Ako yung thread starter neto. pasensya na yung isang account gamit ko nung pinost ko to.
review naman jan pre spec pics at benchmarks pati gaming review
Almost 2 weeks na din ata sakin to, so far ok naman sya, halos kaparehas lang din to ng zenfone 4.
Upgraded na zenfone 4 ika nga, ang kinaganda nya lang is mas malaki sya, 4.5 inches display compared sa 4 inches ng zenfone 4, tsaka may flash yung back camera nya, although vga pa rin yung front camera.
Then mas tumatagal yung battery dahil 2100 mAh sya.
Sa gaming wala akong masasabi, smooth sya and kung maka-experience man ako ng lag bihirang bihira lang.
Pero ang ayoko lang sa kanya and I think halos lahat din ng zenfone user ay ayaw din eh yung speaker nya, mahina talaga halos naka todo na lhat nung sa volume ko, pero di talaga sya ganun kalakas, and ang pinaka red flag is yung mabilis talaga sya maginit, ilang minutes na gaming lang ramdam mo na mainit na agad sya. Well halos lahat nga ng zenfone ganun talaga.
Pero kung ako tatanungin okay sya sakin, okie na ko dito
Intayin nyo na lang irelease dito sa pinas yang zenfone c
Im sure nasa 4.5K lang ang price neto.
available na po ba d2 sa pinas yan boss???
As far as I know hindi pa to nirerelease sa pinas, pero may isa akong store na napuntahan sa may megamall na may tindang zenfone c
Available colors are: Red, Black, White.
Actually 5k bili ko dito, although ang alam kong official price talaga neto ay 4,500, pero since hindi pa sya nilalabas dito sa pinas and siguro ung nabilhan ko ay bumili lang din sila kung san man ang contact nila, kaya siguro 5k ang benta nila.
Zenfone 4 lang naman sana talaga bibilin ko, eh wala na kong makitang zenfone 4 sa cyberzone megamall, kaya napalaban na ko dito sa zenfone c.