Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Can Philippines defend itself?

nathsym

Recruit
Basic Member
Messages
5
Reaction score
0
Points
16
Palagay nyo ba kaya pa tayong protektahan ng gobyerno laban sa mga invaders? Siguro pwede pero pansamantala lang(mauubusan ng bala at baka depektibo pa kasi 2nd hand).
Very ironic na ang Pilipinas ay napapalibutan ng tubig pero walang sapat na kakayahan para proteksyunan ito.

Kung simula palang eh nag-invest na sa mga barkong pang-patrol at pang-digma hindi siguro nagkaroon ng lakas ng loob ang ibang bansa na pasukin
ang teritoryo ng Pilipinas.

Marami lang sigurong corrupt kaya nagkaganito. Bakit kailangan magkaroon ng karahasan during election kung hindi personal na interest ang
habol sa pwesto sa gobyerno?

:surrender::surrender::surrender::surrender:
 
Yun nga ang protektadong-protektado ng ilang kawani sa gobyerno - ang huwag mawala sa kanila ang porsyento.
 
Di lahat ng Pilipino dedepensa, iilan lang yong mga may pagmamahal sa bayan. Ang sigurado dyan, halos yong mga mayayaman at may kaya ay siguradong aalis ng bansa. Mga pulitiko, oligarks, mga korakut sigurado magsisi alisan ang mga yan. Babalik yan pagkatapos ng gyera at magpapayaman uli. Ika nga mga hudas.

Yong mga maiiwan, dalawa lang yan, posibleng maging defenders o di naman kaya ay maging 'Makapili' o traydor ng bayan. Huwag na nating asahan may didepensa pa sa Pilipinas. Ito lang nga, tinakot lang tayo ng Tsina e biglay tayo bumigay. Kahit pa sabihing nakikipag kaibigan tayo, ang totoo at sa mga mata ng ibang bansa ay isinuko na natin ang ating kasarinlan.

Matanong nga kita, kung makakakita ka ba ng magnanakaw at nagnanakaw nga, sasabihan mo pa kaya siya na kaibigan? Wala pa akong nakitang ganyan na ginagawang kaibigan ng ninanakawan ang isang magnanakaw. Kung ginawa man nya na kaibigan ang isang magnanakaw ay dahil sa takot siya at walang magawa. Kaya hahayaan nya na lang na magnakaw.

Wala talagang dedepensa sa bansa maliban sa iilan. Ang iniisip kasi ng nakakarami ay kanilang mga sarili lamang.

Kung gugustuhing dedepensahan ay kaya naman talaga pero ayaw lang talaga ng mga lider, mga mayayaman at mga pulitiko natin. Masasayangan kasi sila sa saganang kanilang tinatamasa. Since, sila ang may kontrol ng bansa e wala talaga tayong magagawa.
 
ang mga pilipino matapang lang sa chat o forum "keyboard warrior" ba..masasayang lang ang
effort at pera kung sakaling makipag gyera ang pilipinas...tatlo lang ang option jan, magpasakop
ulit sa america o sa china, o lumaban ng walang kalaban laban..kung katulad sana ng south korea
ang attitude ng pilipino, sigurado uunlad din ang pilipinas..
 
kumpara sa ibang bansa parang surot lang tayo kumpara sa teknolohiya at pandigma nila at pati narin cguro sa tao tignan mo ang mapa wala pa sa kalahati mapa natin sa china hiwahiwalay pah...
 
Magaling at matalino naman ang mga Pinoy. Yun nga lang nasasayang, karamihan di dito napapakinabangan. Kung yung pera ng bayan ay nagamit at naibigay sa mga manggagawa ng tama baka nakikipagsabayan na tayo sa mga super powers na bansa.
Mga magsasaka/mangingisa nga dapat sila yung may mataas na income o sweldo kasi sila yung isa sa mga may kritikal na ginagampanan sa bansa. Anyare!!? yung lupa ginawa ng subdivision or pinapa-unlad "daw", ang bili sa kanila ng mga private ang baba pero ang taas naman ng benta pagdating sa merkado.
 
