Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit ganun pag tumatanda?

Ihsikats

Amateur
Advanced Member
Messages
128
Reaction score
0
Points
26
Bakit kaya pag tumatanda ka na namimiss mo maging bata, nung nagaaral ka pa nun university?

Bakit kaya mas naappreciate mo yung mga magulang mo ngayon kesa nung bata ka pa na lagi kang pinapatulog pag hapon?
 
kulang pa kasi ang pang-unawa mo sa mga seryosong bagay...
ang bata kasi limitado pa ang appreciation ^^
 
masaya kasi maging bata, kasi wala masyado problema, tamang assignment lang sa school at project ang mga problema tas masaya talaga, tas pag nag matured na ang pag iisip ayon, na kakapag appriacte na lahat ng magagandang bagay na nangyari at pag matanda na, meron ng bagay na hindi pwedeng gawin
 
kasi carefree tayo nung mga bata tayo.....puro laro at kasayahan lang iniisip natin..haha
 
kasi di natin naiisip ang future noong bata pa tayo.
 
mas complicated na kc ang buhay pag tumanda na.
 
Habang tumatanda dumadami realizations sa buhay...
 
Bakit kaya pag tumatanda ka na namimiss mo maging bata, nung nagaaral ka pa nun university?

Bakit kaya mas naappreciate mo yung mga magulang mo ngayon kesa nung bata ka pa na lagi kang pinapatulog pag hapon?

Kasi nung bata ka pa less problem. Wala kang aatupagin kundi mag-aral at maglaro lang. Di katulad ngayon pag-tanda mo, dito na din magsisidatingan yung responsibilities mo bilang isang adult. Dahil dun, mapapaisip ka na lang na ang sarap pala talagang maging bata.

Regarding sa parents, Oo, sa point na 'to bilang isang adult, doon mo mare-realize kung gaano kaimportante ang magulang. Lalo na at alam mo na sila tumatanda at nagkaka-edad na. Masakit isipin, pero yan ang realidad.
 
salamat sa mga reply, tama nga at iba na talaga pag dumating ka na sa adult stage, rumarami responsibilities, kelangan ayusin ang career, lovelife, mapapaisip ka din tlaga na ansaya nung bata kapa puro laro, gawa assignment, nuod, tulog, kaen lang masaya na.

ofw kasi ko nakakauwi naman ako twice a year, mejo nakakamiss ln siguro minsan hehe.
 
Nagkakaganyan lang ang taong matanda kung depressed siya or hindi stable ang kalagayan. I've been there around 2010 - 2014. School days ko masaya, may barkada, may lakad tuwing gabi. Grumaduate ako 2010, nag work, nag stay sa apartment, bilang ang kaibigan, mag isa lang. 2010 - 2014 lagi kong iniisip yung mga good old days kasi nga compare noon ang simple lang ng buhay. 2014 mga ber months umalis ako sa trabaho. Sumawsaw ako sa family business namin then naging busy. Halos every week may lakad. Sunday na lang halos ang day off ko, pamatay oras... movies.

Make yourself busy para maiwasan mo mag isip. Promise, kung itutuloy mo yang ganyang mindset ma de-depressed ka lalo.
 
ganon talaga ngayong narerealize mo nang tumatanda ka hinahanap hanap mo yung pagkabata mo yung mga na exp mo nun na sobrang saya kase habang tumatanda ka dumadagdag ang kaalaman mo at narerealize mong ang mundo ay hindi patas at komplikado
 
naaalala ko nung bata ako, simpleng bagay lang masaya na, ngayon haaays ang dami ko nang problema, haaayyss, stress araw araw, naiiyak ako minsan
 
Kase puro laro palang nasaisip natin ,atsaka di natin inaalala yung kinabukasan basta tulog kain tas pasok sa school uwi laro.
Lahata tayo namimiss natin yun
 
dati nung bata pa ako hindi ko alam na nasa squatter house lang kami nakatira atsaka wala akong paki kahit pangit bahay namin

nung lumaki 4th year high scool lumipat kami ng bahay nasa village tapos bawat unit inaayos ang bahay at pinapaganda
samantala samin konting ayos lang kumbaga yung may matirahan lang
nahihiya ako lumabas kasi ang pangit ng bahay namin kahit nasa village na kami tapos kapos pa kami sa buhay kasi yung nanay ko tumutulong sa mga tamad naming kamag anak kasi sa lahat ng magkakamag anak kami lang ang mas angat kaya ang akala naman ng kamag anak namin mayaman kami kasi sa maynila nakatira at yung tatay ko naman babaero kahit nung bata pa ako wala akong paki kapag nambababae yung erpat ko
pero ngayon may trabaho na ako nakapag abroad nakakapagpadala ng malaki tapos ang tatay ko naman may secret family kaya pag uwi ko ng pinas lagi mainit ang ulo ko tapos lagi akong galit kasi imbis na maging maayos ang buhay ay parang hinihila ka pa pababa

parang nasa isip ng erpat ko na ok lang na mambabae
kumbaga kapag matanda kana tapos malapit kana sa edad na mawawala kana sa buhay parang gawin mo na ang lahat kasi huling buhay mo na iyon
dumagdag pa yung paggagamit nya ng bawal na gamot, nung una hindi pa ako naniniwala kasi minsan narin akong napagbintangan ng magulang ko na nag aadik dahil nga sa may iba akong kaibigan na mga adik adik
pero yung tatay ko umamin dahil may ibang tawag sila sa ????? pa di nila malaman na ????? ito
RC ang tawag nila at nagpost yung kapatid ko sa FB sabi nya "RC pa!! :ranting::ranting:" at nag chat yung erpat ko sa kapatid ko at ang sabi nya wag daw magpopost ng mga rc na yan kasi tumikim lang naman daw sya "bad trip ako nun nung malaman ko" kasi nagpapadala kami ng malaking pera para pampaayos ng bahay
may trabaho din yung tatay ko pero madalas ang sahod nya laging may kaltas at laging kulang at nagagalit nanay ko kung saan napupunta ang sahod nya


hanggang dyan nalang ang kwento ko
masarap talaga maging bata kasi hindi mo naiisip na ganito ka, meron ka or wala
ngayong 25years old na ako pumapasok lagi sa isip ko na paano kaya ako kikita ng pera
parang hindi mo maeenjoy ang buhay mo kung puro kalang sa trabaho
 
Back
Top Bottom