Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

should i let her go? my jw girlfriend

lazynerd

Recruit
Basic Member
Messages
1
Reaction score
0
Points
16
hi mga ka sym, este ka mobi :slap:, hindi ko na mabuksan old acc ko, so i make one, hindi ko alam kung saan pasok tong thread na to pero ilagay ko nalang siguro sa love section

mag po-post ulet ako ng yugto ng buhay ko na hindi ko alam kung saan paroroon, hindi ko alam kung pano gagawin, bigyan nyo lang ako ng idea pls


i met this girl 2017, dahil sa long ride na napag usapan namin ng friend ko, well the reason na sumama ako sa long ride is para mag "break-in" ng bagong bili kong mutor at para makagala narin, at first time ko lumabas ng malayo layo paakyat ng isabela

nakilala ko siya dahil sa friend ko at galing sa mahirap na pamilya yung girl, nakalipas ang ilang araw na yon, lagi na nya ako china-chat tanong ng tanong ng kung ano ano. at ako naman sinasagot ko lang tanong nya that time pero napansin ko parang kinukulit nya ako medyo naiinis nako kasi feeling close sya sakin. hanggang sa nag decide sya na gusto nya pumunta sa manila para mag claim ng checked sa insurance company or not sure. ngayon wala kasi sya matutuluyan dito sa manila, kaya nag-ask sya sakin na baka pwede ko daw sya patuluyin samin, for us in my culture, hindi kami nag papatuloy ng strangers lalo nat hindi ko bahay. no choice ako dahil kailangan nya talaga i claim yung check. so pumayag nako dahil kawawa naman at hindi nila alam ang itsura ng manila besides sa nanay nya

nung pag dating nya dito, kasama nya nanay nya na masungit na menopause, nag offer nako na ihatid yung mag cclaim but the problem is dalawa sila at wala tayo sa probinsya na pwede mag tatluhan angkas sa mutor :lol: inangkas ko nalang yung anak nya at si mader nya nag commute tinuro ko kung paano makarating sa pupuntahan. at natapos ang buong maghapon natapos narin

i ask her na baka gusto nya gumala sa kung saan, sumama naman agad sya para hindi sayang pag punta nya dito, so pumunta nlng kami mall at my request sya na manuod ng sine so i offer her na ilibre ko sya para wala na sya gastos. then pauwe na sila pabalik ng province

dun na cguro nag start ata nagustuhan ko sya cguro?, that time my dinidiskartehan ako iba kaso plano ako pag-intayin ng 2years :lol::rofl::lmao:

i would say, top honor student sya from gradeschool upto highschool, running for cumlaude sa isang university pero since pinag aaral nya sarili nya that time at full time student at breadwinner dahil wala trabaho at walang aral mga magulang nya, nawalan sya ng priviledge dahil sa patong patong na problema kaya undergrad sya ngayon. masasabi ko lang as a geek, self professed engineer and a programmer, type ko yung mga taong matatalino talaga, plus sakin yon



kaso may problema(yep kung may pros, meron cons), jw ang religion nya at base sa religion rules, code of conduct nila inside the organization, bawal magkaron ng gf/bf sa labas(hindi ka religion) ng religion nila, yun ang problema don, medyo nagka problema talaga ako ng bigdeal dito, dahil unang una, nahirapan ako mag adapt sa religion nila kasi para silang cult faction, na ang palaging dini-discuss sa araw ng samba nila, puro problema sa mundo at all types of dimonyo na ata. (pasensya kung merun ako nasasagasaan dito pero yun ay opinion ko lang)

1st, as an optimistic person ayaw ko ng ganon puro negative ang topic, entrepreneur akong tao, bz ako sa mga idea and execution na nakalatag sa utak ko,

2nd, may pagka scientist like minded person ako, at hindi ako naniniwala sa mga new testament or bible verse na nagpa-salin salin from generations, walang proven facts at hindi validated ng science yung mga pinapaliwanag nila lalo na sa nag bbible sstudy sakin

3rd, hindi ako religious fanatics ka2lad ng gf ko now, naniniwala ako pero gusto ko hanggang dun lang talaga ang gusto ko mangyari. ok lang nman sakin na jw sya pero gusto nya ako maniwala sa religion nya dahil lang sa gusto nya at hindi sa gusto ko

4th, at first na ddepress tlaga ako, kasi hindi ako pinalaki ng magulang ko na jw, nasa catholic culture ako.

medyo nahirapan ako, she often compare me to other na nag convert na lalaki at lagi kami nag tatalo, hindi ko alam tumatakbo sa isip nya kung ano yung ideal man nya talaga



fast forward, present na tayo. july 2020, may pinapatakbo kaming kulang-milyon na negosyo and it work so well for our oneyear as a starters, at the same time very unstable sumugal sa negosyo ngayon dahil sa daming nalugian, at we're about to get married sana kung hindi lang pandemic.

