Gud day!.. meron akong corolla 89 small body.. actually bago ko ipasok sa talyer ung kotse ko, wala ako problema sa andar at takbo. malakas humatak, matulin ska stable ung andar nya. napansin ko lang na medyo may konting usok na color black. so I assume na kailangan ko na magpa change oil. dinala ko sa talyer para ikundisyon. nagpapalit na rin ako ng ball joint, tie rod, clutch(set), timing belt, ska change oil. nirepair na rin ung mga may tama sa body. Pagkatapos gawin lahat iyon, nang pinaandar na, namalya na nang husto. ska nagbabackfire. lumakas din nang husto ung usok. unang ginawa ay nagpalit kami ng lahat ng spark plugs. walang nangyari. tinest ung distributor at patay na raw ung coil. so pinalitan na rin namin. wala pa ring pagbabago. inoverhaul na rin ung carburetor, pero ganun pa rin. mausok talaga nang sobra. suspetsa ng mekaniko ko kailangang i-top overhaul. so biniyak ang makina at nakita nga na may alog na ung piston ring at may singaw na ung valve seal. nawala namn ung usok pero ganun pa rin ung pamamalya at nagbabackfire pa rin. pinalitan na rin ng surplus na distributor pero ganun pa rin. napansin ko nung break-in, halos nag triple ang konsumo ng gas.... hindi rin stable ang idling nya. taas baba ang RPM nya. ano po kaya problema ng kotse ko. hindi ko namn maibenta kasi una napamahal na sa kin ung kotse ko. pangalawa mag 6 years na sakin un pero hindi ako binigyan ng problema. ngayon lang. hindi ko nga po naranasang tumirik at kahit ung simpleng flat na kailangan magpalit ng gulong sa daan.
tulungan nyo namn ako... masakit na talaga ang ulo ko at bulsa ko pero hindi pa rin tumino. baka may mai suggest kau sa akin kung bakit ganun? ayoko namn po ibat ibang mekaniko ang humawak kasi ibat ibang tao hahawak, ibat ibang hula nmn ang ginagawa.
pls help
tnx in advance.
Brod, meron talaga mga mechanic na palpak as in nanghuhula lang ng gawa. Base sa story mo, Makikita na kung ano-ano ang ginawa nya pero hind nya mapatino and makina.
Ang the best ay maghanap ka ng magaling na mekaniko. (Naranasan ko din yan dati. let me share my story)
Nang bata pa ako may car ang father ko and ang mekaniko nya ay kumpare nya, the best mechanic yun - kasi once dinala mo car sa kanya na palyado or nagwawala ang RPM pag ginawa nya parang brand new uli and andar
And before nya gawin ang car sa tunog palang ng makina sasabihin na nya kung ano ang sira at papalitan sa kotse mo "Walang paltos"
First car ko ay lancer singkit at malayo ako sa mechanic ng father ko kaya nag punta ako sa talyer na pinakamalapit dahil ng mabili ko 2nd yun car ok naman tumakbo pero me konti white usok sa tambutso
- Tinesting ng mekaniko (pinatakbo ng mabilis - super lakas white usok)
- Sabi ng mekaniko - top overhaul para mawala usok
- Pina machine shop Cylinder head, etc, etc.
- Habang ginagawa - sabi ng mekaniko me konti alog piston ring so much better to overhaul na tutal bukas na eh.
- Pina overhaul ko na (Umabot sa 35k gastos from the 10k na top overhaul sana)
- Excited ako na ok na pagkagawa
- nang makuha ko car - maganda na humatak pero me konti parin usok- sabi ay natural daw sa lancer yun
- ako naman si tanga - tinanggap ko naman
- during break-in tumataas temperature nya (nag o-overheat pag trapik)
- ilan beses ako pabalik balik sa kanya hindi mawala yun overheating
- umabot ng 4 months still nag iinit makina pag trapik at nagsisimula na uli lumakas yun white na usok sa tambutso
- Sa inis ko, naghanap ako ng ibang mekaniko (Somebody recommended his mechanic for me)
- Try ko mechanic nya - in adjust makina kasi wala sa timing - simula noon hindi na nag overheat "WOW" ibig sabihin hindi sya nakatiming eversince na overhaul!!
- Now yun usok sa tambutso (No choice kundi dukutin ang piston ring at palitan valve seal)
- tapos ang problema ng car - ganda na tumakbo at wala usok
Kaya ang maipapayo ko ay humanap ng matinong mekaniko, hindi yun nanghuhula lang.