Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Anong napanaginipan mo kagabi?

Idlip pa lang nagagawa ko pero napanaginipan ko na sya :sigh:

Napanaginipan ko na magkaschool bus daw kami, sya nasa likod, ako nasa harapan. Sabi ng driver namin, matagal na daw syang may crush saken nagpapatulong daw. Kaya ang ginawa, tinawag sya tapos tabi kami sa harapan nakaupo. I don't know why, pero it felt like it was real again - yung pagkakadikit ng mga balat namin. Yung pag hoholding hands na naman namin. Yung kilig na naramdaman ko nun parang totoo :sigh: tapos sabay kami pumasok. Nalaman ko na binigyan nya ng jollibee yung driver namin kaya pinagtabi kami :lol:

The rest is ang weird na nasuspend daw yung klase dahil sa traffic, wala daw pumasok na teacher dahil nastuck silang lahat :lmao:
 
Ang weird. Lumitaw sa panaginip ko yung babae kong classmate nung 3rd & 4th year HS tapos may ginagawa daw kaming something na di pwedeng ibulgar dito since masyadong personal. Pero wtf talaga 😅
 
Panaginip Thread :thumbsup:

Yung School ko nung Elementary binabalik balikan ko daw, Reunion ng tropa, laging yan ang settings ng dreams ko minsan, kapit bahay lng kasi namin ang School :D
 
Last night i dreamt na late na ako sa work. Pero paggising ko it was still 9pm local. So i checked my phone made sure nakaset ang alarm to 12am local.
 
Wala akong maalala... Basta nagising na lang ako kanina sa paulit-ulit na pag-meow ng pusa namin 😅
 
Parang wala. :think:
 
Natulog ako mga 1 pm yesterday. When i woke up i was in someone else's house. Bahay pala nila yon. Napakasweet niya sa akin. I can't believe it. Parang totoo talaga. She took my hand and we went outside. And then i realized it was just a dream and will never be a reality. :lol:
 
Di ko nanaman maalala eh :lol:
 
napanaginipan ko crush ko naglolomi daw kami grabe nagising ako bigla sa sobrang takaw nyang kumaim
 
nasa night market daw ako sa bgc namamapak. pag gising ko tom jones lang pala ko :lmao:
 
Nasa lumang bahay daw kami tapos parang may tinataguan daw ako na ewan... Tapos biglang nagtransition sa part na bisita daw namin yung isang model na matagal ko nang fina-follow sa FB langya :laugh:
 
Grabe yung panaginip ko kagabi, about naman sa kababata ko. Lablab time daw, tapos nagpakiss pa ang bruha :rofl: (ang dami kong lalaki sa panaginip :lmao: )

Tapos nag away kami ng Mama ko :sigh: nag habulan pa kami sa putikan kasi may ninakaw akong diamond sa isang mansyon :lol:

Ewan ko ba :lmao:
 
Di ko maalala... Paputol-putol tulog ko eh
 
Mga panaginip ko ang weird hahaha

Kagabi nanaginip ako nakasakay daw ako sa Roro tapos masikip daanan namin yung tipong puro motor banca ang nasa gilid namin tapos habang umaandar na kami biglang may tumagas daw na dugo akala namin may tinamaan na tao yung propeller ng Roro yun pala sinaktan daw nung isang pasahero yung asawa nga akala namin patay na pero hindi naman hanggang sa pinagsusuntok daw noong anak yung tatay na nanakit doon sa asawa, naputol yung moment na yun tapos ito yung kadugtong: Pinuntahan ko daw sa bahay yung ka schoolmate ko na babae yung asawa nya schoolmate din namin noong high school at may anak na sila tapos umiiyak yung babae may inamin sya sa akin na ako daw tlaga yung tatay noong anak nya, nilalasing lang nya yung asawa nya pag gusto makipagtalik sa kanya para mauto nya yung asawa nya na may nangyayari talaga sa kanila which is wala naman. Umiiyak sya tapos hinanap ko yung bata at kinarga ko daw nagpakilala ako sa kanya bilang tatay nya (hahahah hype na yan). Pagkagising ko parang gusto ko paniwalaan na anak ko nga talaga yung anak nila ngayon hahaha kahit na wala naman talagang nangyari sa amin :ROFLMAO::ROFLMAO::ROFLMAO: pero nagkagusto kasi ako sa kanya dati.


Kala mo parang totoo yung karugtong na part kasi halos lahat ng kakilala ko sa totoong buhay andoon din ang hindi lang talaga totoo ay yung anak ko yung anak nila*laugh**laugh**laugh*
 
Last edited:
meron akong napanaginipan na sobrang gulo kaso di ko na maalala :lmao:
 
Napanaginipan ko yung isa kong kakilala na matagal ko nang di nakikita... Parang bumisita daw ata ako sa kanya (or parang it's the other way around, di ko na maalala) tapos nagulat daw ako kasi ang laki na ng tiyan, buntis daw pala. Alam ko single din siya hanggang ngayon eh tsaka busy din lagi sa work, pastime na lang niya mag-share ng memes sa FB lol kaya wtf talaga :lol:
 
Napanaginipan ko yung crush ko nung college days ko :lol:
Kasal na yun ngayon, pero sa panaginip ko nag-cheat daw sya para saken :lmao:
Hindi ko na idedetail yung kwento pero ayaw ko maging kabit, tama na yung hanggang panaginip lang :rofl:
 
napanaginipan ko si college kras dati, matagal na nya kong hindi ginugulo sa pagtulog pero eto na naman sya :lmao:

ang vivid e, mapapa-wish ka na lang. sana totoo.
 
Weird dream :lol:

Napanaginipan ko na nasa roop top kami, ang ganda ng light night pero pag pinicturan ko yung picture is walang color. As in parang zombieland ganon :lol: tapos may isang lalaki na nagpush up sa cliff ng rooftop. Nabadtrip pa nga ko nun kasi sabi ko ayaw ko makakita ng mga gusto magpakamatay. Ang nakakatawa pa dito, sinubukan daw namin syang iligtas gamit sabon. Sa panaginip ko talagang binili namin lahat ng sabon sa grocery para daw gumawa ng pangsalo sa kanya :lmao: nung pabalik na kami dun, nakita namin daming pulis. Nag aalala pa ko nun kasi baka nahulog na o patay na sya. May nakapag sabi na nakatulog daw sya kasi mahigit 2 hours.

Ayun lang :rofl:
Feeling ko ako yung 2 hours lang na may tulog eh :lmao:
 
i was giving CPR daw, sa mom ko. sagwa :no:
 
Back
Top Bottom