Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Diary of a frustrated programmer

Hello po student po ako ngayon grade 10 po ako gusto ko po sanang matuto ng programming python po ang inaaral ko ngayon, gusto ko ring matutunan yung java or yung c#
nainspired po ako sakwento nyo nung sinabi nyong may 2 kayong student na marunong ng gumawa ng sarili nilang software
at isa na ren ang dahilan ay para sa pera maliban po don gusto ko po ring gumawa ng apps or software na sarili ko mismong gawa

pipiliin ko rin na course ang IT
pero ngayong senior CSS muna ata css ata tawag don ewan nakalimutan ko XD

natutuwa ako kapag nakikita ko gamit nila ang gawa ko mas lalo na kung ito ay sisikat

gusto ko po sanang humingi ng advice or tips para sa future ko XD
and sana may maencounter akong may trabaho ng programmer at gusto ko rin pong itanong kung anong programming language ang madalas dito

Thankyouuuuu :yipee::yipee::yipee:

Isa sa tip ko sa'yo, step by step muna. mag-FOCUS ka muna sa isa. lalo 3 programming languages nabanggit mo. Kung python, python ka muna. i-master mo muna 'to kung gusto mo talagang pag-aralan. Eto lang, may pinsan ako sa US, python ang sikat (sumisikat) daw dun. Kung titignan mo sa Tiobe Index (site), maaari nga dahil pangatlo sya sa ranking.
Kung ano nasa puso mo, tuloy mo lang. GoodLuck! :)
 
hello poo salamat sa advice yes po nagfofocus ako sa python, kaya gusto ko pong pagaralin ang c# kasi pedeng gamitin sa paggawa ng games yun nga po yung point kung bakit ako nagaaral magprogram at para magka pera na rin kaso nasimulan ko na po yung python pede pa naman gamitin sa games kaso lagi nilang ginagamit yung c# kahit 2d pixela-game lang po sana sa ngayon habang inaaral ko po yung python nagdadownload na ako ng mga ebooks dito na c# kaso mahirap hanapin yung mga ebooks ng c# dito eh wala na akong alam na magandang forum kundi eto lang...

ewan ko lang po kung gusto ko pang pagaralin yung java parang mas gusto ko kasi yung c# cool pakinggan de joke lang po ano ewan ko lang po bakit wala akong interesado sa java kapag pinagaaralan ko parang kapag pinagaaralan ko feeling ko ang liit ko ahahahaha

gusto ko rin po sanang malaman kung anong in-demand programming language dito sa pinas

MARAMING MARAMING SALAMAT PO ULET:yipee::yipee::yipee:
 
Pero para sa akin? Opinion or make it advise na din haha

Ilagay mo sa ganito.
1 year from now, ano sa tingin mo ang mangyayare kung tumigil ka mag pursue sa career mo in programming?
Tapos isipin mo naman, 1 year from now, ano sa tingin mo ang mangyayare kung di ka tumuloy dream mo nga ito?
Tapos piliin mo yung mas gusto mong future dun.

Gawin mo lahat para makuha mo yung gusto mo.

Alam mo ba na may studies sa mga malapit na mamatay na tao, on their death bed,
tinatanong sila kung anong pinagsisisihan nila.
Most of them answered na pinagsisisihan daw nila yung mga bagay na hindi nila nagawa, kesa sa mga bagay na nagawa nila.

Kung iisipin mo, pagsisisihan mo ba yung minsang nadapa ka kasi nakipag habulan ka?
Pagsisihan mo ba yung natapunan mo ng juice yung libro mo?
Pagsisihan mo ba yung napalo ka ng nanay mo kakalaro?
O pagsisishan mo yung panghihinayang mo sa DREAM Career mo kasi takot ka sa Failure? Kasi nung time na yun nahirapan ka o nawalan ng pag asa?
Bakit, may madali ba? May short cut?

Walang extend sa buhay tol.
Ito na yun, isa lang to.
Isa lang, either success or not.

Yung mga negativity sa paligid mo, pakyu sila.
Hawak mo ang buhay mo, wala silang magagawa.
Pero ikaw, ikaw meron!

