Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Buying a REALLY CHEAP surplus computer and build it into a Hackintosh

jonathanpaulpano

Recruit
Basic Member
Messages
18
Reaction score
0
Points
16
Share ko lang po sainyo lalo na dun sa mga bata na wala pang masyadong pera or hirap sa buhay or kuripot pero gustong gusto magka hackintosh.

Nabili ko po ang computer ko sa gilmore last year. Surplus lang siya. Kasi ayaw ko gumastos ng malaki pero hanggang ngayon ay gumagana parin siya.

Nung una po ay wala akong balak na mag hackintosh (habang bumibili ako ng computer), pero nagawa ko na siya since snow leopard palang marunong na ako kaya easy peasy nalang rin sakin kasi may stock knowledge na rin ako.

Maghanap po kayo ng LG XPION na core 2 duo galing korea (surplus). Worth 2000 pesos lang siya pag unit lang with 160gb HDD, 2gb ddr2 ram, core 2 duo e8400 cpu, dvd drive, 300w power supply.

Bumili rin ako ng monitor na surplus lenovo ang tatak 19 inches na hanggang ngayon gumagana pa rin worth 2500 yata. May 500 gb akong extra HDD sa bahay kaya ginagamit ko lang yung 160gb for cloning. Meron rin akong 2x1gb sa lumang computer namin na pinakilo ko sa junk shop.

Next bumili ako ng pinakamurang video card palit geforce 210 1gb na nagkakahalaga lang ng 1000 pesos. Bumili rin ako ng webcam logitech c170 na nagkakahalaga ng 900 pesos.

Bumili rin po ako ng usb wifi dongle sa lazada recently lang kahit may ethernet naman ako worth 400 lang.

Totally lahat po gumagana speedstep, display sleep, deep sleep, USB ports, audio (realtek alc888 po ang codec kaya madali lang), webcam, ethernet, wifi, acpi sensors, facetime, imessage.

So compyutin po natin:

2000pesos CPU
2500pesos LCD Monitor
900pesos Geforce 210
1000pesos Webcam
400 Wifi

So sa 6800 may hackintosh ka na kasama monitor. Or kung meron kayong Monitor at yung mismong unit lang ang gusto niyong bilhin 3400 lang ang magagastos niyo.

I convert po natin sa dollars 6800 divide by 46 (standard usd rate) equals 147 dollars
3400 divide by 46 equals 73 dollars

MAS MAHAL PA ANG CELLPHONE MO NA CHERRY MOBILE OR KUNG ANO PANG CHINESE BRAND SA HACKINTOSH.

So wala po kayong makikitang build sa internet na makakabuo ka ng hackintosh sa ganyang price. Meron akong nakitang mga low budget 300 dollars na build pero masyadong mahal kasi nga pinoy tayo eh. Hahaha.

Kung may gusto pa kayong malaman about sa build, or kung gusto niyo ng pictures sabihan niyo lang po ako. Gusto ko lang mag share kasi madaling araw na at wala akong magawa. Para po ito sa mga kuripot diyan at sa mga batang walang pambili or hindi ibibili ng mga magulang nila ng mga core i core i.

Siguro sinuwerte lang ako kasi lahat ng binili ko gumana kahit hindi ako nagresearch-research bago ako bumili (actually napadaan lang talaga ako dun at naisipan kong bumili)

Wala po masamang magtipid. Salamat!!!!
 
Ako sir meron akong i5 na proce gusto ko sana bumili ng board.meron nako vga,ram,casing,at generic lang na powersupply.ano best na mura na board at monitor na din...thanks.
 
Ako sir meron akong i5 na proce gusto ko sana bumili ng board.meron nako vga,ram,casing,at generic lang na powersupply.ano best na mura na board at monitor na din...thanks.

Try mo sir sa gilmore sa may 2nd floor tingin ka dun ng LGA1150 socket na motherboard (na surplus lang). Siguro mga budget sa motherboard mga 1k to 1.5 lang sir. Kung gusto mo naman ng brand new sir baka times 2 ang presyo or higit pa.

Sa monitor naman sir ang binili ko yung Lenovo L197 wide (na surplus din). 2,500 lang sir 19 inches siya at energy star na rin. Pag brand new sir yung 2,500 na budget mo sa monitor hindi ka pa makakabili kasi 3k yung mga price tapos 15 inches lang. Hahaha.

Yung monitor na nabili ko sir DVI and VGA compatible.
 
Last edited:

anung klase yang hackintosh? now q lng kc na encounter?
 
may tut ka ba on how to install hackintosh kahit sa pinaka simpleng paraan lang... =) thanks!

- - - Updated - - -

akala ko kasi pang high end monitor lang yung hackintosh, like 1080p na mga monitors at isa pa, - yung HDD, akala ko dapat SSD...

share mo naman link or tut on how to install hackintosh the basic hehe

salamat brad!
 
pinakamadaling paraan sir manood ka sa youtube kung paano nila iniinstall. ganun lang gingawa ko. mas ok din kasi nakiktia mo at samahan mo ng pag babasa :) good luck!
 
Thanks for the advise Sir, at ganun na nga ang ginawa ko, kaso inisip ko kung bakit ako mag ma Hackintosh, hehe. based sa research ko NOT so applicable naman on me na lagi nag u update ng pc parts. and, baka mas mahirapan lang ako gamitin dahil di naman me naka iPhone hehe
=)

ikaw sir? any advise on why I should go on OS 10 instead of Windows?

Thank you!
 
if you LOVE to be challenged, then do a hackintosh.

no real benefit, lalo na pag gamer ka at occasional multimedia editing.
 
Haha!!! ^^

wala naman din sigurong masusunog na parts ano?
dapat lang naka back up yung mga important files mo...

actually, wala akong games na nilalaro, ni Counter Strike di ko masyado alam,
i'm into Adobe editing...

sige, salamat sa advise, search search muna ako hehe

salamat peeps!
 
Back
Top Bottom