Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kuwentong Barbero (TAGALOG VERSION) PART 3 By: Pamela Saavedra

kpb03ph

Novice
Advanced Member
Messages
25
Reaction score
0
Points
26
Kwentong Barbero PART 3 by Pamela Saavedra

Isang araw sa Davao City, bumalik si Tikboy sa barbershop malapit sa City Hall. Laking tuwa niya nang makita niyang muli si Angkol.

Tikboy: Kol!
Angkol: Uy, dong. Musta? Tagal na nating hindi nagkita.
Tikboy: Okay lang, kol. Lagi akong bumabalik dito pero ngayon lang kita nakita ulit. Nagbakasyon ka daw. Kelan po kayo bumalik?
Angkol: Nung isang araw pa, dong. Hindi mo yata kasama ngayon yung kaibigan mo?
Tikboy: Ah si Mikmik, kol?
Angkol: oo.
Tikboy: Andun sa People's Park. Nag zumba.
Angkol: Ganun ba? Upo ka muna, dong. Nag-aantay lang ako ng alas singko, magsasara narin ako maya-maya.
Tikboy: Kol, may lakad po ba kayo mamaya?
Angkol: Wala naman. Bakit?
Tikboy: Pasyal tayo ng Roxas, kol.
Angkol: Sige ba.
Tikboy: Okay, kol.

Nanood si Tikboy ng TV habang nag-aantay kay Angkol. Pagsapit ng alas singko, nagsara sila ng barbershop. Naglinis kaunti, nagligpit ng mga gamit. Eksakto 5:30, umalis na sila. Nilakad nila ang Claveria papuntang Roxas. Tamang-tama, umabot sila bandang 5:45, nagsimula nang magluto ng barbecue. Humanap sila ng pwesto para kumain. Umorder sila ng dalawang pork, dalawang taba, dalawang batikulon (chicken gizzard), at anim na rice. Sakto mga alas sais, nagsimula silang kumain.

Tikboy: Kol, matagal na tayong hindi nagkita. Miss na kita. Char. Hehehe.
Angkol: (Tumulo ang luha)
Tikboy: (Naku, natouch yata si Angkol sa sinabi ko.) Okay ka lang, kol?
Angkol: (Suminghot) Itong sauce ng barbecue mo, sobrang anghang! Diyos ko po, puno ng sili itong lalagyan ng ketchup, tingnan mo. Purbida.
Tikboy: Ay, nakalimutan kong sabihin na maanghan pala ito. Haha, sorry kol. Kuya, bigyan mo nga kami ng dalawang Pepsi.
Kuya: Dalawa sir?
Tikboy: Hindi, sampu.
Kuya: Ay hehe, sorry. Eto po.

Masayang nagkwentuhan sina Tikboy at Angkol habang kumakain ng masarap na barbecue. Pagkatapos kumain, nilibre ni Tikboy si Angkol ng fried ice cream. Habang kumakain sila ng ice cream, tumambay sila malapit sa Roxas Memorial.

Angkol: Maganda na pala dito ano? Nilagyan pala nila ng monumento. Ang ganda nung puno sa gitna o.
Tikboy: Oo nga, kol. Matagal-tagal narin yan binuksan. Mga dalawang linggo na siguro.
Angkol: Ganun ba. Matagal na rin pala akong hindi nakabalik ng Davao.
Tikboy: Oo nga kol. Nagbakasyon ka daw sa Santa Maria?
Angkol: Oo, dong. Pero may sasabihin ako sayo. Sa atin lang ito ha.
Tikboy: Ano yun, kol?
Angkol: Actually, nung isang araw pa sana ako nakauwi. Pero nang papunta na ako dito sa Davao, hinuli ako ng dalawang mascot. Kaya natagalan ako.
Tikboy: Mascot? As in mascot gaya ng Jollibee?
Angkol: Oo, dong. Pero hindi Jollibbe. Yun ngan palabas dati na mga dilaw na mukhang saging, malalaki ang mata at kumakanta ng "bababa-baba-nana"
Tikboy: Ay, Minions!
Angkol: Oo, yan.
Tikboy: Hinuli ka ng mga Minions?
Angkol: Oo, dong. Mga mascot, pero tao yung nasa loob dahil kinausap nga ako nung isa. Winarningan pa nga ako, sabi, "Ikaw matanda ka, ang dami mong alam. Kapag hindi ka tatahimik, alam mo na ang kasunod." Pagkatapos nun, pinakawalan din naman ako.
Tikboy: Ang tindi naman ng kwentong yan.
Angkol: Oo nga eh. Ang hirap nitong hindi tayo nag-iingat minsan eh. (Huminga ng malalim)
Tikboy: Delikado tayo dyan. Kol, gusto mo bang magpamasahe? Para makapag-relax ka muna.
Angkol: Ay, napakaganda niyan, dong. Masakit ang likod ko, masarap magpamasahe ngayon.

