Letseng buhay, Chemical Engineer ako at lisensyado, pero ang liit ng sweldo pag engineer ka dito sa atin. Talo ka pa sa mga teachers sa public school. Yong isa kung kaklase nag pulis na lang kasi barat ng sweldo pag nasa private companies ka, lisensyado din yon. Yon namang isa kong kaklase na babae lisensyado rin, ayon nag nursing na lang para kunin ng ate niya sa London. Ang nangyari kasi di siya naging regular sa tinatrabahuan niya, kahit nung mag apply pa siya sa San Miguel Brewery at may experience na.
Ako naman dami ko ng experience sa field na yan, naging supervisor pa nga pero ang pasahod para kang di inhenyero. Nung mag trabaho ako nung year 2000, sumusweldo ako P160.00 per araw Cadet Engineer pa level ko noon, talo pa ako sa sweldo ng mga rank and file employees doon sa kumpanya namin, ang problema pinagbabayad pa ako ng proffesional tax sa munisipyo. At nung ma supervisor ako after 2 years, hinawakan ko mga tao 50 lahat pero sweldo ko P13,000 lang, laki pa ng responsibilidad. Talagang pan de letse! Lol....
Kaya payo ko sa mga kumukuha ng chemical engineering wag na ituloy at mag shift na lang sa teaching o nursing. Wala kang maaasahan sa kursong yan. Tapos kung mag-aapply ka, may kabobohan pa halos ng mga mag iinterview sayo. At yong mga ibang may engineering background na interviewer, ganun din. Sasabihan ka ba naman na yong trabaho mo lang ay pang laboratory lang. Anong akala nila sa atin lab analyst lang? Kaya yong demand ng Chemical Engineers ay lumiliit, kasi ang pag-aakala ng mga nasa HR, yong trabaho natin pang laboratoryo lang, di pang production, kaya mas pini prefer nila yong mga Mechanical Engineers kesa sa Chem Engineers.
Isa ring problema na nakikita ko, ay ang pagiging inutil ng PRC. Dapat kasi minomonitor nila kung nasusunod ba ang mga alituntunin ng propesyon. Kasi kahit lisensyado ka, di man yan ino honor ng mga kumpanya especially pag baguhan ka. Nagagamit lang yang lisensya mo pag naging Department Head ka o naging isang Factory Manager. Kasi yong sa tinatrabahoan ko dati may mga kasama akong mga Supervisor, di naman lisensyado, tapos yong iba ang propesyon eh mechanical engineer na dapat di nila pede hawakan ang Process House kasi basi sa Batas Bilang 318, 'Chemical Engineering Law', ay dapat mga Chemical Engineers lang ang dapat humahawak.
Kahit nga yong posisyon na Pollution Control Officer na dapat ang humahawak ay isang Chemical Engineer, ngayon pede pala kahit anong propesyon mo basta may certification ka lang galing sa DOLE. Talagang katarantaduhan yong sistema at mga batas natin.
Panahon na, na dapat baguhin na ang batas tungkol sa Propesyong Chemical Engineering. Dapat isa batas na yong minimum wage ng isang entry level na lisensyadong Chemical Engineer ay dapat mas mataas sa sweldo ng salary scale ng mga pulis o mga teacher sa gobyerno. Para naman may dignidad at appeciation sa ganitong kurso. Dapat din ipatupad yong batas na hindi pwedeng makapag praktis ang sinoman ng Chemical Engineering hanggat wala siya lisensya. Ito naman ay nasa batas ng Chemical Engineering Law.
Imaginin mo mag-aaral ka ng 5 years sa pinakamahirap na kurso ng engineering, laki pa ng gastos mo dahil may laboratory, magkakabagsak bagsak ka pa sa mga eksamin dahil sa hirap, at tapos magsusunog kilay ka na naman para sa Board Exam. Tapos kung mag-aapply ka ng trabaho eh, ang hirap pa makapasok at yong sweldo mo pa minimum wage ng gobyerno na pang laborer? At posible pang contractual lang. Talagang walang ka respe respeto at nakakadismaya. Buti pa yong mga pulis, walang kahirap hirap sa kanilang pag aaral, tapos tutulog tulog lang sa mga presinto at walang pressure, ang laki ng sweldo at ganda ng mga benepisyo.
Hahayz! Di ko talaga maintindihan kung anong pag-iisip meron ang gobyerno natin at tayong mga Pinoy. Sa ibang bansa kasi, US o Canada, pag sinabing Chemical Engineer ay tinitingala at bigtime. Pero dito sa atin, magkapareha pa ata ng estado sa mga janitor ng PAGIBIG. Kaya habang maaga pa, shift ka ng magandang kurso na madali kang makapagtrabaho, malaki ang sweldo, mabilis ang promotion at mag eenjoy ka. Huwag na Chem Eng pls., baka pag dating ng araw magsisisi ka lang.