Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others At naimbitahan nga po ako sa graduation speech

So eto na nga po, nainvite po ako na mag speech sa school na pinasukan ko nung elementary. Mabuti na lang nagamit ko yung ginawa ko last October. Though, January ko lang po pinost sa symbianize. kung ako ay maiimbitahan sa isang graduation speech.. Shorter version po yan compare dito. Share ko lang po. Congrats sa mga graduating students. :)



MAGANDANG HAPON! Pasensya na po. Hindi ko alam kung bakit ako. Maraming mas magaling at wala pa akong nararating. Siguro ay busy sila. Buti na lang nandito ako. Hindi busy. Pa dota dota lang . Hehe. Salamat.

Ako nga pala si Kaloy. anak ni Uwek at Tek Manalo, dalawang bahay lang ang pag-itan ng bahay namin at sa gate ng school. Minsang na late dahil sa Doraemon at maagang umuuwi dahil sa Ghost fighter at Slamdunk. Graduate sa school na ito. Kagaya pa din ng dati, simpleng tao lang.

Mga bata, noong ako ang nasa kalagayan nyo, na gagraduate din ay ayaw na ayaw ko na makaka rinig ng salitang "Congratulations". Bakit? Kasi masyadong generic. Taon taon na lang na naririnig. Wala na bang bago? Isa pa, obligasyon ng estudyante na maka graduate. Trabaho ng estudyante na mag-aral kaya dapat normal lang ang lahat ng ito. Isipin nyo, meron na bang nag sabi sa janitor na "congrats! Tapos ka na mag linis ng school"? Meron na bang nag sabi sa labandera na "Congrats! Natanggal mo ang mantsa!" O kaya ay sa mag-uuling dahil hindi na abo ang inuuling nya? Meron na din bang nag congrats sa mga guro dahil naturuan nila kayo mag sulat at mag basa? At lalong may nag congrats na ba sa mga magulang dahil natripan ka nilang pag-aralin at bigyan ng baon kahit na sa pang text lang naman sa kaklase para pag usapan kung ano na update sa kathniel o di kaya ay sa pang dota lang naman mapupunta ang ibinigay nila? Kaya imbis na congrats, salamat, salamat ang gusto kong sabihin sa inyo. maraming salamat sa inyo mga bata. Katulad ng binabanggit natin sa mga taong nagagampanan ang kanilang tungkulin, maraming salamat sa inyo dahil nagawa nyo ang inyong obligasyon.

At katulad ng iba na nabigyan ng chance na makapag salita dito ay nais ko din mag pasalamat sa mga ilang espesyal na tao para sa akin. Wag kayo mag alala, hindi po senador, governor, mayor, baranggay capt o sk chairman ang pasasalamatan ko. Ang gusto kong pasalamatan ay yung mga nag titinda ng fishball, puto, sopas, mikmik, palamig na maraming sago(ang sarap kasi maki pag suplahan hehe) , text, lastiko, tennis ball na ginawa naming pang baseball, sa aking mga naging kalaro at kay crush. Maraming salamat sa inyo. Kayo ang dahilan kung bakit ako masipag pumasok.

Yun nga lang, ang problema e pampasipag lang sila pumasok hindi pampasipag mag-aral. Mabuti na lang at may roon akong guro at magulang na hindi tinatamad na pag sabihan ako. Minsan may kurot at palo pa. Pero ok lang dahil sa pananaw ko, mas madali matutunan ang bagay kapag nasaktan o bumagsak ka kesa i spoon-feed pa sayo ng ibang tao. Naalala ko tuloy yung kaklase ko dati. Nasamsaman baga naman ni Maam ng text. Pinadapa ni Maam yung kaklase ko dun sa may likod ng room malapit sa table nya. Tapos itinanong samin kung ilang pirasong text kada piso. Lima ata yung sagot namin. Tapos kumuha ng mga tatlong meter stick ata. Tapos ipinalo sa pwet nya. Kada pisong halaga nung text na nasamsaman ni Maam e isang palo. Iyak yung kaklase koy. May naputol pa ngang meter stick. Putla akoy. Hehe. Pero ok lang, salamat kay Maam kase kahit papaano ay nag laylow kami sa pag lalaro ng text at kahit papaano ay natuto pa ako mag division. Salamat din kay inay dahil nakita nya yung tinatago ko na isang zero sa quiz namin. Pinangdilatan nya ako ng mata at ayoko na yung makita kaya pinilit kong hindi na ma zero. Salamat din sa balita na matapang daw yung magiging teacher namin sa grade 5. Napatunayan namin na hindi naman basta nag-aaral ka.

