Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay Bob O. Einstein

“Hindi porke't hindi ako marunong mag-English ay bobo na ako.”
(Marian Rivera Y Dantes)

Tatalikod ba ako ng nakayuko mula sa pakikipag-argumento,
dahil sa tuligsa sa mga maling grammar at ispelling ko
at hindi dahil gusto kong makapanuya este matuldukan ang atake sa akin ?
Ano ang sagot ng Bayang boboto kay Binay?
HINDIIII!!
Salamat, Marimar.
Muli mong pinag-init ang aking kaibuturan
At mga pagpapantasya at pag-iinspirasyon.
Oras na upang muling tumayo ang aking... lapis
at makipagmatigasan muli ng... argumento
At gaya ni Pepe na ginawa si El Fili
matapos mabigo ang Noli sa repormang hinahangad nya...
ay heto ang aking bersyon ng “El Filibusterismo”.
Ito ang aking Pangil!
At ng pagiging Heretiko!

Ah...hindi mo pala naunawaan si “Argumenting”?
Mali kasi ang grammar at mga ispelling?
De hindi mo pala nagets ang diwang inispoonfeed ko sayo?
Talaga?!
Eh bakit nanginginig sa galit at suklam ang 634 mo?
Ako...
aaminin ko sayo,
lahat ng literary masterpiece mo e naunawaan ko.
Mas maige ba akong reader kesa maging writer na lang?
Pampabilis-baba lang ba ang mga post ko ng post ng isang Legitimate Writer,
dahil pulos kakornihan at kabaduyan lang naman ang gawa ko?
Pagiging Reader na lang?
Payag ako dun!
Pero sino ba naman ang hindi pupugak kapag nababasa ko ang mga:
“Read between the lines” mo
Ang mga “Read my Lips” lines mo
at ang matalinghagang pang-
ka-ka-ka-ka-
Character Assasination
sa “Absent na naman” mo et al.
Gusto mo pa ngang mam-vagueg di ba?
Magpakatotoo ka,
Hane?
Wag mong lulunin uli
ang mga isinuka mo na sa mukha ko
Para maging Santo Papa ka sa mata ng disipulo mo.
Ipakita mo ang balahibo mo sa dibdib, Narciso
at aminin mong patungkol sa akin ang essay na yun.
Dahil kung di ko nalalamang ako ang tinitira mo sa
“Absent Na Naman” et al. ,
uuwi ako mula sa pagpipisonet ng
may ngiti sa paghanga at...
isandaang saksak sa likod ko!

Saka nga pala Ikaw.
Hindi Ikaw...Tabi ka muna...
Siya!
(Baka lang magkatabi kayong nagbabasa nito.)


Pababain mo muna ang alikabok ng kaguluhan
bago ka magbigay ng kunwa-kunwariang opinyon.
Tama!
Mag-imbestiga ka at wag mong tantanan ang sarili mo.
Hanggang sa malaman mo
kung saang elementong-materyal yari ang idolo mo
at sa paanong paraan sya nahulma sa hulmahan ng Humanity.
-Ang pagkatao nya at ng kanyang panulat!-
Tapos, pakisagot mo tuloy Totoy:
Bakit nga ba EPAL ang salitang EPAL?

Wala akong pakialam
kung naniniwala ka sa doktrina ng panatismo
o nakiki-bandwagon ka lang.
Wala akong pakialam...
Sa sumpaan nyong mag-sasama habang buhay, thru thick or thin...
Sa motto mong...
”To Hell with Right or Wrong, Im Your No.1 Fan at ikaw ang Idol ko!”
Ang concern ko lang...
ay malaman mo, na hindi halimbawa
ng poecilonym ang mga salitang opinyon at panghuhusga.

Ang opinyon ay ganito:
“Sir, Di po ba dapat ay Arguing sa halip na Argumenting? Just my thought.”
Nabasa mo?
Nagtatanong at naghahangad syang magtama
sa paraang malinis ang intensyon nyang masagot ang pagtataka nya
at malaman ko ang pagkakamali ko.

