Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Atheists and Agnostics Meeting Place

Status
Not open for further replies.
david icke, master ct—conspiracy theorist, although it would be one's loss to ignore all his ramblings, hehe.

but no. random time is on solid footing with current quantum physics, string and multiverse theory. no conspiracy, just plain old storytelling with interesting humans and humanoids of the future—or past, since its premise is that humanity will soon find time convergence, where anyone could travel to the distant past or future as if he were visiting the next street neighbor. :)

- - - Updated - - -

hm, make that spacetime convergence, since humanity at that point could also travel anywhere in the universe—or other universes—in the blink of an eye. :lol:

Mga sir totoo nga talagang habang nabubuhay ang tao patuloy itong tumatalino, walang katapusan ang nagiging mga tanong o curiosity kaya't wala ding katapusan ang natututunan. Ang napansin ko lang po sa mundong ito sa bawat bagay na maganda hindi parin nawawalan ng kahit na isang problema.

Eh mga sir sabi po nyo hindi po kayo naniniwala sa Diyos, sa langit at sa impiyerno. Kung ganun hindi rin po ba kayo naniniwala kay tating at mga kampon nyang devil? Hindi po ba totoo ang mga sanib o exorcist, eh paano po ang tungkol sa soul and spirit?
 
Hindi po natin tiyak kung hanggang saan ang hangganan ng pwedeng matutunan sa universe. Kung may hangganan ang lahat, di malayong magiging malagim na bangungot ang pamumuhay, marami ang mababagot sa kawalan ng hamon na siyang nagsisilbing appeal ng buhay. Malay natin na kung ganito, maaaring dumating sa punto ang mga advanced civilizations para irecycle ang universe at magsimula ulit ang lahat sa scratch. o di kaya ay gumawa ng virtual universes, worlds kung saan ang lahat ay pwedeng magsimula, gaya ng suspetsa ng mga syentipiko na maaaring ang ating universe ay isang fabricated, virtual world lamang.

Wala pong batayang matatag ang paniniwala sa soul, spirit, langit o impyerno. Ang exorcism naman po ay matagal ng pinatunayang di akmang panupil sa isang sakit na nag-uugat sa depekto sa kaisipan, ang tinatawag na schizophrenia—paranoid schizophrenia.
 
Last edited:

Eh sa eternal life po sir hindi po ba mangyayari possible un, para po kasi sakin parang hindi akma ang isip/utak ng tao sa kanyang life span. Parang sobrang lawak po kasi ng utak ng tao parang walang katapusan ang kayang likhain ng to kaya lang malilimitahan dahil sa kamatayan.
 
Ang sinasabi ninyo ay kagaya ng naiisip nina Brin, Page, Bezos, Thiel, Goldie Hawn: masaklap malamang may hangganan ang buhay samantalang marami pang gustong ipagpatuloy na gawain, sabi nila.

Para sa kanila, ang solusyon ay sa tinatawag nilang Longevity/Immortality Project. Ang layunin nito ay pahabain ang average lifespan ng tao hanggang 150 years sa loob ng ilang taon; then 500, hanggang sa wala ng limit, i.e., immortal na ang tao. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng genetic editing, AI-robotics (cyborg) integration, or mix ng alin sa mga to. Mapapansin po ninyo na di nila inaasa ang eternal life sa traditional na konsepto ng afterlife, reward sa isang langit mula sa kung sinong sinasabing diyos.

Mahalagang development ito sa kasaysayan ng tao. Kung mangyayari ito, ano ang masasabi ng mga teista na umaasa din ng eternal life dangan nga lamang ay sa supernatural na pamamaraan?
 
sir may tanong pa po ako kung okay lang sana. Bukod po sa tao mayroon pa po bang ibang bagay o may buhay dito sa mundo na katulad o kasing talino ng tao pagdating sa paglikha ng mga bagay?
 