Naghanap sila ng pwesto para magpamasahe ni Angkol.

Angkol: Ikaw dong? Hindi ka magpapamasahe?
Tikboy: Ikaw lang muna ngayon kol. Sa susunod na ako.
Angkol: O sya.
Masahista: Anong masahe nito sir? Whole body, half body, paa, ulo?
Angkol: Half body lang.
Masahista: Soft, hard?
Angkol: Hard, para mawala itong mga sakit-sakit sa katawan.
Masahista: Okay, sir.

At sinimulan ang masahe.

Tikboy: Kol, nagkatotoo yung sinabi mong mas pumanig si Duterte sa Russia at China at maghahabol siya ng independent foreign policy.

Angkol: Aba'y syempre matalino kasi yang si Digong. Tama naman yung ginawa niya. Tingnan mo, ilang bilyong investments galing China ang dinala niya dito. P24 billion. Isipin mo, isang bansa pa lang yan. Antayin mo ang Japan.

Tikboy: Oo nga, kol. Nakaka-excite nga eh.

Angkol: Actually dong, yang pambabatikos niya sa America, he is sending a clear statement. Alam mo kung bakit? Dahil election na sa US ngayon. Siguro kung walang bagong Presidente ang US, marahil mas careful si Digong sa kanyang pananalita. Ito ngayon, dahil election na, ang kanilang bagong leader ay may bagong policies in terms of foreign relations.
Kung baga, ang pivot to Asia ni Obama, goodbye na yun. Whoever will win the election, they have to deal with this new Philippine leader who wants to craft an independent policy.

Tikboy: Parang new start sa ating relations.

Angkol: Oo. Eventually, kung magiging okay ang treatment ng US sa atin, like they will treat us as equals and not lapdogs, I'm sure Duterte will be friendlier. At sa aking nakikita, si Trump ang gusto ng friendly relations sa ibang bansa. Like he wants to be friends with Putin. I'm sure he would too with Duterte. Mas magfofocus si Trump sa kanyang bansa, aniya, "make America great again." Si Clinton, mukhang delikado tayo dyan. Kaya nga hinahanda na ni Duterte ito ngayon. Dahil kung si Clinton ang mananalo, mas palalakasin pa niya ang alliance sa Russia at China para madepensahan tayo. May pagka warfreak kasi itong si Clinton. Parang si McCain ang utak nyan.

Tikboy: So mas pabor si Duterte kay Trump, kol?

Angkol: Actually, wala siyang sinabi. At yan ang nararapat. Di ka dapat makialam o magbigay ng opinyon sa isang bansa dahil maiinfluence mo yung boto nila. Hindi gaya kay Goldberg na nagcomment sa gitna ng election period na wala naman siyang karapatan. Na kick-out na yan siya sa Bolivia dati.

Tikboy: Yan nga din narinig ko.

Angkol: Actually dong, hindi naman galit si Duterte sa America. Naku, kung alam mo lang, marami siyang kaibigang mga Amerikano sa Davao. Friendly at accomodating yan siya sa mga Amerikanong turista dito. He doesn't hate the Americans, he hates what its government has become. And he is not alone. Maraming bansa ang alam yan. And even ang mga Americans mismo, maraming ayaw sa gobyerno nila.

Tikboy: Mas gusto pa ng mga Pinoy ang America kol, kesa sa Americans sa kanilang bansa. Mas feeling Americans pa ang ibang Pinoy.

Angkol: Totoo naman. Tayo ang pinaka pro-American country. Idol natin sila. Kaya kahit mumo nalang ang ibinigibay sa atin, nagtitiwala parin tayo sa ating former colonial masters. Nandito ang Japan at China na mas malaki pa ang binibigay na foreign aid, pero sa America parin tayo. Sa sobra nating pag-iidolo sa kanila, naging bulag tayo sa katotohanan.

Tikboy: Oo nga kol.

