Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Chemical Engineering lounge (See 1st page for reference materials)

mga ka-symb at ka-ChE baka meron kayo naitago jan neto: Handbook of Military Industrial Engineering by Badiru and Thomas

at tsaka neto: Nuclear Hydrogen Production Handbook by Yan and Hino

pa-share naman po. deleted na kasi yung nasa link ng FB page ng ChE.

TIA.

Wala na ba sa torrent nila? Kumusta na dito?
 
Sino may latest na ebook ng maccabe dito? palink nman,, slamat :salute:
 
Re: Chemical Engineering lounge

dead line in page 2: Introduction to Chemical Engineering Thermodynamics 7th edition - Van Ness, Smith and Abbot
 
sino po sa inyo may copy ng "Transport process and Phenomenon" ni geankoplis?

Thanks!
 
Letseng buhay, Chemical Engineer ako at lisensyado, pero ang liit ng sweldo pag engineer ka dito sa atin. Talo ka pa sa mga teachers sa public school. Yong isa kung kaklase nag pulis na lang kasi barat ng sweldo pag nasa private companies ka, lisensyado din yon. Yon namang isa kong kaklase na babae lisensyado rin, ayon nag nursing na lang para kunin ng ate niya sa London. Ang nangyari kasi di siya naging regular sa tinatrabahuan niya, kahit nung mag apply pa siya sa San Miguel Brewery at may experience na.

Ako naman dami ko ng experience sa field na yan, naging supervisor pa nga pero ang pasahod para kang di inhenyero. Nung mag trabaho ako nung year 2000, sumusweldo ako P160.00 per araw Cadet Engineer pa level ko noon, talo pa ako sa sweldo ng mga rank and file employees doon sa kumpanya namin, ang problema pinagbabayad pa ako ng proffesional tax sa munisipyo. At nung ma supervisor ako after 2 years, hinawakan ko mga tao 50 lahat pero sweldo ko P13,000 lang, laki pa ng responsibilidad. Talagang pan de letse! Lol....

Kaya payo ko sa mga kumukuha ng chemical engineering wag na ituloy at mag shift na lang sa teaching o nursing. Wala kang maaasahan sa kursong yan. Tapos kung mag-aapply ka, may kabobohan pa halos ng mga mag iinterview sayo. At yong mga ibang may engineering background na interviewer, ganun din. Sasabihan ka ba naman na yong trabaho mo lang ay pang laboratory lang. Anong akala nila sa atin lab analyst lang? Kaya yong demand ng Chemical Engineers ay lumiliit, kasi ang pag-aakala ng mga nasa HR, yong trabaho natin pang laboratoryo lang, di pang production, kaya mas pini prefer nila yong mga Mechanical Engineers kesa sa Chem Engineers.

Isa ring problema na nakikita ko, ay ang pagiging inutil ng PRC. Dapat kasi minomonitor nila kung nasusunod ba ang mga alituntunin ng propesyon. Kasi kahit lisensyado ka, di man yan ino honor ng mga kumpanya especially pag baguhan ka. Nagagamit lang yang lisensya mo pag naging Department Head ka o naging isang Factory Manager. Kasi yong sa tinatrabahoan ko dati may mga kasama akong mga Supervisor, di naman lisensyado, tapos yong iba ang propesyon eh mechanical engineer na dapat di nila pede hawakan ang Process House kasi basi sa Batas Bilang 318, 'Chemical Engineering Law', ay dapat mga Chemical Engineers lang ang dapat humahawak.

Kahit nga yong posisyon na Pollution Control Officer na dapat ang humahawak ay isang Chemical Engineer, ngayon pede pala kahit anong propesyon mo basta may certification ka lang galing sa DOLE. Talagang katarantaduhan yong sistema at mga batas natin.

Panahon na, na dapat baguhin na ang batas tungkol sa Propesyong Chemical Engineering. Dapat isa batas na yong minimum wage ng isang entry level na lisensyadong Chemical Engineer ay dapat mas mataas sa sweldo ng salary scale ng mga pulis o mga teacher sa gobyerno. Para naman may dignidad at appeciation sa ganitong kurso. Dapat din ipatupad yong batas na hindi pwedeng makapag praktis ang sinoman ng Chemical Engineering hanggat wala siya lisensya. Ito naman ay nasa batas ng Chemical Engineering Law.

