Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Balik Probinsya Program ni Senator Bong Go ano masasabi nyo?

Sa palagay mo Epektibo ba ang Balik Probinsya Program???


  • Total voters
    7

darkduetzy

Professional
Advanced Member
Messages
195
Reaction score
0
Points
26
ano masasabi nyo sa balik probinsya ni Senator epektibo ba ito o magsasayang lang ng pera ang pamahalaan? Para sa akin kasi magsasayang lang ng pera ang gobyerno kasi minadali ang batas at hindi pinalano ang programa. hindi inuna ang mga paglilipat ng mga planta o pabrika sa Manila patungo sa mga lalawigan kaya ang siste pagpunta sa lalawigan nganga ang mga nagsiuwi. at natural pagnaubos na ang pera na puhunan kono ay balik lungsod na naman ang mangyayari. kung baga kahit sino na makakatanggap at makakasama sa balik probinsya program ay laking tuwa kasi libre na pamasahe mo sa bakasyon may pocketmoney ka pa. at ang kawawa na naman at tayong mga middle class na nagbabayad ng tax kasi dagdag pasanin na naman sa atin yan.
 
Last edited by a moderator:
100% Tama yong analisis Igan.
Pinagwawaldas lang ng gobyerno ang pera sa kalokohan.
Nangyari na ganitong programa sa panahon ni Macoy.
Namudmod ng pera para daw sa kanyang KKK.
Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran, ang tawag nuon.
Livelihood programs ika nga.
May nangyari ba? Oo, meron naman.
Naubos lang ang pera na pinag pyestahan.
Existent at sustainable ba ang programa?
Sa panag-inip lang ata.
Pero ang mas masaya ay doon sa namamahala.
Kickback dito, kickback doon.
Tongpats pa more. Hehehehe....
Asa ka pa sa mga Penoy.
Masarap lang yan pag may suka at sili.:lol::lol::lol::lol::lol::lol:
 
matagal ng plano yan, ngayon lang nag materialize, kinalimutan ng mga nagdaang administrasyon dahil inuna ang negosyo sa interes ng mga mayayamang hayop na negosyante na inalagaan ng mga walang kwentang nakaraang administrasyon.
 
Sa tingin ko hindi e. Sabihin natin may ginagawa kuno ang gobyerno na patrabaho sa mga probinsya (kahit nuon pa nila sinasabi yaan)
kaso iilan lang ang gustu bumalik. bida na dyan yung mga minalas sa amo at niloko ng jowa XD
At yung pinaka dahilan eh yung sa salary ng manila vs provincial rate. Eh kung sana all manila rate eh edi ang lalapit lang nila sa pamilya nila.
 
tingin ko yan na lang kasi yung pinakamagandang solusyon ngayon. hindi naman kasi ganun kadaling kausapin ang mga may-ari ng pabrika na ilipat sila sa ganun dahil hindi lang pagtatayo yung gastos nila. paglilipat sa mga tauhan o pagsibak (maaari pa sila makasuhan kasi lilipat sila ng probinsya) tapos mga requirements pa. kung hindi lang sana kinokontra yung federalism mas madali ang pagtatayo ng mga pabrika sa mga probinsya since may kanya kanyang pondo ang mga probinsya.
 
Ubusin muna nila ang NPA!!! Kaya hindi umasenso mga mga provinces gawa ng lintik na NPA na yan. Nanakot, nanununog at pumapatay ng mga businesses
 
oo yan talaga isa sa mga dahilan kaya takot mga businessman magtayo sa mga probinsya dahil nahaharass sila. tapos sasabihin ng mga yan wala silang makuhang trabaho e sila din naman ang dahilan
 
oo yan talaga isa sa mga dahilan kaya takot mga businessman magtayo sa mga probinsya dahil nahaharass sila. tapos sasabihin ng mga yan wala silang makuhang trabaho e sila din naman ang dahilan

Sinabi ko na na kalokohan lang ang programang yan.
Pagwawaldas lang yan ng pera ng taumbayan
Syempre, sasaya naman ang mga nakikinabang
At mga korup na kikita dyan
Pero sa kabuoan, nilulustay lang nila ang kaban ng bayan.
Sasaya na ang ka DDS. hihi
 
Back
Top Bottom