Magaling at matalino naman ang mga Pinoy. Yun nga lang nasasayang, karamihan di dito napapakinabangan. Kung yung pera ng bayan ay nagamit at naibigay sa mga manggagawa ng tama baka nakikipagsabayan na tayo sa mga super powers na bansa.
Mga magsasaka/mangingisa nga dapat sila yung may mataas na income o sweldo kasi sila yung isa sa mga may kritikal na ginagampanan sa bansa. Anyare!!? yung lupa ginawa ng subdivision or pinapa-unlad "daw", ang bili sa kanila ng mga private ang baba pero ang taas naman ng benta pagdating sa merkado.

Tama po kayo. Dapat bigyan pansin fishermen and farmers.
 
Kahit na Singapore alam nila na hindi nila kaya, kung lalaban talaga sila cguro meron na silang ICBM's or ballistic missile project. Madami mga pinoy feeling military strategist na lutang ngayun, specially sa isang defense forum group sa fb.
 
Last edited:
Waley 1 hit lang tayo sa nuclear missiles ng neighbor countries kahit kasing tapang pa ni Lapu- lapu yung mga sundalo natin. Napag iwanan na tayo hindi na ito World I and II na courage, tactics and volunteers soldier lang kailangan ngayon high tech na one push button lang PH boom tarat tarat na:rofl:
 
Last edited:
wala akong masabi kasi may point lahat ng opinyon. kung sa palagay niyo eh hndi talaga kakayanin madefend ang pinas, makikipag alliance kaya tayo sa u.s o sa china? palagay niyo sa nangyayari ngayon, saan kaya makikipag alliance ang pinas? :think:
 
wala akong masabi kasi may point lahat ng opinyon. kung sa palagay niyo eh hndi talaga kakayanin madefend ang pinas, makikipag alliance kaya tayo sa u.s o sa china? palagay niyo sa nangyayari ngayon, saan kaya makikipag alliance ang pinas? :think:

Syempre makikipag alliance po ang ngayong administrasyon sa China kasi love na love nya po. Tapos ang sumusuporta po sa kanya sa larangan ng pinansyal eh halos mga Tsino na talagang sinusuportahan talaga ng gobyerno ng China para gawing 'sleepers'. Yong mga 'sleepers' ay nangyari na po yan sa panahon ng pananakop ng Japan. Pinauuna nila muna yong kanilang mga 'sleepers' na mag espiya o kunyare mamuhunan ng negosyo para kontrolin ang ekonomiya at manmanan ang gobyerno ng bansa bago ito sakupin. Malaki po ang utang na loob ni Presidente sa mga Tsino kaya mahihirapan siyang kontrahin ito. Kasi pag kinontra niya ang mga Tsino, ilalaglag siya nito at sisirain siya pati ang kanyang pamilya. Una, ibubulgar nila yong katiwalian tungkol sa patayan na nangyari sa Davao na ginawa ng DDS pati na rin yong Drug War sa buong Pilipinas. Syempre, may kinalaman dyan yong Tsino chambers of Komersyo sa larangang pinansyal. Na ang nag pondo dyan ay China. Yon nga Rehab Center sa may Luzon pati na rin sa Mindanao, sino ba ang nag pondo? Di ba China? Kaya paaalipin talaga si Presidente sa China at ibibenta ang Pinas sa kanila.

Kahit nga po yong mga trolls na makikita mo sa mga online media, ang nagpo pondo po dyan ay China. Ganun po sila kadumi maglaro. Kaya wala tayong depensa ngayong administrasyon kung hindi maging sunod sunuran lang. Malalaman nyo rin po na mga paid trolls sila kasi kung magko komento sila eh wala pong kalaman laman. Usually, ginagawa nilang panakot yong i Nuke tayo ng China at palalabasing mahina ang ating bansa para matakot po ang mga Pilipino pero malayo naman pala sa katotohanan.:noidea:
 
Last edited:
sa facebook kayang kaya sa gera, sus push of a button lang tayo sa china
 
definitely no. and we cannot afford to be in a middle of a conflict between superpowers. dapat neutral lang. we cannot depend on USA dahil iba ang interest nila. interest nila ay freedom of navigation, interes natin ay sovereignty. sobrang malabong tulungan tayo ng USA pagdating sa usapang WPS. That's the reality. Even UK cannot defend itself without asking help from NATO, paano pa tayong walang maasahan?
 
Back
Top Bottom