- Messages
- 1,500
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Ika nga sa title ko, first love never dies. para po ito sa mga love experts at sa meron experience about love, kahit young adult na ako di ko parin mawari ang tinatawag nilang pagmamahal. Kaya gusto kong magpatulong sa alam kung maraming alam dito. Pakibasa na lang po ng kwento ko.
Di ko malilimutan ang date nang una niya akong kinausap at nalaman kong nagmamahal na ako nuon, that was August 8, 2008 Friday. Di ko alam kung bakit pero sa hinala ko nadevelop ako sa kanya, lagi ba naman kayong seatmate from first year? Nakaranas na rin ba kayo nang seatplan na alphabetical? tapos yung seatmate mo babae para raw di ka mag ingay? yun ang nangyari sakin, same letter kami ng surname kaya palagi kaming magkatabi sa seatplan. Friday is cleaners namin. That morning parang sa paggising ko may kulang. habang papasok ako sa school, iniisip ko kung may nalimutan ba ako or wala. Pero sa palagay ko wala, kaya lang parang may hinahanap ako, di ko maintindihan ang pakiramdam ko na yon. As always bilang mabuting bata, greet mo agad ng good morning si guard tsaka yung faculty and staff. malayo ang building ng sophomores from the gate so kailangan kong mag exercise papunta dun, alay lakad kung baga. nang nakarating na ako sa room, bumungad sakin ang magandang mukha ng seatmate ko, mga matang talo ang bituin pag kumislap, mga labing pulang pula kahit walang lipstick, ang buhok na parang sumusunod sa galaw kahit walang rejoice, at ang kanyang matamis at nakakabinging sigaw----------- "HOY! bakit ngayon ka lang?? cleaners natin!! oh ito pamaypay, maglinis ka!!" sabay hawak naman ako sa pamaypay na binigay niya. Huminto ang mundo ko ng makita ko siya, heto kaya yung sinasabi nila na slowmow? At nagulat ako, yung pakiramdam ko na parang may kulang? napuna ng makita ko na siya. Nakangiti akong naglinis, kumukuha ng basura galing sa walis niya, kinakausap siya na parang kinikilig (pero sa totoo kinikilig talaga ako). Yown ang simula ng aking love at first cleaners, first time ko kasi maglinis ng time na yun kasi ang aga ko pa, always kasi akong late. Di naman ako matalino sa math, pero dahil crush ko siya, hinahayaan ko lang na kumopya sia sakin, ako kasi laging highest nuon. Alam niyo naman, may inspiration kaya tumaas grades ko. Di ako hilig sa sports at di rin ako hilig gumalaw. Isa ako sa mga dakilang tamad. Pagbabasa at pagsusulat lang talaga ang kinahihiligan ko.
Syempre dahil teenager torpe talaga ako. Di kayang iparamdam sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Pero siguro naman notice nia yon. sino ba naman hindi makakanotice eh, pag wala siang papel, to the rescue ako, pag wala siang activity sa math, to the rescue ako, pag walang assignments, andyan ako, pag walang projects, buo yung suporta ko, lahat2 ng kailangan nia, ako ang nagbibigay. kahit nga pangrecess nia libre ko na. Kada uwian, hatid ko na siya sa sakayan ng bus. Dancer kasi sia sa school kaya lagi gabi na siya umuuwi. Ako naman, dakilang martir, naghihintay sa kanya, binabantayan siya kahit walang kami. One factor kung bakit ako nahihiya sa kanya is, maitim ako, di rin kagwapohan, di rin matangkad. Kaya nawala yung tinatawag nating self-confidence sa akin. Huo mahal ko sia, pero kung ipaglalaban ko, magiging kami ba? yan yung tanong na laging sumasagi sa isipan ko.
