Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Atheists and Agnostics Meeting Place

Status
Not open for further replies.
study Catholicism? LOL go ahead! titindig balahibo mo .. my gulay
 
May proper context lahat ng violence sa history ng Bible at ng Christianity. Hindi un isinagawa dahil "nang-ti-trip" lang sila. Kung hindi nilipol ng mga Hudyo ang mga kaaway nila, sila sana ang nalipol. Ganun ang batas ng panahong un. Religion ang dahilan kung bakit naka-survive ang mga Hudyo sa mahigit 5,000 years ng conquest, exile, persecution, discrimination, at oppression. Tungkol sa Inquisition, isinagawa un sa panahon na itinatayo pa ang moral foundation sa Europe na ibinase sa Christianity. Maraming competing cultures noon na nais mangibabaw sa lahat - mga pagano at Muslim. Kung hindi nasupil ng Christianity ang mga erehes at kung nabigo ang Christianity na ipagtanggol ang posisyon niya sa Europe mula sa barbarian at Muslim invasions, malamang Islam o pagan ang prevailing culture ngaun sa Europe. Kung hindi Christianity, ibang religion at kultura ang hahalili. Malaki ang dapat ipagpasalamat ng mga Europeo na sa Christianity ibinatay ang society nila at hindi sa Islam o mga paganong kultura.

Tungkol sa "one true church." Kahit sino pwedeng magtatag ng church niya at i-claim ang titulong un. Pero hindi lahat sila merong historical support at apostolic succession o mga dokumentong magpapatunay na ang church nila ung church na itinatag nung 1st century AD.
 
study Catholicism? LOL go ahead! titindig balahibo mo .. my gulay
Sometimes it's needed just to understand a couple of things.

May proper context lahat ng violence sa history ng Bible at ng Christianity. Hindi un isinagawa dahil "nang-ti-trip" lang sila. Kung hindi nilipol ng mga Hudyo ang mga kaaway nila, sila sana ang nalipol. Ganun ang batas ng panahong un. Religion ang dahilan kung bakit naka-survive ang mga Hudyo sa mahigit 5,000 years ng conquest, exile, persecution, discrimination, at oppression.
Violence is still violence. What about the "thou shall not kill" thingy na nakalagay sa ten commandments? So are you saying may exemptions to the rule?

For example, I'm going to kill you in the name of jebus/yhweh because he ordered me to. Ganun lang kasimple.

If there are, then the commandments itself are imperfect and not suitable for present times.
Tungkol sa Inquisition, isinagawa un sa panahon na itinatayo pa ang moral foundation sa Europe na ibinase sa Christianity.
Do you even actually know what happens sa Inquisition? You forcing people to believe in your religion that is based on fiction or non-supportive arguments. Not even evidence. Kangaroo court ang bagsak mo kapag suspected heretic ka --- and bitay agad ang bagsak mo.

Tingnan mo nangyari kay Giordano Bruno. Sinunog na lang dahil pinagpilitan na mas cool ang copernican model. Against daw yun sa turo ng church. Asan ngayon ang hustisya.

Si galileo muntikan na.

Pero madalas -- kapag isa kang witch, ayun --- susunugin ka din.

Do you see what they did there?

Internet is magic too. It utilizes things from the void. Why are you using it? Isusumbong kita sa inquisition. --- i hope you kindly got my point?

Maraming competing cultures noon na nais mangibabaw sa lahat - mga pagano at Muslim. Kung hindi nasupil ng Christianity ang mga erehes at kung nabigo ang Christianity na ipagtanggol ang posisyon niya sa Europe mula sa barbarian at Muslim invasions, malamang Islam o pagan ang prevailing culture ngaun sa Europe. Kung hindi Christianity, ibang religion at kultura ang hahalili. Malaki ang dapat ipagpasalamat ng mga Europeo na sa Christianity ibinatay ang society nila at hindi sa Islam o mga paganong kultura.
So ganun na lang yun, pag di ka tropa --- kailangan the word "supilin" ang mga erehe. Poor dudes.

Kung hindi nag- ego trip ang both parties malamang nauwi ito ng maayos. As far as i can remember, utos ng isang pope na maglunsad ng military campaign sa jerusalem --- crusades. Why wage a war pwede naman idaan ito sa maboteng usapan?

You're claiming na christianity is true and the other one is not. On the other side, mas cool si allah and pag di ka tropa --- patayan na lang. Eh good luck na lang sa atin. Mauuwi lang talaga sa ubusan ng lahi just like na nangyari sa crusades way way way back.