Imaginin mo mag-aaral ka ng 5 years sa pinakamahirap na kurso ng engineering, laki pa ng gastos mo dahil may laboratory, magkakabagsak bagsak ka pa sa mga eksamin dahil sa hirap, at tapos magsusunog kilay ka na naman para sa Board Exam. Tapos kung mag-aapply ka ng trabaho eh, ang hirap pa makapasok at yong sweldo mo pa minimum wage ng gobyerno na pang laborer? At posible pang contractual lang. Talagang walang ka respe respeto at nakakadismaya. Buti pa yong mga pulis, walang kahirap hirap sa kanilang pag aaral, tapos tutulog tulog lang sa mga presinto at walang pressure, ang laki ng sweldo at ganda ng mga benepisyo.

Hahayz! Di ko talaga maintindihan kung anong pag-iisip meron ang gobyerno natin at tayong mga Pinoy. Sa ibang bansa kasi, US o Canada, pag sinabing Chemical Engineer ay tinitingala at bigtime. Pero dito sa atin, magkapareha pa ata ng estado sa mga janitor ng PAGIBIG. Kaya habang maaga pa, shift ka ng magandang kurso na madali kang makapagtrabaho, malaki ang sweldo, mabilis ang promotion at mag eenjoy ka. Huwag na Chem Eng pls., baka pag dating ng araw magsisisi ka lang.
 
Last edited:

#Storyofmylife

Kakapasa ko lang sa board exam, pero totoo talaga itong sinabi ni sir Digoy. Underpaid mga ChE dito sa Pinas. Naghahanap nga ako ngayon na paglilipatan nga companya. May mga hirin ba jan?
 
First of all, mabuti ang propesyong inhinyero lalo na ang chemical. Nakakalungkot na pangyayari na nakatagpo ang iba ng hindi kanaisnais na pangyayari.

Ating himayin ang hinaing ng isa nating kaibigan. Nabanggit niya ang mababang pasahod. Maaring sa ilang kumpanya ay nakabubungtingahang sweldo pero hindi sa lahat. Mayroon din na malalaking kumpanya na nagpapasahod ng higit sa inaasahan. Sapat para sa binata at dalagang nag-uumpisa ng mabuhay sa sariling kayod. Ang payo ko lamang sa pag nag-apply doon ay ipakitang mabuti ang kakayahang mamuno. (leadership skills). Kung wala ka pa nian. Magsimula sa bahay, Pamahalaan ang budget, pagluluto o pag-aaral ng mga kapatid. I organized ang mga gamit, schedule ng buhay mula sa pag-gising sa umaga hanggang sa pagtulog. Magkaroon din ng mga pangarap (short term at long term), bagong damit sapatos, bahay, asawa at mga anak. Magbasa, magsaliksik ukol sa propesyon, kagaya halimbawa ng paggawa ng sabon, pabango o kaya pangbugaw ng lamok.
Ang malalaking kompanya ay hindi lang intresado sa mga sertipiko na naipon kundi mas higit pa minsan ang pag-uugali. Tulad palaging pagpasok sa tamang oras, paggawa ng higit pa sa sweldo at lalong lalo na ang pagiging magiliw sa trabaho maging ano man ang hamon ng tadhana.

Ikalawa sa iyong hinanakit at ang tamang pagkilala sa propesyon. Ito naman ay may kaugnayan sa respeto. Nakalulungkot na marami nga sa ibang kompanya na unti-unti itong nawawala pero gayon pa man wag malungkot. Ang respeto kadalasan ay hindi natin mahihingi bagkus ito ay ibinibigay ng kuso sa isang empleyado dahil sa pagtitiwala. Ang isang empleyado na mahusay, mabuti ang pakikitungo ng sibil sa kapwa at kadalasang naaasahang nakagagawa ng solusyon sa problema ng kumpanya ay umaani ng respeto sa nakatataas at gayon din sa nakabababa. Kung siya man at hindi nakakatanggap ng papuri bagkos ay puro panlilibak sa kapwa katrabaho ang payo ko lang ay magtiyaga lamang at maging mapagmasid sa mga pagkakataong alam mo na oras mo nang sumikat. Halimbawa maging maingat sa iyong mga gawain na hindi mahanap ng butas na ikasisira mo at maniwala ka lang na bilog ang mundo. Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi silang panalo kapag naipit din sila doon ka na magkakaroon ng alas. Kadalasan dito nabubuo ang pagkakaibigan sibil at doon muna maipapasok ang iyong kahusayan. Ika nga I scratch your back and you scratch mine.

