Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Flash / upgrade your share mid-2330 safely, effectively, hassle free.

haroldm

Novice
Advanced Member
Messages
46
Reaction score
0
Points
26

halohalodeals-mid-2330-android-tablet-pc-2.jpg


Ito po ang nahanap kong solusyon para sa
naging problema ng Tablet PC ko na


SHARE MID-2330 ANDROID 4.0 TABLET PC.


UNANG PROBLEMA:
Nakalimutan ang password, kaya na lock ang tablet.
Hindi na magagamit, hindi kasi naka register sa Google Account.


UNANG SOLUSYON:
Gumamit ng Phoenix USBPro
Gumamit ng LiveSuit


UNANG RESULTA:
Nag hang ang TabletPC sa Android Logo. = ERROR

ANG DAHILAN:
Maling Firmware o/at ibang bersyon ng Phoenix/Livesuit ang nagamit.




PANGALAWANG PROBLEMA:
Naka hang ang TabletPC sa Android Logo.

PANGALAWANG SOLUSYON:
Gumamit ng Phoenix Card

PANGALAWANG RESULTA:
Ayaw na mag boot ng TabletPC kapag walang Memory Card.
At kapag nakalagay ang Memory Card, naka hang lang sya sa RED RECTANGLE. = ERROR


ANG DAHILAN:
Maling Firmware o/at ibang bersyon ng Phoenix Card ang nagamit.



SOLUSYON

Gumamit ng PhoenixCard, dahil ito pa lamang ang tanging paraan
para mag boot ulit ang TabletPC galing sa RED RECTANGLE ERROR.
Ito rin para sa akin ang pinaka madali at pinaka safe na paraan
sa pag Re-Flash/Upgrade ng Firmware ng A13 TabletPC.



MGA KAILANGAN

Subok na gumaganang PhoenixCard
Tamang Firmware para sa SHARE MID-2330 ANDROID 4.0 TABLET PC
Micro SD Card (Kahit 512MB lang pwede na, dahil 300MB lang kailangan)
Windows Operating System (XP, Vista, 7, 8 - 32bit o 64bit)



KUNIN DITO ANG MGA KAILANGAN

PHOENIX CARD
FIRMWARES
Subukan ang bawat isang Firmware.
Tatlo pa lamang ang nasusubukan ko
at lahat ng tatlong iyon ay walang G-Sensor driver.

Firmware 1 - Nasubukan ko na
Firmware 2 - Nasubukan ko na
Firmware 3 - Nasubukan ko na (PASSWORD: tabletpc)
Firmware 4 (PASSWORD: tabletpc)
Firmware 5 (PASSWORD: tabletpc)
Firmware 6 (PASSWORD: tabletpc)
Firmware 7 - UPDATE(1/23/13) - HINDI DAW PO NAGAN ANG TOUCHCREEN NG FIRMWARE #7



PAMAMARAAN


* Siguraduhing walang external storage na naka-plug sa CPU
* Kapag Windows Vista, 7 o 8 ang gamit mo, i set sa
Windows XP SP2 ang Phoenix Card at i-tick ang Run this program as an Administrator.
* Ikabit ang memory card sa CPU at i-format sa FAT32 gamit ang Windows
* Alisin ang memory card sa CPU at ikabit ulit makalipas ang ilang segundo
* I-run ang Phoenix Card
* Piliin ang tamang Drive Letter ng memory card
* I-click ang Img File button at piliin ang firmware na iyong na-i-download
* I-tick ang Product sa Write Mode frame
* I-click ang Burn button
* Antaying matapos ang proseso. Medyo may katagalan ito.
* Kapag tapos na, pansinin na lumiit ang size ng memory card nyo
* Pansinin din na walang laman ang memory card na akala mo ay walang nangyari
* Huwag mag alala, dahil nasa ibang partisyon ang mga files at hindi mo ito makikita
* Alisin ang memory card at ikabit sa OFF na SHARE MID 2330
* Buksan ang Tablet sa natural na paraan. Walang ibang dapat na pindutin pa.
* Makikita ang pag labas ng pulang rectangle at ang pag usad ng progress bar
* Mamatay ang tablet sa oras na mapuno ang progress bar
* Alisin muna ang memory card bago ito buksan ulit
* Antayin matapos ang tablet, medyo may katagalan.
* Tapos na.
* Mag install ng games gaya ng Temple Run upang malaman kung may G-Sensor.
* Gumamit ng ibang firmware hanggang sa maaayos
at paki share po dito ang may G-Sensor na Firmware.
* Salamat po.


