (out of the blue of course) hindi pa tugma sa PSA Data.

60 percent daw na gross produce sa buong Pinas ay galing sa Mindanao, eh 15 percent lang pala yung nasa data.
http://www.nscb.gov.ph/grdp/datacharts.asp
 
Hindi yan ang original reason kung bakit pinush ni Duterte yung Federalism. Masasabi kong parang additional lang yan na rason, pero hindi Federalism ang gamot kapag magnanakaw yung NCR, maraming alternative jan besides Federalism.

Saying that the NCR is stealing taxes as the reason for Federalism is very shallow, and childish. They are pointing fingers without proper proof. Atsaka yung census na binigay nila (out of the blue of course) hindi pa tugma sa PSA Data.

60 percent daw na gross produce sa buong Pinas ay galing sa Mindanao, eh 15 percent lang pala yung nasa data.
http://www.nscb.gov.ph/grdp/datacharts.asp

at this moment let me remind you that you can not really trust a philippine government's website and data for the following reasons:

1. Outdated sa technology. Tons of data are still in the books and papers and not published and not digitized. I went to different government agencies in my years(BIR, COA etc.) and everything are a mess. Even local networks are a mess. Naalala ko mga tao dun hindi magkanda uga uga kakahanap ng mga papeles(physical documents). Then here you are justifying a government website.

2. Outdated ang data. Kasi nga hindi pa lahat eh accounted for or audited and digitized.

3. Not all data are there(due to Freedom of Information is not implemented). Therefore specific data lang ang nanjan

4. Agencies have deadlines to make for public publishing. Again considering 1, 2 and 3 above, how do you think some people would do to turn over data in rush way? Idagdag mo pa jan ang 'mamaya na" habit ng mga pilipino.. My point is pabara bara, inaccurate and possible tampered.

5. Past and current administration limit data disclosure(again there is a need for Freedom of Information) due to discretion as matter of security or due to a matter of self interest(internal agency/bureau corruption).

The problem po is centralized nga po ang system ngayon. Lahat nagcocontribute ng fixed percentage sa national government. Pag nalikom na po lahat ang treasury sa lahat ng sector sa pilipinas magdedecision ang senado kung saang mga sector ang ilalaan nila ng budget.

Diyos ko naman....nagbabayad ka ng tax tapos hindi ka man lamang tutulungan...communidad mo hindi natutulungan....napupunta sa corruption....napupunta sa mga road projects na matino pa naman ang kalsada pero binabakbak....at kung saan saan pa....ngayon sabihin mo ulit sa mga tao na hindi nadadaya ng NATIONAL GOVERNMENT ang TAX...eh sa pork barrel issue pa nga lang eh....wag po sana magpakaignorante ah.
-------------------------------------------------------------------------------------

You may say na ang Federalism is a bigger and better version of BBL kasi in fact some concepts of BBL are rooted from Federalism. Think of it this way. Bakit ba nagagalit ang mga Muslim rebels??? ARMM was the solution pero anu ba nangyari kasi? History repeats itself. Talked about ARMM, debated and implemented but steered away from the original plan of ARMM.

BBL is the same...debated then watered down. Ginagawang light version nanaman ang nilalaman. Sino ba naman hindi magrerebelde nyan? Double-crossed once by the government, then another double crossing to be against the BBL again by the national government.

I have been into modern and open-cultured muslim countries at wala ako nakikitang masama sa pamamalakad ng mga gobyernong muslim. THere is a peace and harmony sa mga countries na yun. Kung tutuusin mas better pa nga yung BBL government proposed structure kasi may democracy pa din to all muslim and non muslim unlike some traditional muslim countries. Mga Pinoy pa rin naman ang Bangsamoro they know what democracy is Ang gusto lang naman nila magkaroon sila ng greater authority to express their culture and beliefs considering naman na majority sa nasasakupan ng ARMM is mga muslim naman kaya nga Autonomous Region in Muslim Mindanao. I don't see any reason bakit kailangan napakadamot ng gobyerno.


From what I can see is... it boils down to MONEY for both parties National government and Bangsmoro. In the national government's side, mababawasan ng share sa tax kaya naghihigpit. Sa Bangsamoro's Side, may fixed share na nilalaan sa national government PERO may say sila kung babawasan ito o hindi depende sa pangangailangan ng rehiyon. From what I can see nagdadamot talaga ang gobyerno at pinupulitika at nagpapakalat ng mga maling propaganda para masamain ng mga tao ang BBL

Kung tutuusin naman sa national government pa rin naman ang police at military nakasaad yan sa BBL. so I don't understand kung anu problema. If ang problema ay natatakot ang karamihan ng nasa gobyerno na baka humiwalay daw ang Bangsamoro well against yan sa constitution ng Pilipinas at Philippine constitution pa din at president pa din ang may final decision to issues after it is implemented. so ano kinakagalit pa ng mga tao against sa BBL?

Federalism is not a better version of BBL. Federalism is about equality of all LGUs. Some LGUs eh hindi pa kaya magsolo dahil sa federalism dahil wala pang mga infrastructure at primary source of income, for better or worse ang bottomline which is magiging priority sila ng national government kasi mas kokonte na lang ang focus ng national government. Unlike sa current system, na PILI lang ang pnprioritize ng national government at may halo pang pulitika sa pagtulong dahil sa self interest. centralized kasi eh.

Siguro naman natatandaan nyo linya ni Roxas na "You are Romualdez and the President is an Aquino....". during Yolanda Aftermath....yan ang mga mindset na hindi mo makikita sa Federalism. At the current state of our government is pure bureaucracy and less public service.....
 
Last edited:
ganito pagkakaintindi ko sa federalism, no 1. ang pera ng isang rehiyon ay sa kanya nalang gagastusin, maganda lang ito sa mga well developed na cities or province, pero how about sa mga mahihirap na rehiyon, probinsya at mga cities? 2, may kanya kanyang gobyerno ang bawat stado ng isang bansa at ito ay under sa mas makapangyarihan na national government, pero wala na sa mga tao ang kapangyarihan na maghalal lang pangulo ng bansa. no 3, bawat estado puedeng gumawa ng sariling batas, kagaya ng america na ang ibang estado ay legal ang marijuana, sa iba naman bawal.
 
Matututo ang LGU or region na magsumikap para sa kanilang sarili, hindi yung umaasa na lang sa kung ano ang ibibigay ng national gov't. May kanya kanya namang potential source of income ang bawat rehiyon, hindi nga lang nag iisip at gumagalaw ang mga pinuno kasi may magbibigay naman ng pondo.
 
Back
Top Bottom