Pasensya na po sa late na reply @ervill20.
Tulad ng karamihan ng mga Pinoy, pinalaki akong katoliko. Nung bata pa ko, ayaw kong nagsisimba kasi di ko napapanood yung mga paborito kong morning kiddie shows. Hehehe. Sa loob ng simbahan, di ko maintindihan kung bakit ako nandun. Ang conclusion ko nung 10 yrs old ako, wala akong choice. Yun yung religion na pinili ng mga magulang ko para sa akin. Di ko choice yun. Di ko sinasabing masama yung napasukan ko, nafeel ko lang na dapat sa tamang gulang ka mamimili kung aanib ka sa isang religious organization o hindi.
Marami na kong doubts about sa belief, di lang sa Christianity. Ang ugat nito eh yung mga matatandang mahilig tumambay sa simbahan. Dun ko unang narealize na di lahat ng relihiyoso ay mabubuting tao. Sila pa yung pinaka-judgemental at pinaka-self-important na taong alam ko (tinutukoy ko po dito yung mga matatandang nakikita ko sa parokya namin).
high school ako nung napansin ko na "undebatable" na topic ang religion. Actually napasama ako kasi may napikon na taga-INC sa kin. Nagpasorry ako pero di nya matanggal na na-criticize ko yung belief nya/nila. Though malinaw ako na sa mga constituents ako may issue. Hay.
Freshman ako sa College nung nagkatake ako ng Logic101. Dun ko unang nalaman yung kwento behind sa Crusades. Out of curiosity, niresearch ko yung topic. Ayoko kasing ma-influence ako masyado ng prof ko eh kaya gumawa ako ng independent na research. Medyo nakakabahala sa kin yung mga nalaman ko about sa crusades. Much more yung history behind sa Friday the 13th (hindi dahil kay Jason, hehehe)
Mula dun, napunta ako sa Mithraism, Egyptian mythology, etc. Mahirap itanggi na ang mga pagan systems of belief na pine-predate ang Christianity, ay may napakaraming "glaring" resemblances sa Christianity mismo. Dagdag pa dito yung role ng pope sa iba't ibang era, kahit ngayon.
Dito na siguro ako naging interested sa Science in general. Kaya napadaan ako sa Psychology. Isang importanteng bagay yung natutunan ko dito. Humans are primed to look beyond themselves and look for somebody greater than themselves. Isa itong psychological need.
Napadaan din ako sa Evolutionary Science. Malaking influence sa kin sina Richard Dawkins, Sam Harris at syempre, si Charles Darwin. Firm believer ako ng evolutionary science.
Though ang bawat religion may teachings on how to lead a good life, defining the purpose of life, etc., ultimately, human ideals sila na tinatarget yung psychological needs natin. And historically, ang facade ng mga religion is to "unite people in the name of god" pero time and time again, it is used to centralize control.
Marami pa kong dahilan beyond dito pero baka maging mainit na masyado yung discussion.
Hopefully, di tayo ma-incriminate based lang sa system of beliefs natin. After all, even non-believers aspire to lead a good life.
- - - Updated - - -
Hmm... ayan na naman ang mahiwagang sapi na yan.
Ang akin lang, ang culture ng mga pinoy ay mayaman sa supersition at katatakutan.
I agree, puro lang kase assumptions. Sa tingin ko ke believer o non-believer di maeexplain ng maayos yan kasi walang nagtatangkang gumawa ng intensive na investigation.
Maraming bagay na di pa rin maexplain kasi di pa naiinvestigate ng maayos.