Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Anong napanaginipan mo kagabi?

r a Z e

奔 放 自 在
 
 
Bronze Master
Mythic Star Member
Epic Diamond Member
Founding Member
Messages
25,271
Reaction score
13,224
Points
1,703
Bumalik daw ako sa campus na nakapambahay lang tapos may dalang backpack na punong-puno ng laman, tapos may dala rin daw akong envelope na may lamang art paper tsaka isang periodic table of elements :lol: Di ko na tanda kung anong pinunta ko dun... Pero ayun, nakita ko nanaman siya. Pero this time may kasama siyang isa pang babae na parang friend niya ata, kasama niya umakyat ng hagdaan tsaka katabi niya rin dun sa table. Dalawang beses ko na siya napapanaginipan, hindi na tama 'to. :ashamed:
 

Tokageroh

the ghost in you...
 
 
Advanced Member
Messages
575
Reaction score
33
Points
48
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
naligaw daw ako sa mga shortcuts
 

SuperZheL

Sweet but Psycho
Prime Member
Advanced Member
Messages
12,939
Reaction score
2,853
Points
218
Eternal Love
Royal Wisdom
Good Luck
Enormous Fortune
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Yung napanaginipan ko kani-knina lang kaya bigla akong nagising..🥺

Nasa isang lugar kami ng kapatid ko. Parang umattend ako ng isang event pero hindi un gabi. Nagpaalam ung kapatid ko na uuwi na, sabi ko sabay na kami kasi takot akong umuwi mag-isa at walang kasama. Nasa isang notorious na kanto kaming magkapatid na babae. Pauwi na kami. Sumakay kami sa magkaibang tricycle pero magkasunod lng kami. Nauna ako umalis. Nilingon ko muna sya bago kami umalis nung mama, pero hindi pa umaandar yung tricycle na sinakyan nya. Habang papalayo kami nung sinakyan ko na tricycle, kinakalabit ko sya "kuya mali po itong daan, dun po sa kabila ang kanto namin" pero hindi nya ako pinansin at lalong bumilis ang patakbo nya. Dahil kinabahan na ako, tumalon ako mula sa tricycle at nagsisigaw ako sa daan para marinig ako ng mga tao para makahingi ng tulong. Nagsilabasan ung mga tao. Pero ang ginawa ko tumakbo ako para puntahan kung san ko huling nakita yung kapatid ko. Sabi ko tumawag sila ng pulis dahil baka na-rape na ung kapatid ko.. Halos hindi ko sya makita. Bigla na lang pumasok sa eksena na nasa isang maliit na bahay ako. Hinanap ko wala. Nakita ko sya nakasabit sa puno. Tinorture. Nilapnos. Walang saplot at wala ng buhok.😭
Inalis ko sya mula sa ganyang pagkakasabit, binuhat ko sya. Iyak ako ng iyak. Akala ko wala na sya. Bigla syang inubo na para bang nahihirapan. Nakahinga ako ng maluwag dahil buhay pa sya. Pero durog na durog ung puso ko na nakikita ang ganung itsura nya habang buhat ko sya papalayo sa lugar na iyon..

Tapos ayun bigla akong nagising na basa ang aking mga mata..:cry:
 

kissie shin

Wabi-Sabi
Diamond Member
Messages
10,719
Reaction score
3,811
Points
226
Oras pa lang kami di nagkikita pero napanaginipan ko na naman sya :rofl:

Sa panaginip ko nasa basketball court daw kami hinahanap hanap nya ko. Tapos nung nasa classroom na ko, kinukulit nila ako ng true to life bestfriends nya. Nung umamin akong crush ko sya, kilig na kilig sya :lmao:

Pagkagising ko, tumatawag na pala sya kasi papasok na sya sa work :pacute:
 

r a Z e

奔 放 自 在
 
 
Bronze Master
Mythic Star Member
Epic Diamond Member
Founding Member
Messages
25,271
Reaction score
13,224
Points
1,703
Can't remember the details anymore.. Ang naaalala ko na lang is yung feeling ng worry sa huli na parang napatanong ako sa sarili ko ng "bakit ganun?" :noidea:
 

SuperZheL

Sweet but Psycho
Prime Member
Advanced Member
Messages
12,939
Reaction score
2,853
Points
218
Eternal Love
Royal Wisdom
Good Luck
Enormous Fortune
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Napanaginipan ko si Paulo Avelino, na para bang may something sa aming dalawa. Then napansin ko yung tattoo nya sa likod, kulay red. Familiar sa akin yung tattoo nya sa panaginip ko pero hindi ko na maalala anong tattoo na ba ulit yun pagkagising ko. Sumulpot din bigla sa panaginip ko yung ex ko kasama asawa nya.
 

kissie shin

Wabi-Sabi
Diamond Member
Messages
10,719
Reaction score
3,811
Points
226
Di na talaga ako naniniwala sa forever :lmao:

Yung panaginip ko nag aaway daw kami kasi lumabas ako with friends nang di nagpapaalam dahil nag away nga kami. Nagalit sya saken tapos di ako kinakausap. Sa panaginip ko pinagsabihan ko daw sya na sya nga nagcheat pero walang narinig saken :rofl:

Kaya ayaw ko na, di na talaga ako naniniwala sa forever :rofl:
 

SuperZheL

Sweet but Psycho
Prime Member
Advanced Member
Messages
12,939
Reaction score
2,853
Points
218
Eternal Love
Royal Wisdom
Good Luck
Enormous Fortune
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Bakit ba lately napapanaginipan kita..