Pero inaasahan ko na gagawin mo yung tama.
Gagawin mo yung laman ng puso mo.
Gagawin mo yung ikakabuti mo.
Naniniwala ako sayo.
Naniniwala kami.
Ikaw? Naniniwala ka ba sa sarili mo?

Thank me Later ;)

ganda naman ng advice kay TS. pati ako na iinspire. Nasa middle age nako. Di ako nagkaroon ng magandang job experience. I'm an undergrad of Computer Eng'g, nagsisisi ako bat hindi ko tinapos sana maganda na rin ang trabaho ko ngaun. Sa ngaun nag aaral ako ng programming. Sa JavaScript ang focus q since pde sa frontEnd & backEnd. FYI, I'm an aspiring web developer. Kahit na matanda na ako. Alam ko nandito ang future ko. And ang sabi ko sa sarili ko. Hanggang umabot na ako sa mamatay ako. Dito ko na ilalaan ang sarili ko. Mag fail man ako or maging successful alam ko eto na yung daan na gusto kong tahakin. Parang masarap isipin na me access ka sa trabaho mo kahit saang sulok kapa ng daigdig basta me laptop ka at magandang internet connection. Sarap siguro nasa tabi ka ng beach nanunuod nga mga chicks na naka two piece lang habang nag proprogram ka. hehehe. Sabi ko nga sa sarili ko. Pede magpahinga from time to time pero di pedeng sumuko. Kaya TS, laban lang tayo. hehehe Hope you're doing well now in your chosen career & God Bless!!!

- - - Updated - - -

Nag-aaral din ako ng web development ngayon JavaScript, HTML at CSS.

Undergrad ako Computer Science student dati, natanggal ang scholarship after 1yr dahil hindi nakaabot sa cut off ang isang subject.
Nagcallcenter ako ng mahigit 2yrs, nagresign ako at inunahan ko na ang termination, HAHAHA.
Ngayon tambay sa bahay at iisip kung anong gagawin ko sa buhay.

Ngayon 3months na akong nanunuod ng YouTube at nagbabasa sa Internet ng tutorial at nakagawa na din ng dalawang app na nka spaghetti code. Haha
Hindi ko rin maintindihan ang OOP at data structures, naguguluhan din ako.
Mas marami kang matutunan kung gagawa ka ng app o system kesa manuod sa YouTube. Mas malalaman mo ang syntax at algorithms

Ang kinakatakutan ko kahit anong aral ko sa Internet at kahit makagawa ako ng portfolio baka wala ding tatanggap sa akin sa company dahil undergrad ako.

Di ako naniniwalang walang mag ha hire sa atin. Yun yung nakikita kong advantage being a programmer. Kahit wala pa akong employer ngayun. Di basehan yung natapos ko o hindi. Kasi naka depende yan sa skill set/s mo as a programmer. Guys correct me if I'm wrong.
 
Last edited:

dito na lang ako magrereply, puno daw inbox mo LOL

sa totoo lang marami pa akong hindi alam at marami pa din akong insecurities, kung gusto mo ng mentor marami sa youtube. web development din route ko. subscribe ka sa mga youtube channel nato, marami silang advise at tutorial sa web dev (chris hawkes, codingphase, joshua fluke, traversy media, Clément Mihailescu, coding train, dev ed at marami pang iba nakalimutan ko lang). dyan ako pumunta dahil mahirap mag-aral mag-isa, maraming distraction sa bahay.

yang gawa kong "app", ewan ko kung app ba talaga yang mga yan, tawagin na lang nating small apps dahil hindi pang commercial HAHA.
eto finish product
twitter-bot
Sort-Visualizer

oo, pwedeng kang tanggapin ng mga kompanya kahit wala kang degree basta may skills ka, pero nasa pilipinas tayo at matataas ang standards ng mga HR HAHAH. biro lang, hindi pa ako nakapag-apply.

ang magagawa lang natin ay gumawa ng professional portfolio to show off our skills.
kaya tara na't magsipag at mag-aral
 
boss question lang.. gusto ko din kasi ipuruse yung pagiging web dev eh. nasa JS tutorial nako tapos na sa HTML5 at CSS3.. question ko,., ano ba maganda gawin na front end lang muna? kumbaga sa beginner mga style lang ganon. wala pa background sa back-end tapusin ko lang muna ang JS hehe :thanks: arigatou!
 
tanong ko lang mga masters, is it possible na matutunan ang backEnd ng web development without being acquainted with FrontEnd? :) Your advice is highly appreciated. :)
 
tanong ko lang mga masters, is it possible na matutunan ang backEnd ng web development without being acquainted with FrontEnd? :) Your advice is highly appreciated. :)

yup you can learned it. but you need to know how it is being consume to the frontend.
 
Dama kita TS

Yan den ang nangyare sakin
nakagawa lang ako ng website kasi ako nga ang IT sa Municipyo namin kong hindi dahil doon hindi sana ako marunong ngayon
Advantage talaga ngayon kasi meron nang Youtube Tutorials at iba pang referrals para sa Program mo
kaya madami kang mtutonan
 
boss question lang.. gusto ko din kasi ipuruse yung pagiging web dev eh. nasa JS tutorial nako tapos na sa HTML5 at CSS3.. question ko,., ano ba maganda gawin na front end lang muna? kumbaga sa beginner mga style lang ganon. wala pa background sa back-end tapusin ko lang muna ang JS hehe :thanks: arigatou!

Gumawa ka ng project na gusto mo para may inspiration ka
Kung gusto mo ng games, kunwari classic snake, maghanap ka ng code/program nya. Pag-aralan mo paano ginawa ang code tapos gamawa ka ng version mo

Hindi importante kung original o kinopya basta alam mo lng yung flow at steps paano yun nagawa

Good luck
 
I am not familiar in Java. I dont use it in my work. I am a frontend dev. But I think it is possible kasi yung isang student use java and mysql database. So it is possible.
 
BABALA: Medyo mahaba po eto.. Pacnsya!

Ako po ay isang ding teacher sa public school dito sa amin, isa po ako sa tinatawag nilang carpentry teacher... sa totoo lang po di ako marunong magkarpentero nung nagsimula akong magturo nito at binigay lang po ito sa akin na load kac wala gustong magturo nito sa mga kasama ko kac halos lalaki ang mga students nito at mahirap daw cla kontrolin. Eh ako naman bago lang kaya wala akong naging choice..

Nakakarelate po din ako sa inyo sir sa pinagdaanan mo, pinagdaanan ko rin yan.. maraming studyante na din nagtanong sa akin kung ano na ba ang mga ginawa ko.. Sabi ko wala pah.. Di na ako nagsinungaling kac makikita namn sa performance ko pag nag dedemonstrate ako sa harap nang klac...:yipee::rofl::rofl:

Sa ilang taon na nagtuturo ako, marami na din akong studyante na gifted sa skills, yun bang parang hanapbuhay na nila... pero di ko po yun ginawang negative sa akin kusa pinag.aralan at kinopya ko po yung nakikita kong mga skills sa mga studyante ko.. ako po yung nagtatanong sa kanila, paano yun, anong tawag doon, etc... hanggang kada taon po, yung po ang ginagawa ko.. At ngayon po madali na lang sa akin magturo kac yung mga nalaman ko for the past years yun na po ang tinuturo ko sa mga bagong students ko.. Ngayon po, di sa pagmamayabang, parati po akong nananalo as a coach sa technolympics dito sa amin..

Sa wakas... :):) ang advice ko po sa iyo sir ay wag kang paghinaan nang loob.. ganyan talaga sa pagbago pa sa mga career natin, halos lahat naman dumadaan nang ganyan,.. Darating din ang araw na hinihintay mo sir... sabi nga nila, "Skills only comes out after hours and hours of working on your craft!"... at sabi pa nga ni Saitama, "Train Hard!"... Yun lang at Good Luck po sa iyo sir!:salute::thumbsup:
 
Back
Top Bottom