lately lagi kami nag aaway sa chat, ou sa chat tlaga pero sa personal bihira kami mag away (long distance ksi). about lagi sa study ko, sa negosyo kasi namin, utak ko ang tumatakbo sa systema ng pagpapa lago neto at sya sa execution, at bz ako sa mga improvement implementation dahil nga madami kami kalaban at nsa trading-business(marketing term) kami at hindi unique yung business namin at nasa pricewar kami

palagi kami nag aaway dahil dun sa bible study ko dahil naputol, at gusto nya ako hiwalayan kung hindi ako mag cconvert, palaging ganon pinag aawayan namin

ok lang sakin na mag convert, pero ang sakit isipin na gusto nya ako mag convert dahil sa gusto nya, at kung hindi ko gagawin, palalayain nya daw ako, mahal ko sya pero may hangganan yung pasensya ko para lagi nya sabihin na hihiwalayan nya ako, dahil feeling ko nawawalan nako ng gana sakanya at gusto ko na totohanin, at lagi pa nya sinasabi "kung mahal ko daw sya gagawin ko" daw. interms of belief very oposite kami

sayang nga lang kasi, hindi ko ata mahahanap yung babae na ka2lad nya, ksi bihira yung ka2lad nya na sobrang bait as in worth it sya, nag aaway lang kami sa chat para kmi monggoloyd

pero sa huli, feeling ko magiging paulet ulet lang yung magiging issue, kahit maging jw ako, hindi ako magiging loyal. oo aattend ako ng pag ppulong pero hanggang dun lang, hindi ko alam kung saan papunta tong buhay ko, gusto ko sya, pero pinamumuka nya sakin na kung hindi ako jw, hiwalay agad, hindi na maibabalik yung 3years na nasayang na at yung effort na ni-wowork out ko para sa future goal namin, as an entrepreneur higit na mas mahalaga ang oras sakin kesa sa pera. ang ganda kasi ng partnership nmin not only as gf/bf but also in everything we tackled, nanghihinayang ako na ganon sya, hirap pala magkaron ng kasama na religious fanatics at kung hindi daw ako mag jjw, mag ppioneer na sya. (full time madre in translation)


hindi ko alam gagawin ko kaya nag tanong ako dito
(note: pwede nyo po ako husgahan ill accept any answers)
 
Last edited:
Hi TS,

in-terms of relihiyon parehas tayo. Wala rin akong relihiyon ngayon. I don't believe in bible, isa pa, isa rin akong programmer, Software Engineer. If ako ayaw kong papasok sa relihiyon na half hearted ako. Gusto ko yon ako talaga nag decide na mag join. And given na mag karoon ako ng parehas na sitwasyon sayo. Sa tingin ko hindi ako papa-pilit na pumasok, kahit na maging cause ng breakup. (for now, di ko sure pag nakakita na ako ng bibigay ko talaga lahat sakanya :lmao:)

I would advice you to talk to her. Explain mo yon nafe-feel mo about converting. If mahal ka nya mai-intindihan nya yon current beliefs mo. If wala pa rin pero mahal mo talaga sya ikaw na mag pa-paubaya.

Better settle this before kayo magpakasal. Malaking issue yon relihiyon sa isang relationship.

Goodluck and Keep safe :salute:
 
idea ko lang ha.iba iba kc ang tao at iba iba ang experience ng bawat isa sa atin.at dahil dun kaya naikot ang mundo dahil sa pagkakaiba...kung sa pakiramdam nyo pareho nahihirapan na kau dahil sa issue na meron kau ngayon na in hinde pa kau talaga nagsasama at in one i mean hinde pa kau nakatali dahil sa hinde pa kau kasal maghiwalay na kau.kc kung ngyon pa lang nahihirapan na kau sooner or later lalo mas mahirap ang mga dadating..pero kung feeling NYO...mas matinde ang pagmamahal nyo sa isat isa baka naman kau nyo gumawa ng exception para sa lahat ng hirap na pagdadaanan nyo..ang pagmamahal kc ay may kaakibat na pagsasakripisyo...pero ngyon pa lang nakakaramdam na kau ng hirap siguro give up nyo na..baka hinde talaga kau ang para sa isat isa....
 
Sa akin lang na prinsipyo hindi ako mag coconvert sa JW dahil lang sa makamundong rason o dahil gusto lang ng mahal mo sa buhay. Dahil interms of kaligtasan sa kabilang Buhay nakapa importante. Tanungin mo siya kabayan kung mag coconvert ba ako diyan maliligtas ba ako sa kabilang buhay? Para kasi sa JW ay itong mundo paraiso na. Panindigan mo po ang iyong prinsipyo at desisyon.Mabuhay ka kabayan.
 
mahirap talaga pag hindi kayo parehas ng beliefs/principles/culture in life lalo't na pagdating sa religion. Maybe you have to talk about it seriously, before settling down,
fix the issues, kung mahal nyo talaga ang isat' isa you have to accept and respect each other's belief. In your case, sabi mo nga swerte mo sa kanya, mabait and bihira na ung katulad nya and she's worth it. Maybe it's worth converting din to JW? not because gusto nya, but isipin mo nalang it's for the benefit of your relationship. It is not something naman na will make you or the relationship bad but for the better. ;)

Hindi mo naman siguro kayang makita sya iba, since she's firm of letting you go pag di ka nagpaconvert. You have to decide and once you decided, dapat un na un. Hindi na dapat gawing issue next time.

Kung pipiliin mo sarili mo, let her go, kung pipiliin mo relationship nyo, then do it. (convert).
 
Kung hadlang po yang issue na yan sa business life mo eh wag kalimutan na professional ka.
Kaya i-set aside mo po yang feelings mo at hiwalayan mo sya.
Goodluck po sa career mo sir.
 
Read your post, andun naman na sagot para jaan. If you don't have a say sa religion that you want to be in, a really important aspect in anyone's life. what more kung sa ibang bagay pa?

Threatening or pinipilit is a sign of disrespect, if it no longer serves to you right now, by all means, walk away. Why? Self-worth since day one my friend.

3 years? Iba nga 7/10/15 years ginugol sa relation nauwi lang sa wala. Kaya wag ka mang hinayang sa 3 years na yan.

- - - Updated - - -

- - - Updated - - -
 
Last edited by a moderator:
Back
Top Bottom