Napanaginipan ko ung ex ko. Nagconfess, mahal prin daw nya ako. Nagagalit dhil sumama ako sa sotm. :yes:

Hanggang sa panaginip pinapagalitan mo ako kpag sumasama ako sa gnyan. Maging muse sa basketball, ayaw mo, mag gym ako ayaw mo rin, pati dito sa sotm ayaw mo rin. :yes:

I remember those days na yan ang pinag-aawayan natin. :yes:
 

r a Z e

奔 放 自 在
 
 
Bronze Master
Mythic Star Member
Epic Diamond Member
Founding Member
Messages
25,271
Reaction score
13,224
Points
1,703
Di ko na maalala, pero parang may connection sa family picture daw namin na kasama yung iba kong relatives sa mother side :think:
 

namaewagio

Captain of the Forums
MODERATOR
Elite Star Member
Rare Diamond Member
Founding Member
Messages
12,073
Reaction score
2,706
Points
1,313
i kept on dreaming about being with "her", then waking up feeling empty. oh well, kahit sa panaginip na lang:no::sigh:
 

kissie shin

Wabi-Sabi
Diamond Member
Messages
10,719
Reaction score
3,811
Points
226
Ang weird ng panaginip ko, napanaginipan ko daw si ano, crush daw namin isa’t isa kaso si ano nasa likod nya daw :rofl: kasalanan talaga ‘to ni ano kakapilit nya na crush ko si ano :rofl:

Tapos lumipat dream ko sa nanay ko na nagtatago sa tatay ko. Tatay ko sa panaginip ko si Albert Martinez daw. Hahahahaha. Nagnakaw daw ng kwintas nanay ko kaya umalis sya tapos hinahabol sya ng tatay ko. Umikot lang sa part na sinamahan ko sya magtago kasi naaawa ako sa kanya around the subdivision. Apaka weird ewan :rofl:

Tapos lipat ulit sa panaginip na kasama ko si NZ sa swimmimg.

Gusto ko pa sana matulog kaso kailangan nang bumangon :lmao:
 

r a Z e

奔 放 自 在
 
 
Bronze Master
Mythic Star Member
Epic Diamond Member
Founding Member
Messages
25,271
Reaction score
13,224
Points
1,703
Sure akong meron kanina, pero di ko na maalala ngayon..
 

kissie shin

Wabi-Sabi
Diamond Member
Messages
10,719
Reaction score
3,811
Points
226
Napanaginipan ko si Tobi, natatakot daw ako sa mga gagamba tapos ang ginawa kumuha ng gagamba tapos binibigay saken :no: mukhang may aawayin ako after shift nya :lmao:
 

r a Z e

奔 放 自 在
 
 
Bronze Master
Mythic Star Member
Epic Diamond Member
Founding Member
Messages
25,271
Reaction score
13,224
Points
1,703
Hindi ko nanaman maalala pero sure akong meron :crying: :lol:
 

L y s s a

vacker röra
Heroic Star Member
Heroic Diamond Member
Messages
6,750
Reaction score
3,661
Points
2,168
twas a lucid dream, medyo blurry .. di na ako lumaban mahirap labanan :yes:

napainom nalang ako ng water pagkagising ko.
 

SuperZheL

Sweet but Psycho
Prime Member
Advanced Member
Messages
12,939
Reaction score
2,853
Points
218
Eternal Love
Royal Wisdom
Good Luck
Enormous Fortune
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Tatlong beses ko na napapanaginipan ang isa sa mga matatalik kong kaibigan na nasa heaven na..last April, last month, at kanina lng..ansakit mawalan ng totoong kaibigan lalo mula elementary magkakasama na kayo..

Ykang, lapit na bday mo..Advance Happy Birthday sa'yo. May gusto ka bang iwarning sa akin o sabihin? Mukhang masaya ka naman kung nasan ka kc hindi ka nakasimangot.. Uuwi ang ibang tropa sa July, dadalawin ka namin. Mahal na mahal ka namin. We miss you, terribly. Naiiyak pa rin ako sa tuwing nakikita kita sa panaginip ko. Parang ngayon di ko mapigilan tumulo ang mga luha ko. It's been 6 years since you've been gone, pero parang kailan lang. :cry:
 

kissie shin

Wabi-Sabi
Diamond Member
Messages
10,719
Reaction score
3,811
Points
226
Weird dream. Napanaginipan ko sya, kakaisip ko bakit sya galit saken eh wala naman akong ginagawa :lmao: napanaginipan ko tuloy sya with his dog :no: won't go into detail. Its as weird as his dog na galit saken dahil binasted ko daw amo nya :lmao:
 

kissie shin

Wabi-Sabi
Diamond Member
Messages
10,719
Reaction score
3,811
Points
226
Idlip pa lang nagagasa ko pero napanaginipan ko na sya :slap:

Nag ssymb daw kami with certain peeps. Habang yung isa pinipilit na si ano yung crush ko. Sa panaganip ko, alam ng puso ko sino totoong crush ko. Tapos kachat ko daw :rofl: ang cringe. Tapos nag transition na to baking cake na pinapanuod din ni crush.

Weird tho. Let’s get over with this feeling na :slap:
 

namaewagio

Captain of the Forums
MODERATOR
Elite Star Member
Rare Diamond Member
Founding Member
Messages
12,073
Reaction score
2,706
Points
1,313
wala akong maalala sa napapanaginipan ko, buti pa tong nasa taas ko :slap: :rofl:
 
Back
Top Bottom