So ang payo ko wag mawalan ng pag-asa sa chem eng'g. Lahat tayo ay pwedi ring mag-abroad. Magtiyaga lang sa kumpanya mo ngayon ng mga limang taon at mag-apply sa malalaking kumpanya lalo na sa abroad.
 
Nabasa ko post ni Digoy. Salamat sa kwento mo pare. Ako nga pala ang TS nito nakalimutan ko lang password ko sa account ko. Matagal na kasi akong di nag log-in.
Anyway regarding sa kwento niya, oo tama yun underpaid tayo minsan swertehan din. Nung nag start ako maliit din sahod mo inabot ako ng 3 years para makahanap ng malaking sahod.
Ngayon ay nag shift na ako ng career. Wala na ako sa field ng Engineering dahil pumasok ako sa military (Philippine Air Force). Pero kahit nasa military na ako, nagagamit ko pa rin knowledge ko sa Chemical Engineering lalo na sa explosives at mga safety principles.
Pero kung mahal niyo talaga kurso natin kaya niyo yan!
 
mayron po ba kayong file sa chemical engineering reviewer na 2nd edition?
 
Hello po, may tips po kayo sa boards? Hehe.. Salamat po
 
What's up mga ka-ChE anjan pa ba kayo? Hehehe
 
missing files sa mediafire. hahaha. what happened ts? hahahha

- - - Updated - - -

missing files po sa mediafire regarding dun sa mga pdf na na-upload niyo/. hehehe
 
Good afternoon po sa lahat. I am currently a 3rd yr chemical engineering student at UM sa Mindanao. I was wondering if active pa po ba ito.
 
Hi dmmau, yes active pa namn ako TS dito. kaya lang madalang ko mabuksan to gawa ng work ko ngayon
 
Good afternoon po sa lahat. I am currently a 3rd yr chemical engineering student at UM sa Mindanao. I was wondering if active pa po ba ito.

UM ba ika mo? Mag shift ka na lang, sabi nga ni Digoy, wala kang mapapala sa kursong yan. Saan ka naman magtatrabaho pagkatapos mo mag gradweyt abir? Wala namang malalaking pabrika dyan sa Mindanao. Yong inutil mong dating mayor dyan sa lugar nyo na ngayon ay naging Presidente na, pinalayas nga yong San Miguel. Napunta sa Darong, eh dapat sana sa may Maa yan.

Ang mangyayari dyan baka ang magiging trabaho mo lang ay maging titser sa isang pribadong eskwelahan dahil kelangan dun may magturo ng Chemistry at iba pa. Pero kung sahod naman ikukumpara mo, mas malaki pa ang sweldo ng taga DEPED kesa sa pribado kaya kawawa ka magma Master's ka pa para maging regular.

Habang maaga iwas ka na lang sa ganyang kurso. Trust me sa bandang huli pagsisisihan mo lang. Yon nga kaklase ko nagta trabaho sa GalvaSteel at mataas ang posisyon pero umalis din kasi nag Pulis. Baka kasi matamaan pa siya ng spin-off.
 
Last edited:
Good afternoon po sa lahat. I am currently a 3rd yr chemical engineering student at UM sa Mindanao. I was wondering if active pa po ba ito.

Push mo lang konti lng ang Chemical Engineers dito sa Philippines compare sa ibang engineering industry, Focus lang to gained skills na related sa Chemical Engineering para may lamang ka na agad. mas madaming alam mas madaming opportunity.
 
Back
Top Bottom