Ako yung sa Clueless na thread. Ikekwento ko lng yung buong story. So where's the fire?
2014 - di ko pa sya kilala noon. Workmate sya ng pinsan ko at isinama sya sa bahay nila ng pinsan ko. Wala akong gf non. Nung nakita ko sya na love at first sight talaga ako. Sabi nmn ng pinsan mo may bf na daw yun.
2015 - January, Nasa korea na ko. Solong pinoy sa trabaho so kpg nasa kwarto lang ako e browse lng ng fb. Then nakita ko sya sa fb so ayun inadd ko sya. Chinat ko di naman nareply. February ng nagchat ulit ako then nagreply nmn agad sya so ayon diredirecho na. Sabi ko liligawan ko sya. Araw araw na ko nagsesend ng sweet msgs sa knya. Nagpatulong pa ako sa pinsan ko. And it continues na nafall na rin sya sakin. Kaso di daw kami pwede kasi INC sya. So sabi ko magpapaconvert ako para sa kanya. May 29 same year sinagot nya ako. She even suggest na magbigayan kmi ng password sa fb as trasparency na rin. Naging kami kahit di pa ko inc. Nagpaalam sya sa parents nya pinayagan nmn sya as long as aanib daw ako sa inc.
2016 - Umuwi ako ng pinas. Nagkita na kmi. 2 weeks lang bakasyon ko non. Pinakilala na nya ako sa family nya. Everything goes well naman.
2017 - korea na ulit ako. Don na ko naging inc. Ang saya finally official na talaga kami. September uuwi na ko. July ng makita kong may nagchat sa kanyang guy na kaworkmate nya. May gf naman yung guy. Ok lng nmn sakin na kachat pero may mali. Nagreact ako nung araw araw na silang magkachat bago at pagkatapos ng trabaho. Nagsesend pa ng pacute na pic yung guy. Then madalas sinasabi nung guy na "ang ganda mo" . Then di nmn pinapansin ng gf ko yung ganong msg ng guy. Then nababasa ko na lang na they exchanging goodnights na. Kahit sino magseselos talaga. Sinita ko ulit sya. Nagalit sya, ang kitid ko daw. Wag na lang humaba yung away e inamo ko na agad sya. Pauwi na ko, intindi ko nmn na di sya kasama pagsundo. Late october na kmi nagkita. Laguna sya quezon prov ako. Sinabi nga sakin na di daw kmi pwede pa muna madalas magkita. Kasi nga ayaw nung mga magulang nya. Iniingatan na baka mabuntis edi matitiwalag kami. Ayaw nila non syempre. Monthly na kmi mgkita. Sinurprise ko sya lagi. Ang dami ko na nabibigay sa knya. Even 29 roses.
Nakakachat pa rin nya yung guy. Ok na sakin kasi nagpaliwanag na sya na wala lng daw nmn yun. Di ko napigilang magalit ulit nung nagtext ako sa kanya pero di nagrereply. Nagonline ako at nkita kong ol sya. Natemp ako na buksan account nya. Ayon magkachat sila nung guy. Ngreply na sya sakin pero one word lang. It takes 5mins for her to reply then don sa guy ay mabilis sya mgreply. Nagsorry nmn sya. Nagkita ulit kmi at may napansin ako. Busy sya sa fb. Friends nmn nya kachat nya. Kumain kmi pero ang tahimik nya.
2018 - January, bday ko. Inaantay ko sya pumunta pero hindi. Sabi ko baka sa weekend sya pupunta peri hindi pa rin. May cake nmn na pinadala.
- February 12, i send her sunflowers. Tuwang tuwa sya. Bawal nmin icelebrate ang valentine. So feb 12 binigay yung sunflowers hehe.
Mid feb - binisita ko ulit sya. Parang di sya excited nung dumating ako. Ang tahimik. Yung nanay na lang nya madalas ko nakakausap don sa bahay at sya nonood ng tv. Sabi pa nung nanay kausapin daw nmn ako. Minsan na nga lng daw magkita. Pero wala pa rin. Pansin ko sa mukha nya na parang naiirita sya. Gusto daw nya matulog kaso andon ako. Around 3pm umalis na ko. Alam nya na galit ako. Di ko muna sya nreplyan sa text habang nasa bus ako. Worried sya. Tanong kung galit daw ako. I love you i miss you ganon.
March - pumunta sya samin bday ng lola ko. Then pumunta kami sa sunflower field.
April - pumunta akong laguna. Then naisip ko puntahan sya sa bahay nila at ihatid sa trabaho. Tuwang tuwa sya. Nagpost sya sa my day nya at sa fb ng pictures naming dalawa.