dumating ang third year, hanggang umabot sa fourth year ang pagkatorpe ko. di ko inabutan ang k-12 kaya fourth year lang talaga ang aming hangganan. One time, kailangan kong magvolunteer teaching sa isang elementary school. Tradition yun ng aming school, na dapat may mga 4th year na magvovolunteer magturo ng religion sa aming adoptive elementary school. isa rin siya sa mga volunteer. sabi ko sa sarili ko, last year ko na to, dapat ipalaam ko na sa kanya na mahal ko siya. So ang ginawa ko, nagbigay ako ng mga signs. pinadalhan ko siya ng mga love letters ko (seller ako nuon ng love letters, 5 pesos per letter with design, yan yung uso samin eh). Nagbigay ako ng flowers with chocolates, at tsaka bear na maliit lang (di naman kasi ako mayaman) pero favorite color niya, blue. Sabi nia, dami mo naman gift FRIEND. sakit noh? pero ok lang, umasa pa rin ako na mamahalin nia ako kapag nasabi ko sa kanya. So, heto na, this is it! nagdesisyon na ako na sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. meron kaming schedule sa aming catechism, yan yung pagtuturo ng religion sa elementary, our schedule was, tuesday to thursday, every 7:00 am to 7:30 am. That was july 13, 2010. tuesday, 6:21 am, nasa school na ako, kasi alam kong 6:30, dumadating siya. kaya inunahan ko na siya para makapaghanda ako. nanginginig ako sa kaba, at grabe yung pawis ko sa takot. akalain niyo, maaga yun, meron pa ngang hamog tapos ako panay ang pawis? darn love! kumuha ako ng panyo at pinunasan ko yung pawis ko. at exactly, 6:28 dumating siya, nakasmile. syempre, bumungad ulit sakin yung kanina, kislap ng kanyang mga mata, tamis ng kanyang mga ngiti, mapupulang labi, at tsaka awra na parang matutumba ako sa kaba. Naunahan ako mga dre, sabi nia ,"Mark! (di ko tunay na pangalan) pahiram nga assignment sa math," syempre parang robot na rin ako sabay kuha ng assignment ko tapos bigay sa kanya. "ahm, rachel."(tunay na pangalan) nanginginig kong sabi sa kanya. "may sasabihin ako," naks! lakas ng loob ah! pero sa katunayan, grabe na ang kabog ng dibdib ko nuon. "ano?" masungit na tanong nia, sabay talikod sakin. sakit nun dre. pinatapos ko muna siyang kumupya sakin. tsaka umakyat kami papuntang room nia. sabi ko,"Rachel----ma---ha---- (kabado kasi, intindihin niyo na) Rachel!!!! MAHAL KITA!!!" sigaw ko, dalawa pa lang kami nun kaya alam kong narinig niya yon. Tumayo lang ako, huminto habang nakatitig sa kanya. Siya naman, patuloy na naglalakad parang walang narinig, walang sinabi inshort, dedma lang ako. simula nun, hanggang nagraduate kami ng highschool, di nia ako kinakausap, di rin siya umaattend ng alumni, alam nia kasi ako ang president ng aming batch. nakita ko siyang muli ng 4th year college na kami, isang conference for future teachers nakita ko siya, maganda pa rin, pero wala nang slowmo, wala nang spark, wala na. Pero happy ako na nakita ko sia. alam kong masaya na siya ngayon, at ako rin, masaya ako para sa kanya.
licensed teacher na ako ngayon, merong GF na pinakamamahal ko, pero gusto ko lang sana itanong sa mga love experts diyan. Kung magkikita kami ng first love ko, ano kaya magandang introduction? supposing yung last namin na talk is yung sinigaw ko literally yung damdamin ko sa kanya? Di ko parin kasi maisip kung anong sasabihin ko eh, balak ko sanang mag apologize for whatever reason, kasi deep inside di parin ako free, parang may guilt. Could someone explain it to me please? Cheers mga ka-sb! pasensya ang haba dito at ngayon ko lang kasi, ibinahagi to, ang libro ng buhay ko. Sa kasamaang palad, ako yung lalaki na merong diary, tinatawag kong LOGBOOK hahaha
patulong po