 
Last edited:
Ano pros and cons ng bawat firmware? salamat!

lahat po ng mga firmwares sa links id for mid 2330, almost the same lang po lahat ng firmwares, kung ang pag baabsehan ay typical use, like gaming and other applications.

isa po sa mga napansin ko sa bawat firmwares na nasubukan ko ay iba iba ang screen size. kumbag sa desktop, iba iba ang screen resolution kaya iba iba ang size ng icon.. i prefer the higher resolution though.. smaller icons, magaan sa mata.

aside from that, wala na akong naopansin pa na ibang differences.


update update po kayo kung may mga napanin tayong differences, but one thing is for sure, there are different firmwares kasi depende sa need ng gumawa ng firmware (cooked).


magandang gabi po.
 
i tried again the links, working naman sila lahat, lalo na ung may mga passwords, kasi direct link sila from manufacturer.

ung ibang links, working din sila, i tried them all ngayon lang.. na-experience ko sa mga links na yan, hindi nagana ang mga download managers, like IDM. paki disbale po muna mga download managers natin bago mag DL.

thanks po.
 
mga sir may alam ba kaung firmware na may driver para sa bluetooth? kailangan kase para sa portable na printer. salamat.
 
Kahit hindi ko pa na-try i know this would be a big help... Great step by step post.:thumbsup:
 
Nice nakaktuwa naman at may mga kababayan taung handang tumulong kahit walang bayad... mabuhay ka sir.. keep it up... salamat sa mga tulad mo....
kya lang po mga sir ng sinubukan ko po ang pag flash,, di po sya gumana... eto po ang nakalagay sa tab:

sprite update error: fail to get envirenment
sprite update error: current card sprite failed
now hold the machine

red rectangle not moving,, ano po pede ko gawin mga sir...
help po pls,, tnx God bless po
 
Last edited:
wala pong firmware na gumana ang accelerimeter nya... qno po ba gamit nyo jan? lahat naman po nagflash.. pahelp naman po.. :(
 
Nice nakaktuwa naman at may mga kababayan taung handang tumulong kahit walang bayad... mabuhay ka sir.. keep it up... salamat sa mga tulad mo....
kya lang po mga sir ng sinubukan ko po ang pag flash,, di po sya gumana... eto po ang nakalagay sa tab:

sprite update error: fail to get envirenment
sprite update error: current card sprite failed
now hold the machine

red rectangle not moving,, ano po pede ko gawin mga sir...
help po pls,, tnx God bless po

good am sir, hindi ko pa po na encounter ang ganyan. pero try and follow these steps, these should work.

* paki format ang memory card gamit ang cellphone. kahit anong cellphone, NOKIA i prefer.
* bakit sa cellphone kailangan i-format? dahil aalisin ng cellphone ang hidden partition na ginagamit ng TabletPC.
* pansinin na bumalik sa original size ang memory card mo pagkatapos mong i-reformat ito gamit ang cellphone.
* sundan ang aking mga instructions sa pag reflash ng MID 2330



sana po nakatulong.
 
balit po sa akin ayaw gumana? :weep:
image invalid po, bakit po kaya error?

good am sir, sa experience ko, kaya ganyan, IBANG VERSION ng PhoenixCard ang ginamit mo.

ung nasa link p0 ang paki gamit na PhoenixCard.

kapag ganya parin, redownload lang ang firmwares.

IT'S ALL DIRECT LINK PO, KAYA WALANG MAGIGING PROBLEMA KUNG ANG GAGAMITIN NYO AY LAHAT NG NASA LINKS SA ITAAS.
 
mga sir may alam ba kaung firmware na may driver para sa bluetooth? kailangan kase para sa portable na printer. salamat.

good am sir, i think nasa wrong thread ka po.

try down loading sa site ng printer manufacturer. nandun lang po un.


sana makatulong.
 
wala pong firmware na gumana ang accelerimeter nya... qno po ba gamit nyo jan? lahat naman po nagflash.. pahelp naman po.. :(

good am sir, salamat sa pag try ng mga firmwares. and i'm glad, wala kang na experience na problema.

the only problem is, the accelometer. :weep:

update update nalang po tayo kung nakahanap na tayo ng working g-sensor.


salamat po.
 
w0w may thread na pala nito..
kasi ako ts... through pc ang pag FLASH ko SUCCESSFUL naman naka 10 tablet na ako....
LIVESUIT v1.7 ang gamit ko at ang FIRMWARE naman na gamit ko ay Q8A13..
 
w0w may thread na pala nito..
kasi ako ts... through pc ang pag FLASH ko SUCCESSFUL naman naka 10 tablet na ako....
LIVESUIT v1.7 ang gamit ko at ang FIRMWARE naman na gamit ko ay Q8A13..

kuya, pano? pero ibang firmware gagamitin ko a13 gusto kong firmware
 
find 5 devices: please select the correct one. kuya yan lumalabas sa phoenix card ko
 
@joshdegzmn
A13 yung FIRMWARE ng Q8A13..
after mong iflash ang tab mo magiging A13-MID na yan..
 
Back
Top Bottom