April 29 - bday nya. Andon ulit ako sa babay nila. Same thing. Dumating ako parang di sya ganon ma natutuwa. Inabot ko cake at gift mo pero sabi nya " Ma, kunin mo nga to" di nya amo masyado pinapansin noon parang wala sya sa mood. Then around 3pm dumating nga friends na. Ayun parang nabuhayan sya sumaya sya bigla. At iniwan nya ako sa isang tabi. I decided na umuwi na lng. Nagpost sya nung mga gifts at cakes na binigay ng friends nya pero di niya pinost yung bigay ko. Around 7pm ktext ko sya. Tagal ulit ngreply sabi nya nagvivideoke sila so ok. Pero kita ko may kachat sya ulit na ibang guy. Engineer sa trabaho nila. Tiningnan ko fb nung guy. Nagwave to each other. Binati ng happy bday. Nagbiruan. Then nahalat ko sa guy na may gusto sa knya kasi sinabi nung guy na gusto kita lgi lapitan sa pwesto mo para marinig boses mo. Then inaaya sya kumain sa labas. Nagreact ulit ako kasi nmn tuloy tuloy pa rin yung usapan nila and parang nakakalimutan na nya ako replyan. Nagalit sya. Sobra nmn daw ako. Ayaw daw nya ng seloso. I feel guilty kasi bdya nya nagway pa kmi. Pero nagkabati rin nmn kmi bago matulog. Iniba na din nya pw nya sa fb.
May - 1st week sabi ko icelebrate nmin anniversary nmn sa 29. Sige daw. Sabi ko kpg may trabaho sya o kaya gagawi sa bahay o kapilya e ok lng na wag muna kmi mgkita. Pero sabi nya mgkikita tlaga kmi kasi anniv naman namin. May 20, tinanong ko kelan day off nya. Thursday daw. Sabi ko mgkita na kmi kasi may pasok sya ng 29. Di daw sya pwede may lakad daw sila nung ktrabaho nya, girl nmn. So sabi ko sige next week na lang sa restday nya. Di daw ulit sya pwede may gala daw sila. E kelan kmk mgkikita. Di daw nya alam. Nagtampo ako. May 21 nagiba na text nya. Yung wala ng gana. Yung goodnight at iloveyou bago matulog nawala na. Sinabi ko sa knya na bkit parang wala na syang gana sakin. Anniversary nmin pero uunahin pa nya yung mga friends nya. May 23, umaga. Ganon ulit. Tipid na mgtext. Tinanong ko bkit ka ganyan. At eto yung mga saktong sinabi nya " Wala na kong gana. Di na ko masaya. Ayoko na lang talaga. Anong magagawa ko di ko nmn sinasadya. Di na kita mahal e." Down na down na ako non.
Nung hapon 3pm. Di sya nag ot. Nagmsg sya. Sorry wala na talaga. Naaawa na lang ako sayo. Buo na desisyon ko. Wag mo na ko guluhin pa. Nagalit ako. Sabi ko niloko lang nya ako. Katulad din pala sya ng iba. Binlock nya ako sa fb. Nilock at nireset ko cp nya through android device manager ng google. Bigay ko kasi yung cp.
Kinausap ko yung closest friend at workmate nya. Pinatanong ko kung pwede ba kmi magusap at mgkaroon ng closure. Ayaw daw nya. Naiwas din daw sya kpg ako na itotopic nung friend nya.
As of now di pa rin nya nagagamit cp nya. Di pa rin nakapagonline sa fb. Kahit yung # nya cannot be reach.
Halos lahat ng nagadvuce sakin sabi puntahan ko daw sa bahay nila. Pero sabi nung closest friend nya e wag daw. Wag na wag daw at hayaan ko na lng. Tingin daw nya e tutuldukan na daw talaga kung ano meron kmi.
*simula nov 2017 up to now, lagi silang gumagala nung katrabaho nya (girl naman). Na yun lagi ang dahilan kung bkit halos lahat ng iba naming gala sana e di natutuloy. Sya din yung dahilan kung bakit di natuloy ang pgkikita nmin para sa anniversary namin. At simula din nung umuwi ako di na sya ganon kasweet sakin unlike nung nasa korea pa ko.
Im ready to move on na. Yun nga lang masakit kasi umasa talaga ako na kmi na talaga hanggang dulo. Na may pangako sya na ngayong inc na ko e di na kailanman kmi maghihiwalay kahit ano mang mangyari. Syang kasi napapagusapan na nmin yung kasal. And daming nanghinayang sa relasyon naming dalawa kasama na yung mga tita nya.
Pinipilit kong maging masaya. Pero bakit kpg madaling araw magigising na lang ako na damang dama ko sa dibdib ko yung sakit na napapaiyak na ko. Hanggang ngayon kahit pgkain wala akong gana. Kahit ituon ko yung atensyon ko sa labas o kaya magonline games o manood ng nba e ganon pa rin. Ang hirap. Samantalang sya e parang wala ng tlagang pakialam.
San ako nagkulang? San ako nagkamali? WALA. Yang lang ang tanging isinagot nya.