At ano ang isang magandang halimbawa ng panghuhusga?

“ Waa ha ha...wrong grammar! cghdkxyd... Bobo ng Tanga!”

Bobo, Nuno, Ipapaalbularyo, Ambaho ng trip mo...
May tumunog bang bell sa loob ng ulo mo?
Congrats,
nagtagumpay ka kung pangarap mong maging sing-galing ng idolo mo.
Lasang-lasa sa akda mo ang linamnam ng mga pagsasarkasmo at pagsasatirikong
trademark ng binabathala mo.
Pati na ang pag-iintensyong makasakit-damdamin.
Konting panahon pa... konting panahon na lang
at magiging kutsilyo na rin ang panulat mo.
At pasok ka na rin sa paniniwalang...
"Birds of same feathers, flock together."

Pero, sana nga ay mali ako sa obserbasyong ito.
Sana nga ay isa ka lang uling misteryosong kaso
ng isang “Bulag na Panatiko”.
Na nagsusulat ng masakit habang nakaluhod
at nakadipa sa harap ng rebulto ng idolo mo.
At sana, ay hindi ka pa “Hopeless”.
Dahil...
Sayang ka, Boy!
Kung magiging Robin ka lang ni Batman...
Si Donkey ni Shrek...
Si Chitae ni Starsan...

Me talent ka.
Ok lang humanga.
Pero ituon mo lang ang tingin mo sa sarili mong daang tinatahak.
Magtanim ka ng puno at palaguin mo iyon sa tamang pagpapahalaga.
Diyan mo ibuhos ang sinasayang mong debosyon at oras sa pagpapakabulag.
At sa unang tanda ng pamumulaklak ng itinanim mong puno,
mararamdaman mo ang isang tunay na pagmamalaki sa sarili mo.
Sasabihin mong:
“Ang sarap palang tingalain ng sarili mong puno kesa tumingala sa puno ng iba?”
Huwag kang mag-aalinlangan sa payong ito.
May umaagapay sayong Guro na hindi isang Kusinero.
Hindi ba, Sir Nasabayabasan07?
Saka...
Mabulaklak man ang daanang nilalakaran ng idolo mo,
Hindi dahilan yun para mag-leftright ka palayo sa sarili mong daan
at makipag-jolly-ol'-fellow sa isang payasong antaas ng standard sa pagpapatawa.
Dahil ang daang tinutunton ng Patron mo, ay
isang daanan na exclusive lang para sa mga
Elitistang Matadero at Kusinero.
Mahilig ka rin ba sa dugo?
Pag-isipan mo. Pero wag ngayon.
Dahil nalalambungan pa ang pagkukuro-kuro mo.
Maglibang ka muna sa pagbabasa nito


O, Ikaw na uli.


Sino ba ang nagpapakampi?
Sino ba ang may Minion?
In regards to that,
Tingnan mo ang views ng
naaaaapakaganda,
naaaaapakahusay,
at mala-J.R.R Tolkien
na Literary Masterpiece ko.
Ang:
TAN TA RAAAN....

“Kung Bakit Ko Tinagalog Ang 3 Idiots”

400+ di pa adjusted sa current inflation yan...
Aabot pa sana ng thou yan kung di mo ko pinuna.
Dahil ang karamihan ng mga views na iyan ay
mula sa mga fans ko mula sa Mahiwaga at Kagila-gilalas na Daigdig ng...

FULL MOVIE SECTION
:clap:
O di ba, nakapaghakot ako sa Orig Lit ng mga additional readers
and who knows, baka mainspire din silang magsulat dito.
Pero...
Habang nanghihikayat ako na nag-eexist ang Literatura sa Symbianize,
Walang maliw ka namang nagtataboy ng mga nag-aaspire magsulat.
Masaya para sa isang Mataderong uhaw sa dugo.
Malungkot para kay Padre Pio na nagsisikap mapalawak ang Literature Section.
Mabalik ako.
At batay sa mga views na iyon,
Imaginin mo...
Bibigyan kita ng isang eksena sa pelikulang futuristic,
Kung halimbawang totoong gusto kong magpakampi...
LIGHT...
CAMERA...
ACTION!

