Bakit kayo naging Atheist/Agnostic/Theist/Deist?
Dumating ako sa epiphany na ito nung mga 18 o 19 years old ako (better late than never... at least young adult pa, diba? :P). I come from a Catholic family, and for years I more or less just went with the flow ng pagsisimba sa Linggo, Lent, etc. kasi... I guess yun na yung nakasanayan. Plus mas madali kaysa kumontra sa parents (specifically, sa mother).
Nagstart lang akong talagang maging kritikal nung nasa misa ako isang beses, tapos sa homily nung pari, he was talking about this vehicular accident that a few nuns got involved in. Tapos ang sabi niya--na hinding-hindi ko ever malilimutan--yung nangyari na yun daw, hindi daw will ni God, kundi will nung mga taong nag-hit-and-run. Ha? Meron bang hindi will si God? Si God, na supposedly ay omniscient, omnipresent, the one with The Plan? Tapos naisip ko, anong klaseng representative ni God yung magsasabi ng something that goes against lahat ng tinuturo ng Simbahan?
After nun, may brief moment of guilt ako for thinking sacrilegious things... so malapit na yun sa Lent, tapos diba pag Lent, yung mga tao nangungumpisal? So sa aking usual single confession of the year, kinumpisal ko yung doubts ko. Yung pari, parang wala lang kasi nagmamadali, binigyan lang ako ng standard "one Our Father, one Hail Mary, one Glory Be" na penitensya. "Ha???" moment na naman yun. Napakadali palang maglinis ng kaluluwa, chichika ka lang sa pari, bibigyan ka ng generic na dasal, ok na. Parang Forgiveness ATM lang naman.
After nun napag-isip-isip ako... bakit nga ba dapat kinatatakutan ang galit ng Diyos? Hindi ba, kung ganoon siya kalaki, supposedly "He" should be free from petty human emotions, katulad ng galit at jealousy? Tapos naisip ko rin, bakit sinasabing "God has a plan for you"? Ano ba ang ibig sabihin ng pagpaplano? Hindi ba kapag nagpaplano ka, nagwe-weigh ka ng pros at cons, naga-analyze, at from doon ay gumagawa ng desisyon? Anong klaseng All-Knowing Being ang kakailanganing magdecide based on sa sarili niyang framework at rules, ang kailangang mamili ng direksyon para sayo? Para sa kahit ano?
Narealize ko sa point na yun na ang Diyos na pinapaniwalaan ko ay napaka-human, at isang malaking oxymoron. Kung meron mang Something Bigger, o Supreme Being, o The Absolute Equation of the Universe, o ano mang gusto mong itawag, dahil sa liit ng kaalaman ng tao, imposibleng maidefine "siya" dahil napaka-limited ng perception natin, kahit gaano tayo mag-advance in the way of intelligent inquiry. Yung mga snippets na dumadaplis sa atin, hindi pwedeng i-Gestalt magic dahil lang sa pagkalaki ng scope, so ang totoong nature ng "being" na yun, imposibleng makita in its fullness.
So ngayon agnostic na ako. Sorry, wall of text ba masyado? ^^;