Some videos that might help you. Sub ka na rin sa kanila
(XtianC & bermor) kasi panalo din ibang mga content nila especially sa mga tulad mong newbie pa lang sa mundo ng PC building
Basic tips na rin:
- Sa totoo lang, personal preference na lang kung mag-i-Intel ka or AMD Ryzen as your processor. Just know na pag bibili ka ng processor, alamin/research mo muna kung ano yung mga compatible na motherboards para sa processor mo. Kumbaga, magka-partner kasi sila eh.
- About sa storage, SSD na ang bida ngayon kasi mas mabilis sila compared sa mga HDD drives (though mas pricey nga lang). Pero di naman masama kung gagamit ka pa rin ng HDD drive as your
secondary storage kasi since cheaper sila, pwede mo din dyan i-store yung mga media files mo kung sakali
(movies/series, images, music, or even p0rn lol).
- Maraming klase ng SSD forms ngayon. Pinaka-common is yung 2.5" form (SATA2) na mukhang maliit & manipis na version ng HDD drive tsaka yung m.2 form (nvme) which is yung maliit na mukhang stick form na isasaksak na lang sa m.2 port ng motherboard mo.
- Wag na wag kang magtitipid pagdating sa PSU (power supply unit). Di baleng medyo mapamahal ka nang konti sa mga branded ones basta wag ka lang bibili ng pipitsugin lang para "makamura" if ever. PSU ang nagha-handle ng electric load papunta sa mga hardware mo kaya pag nagloko siya kunwari, pwede talagang madamay iba mong PC parts.