Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ayoko ng magaral , ito ang gnawa ko . :(

Naku sayang naman ung pera at time.sana nagcall center kana lang para kumita ka pa :)
 
ts bata ka pa nga di pa matured pag iisip mo.advise ko lang sayo try mo manood ng insperational films tungkol sa kahirapan.kawalan ng pinag aralan baka sakali maliwanagan ka.:)
 
Alam mo di nga ako nag stop sa pag-aaral ngunit nagsimula ako nang college in the year 1981 ngunit natapos ko yong kurso ko 1993... imagine tol... almost 12 years... ngunit natapos ko rin... sa tagal ng aking pag-aaral, naabutan na ako ng contractualization.... ang hirap na humanap ng trabaho... paano may baby na... lalu ng ngayun pag pay baby ka na, mahirap walang natapos na kurso... academic man or technical vocational courses...
 
Parehas tayo TS tinatamad na din ako mag-aral, kahit napasok ako sa school parang di ako interested kaya lumalabas nalang ako ng campus kasama ng mga kabarkada ko para tumambay at manigarilyo lang, ayon hanggang sa umabot ng finals at puro singko grades namin. Buti nalang hindi nalaman ng ermats at erpats ko pinaggagawa ko. Ngayon hinto na ako at nagpapatakbo ng business namin. Parang gusto ko mag-aral ulit kahit vocational lang.
 
opinyon ko lng nuh? sayang dmi gstu mag aral pero walang pmpaaral. like mo.iyak p mga magulang ko mangutang mapaaral lng ako pero d tlga kaya. pasya ko tumigil nlng.pero yung iba my pmpaaral nman bakit ayaw nila? gnun ba tlga yun?
 
cguro mayaman ka TS kaya dina mahalaga sayo ang pag'aaral kahit para yan sa kinabukasan mo... tinamad kalang kaya nagawa mo yan.. ganyan ako dati huminto pero ngayon nagsisisi dahil huli na para mag'aral pa....
 
Sayang TS, sayang yung opportunity mo, buti ikaw may mga parents na kayang tustusan ung pag-aaral mo. Ako gustong-gusto ko magaral ang problema ko lang eh ung pera talaga. :D
Pero don't give up TS, sana mapagisip - isip mo din na bumalik sa pag-aaral habang bata ka pa.
Sayang ung panahon ung pera,, kekelanganin mo ang pinag-aralan mo balang araw, marerealize mo na sana tinapos mo na lang pag-aaral mo. Im not forcing you na mag-aral ka, gusto ko lang malaman mo kung gano kahalaga ang may pinag-aralan, lalo na sa panahon ngayon, hirap na kumuha ng trabaho.
Kaya mo yan ts, ika nga, hanapin mo muna ung sarili mo. :D
 
Alam mo di nga ako nag stop sa pag-aaral ngunit nagsimula ako nang college in the year 1981 ngunit natapos ko yong kurso ko 1993... imagine tol... almost 12 years... ngunit natapos ko rin... sa tagal ng aking pag-aaral, naabutan na ako ng contractualization.... ang hirap na humanap ng trabaho... paano may baby na... lalu ng ngayun pag pay baby ka na, mahirap walang natapos na kurso... academic man or technical vocational courses...

Tama sya TS, try to watch inspirational movies, like "The pursuit of happiness" tsaka ung "3 Idiots"
recommend ko lang sau . please wait 2 seconds for an uncompressed image, or press Ctrl+F5 for original quality page
 
TS , unfair ang panloloko na ginagawa mo sa parents mo....sana you find courage na magsabi na ng totoo sa kanila....

Sa panahon ngayon kailangan nakapagtapos ka na atleat 4 year course kasi mahirap humanap ng trabaho , sa corporate world kahit janitor di pwedeng hindi nakapagcollege ng 2 years, sa sm yung mga sales lady dapat tapus ng 4 yr course, sna tapusin mo ang pagaaral mo (pili ka ng pinakagusto mo na course depende sa interes mo) para sa magandang buhay.......G
 