On one snap-o-finger of the Dark Lord,
He Ordered His Horde of Orkses,
“ I command Thee!
Wreak Havok!
Click, you all my Underlings,
that reply to thread button

And unleash, in the name of Sauron,
Thy most offensive,
Thy most murderous,
comments and feedbacks
To whatever Thread that exist of the...

“The One-Who-Must-Not-Be-Named”

And you all shall be granted PM of links
and feast on my latest Tagalog Sub Movies
Har! Har! Har! “
CUUUT!!!
Parang flashflood ba ang dating sa Literary Mind mo?
GOOOOOOD
Pero ang Good News is...
Never kong gagawin yun!
May hiya pa naman ako para bumanat ng Below The Belt.
At never ako magpapahamak ng tao para lang sa kapritso ko.
Saka...
Basa, “Argumenting”:
When an argument is lost, people resort to blundering
and... Foul Scheme!
I'm still not losing any, Men.
I'm still inspiiired and viiiigorous as ever in taunting,
err, ARGUING (Salamat sa salitang ito, Ma'am Sakura.) with you, Men.
“Look, Men...No Hold!”

Habang nangingitim ka na naman sa galit at tawa
dahil sa mali-maling English ko na naman,
Pakitingin mo tuloy
kung nangitim rin ba ang niluto mong mga jokes.
May kumain ba maliban sayo?
Ikaw kasi may sabi di ba,
di mo malalaman kung luto na ang niluluto
kapag hindi pa nangingitim di ba.
Sunog na po ata ang tawag doon kapag nangitim?
Kahit taga-Mental, alam yun.
Tanong mo sa Chef na tinawag mong TANGA.
Magtanong ka.
Promise, and it shall be given.

Very humble ang Mama.
Sa kabila ng status ng buhay nya ngayon.
Paano?
Nakasalamuha ko lang si Chef minsan sa Timog
habang nangangalkal ako ng pagpag.
Nakita ko. Nilapitan ko.
Nakangiting pinansin ako.
Nakipag-usap onti. Humingi ako ng auto (autograph).
Nakangiti namang inilagda ang ngalan nya sa likod ng damit ko.
At maniwala ka, sumilay ang isang luhang pigil-pigil ng mata ko ng sabihin nyang:
“Salamat. God Bless,” sabay kamay sa akin.
At nakagat ko ang laylayan ng damit ko sa nag-uumapaw na galak at paghanga
ng tumalikod sya habang kumakaway palayo at sinasabing...
“Manood kayo lagi ng “Idol Sa Kusina ha...”
(Hep! Ako na'ng magsasabi!)
ANG CORNY!!!:laugh:

Napakadown to Earth di ba?
Syempre, hindi totoo yung tungkol sa “ nangangalkal ng pagpag”.
Palamuti lang yun.
Pero higit sa auto, ay may gintong aral syang naibahagi sa akin.
Sa kanya ko nalaman na ang kutsilyo ay hindi dapat inilalabas sa kusina para...
ipanaksak ng tao
o ipangkatay ng...
Literary Works ng “Iba”.
Inggit ka ba sa narating nya
kaya mo sya inuuyam at pinangrerekado sa adobong katha mo?
Inggit ka ba dahil kahit slang magtagalog si Chef e sikat sya?
Na kahit di sya magaling mag-English at tina-tag mong tanga
ay marami pa rin syang taga-hanga?
Hindi kagaya mo...
Pero katulad ko.
(Shussh....Silence....He's absorbing it...)
:think:
Dear Children...
Ang inggit ba ay maihahambing sa garapatang
Kinakagat ang aso sa “fishball “?
Kapag nangagat doon ang garapata...
bubukaka ang aso para kamutin ang kagat ng peste
ng hindi na tumitingin sa paligid.
Walang pakialam.
Kesehodang nasa gitna pa sya
ng isang Gay Beauty Contest
mairaos lang ang nararamdamang inggit ,este
kati sa “fishball”.
Yes???
Pero, in regards sa animal welfare,
Aso yun e. di ba PAWS?
Wala sa genetics nya ang mag-isip ng tama at mali.
Nang isipin ang limitasyon at pagitan ng pagiging Malisyoso na at Garapal
sa pagiging-Disente pa rin o pagka-Sibilisado.
Nang difference ng Character Butchery vs. isang matalinong Literary Criticism.