Tungkol sa "one true church." Kahit sino pwedeng magtatag ng church niya at i-claim ang titulong un. Pero hindi lahat sila merong historical support at apostolic succession o mga dokumentong magpapatunay na ang church nila ung church na itinatag nung 1st century AD.
ahhhhh .... you're forgeting something.

hinduism is the oldest religion. Around 4000 BCe pa nung umusbong ang Indus valley civilization . Waley na waley pa ang christianity nung time na yun.

historical support and apostolic succession is sooo imperfect and not much convincing ---
 
Last edited:
Mosaic Laws vs. Ten Commandments
Magkaiba ang Mosaic laws sa Ten Commandments. Mosaic laws ang may mga utos tungkol sa pagpatay at si Moises ang gumawa ng mga un hindi ang Diyos, at iniutos lang un para sa mga Hudyo hindi para sa kanino pa man. Ten Commandments lang ang iniutos ng Diyos sa tao. Angkop ang Mosaic laws para sa panahon ni Moises dahil barbaric ang mga tao noon kaya barbaric din ang mga batas. Pero hindi na siya angkop sa panahon ngaun kaya nga matagal na siyang ipinawalang bisa sa New Testament. Angkop ang Ten Commandments noon at ngaun. Perpekto ang batas ng Diyos. Walang maghihirap at masasaktan kung un lang sana ang sinusunod ng tao.

Inquisition
Fact ang religion noon para sa LAHAT ng mga tao. Gaya ng sinabi ko, kung hindi Christianity, ibang religion ang mananaig noon, alinman sa iba't ibang pagan religions o Islam. Sa Christianity ibinatay ang western civilization. Malaki ang mababago ngaun sa mundo kung hindi Christianity ang nanaig. Bago pa mangyari ang Inquisition, nasakop na ng mga Moro ang Iberian peninsula at nakaabot na rin sila hanggang France. Isipin mo kung hindi nasupil ng Christianity ang Islam, Muslim na ang Europe at malamang pati ang buong mundo ngaun, walang pinagkaiba sa Middle East.

At sina Bruno at Galileo ay hindi na-execute at na-condemn dahil sa pagiging scientist nila. Karamihan ng mga pari noon ay mga scientist din pero dalawang scientist lang ang nahatulan ng Inquisition dahil sa 1.) pagtuturo ng bad theology, at 2.) sa competing scientific claims noon. Matagal nang napasinungalingan ng mga historian na anti-science daw ang Catholic Church. Sa katunayan, kabaligtaran. Catholic Church ang pinakamalaking supporter ng science noon hanggang ngaun.

Catholicism
Catholicism ang pinakatama sa lahat ng Christian denominations dahil bukod sa apostolic succession, siya ang pinaka-comprehensive sa lahat. Wala siyang binago, inalis at idinagdag sa Biblia samantalang ang iba gaya ng maraming Protestant denominations ay puro cherrypicked lang ang biblical verses na gusto nilang paniwalaan at ini-ignore ang iba na hindi nila gusto.

Walang pinagkaiba ang Hinduism sa iba pang pagan religions noon. Ang naiba lang ay nagbabago ang Hinduism sa pagdaan ng panahon hindi katulad ng Christianity na fixed at absolute. Polytheistic dati ang Hinduism; monotheistic na xa ngaun. Nag-aadapt siya sa mga pagbabago sa society at sa influence ng ibang religion. Pluralistic ang Hinduism.
 
^Catholicism ang pinakatama sa lahat ng Christian ,,,,,,,, Oooopppsss diba dipa nga napapatunayan kung tama ang Christianity ??
 
back read muna... musta mga atheist !!!

Welcome back!

@Ryu

baka nagpapayaman na yan! Mukhang ok na nga dito, mabilis na magload yung mga pages.


Heloo sa lahat, keep your discussion healthy.
 
There you go, kids! The roman catholic's --- The Spanish Inquisition.


---
Di pa ako nakakapagreply sa isang query, replayan kita tom.
--
@ronell --- babalik din yun hahaha.
 
Last edited:
^- Ikaw yata itong mayaman, galing kang states eh. Hahahaha :lol:

naku allowance lang naman nakuha ko dun e :lol:


TOPIC: Napanood nyo na ba sa Youtube yung "Karapatan Sa Karagatan" ni Lourd De Veyra? May iba pang Part ito, ano reaksyon nyo?

Ako, gigil na gigil, ninanakawan na tayo ng karapatan sa lupa, sa kabuhayan at bilang Pilipino.

Sabi nga nung isang mangingisda, dati raw kaya nila punuin ng isda ang tatlong Jeep, ngayon daw kahit isang Jeep nahihirapan na silang punuin ito. Nawawala na yung malalaking isda dahil binabantayan na ng mga Chinese.

Nakakadismaya ang gobyerno naten, dahil wala tayong magawa kundi diplomasya. Kahit ang pagbabantay sa ating lupain ay hindi naten mapondohan ng maayos dahil kung saan saan nalang napupunta ang pera naten.

Isipin naten, pinapaligiran tayo ng tubig, napakaraming pwedng gawin dito, bukod sa pagkaen, andito din ang enerhiya na kayang magpatakbo ng mga industriya etc.