Mga bata, kagaya ko, alam ko naman na wala rin kayong maaalala sa mga sinasabi ko pero mag papaka istupido pa rin ako para mag payo sa inyo.
1. Ang buhay ay madaya kaya masanay ka na. Maaring ang ipa recite sayo ng teacher mo sa multiplication ay table of 8 habang ang katabi mo naman ay table of 5. Luge ka sa grade at difficulty pero ok lang yan pwede namanng kabaliktaran ang mang yari.

2. Kung pinanganak kang mahirap, kasalanan ng magulang mo yun. Pero wag mo silang sisihin, ayaw nila mang yari sayo yun kaya pinag aaaral ka nila. Magiging magulang ka rin balang araw kaya sana bago ka pa magka anak ay may nag bago sayo. Sana wala kang kasalanan pag andyan na ang anak mo.

3. Matutong mag basa. Unang tungtong mo pa lang sa paaralan, yan na ang itinuturo tapos simpleng karatula na itapon ang basura sa tamang basurahan hindi mo magawa? Madumi ang baha. Masakit mag budbod ng salycilic Acid sa alipunga kaya please lang naman. Basa basa din pag may time.

4. Ang utak ay may muscle din kaya normal lang na mahirapan sa pag aaral. Huwag ka tamarin, hindi kasalanan ang maging matalino paminsan minsan.

5. Walang pantay at parehas sa mundo kaya wag mag ilusyon na maging kaparehas mo ang kapit bahay mo. Pwede mong silang higitan pwede namang manatili ka nalang. Choose your life ika nga.
Isang araw, may isang matandang may kaya sa buhay ang napadaan sa magkatabing bahay ng dalawang pamilya. Ang isang pamilya ay may tatlong anak habang ang isa ay dadalawa lang. Natuwa ang matanda sa mga bata at binigyan ng tig-iisang libo bawat isa. Nag reklamo ang magulang ng may dalawa lang ang anak. Bakit daw dalawang libo lang ang sa kanila eh yung kapit bahay nila ay tatlong libo ang natanggap. Nalungkot ang matanda. Narinig ng panganay na anak nung sa tatlong mag kakapatid ang usapan ng dalawa. Lumapit siya sa matanda at sinabing, “Nanay, hatiin nyo na lang po sa apat at ibigay sa kapatid ko at sa kanila yung ibinigay nyo para sa akin para pantay pantay na. Ok lang naman po ako na walang matanggap.” Sa inggit nagsisimula ang away at sa pagpaparaya naman nag tatapos. Hindi lang academics ang dapat matutunan sa buhay dapat ay ugali din.

Ang ilan sa inyo ay ma le late pag pasok, ang ilan ay makakalimutan ang id. Ang ilan ay sasakit ang tyan sa klase. Ang ilan ay ihahatid ng manliligaw. Ang ilan ay gabi na makakauwi ng bahay. Ang ilan ay mag cucutting sa klase . Ang ilan din ay mag tatanong sa sariling "bakit ko ba pinag - aaralan to e hindi ko naman to gagamitin sa pag tanda ?". Hindi ko pa rin alam ang sagot. Sabi ng kaklase ko, baka kailangan daw yun para madali na lang satin pag aralan ang ibang bagay sa totoong buhay. Siguro nga, kasi sa trabaho kailangan mo i memorize kung nasan yung pwesto ng mga sabon o kaya ay listahan ng mga deal sa postpaid plan ng telepono . At least habang nag aaral ka sanay ka na mag memorize.

Maaring ang ilan din ay mabuntis o di kaya ay mag kaka scandal. Ganun talaga ang buhay, malandi. Madaya. Hi nga pala dun sa crush ko. :)

Ako po si kaloy. Pabaon ng magulang nung elementarya. Pinaaral ng gobyerno nung highschool at pinaaral ng tiyahin nung kolehiyo. Ginastusan nila ng humigit kumulang tatlong daan libong piso. Naggugol ng labing limang taon sa eskwelahan. Sinabihang baka isang linggo lang ang itatagal sa kolehiyo. Sinabihang walang mararating sa pag cocomputer. Sinabihan ding ang pera ay nasa lupa at wala sa ballpen. Si kaloy na simpleng tao lang at hindi mapigilan na bumati din ng “Congratulations sa inyong lahat!” Magandang hapon. Maraming salamat.
 
congrats at natuloy na din ang speech mo :salute:

congrats kasi hindi mo naman normal na gawain ang mag speech :lol:
 
Salamat po hehe.
 
Salamat :D

Up ko lang po. hehe
 
maganda ts reality at walang halong pulitiko heheheh.
 
:clap: sna mainbitahan rin ako mag speech sa graduation ..
sa darating na tamang panahon kapag siakt n pangalan :lol:
 
Back
Top Bottom