Angkol: Alam mo ba, dong. Bilib din ako sa ibang Amerikano na nakipaglaban din para mabago ang bansa nila. Parang tayo ding mga Pinoy na uhaw sa tunay na pagbabago. Naalala mo yung Occupy Luneta? Diba ang daming tao nun. Yang Occupy Luneta, kinuha yan sa Occupy Wallstreet. Yan ang pinakamalaking rally na naganap sa America para kumbinsihin ang taong bayan na ang gobyerno nila, pinapatakbo ng mga bankers. In other words, ang kanilang bansa ay pinapatakbo ng mga elite, oligarchs at mga bankers. They comprise only about 1% pero sila ang pinakamayaman sa America. May-ari ng mga bangko at media outlets. Pero mas marami parin ang taong bayan, 99%. Kaya nga Occupy Wallstreet, We Are The 99%.

Tikboy: Pareho din pala sa nangyari dito sa atin, kol. Kung wala si Duterte, magpapatuloy din pala itong mga elite at oligarch sa atin.

Angkol: Korek.

Tikboy: Grabe kol. Pero marami paring mga Pinoy ang hindi nakakaintindi ng foreign policy ni Duterte.
Angkol: May sasabihin akong sekreto sayo dong. Konti lang ang may alam nito kahit mga Duterte supporters.

Tikboy: Ano yun, kol?

Angkol: Alam mo ba ano ang pinakamahirap na government exam?

Tikboy: Hindi po.

Angkol: Ang pinaka elite na office sa government ay ang Department of Foreign Affairs. Ang makakapasok diyan ay yung talagang matatalino.

Tikboy: Ganun po ba.

Angkol: Oo. Ngayon, diba ang alam natin kay Digong ay Attorney siya, Fiscal, Mayor, Congressman at Vice Mayor?

Tikboy: Opo.

Angkol: Sa maniwala ka o hindi, graduate din siya ng Foreign Service. So ibig sabihin, alam niya ang kanyang ginagawa regarding foreign policy.

Tikboy: Astig ah.

Angkol: Kaya nga, magtiwala lang tayo sa kanya.

Naaliw sa kwentuhan sina Tikboy at Angkol. Pero maya-maya, may biglang lumapit na matandang babae. Nakasuot ng itim. Mukhang taong grasa. Namamalimos ito kay Tikboy at binigyan niya ito ng limang piso.

Nanay: Salamat, dong. Uwi kayo ng maaga dahil may malaking lindol na darating.

Tikboy: Lindol?

Nanay: Ulan ang sinabi ko, hindi lindol. May malaking ulan na darating.

Tikboy: Ulan? Opo, lagi kasing umuulan ngayon.

Nanay: Lagi ba kayo dito, dong? Mag-ingat kayo lagi. Hindi tayo nakakasigurado sa panahon ngayon. Baka maulit yung nangyari dito sa Roxas. Mabuti na itong seguridad ngayon pero wag lang talaga tayong magpabaya. Mainit tayo sa mata ng mga terorista dahil andito sa Davao lagi ang Presidente. Lalo na ngayong gustong lumayo ni Digong sa America, baka gumanti. Yan ang mahirap. Baka magcreate ng false flag attacks.

Tikboy: Anong false flag?

Angkol: Covert operations yan. Gagawa ng karahasan tapos ipapalabas na ginawa ng isang grupo para magkakagulo. Halimbawa, may bombang sumabog. Tapos ipapalabas na terorista daw. Pero ang totoo, gawa pala ito ng agents na galing ibang bansa, kagaya ng CIA.

Nanay: Korek! May iba pa. Example, nagrally sa US embassy. Mapayapang rally ng mga lumad. Tapos may biglang dadating na tatlong nagpapanggap na rallyista at pinaghahampas ang mga police. Kaya biglang nagkagulo. Tapos yung mga nanghampas, mga bayaran pala yun galing kabilang kampo. Halimbawa din ng false flag yan. Lagi yang ginagamit ng mga governments para sa assasination, toppling another government, to divert attention, mga ganyan.

Tikboy: Aah, nakuha ko na.

Nanay: Pero delikado din ang covert operations. Ang sabi ni Daniel McAdams, "The US is a victim of its own insane foreign policies. Alam mo bang ang CIA ang nag-train kay Bin Laden at ginawa niya ang Al Qaeda para kalabanin ang Soviets? Pero taong 2001, pinasabog niya ang twin towers noong 9/11. Ang US government din ang tumulong para mag supply ng chemical weapons kay Saddam Hussein laban sa Iran. Pero inatake nila ang Iraq noong 2003. Yang ISIS, alam mo ba sinong gumawa niyan?