Pero iba pag tinranslate mo sa tao ang ganung asal di ba, Lourd?
May sinasabi ka, Mr. De Vera?

-Its an example of evolution of Man to being an Ant.-

Ano...
Kelan ka pa nagsimulang mag-evolve?

Ang ganoong pagtatrato at paglalaro mo sa katauhan ng ibang tao at sa akin ay
manipestasyon ng kababawan ng pananaw at pagkakakilala mo sa Humanity.
Kung saa'y kasali ka rin naman.
(Pwera na lang kung sa ibang species ka mula. And for sure,
hindi pa extinct ang species na yun dahil sampu-sampera pa rin ang mga kagaya mo sa mundo.)
At naiimprint at nag-iiwan ng masamang lasa sa kadakilaan ng panulat mo.
At tulad ni Robin, Donkey, Chitae;
Sayang ka rin Batman, Shrek, Starzan.
From the bedrocks of my weary heart...
Isa kang malaking...
Tsk, Tsk, Tsk!
Sayang!
ang sarap sanang basahin at paniwalaan ng mga pilosopiya mo sa buhay
na ewan ko ba kung bakit nakikita at nababasa ko rin sa
Religious and Belief Section.
Anyway...
Salamat sa pagshe-share.
Di ka malilimutan ni Gomugomuno.
Ihahatid ng mga tula at sanaysay ko sa langit-langitang paroroonan mo
ang mapanlait, mapanghusga at mapagkunwaring kaluluwa mo.
At asahan mong
isasabuhay ko sa tunay na kahulugan ng pagiging totoo
ang mga pangaral at paniniwala mong
sagad-langit sa pagmamagaling at pagmamayabang.
Asahan mong hindi mamamatay sa puso ko ang ningas ng apoy...
Ang
Dakilang Aral at Pilosopiya
Ng Nuno sa Punso!
.
Here Lied A Man Who Once Quoted...
“Faith In Humanity, Restored!”
.
R.I.P
.
.
JOKES!!!!!
KNOCK ON WOODS!!!!
:peace:
-HAPPY NEW YEAR SYMBIANIZE-
:newyear:
te ne ne nen...

Ang katatapos na sanaysay ay rated SPG
Ito ay angkop sa mambabasang may bukas na pag-iisip
maaari ding angkop sa mga manunulat na
di maunawaan ang kaibahan ng pagbibigay-opinyon
sa kaibahan ng panghuhusga
Patnubay ng Balanseng Pagmumuni-muni ang kailangan.


 
Last edited:
ayos to ah,ngayon na lang ulit ako naligaw dito sa lits. Hindi ko alam ang isyu nyo ni nasabayabasan sir ahaha,at palagay ko ay wala akong karapatan kahit man lang ang makialam. Binasa ko to mula umpisa hanggang wakas,as in lahat lahat ng bawat salita,astig mga banat ahaha!

Sana magkaayos kayo,goodvibes lang!
 
Normally we do not condone nor allow any forms of "argumenting" here in Symbianize. Pero kung ganito ka creative yung sagot mo sa mga patutsada laban sa iyo, aba eh, I will make an exception. Whoever it is who telled you that your gramming is wrong and doubts your talent as a writer, please ignore him/her/it. I love your writing style and how you reference pop culture, history, etcetera in your writings. It really tickles me to the bones. You sir are a talented writer.

Keep writing and keep sharing!
 
Back
Top Bottom