Maraming syentipiko ngayon ang unti-unting sinusuri ang mga nakaraang pag-aaral na sumusukat sa level ng intelligence ng chimpanzee, orang-utan, raven/crows. Lumilitaw na hindi sapat ang mga parameters na ginamit, dahilan para di natukoy ng maayos ang katalinuhan ng mga hayop na nabanggit. Ganunpaman, kahit anong level ang tinaas sa sinabing bagong pag-aaral, imposible ng makita na may nilalang sa mundo na hihigit sa intelligence level ng katauhan. Subalit maaring ito ay di pa rin conclusive o final. Sa ngayon, iilan pa lang na makabuluhang research ang ginugugol sa dolphins, whales, at kahit sa cephalopods (squids, octopus) na naoobserbahang nagpapakita ng kakaibang level ng intelligence lalo na sa native communities nila sa dagat. Halimbawa, kamakailan lamang ay napatunayang ang mga cephalophods ay di mga loners na gaya ng pagkakaalam, kundi sila rin ay nagtataguyod ng thriving communities. Napatunayan ito sa karagatan ng Australia-New Zealand.
 
ryu and i were up early.

caught him in hell, now he's on his way to heaven. :lol:
 
eh sir stormer tungkol parin po sa paglikha, ang ateista din po ba eh naniniwala din ba na ang lahat ng mga bagay sa mundo at sa labas ng mundo eh nilikha?
 
Since hindi naniniwala ang ateista sa kahit anong diyos, it follows na rin po na di sila naniniwala sa paglikha. Sa sarili ko lang, mapapansin ninyo ang isang post ko halimbawa na nagpapakita kung paano ang universe, o kahit anong universe, ay maaaring mabuo gamit lang ang natural laws na ilang panahon ng alam ng katauhan. At yan po ay may kaukulang suporta na maaaring kilatisin ng kahit sino.
 
Boss makikisagot din ako.

Sa case ko, pwede naman ako maniwala basta ipakita lang kung paano nya nagawa yun.

Kaso if iisiping mabuti, kung malabo maniwala sa isang diyos na gumawa ng lahat, malabo ding maniwala na nilikha din ito.
 
Ano yung sabi—— "It would be a cold day in hell before it could happen...." :lol:

But yeah, many of us would of course settle for that possibility, no matter how distant. At least then humanity could move on with life and leave the issue of whether there is a god or not and all that behind.
 
well in the first place what do i get if i believe in God? Let us ask our visitor.
 
Since hindi naniniwala ang ateista sa kahit anong diyos, it follows na rin po na di sila naniniwala sa paglikha. Sa sarili ko lang, mapapansin ninyo ang isang post ko halimbawa na nagpapakita kung paano ang universe, o kahit anong universe, ay maaaring mabuo gamit lang ang natural laws na ilang panahon ng alam ng katauhan. At yan po ay may kaukulang suporta na maaaring kilatisin ng kahit sino.

sa akin lang naman pong pananaw sir kapag ang isang produkto ay maganda ang naging resulta o masasabing nakakamangha ang disenyo hindi po maalis sa isipan ko na ginamitan po ito ng matalinong pamamaraan at kapag ganito kailangan ng malalim na kaisipan.

Napakaganda po ng mundo ng kalawakan at halos lahat ng naroroon, napakahirap pong isipin na nagkataon lang po ang mga magagandang bagay.

well in the first place what do i get if i believe in God? Let us ask our visitor.

FAITH po sir... =)
 
sa akin lang naman pong pananaw sir kapag ang isang produkto ay maganda ang naging resulta o masasabing nakakamangha ang disenyo hindi po maalis sa isipan ko na ginamitan po ito ng matalinong pamamaraan at kapag ganito kailangan ng malalim na kaisipan.

Napakaganda po ng mundo ng kalawakan at halos lahat ng naroroon, napakahirap pong isipin na nagkataon lang po ang mga magagandang bagay.

Ang lahat po ng bagay sa universe, mula sa kaliit-liitang quarks, electrons, protons, neutrons, hanggang sa atoms, molecules, at naglalakihang mga planeta, buwan at araw, patungo pa sa mga galaxies at superclusters ay may sinusunod na natural na proseso o physical laws. Kung inyo pong magagawang sumilip sa isang electron microscope o telescope, makikita nyo kung paanong sa simpleng physical rules lamang ay nabubuo ang mga mas complex na bagay. Hindi po kailangan na gawing misteryoso ito.

Saganang akin, ang isang bagay ay di lamang po maganda at kamangha-mangha sanhi ng ito ay nilikha. Di natin kailangan gumamit ng extra lens, extra filter para ma-appreciate ang lahat ng kagandahang nakalatag lamang sa harap natin.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom