@renzkii: madami naman na magandang games sa Vita bro although hindi lahat big budget saka karamihan port lang kaya medyo issue sa iba na meron nang PS3, isa sa big releases yung P4G kung gusto mo ng RPG bro hindi mo dapat palagpasin, nung na-release yun sa Vita madaming PS3 gamers na gusto i-port sa PS3 yun, isa pa yung Dragons Crown must have sakin yun, pati Sly Cooper na-enjoy ko din kasi nilaro ko yung iba nun sa PS2 dati, sana pati Klonoa magkaroon sa Vita
![Pray :pray: :pray:](/images/smilies/new/pray.gif)
pati yung ibang indie games na nalaro ko sobrang sulit din para sakin nagsimula kasi ako mag game sa atari kaya kahit 2D games gusto ko, hehe, gaya nung Guacamelee na-adik ako dun, isang dahilan kung bakit bumili din ako ng 3DS yung simple but enjoyable games like Mario saka Pokemon series, kaya hindi ko ini-ignore yung mga indie games dahil naalala ko yung Nintendo games, hehe,
yung Killzone Mercenary maganda din and worth it para sakin sobrang close na sa PS3 version yung graphics pati yung length ng laro, siguro hindi pa nalaro ng iba dito yung mga Killzone sa PS3 kaya nag-re-reklamo sila sa length nung sa Vita na 4 hours lang, pero ang hindi nila alam yung mga killzone sa PS3 nandun lang din yung length ng game, yung Killzone 3 tinapos ng kapatid ko ng less than 4.5 hours, ang buhay ng FPS games nasa multiplayer talaga, bawat isa sa mga Call of Duty sa PC nasa 4 to 5 hours lang din ang play through ko, nagpatagal lang sakin dun yung multiplayer dito sa office ang tagal namin nilaro yun ng mga officemates ko bago kami nagsawa, hehe,