Nakakapanglumo talaga ang ganito... mas lalo tayong maghihirap sa darating na mga panahon.
 
Last edited:
Ang Inquisition ang PINAKA fair na judicial system sa Medieval Europe. Mas gusto pa ng mga accused na sa Inquisition sila litisin kesa sa secular courts dahil mas malaki ang tsansa nilang mapawalang sala at hindi ganun kahigpit ang parusa sa Inquisition. Ung instances ng burning of heretics at iba pang torture sa Inquisition ay abuses ng secular authorities; hindi Catholic Church ang nag-utos nun. Mismong Simbahan ang kumondena sa mga pang-aabusong un na siyang naging dahilan kung bakit ipinatigil na niya ang Inquisition.

In spite of (relatively rare) instances of torture and wrongful execution, it was still widely considered in Europe to be the fairest (and most merciful) judicial system in Europe at that time, as evidenced by records of people blaspheming in secular courts intentionally for them to be brought before the Inquisition for a more just and fair trial

During this time in history, an accusation of heresy could be construed as treason against lawful civil rule, and therefore punishable by death, though this penalty was not frequently imposed, as this form of punishment had many ecclesiastical opponents

x
 
There you go, kids! The roman catholic's --- The Spanish Inquisition.

https://www.youtube.com/watch?v=BJpdzQWuK2A

---
Di pa ako nakakapagreply sa isang query, replayan kita tom.
--
@ronell --- babalik din yun hahaha.

Maraming masasaktan na Katoliko. Maaaring e-defend nila ito but, anyway...... hindi lang naman Katoliko. Sa iba-ibang religion ay meron record na ganyan klase. Malakas ang kutob ko ay dahil sa religious fanaticism nila or... or... or... or sa mismong belief system nila. Ganun.

Wala naman perfect religion.

Sa bansang Pilipinas kaya? Noon unang panahon ng mga Espanyol kaya? Meron death penalty kaya? Bawal kaya ang ibang religion dito sa bansang Pilipinas. Pure at perfect Catholic lang po. If hindi Catholic ang isang social group or ang tao, naku, *patay sila* as in. Heretics ang tawag sa kanila.

Ngayon, hindi na. Na-saved tayo ng mga Amerikano. Ang nagpa-inpluwensya naman ng Protestantism ay Amerikano naman. So okay-okay na. Democratic country tayo at wala ng death penalty-death penalty na iyan. Medio nagkakaroon na ng tolerance ang iba-ibang religion.

Sayang! If si Cleopatra ang sumakop sa atin, the world will be different. Siguro, mga Pagano tayo na may Gods and Goddesses. Magiging predominant ang Goddesses. Then, mag-uusbungan ang ibang matriarchal culture and--- and--- stop!

Wait. Baka malayo.

Anyway, iyon na po iyon.

Puros ang *sumasakop* kase ang mga *monotheistic religion* na only one *God* katulad ng Protestantism, Catholicism, Islam--- mga ganun ba? Then, ang nag-iinpluwensya sa atin ay ang kanilang religion. Wala lang. Malakas lang ang imaginination ko dahil if hindi lang Egypt ang sinakop ni Cleopatra at lumawak pa ang pananakop niya at nakarating sa bansang Pilipinas---naisip ko lang na---well---ano kaya mangyayari? Haha.

Iyon.
 
Last edited:
ang tagal na ng inuman until now asa drawing board pa rin haha bawasan nyo naman mga kayamanan nyo haha
 
Gandang umaga po at padaan

11226542_1437204076608917_1510581015811571009_n.jpg


008-God-created-Hell-300x300.jpg
 
Nakapaglogin din sa wakas! Wew those were very busy months! Got married (an atheist-agnostic marrying a catechist? Outrageous! Welga na, sheeps!), honeymoon, pagbalik sa office gabundok na backlogs naghihintay sa akin. Mnyahahaha
 
Last edited:
Kumusta ang friends natin dito mukhang tahimik na ang tambayan dito.
 
Nakapaglogin din sa wakas! Wew those were very busy months! Got married (an atheist-agnostic marrying a catechist? Outrageous! Welga na, sheeps!), honeymoon, pagbalik sa office gabundok na backlogs naghihintay sa akin. Mnyahahaha

Hey, almost miss this, C O N G R A T U L A T I O N S ! ! !
 
Nakapaglogin din sa wakas! Wew those were very busy months! Got married (an atheist-agnostic marrying a catechist? Outrageous! Welga na, sheeps!), honeymoon, pagbalik sa office gabundok na backlogs naghihintay sa akin. Mnyahahaha
Naks -- welcome to married life. D:

Don't worry man -- pangalawa na ako. 40+ years of bedtime debates. LOL



Hey, almost miss this, C O N G R A T U L A T I O N S ! ! !
hoy san ka galing. LOL
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom