LMAO. The result of this poll makes me cringe. Philippine education in a nutshell.
Agree ako sayo sir.. masyadong mababaw mag isip ang karamihan sa mga kababayan ntn (na nabaon na ang mga utak sa mga anime) . Masyadong Overrated ang Japan
Una sa Lahat hindi ako maka-China (i hate Han Chinese majority) pero kailangan kong i debunk ang ilang mga Chinese Myths na madalas paniwalaan ng mga kababayan ntn.
1.Mababang klase daw ang mga military equips. ng China dahil MADE IN CHINA DAW
-anong Klaseng pag iisip yan? Military Equipment ang pinag uusapan d2 at hindi mga household products! hindi uubos ng bilyong dolyar ang China kung gagawa lang cla ng mga low class na kagamitan na nag rerepresent ng bansa nila. kahit nga Pilipinas eh nag hahangad ng mga state of the art na mga weapons and equipment kahit wala nmn tayong pambili . eh pano pa kaya ang China na may kapasidad para bumili at mag produce ng kanilang sariling armas.
2.Gaya gaya (magnanakaw daw ng disenyo) daw ang China
-lahat nmn ng bansa ginagawa yan. kaya nga laging top secret ng mga bansa ang pag develop ng mga bagong armas. kung mag babasa po kayo ng mga libro eh ang mga Chinese nga ang ginaya o sa China nag simula ang mga konsepto ng mga sandatang ginagamit ngayon. mga halimbawa
a. Gunpowder - alam nmn na ten na mga Intsik ang mga unang gumamit ng pulbura sa larangan ng digmaan. hanggang ngayon ginagamit itong Chinese invention na ito ng buong mundo.
b. Cho ko Nu (Repeating Crossbow) - ito po ung ninuno ng mga assault rifles at mga machine guns. wala pang masasabing katulad ng mga sandatang ito hanggang madiskubre ng mga kanluranin ang Gatling guns. naimbento po ang konseptong ito sa Ancient China.
c.Rockets- ito ung lolo ng mga ICBM ngayon. gaya ng dati sa China ulit nagmula ang concept na ito.
d.Mines- mga chinese ang mgay mga pinaka unang tala sa pag gamit ng mga ito. kahit sa tubig meron din cla para sa naval warfare at yung mga na kuha na specimen nito ay masasabing loaded o functional parin kahit na nakalubog ito sa tubig sa loob ng ilang siglo.
e.mga handheld na cannons- karaniwang gawa sa bronze ang pinaka unang relic ng mga ito ay nadiskubre din sa Tsina.
kitams??? halos lahat ng mga sandata ng kasalukuyan ay halos naimbento ng mga Chekwa?? Mas magaling lang talaga ang mga kanluranin mag upgrade at modify ng mga sandata kaya naging mas deadly ang mga sandatang ito.
3. Walang experience at mga pussies ang mga Chekwa sa digmaan.
- halos hininga na ng mga chekwa ang digmaan.. halos buong kasaysayan nila eh ilang beses na clang nakipagdiagma sa mga kapwa tsino nila at sa mga dayuhan. kung naaalala nyo pa every mag papalit ng mga dinastiya ang mga chinese eh laging may Civil war sa loob ng estado. ito ay isa sa mga dahilan kung bakit na overrun ng mga foreiners ang Tsina. busy rin ang mga komyunistang chekwa sa civil war laban sa koumintang party ni shang kai shek nang lusubin ng japan ang china at manchuria kaya cla nakaranas ng mga pagkatalo. kung tutuusin nag papatayan na noon ang mga chekwa at hapon bago pa pumutok ang WW2 sa Europe nang sakupin ng Germany ang Poland.
marami pang mga factor and di ko na babanggitin sa inyo na kalamangan ng China sa Japan kayo nabahala mag aral. sana sa susunod na mag comment kayo eh gamitan nmn po ntn ng kaunting logic at facts ang mga statement ntn at wag puro mga pansariling opinyon lang na napulot lang kung saang imburnal para d tayo mag mukhang katawatawa.wag din tayong magiging bias. gamitin ang isp at unawaiing mabuti ang sitwasyon. at the end of the day eh pare pareho lang tayong talo sa magiging epekto ng digmaan. sabi nga Pilosopong si Mencius "Kahit kailan walang anumang Mabuting naidulot ang Digmaan."