alam mo TS ganyan din ang nangyari sa akin dati sa la salle, 1st to 2nd yr maganda pa ang mga grades ko, comscie student ako sa la salle, pero bago ako nag start sa la salle eh naka tapos na ako ng 2yr course na programming sa AMA. ng mag 3rd na ako sa la salle nasa kalagitnaan iyon ng 1st sem ng magsimula ako mg luko sa pag-aaral ko, barkada dito, barkada doon, halos 3 gabi ako lasing in a week dahil sa yaya ng mga barkada. lahat ng mga teachers ko eh na alarma na dahil sa mga absences ko na umabot na sa maximum, during exam sakto din naman ang bayad ko pero ang hindi rin alam ng mga parents ko na bagsag na pala ako sa lahat ng mga subjects ko, at ang pinaka worst eh ung maabotan ako ng parents sa boarding house ko na doon din natutulog ang gf ko at that time eh naka panty lang at naka sando at ako naman eh naka boxer short lng, 6:00 o'clock in the morning umulan ng katakot-takot na sermon at umuosok na salita mula sa parents ko. advice to transfer ako ng ibang university pero ng pumilit parin ako na sa la salle parin ako mg aaral. dating gawi parin ako absent, nuod ng sine, lakwatsa, mag hotel ng isa ko gf, na tapos ang buong 3rd yr 1st semester ko na drop at failed ang mga subject ko. kina usap parin ako ng mga parents ko na bibigyan nila ako ng isa pang chance para mag aaral ulit. 3rd yr 2nd semester na 8 subject lahat ang kinuha ko 3 subject lang ang naipasa ko, pasang awa 75-78 ang grades ko, nag summer ako pasang awa parin, hanggang sa mg 4th yr ako medju wala paring pagbabago ganun parin 76-82 lang ang grades ko, until na ng pasya akong mg stop muna sa pag-aaral, during that time kasi nasa college na ang kapatid ko, taking up nursing course at ang 2 ko pang mga kapatid ay nasa 4th and 3rd yr high school. sabi ng mama ko hindi na nya makaya ang pagpapa-aralin kami ng sabay sa college ng kapatid ko dahil sa laki ng tuition namin na aabot ng 65k++ php in one sem excluding pa ang bayad sa boarding house at consumption for 1 week . sabi ko sa mama ko na stop muna talga ako sa pag-aaral. at first parang na gustohan ko agad ang pagiging tambay pero panandalian lng, 3 months palang ako naka tambay nuon ng mg pasya ako na mag partime job at dahil sa kunting swerte naka pasok ako sa chowking umabot ako ng 1 at kalahating taon bilang dinning crew gaya ng nakagawian ko or talga lng medju lapitin ako ng mga girls muntik nanaman ako mahuli ng mga parents ko na meron naman ako pinatulog na girl sa boarding house ko ng 1 time na mag visit sila sa akin at buti nalang nag text sila na pupuntahan ako at kukumusstahin sa araw na iyon.
to make my story short :D naka tapos din ako sa pag-aaral ko for almost 8 yrs kahit na nagluko ako at nag partime, sa huli naka work parin ako dito sa province namin bilang PPDO staff ng capitolyo.

kahit anu paman iyang mga pagluluko mo TS always think na dapat maka tapos ka ng pag-aaral sa ika bubuti ng future mo.
 
bad cheetah, hehe peace.

ang swerte mo kase may chance ka na makapag-aral. tsk tsk tsk.
 
wew. Set goals in life, wala ka talagang patutunguhan nyan kung wala kang pangarap.
 
Naku, sana inisip mo ung perang pinaghirapan ng mga magulang mo para makapag-aral ka. Siguro ngayon, bale wala lang ito sa iyo kasi hindi mo pa alam kung gaano ka hirap kumita ng pera, pero pag naging magulang ka na, maiintindihan mo.

Sana sa mga kabataan ngayon dito, isaalang-alang niyo ang feelings ng mga magulang niyo. Kasi sa kahit anung problema, mali man kayo o hindi, kayang kaya kayong patawarin ng mga magulang nyo. Iopen nyo sa mga parents nyo yung situations nyo. Kung saan kayo nahihirapan, kung bakit ayaw nyo yung mga bagay na pilit pinapagawa sa inyo.

Kailangan mong mag-aral. Lalong lalo na kung lalaki ka. Isipin mo ung magiging buhay ng magiging pamilya mo kung ganyang wala kang natapos. At kung babae ka naman, isipin mo kung iwan ka ng asawa mo, paano mo bubuhayin mag-isa ang mga anak mo?

di ba?
 
nakuh..ts..parehas tau ng sitwaxon..sakn 4th year na q..actually 2 months nlng...aun na...mali ko lng...naramdaman ko na ung ganyan 3rd year..coll..actually pangatlong kurso k na to ung mga una 2 yrs..aun...dami sumasagi sa icip na hindi masaya..kexo..gn2 gnyan...me nagsabi nga skn na matatanda..sa isanglibong taong tanungin ko daw...mali ang desisyon..q...isang hakbang na habang buhay na pagsisisihan...oo nandun n nga..pero the thing is pag pnlt pa..is magiging iba pa ung resulta...aun..d padn nla matanggap ..ksi nga pinatagal...ko pa....

tsk..tsk.. nasa peek dn ako ng sitwaxon..n yan...pero pninindigan ko ang sitwaxon na pnsukan..pagsisihan man eh at least gnawa mo sa sarili ..mo..another exp. in life....gulo..nuh..sabi ko sau..parehas..lang tau..hahahhh
 
ganito rin ako ngayon
gusto ko muna mag stop
hayzzzzzzzzzzz
 
kung my pgkakataon na mg-aral, mg-aral kayo kasi pgsisisihan nyo yan balang araw..

Hindi nyo man mararamdaman yan ngayon pero in the near future yan..

Mahirap lalo na ngayon..
 
Back
Top Bottom