Masahista: Wag kang maniwala diyan, bay. Pabayaan mo na yan si Manang.

Nanay: I don't remember asking you a goddamn thing! You're saying?

Tikboy: Sinong gumawa ng ISIS?

Nanay: Ang ISIS, galing yan sa rebeldeng grupo na Free Syrian Army na sinupplyan ng armas ng US government. Pero sa sobrang dami nilang natanggap na supply galing America, sila na ang naghahari at gustong gumawa ng caliphate. Yan ang kinakatakutan ni Duterte na mangyari dito sa Pilipinas. Naalala mo yung sabi ni Digong, ang kinakatakutan niya 5-10 years from now ay terrorism. Dahil yang Abu Sayyaf, baka supplyan yan ng America. Kaya careful si Digong diyan at alam nyang posible yang mangyari.

Tikboy: Nakakatakot naman yan, Nay. Kaya pala pinagmumura ni Duterte ang America ngayon.

Nanay: Hindi kasi, dong. Yang pagmumura niya, stratehiya kasi yan. Part yan ng politics. Ang hindi marunong gumamit niyan, palpak. Pero kung kasing talino ni Digong ang gagamit ng strategy, magtatagumpay talaga. Maraming hindi gusto, pero marami din ang nakakaunawa. Kailangan kasi ni Duterte na iportray ang character na yan dahil yan kasi ang lengwaheng alam ng kriminal. Kung patayan ang alam nila, patayan din ang ibibigay na mensahe ni Duterte para sa kanila. Kung makakapal ang mukha ng mga bastos at kurakot na mga politiko, pambabastos at mura din ang aabutin nila kay Duterte. It's just a game of images. Pero kung nakakakilala ka talaga sa kanya, napakabait na tao niyang si Digong.

Angkol: Totoo yan. Saksi ako diyan.

Nanay: Parang villains lang kasi yan ng palabas. Yang mga kontra-bida. Kung galit ka dahil walang awa si Joffrey Baratheon, pero sa totoong buhay, napakabait na bata niyang si Jack Gleeson. Kung galit ka kay Negan dahil pinagpapalo ang ulo ni Glenn, sa totoong buhay napakabait ni Jeffrey Dean Morgan. Ganyan lang yan. Dapat kilalanin muna natin ang tao para malaman natin kung sino siya.

Angkol: Korek!

Nanay: Parang rap battle lang yan. Puro mura, parang walang kwenta. Pero kung pakikinggan mo talaga ng mabuti yung reference at mga bars nila, masasabi mong - henyo ang mga ito, parang si Digong. Yung realtalk at personals, tagos yung sakit parang mga walang modo, pero patirahin mo ng punchlines tapos multis, double time tapos triple kaagad, masasabi mong, grabe ang talino! Pagkatapos ng murahan, makikita mong mabababait din naman pala itong mga batang to, kasi magkaibigan naman pagkatapos ng battle.

Tikboy: Paano yan nay, yung mga disente grabe ang paninira sa kanya ngayon. Pati mga international media.

Nanay: Yang pinakita nilang pagmamalupit, di yan gawain ng intelihente. Mas disente pa yung probinsyanong Muslim at Kristiyanong residente. Daig pa ang rebelde nyang mga lecheng delingkwente. Pero ubos rin yang mga peste dahil si Duterte na ang Presidente. Time! (Biglang umalis si Nanay)

Masahista: Hahaha!

Tikboy: Hehe ang kulit ni nanay.

(Pagkatapos ng kanilang kwentuhan, natapos din ang masahe ni Angkol)
Masahista: Sir, okay na.
Angkol: Sige dong, salamat. Eto (Sabay abot ng bayad).

Natapos ang pagpapamasahe ni Angkol at nagdesisyon silang umuwi na dahil malapit nang umulan. Nagpasalamat si Tikboy dahil nagkita silang muli ni Angkol. Sumakay si Tikboy ng jeep papuntang Boulevard habang si Angkol naman ay papuntang Agdao.

Pamela Saavedra

https://pamelagracesaavedra.blogspot.com/2016/10/kwentong-barbero-part-3-tagalog-version_27.html
 
Top Bottom