Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Fourteen (2nd Series: Huling NIlay- "2. Miskol") -Update Oct/31/2014

Fourteen (2nd Series: Huling NIlay- "2. Miskol") -Update Oct/31/2014

FOURTEEN
Unang Serye: "Unang Nilay"

"Unang Nilay"


fourteen.jpg

FIRST POST
1. Utot
2. UtoTin
3. Jackstone
4. Sampaguita

CONTINUATION 1
5. Impyerno
6. Sampaguita Part 2
7. Kisame
8. Panaginip

CONTINUATION 2
9. Headline
10. Puwing
11. Liham
12. Liham Part 2

CONTINUATION 3
13. Time Machine
14. Ulan
15. Tinolang Manok
16. Katok

CONTINUATION 4
17. Groceries
18. Junson
19. Nutbuk
20. Tanga

CONTINUATION 5
21. Ben Tumbling
22. Utak
23. TXT
24. Kendi


______________________________________________________________________________________________________​


FOURTEEN
Ikalawang Serye: "Huling Nilay"

"Huling Nilay"



FIRST POST
1. Bakit?
2. Miskol


______________________________________________________________________________________


1. Utot
“BASTA SEKSI, ALWAYS LIBRE!” Natawa ako bigla, hindi dahil sa pamatay na SLOGAN ni Manong Driver kundi sa aking naamoy.

Biglang nangati ang ilong ko sa naamoy kung yun, di ko alam kung magtatakip ba ako ng ilong o sisikapin ko na lang na di huminga para di halata...

Sakay ako ng jeep pauwi sa tinutuluyan kong dorm, dala ko ang tatlong piraso ng itlog na maalat, limang piraso ng kamatis, at isang kilong bigas para sa aking hapunan. Mag-iisang taon na rin ako sa kolehiyo, nakakaraos naman kahit madalas ito kinakain ko..

Nangangalay na mga paa ko, halos di na lumalapat ang pwet ko sa upuan ng jeep. Sabi ni manong driver waluhan lang daw yung jip pero sampu kaming naksakay sa isang hilera. Ang taba pa ng katabi ko , dalwa tao katumbas kaya bale labing-isa na kami.. Hai..siksikan talaga.. Halo- halo ang mga amoy pero nangingibabaw pa rin ang natatanging amoy.. Alam ko utot yun. Pinipigilan ko ang sarili kong tumawa, pero di ko kaya. Kinamot ko na lng kunwari ang bibig ko para matakpan ang aking pagngiti..

Parang alam ko kung sino umutot , mayroon na kong suspek… Alam ko sya yun, kanina pa sya di mapakali sa pag upo , paangat angat pa sya ng pwet, halatang may gustong ilabas.

Pero di ako natatawa dahil sa kanya, di rin ako lalo natutuwa sa amoy ng utot nya… May naalala lang talaga ako sa twing makakaamoy ako ng utot… At sa twing maaalala ko sya napapangiti ako.

Pumara na ako, malayo pa ang dorm pero parang trip ko maglakad.. Nahilo ako dun sa utot ni kuya, parang bulok na repolyo na di ko mawari… Lalanghap muna ako ng sariwang hangin, saka di ko n rin mapigilan ang pagtawa ko...Uupo muna ako sa parke, tambay muna ako at nang makapagnilay-nilay…
Naalala ko na naman sya…

Nalala ko ang utot nya, kahit ni minsan di ko yun narinig o naamoy. Naalala kita Tin...naaalala kita...

_____________________________________________________________________________________________

2. UtoTin
“Pwede ba ako umutot?”

Maliwanag ang mga katagang yun, maliwanag pa sa bukang liwayway. Ang katagang yun, ay tila ba isang susi na nagbubukas sa aking isipan patungo sa mga ala-ala ni Tin. Makulet na ala ala. Masayang ala-ala.

Yun ata yung paborito nyang sabihin. Kababata ko si Tin pero mas matanda lang sya sa kin ng isang taon.

Naalala ko pa nung nasa elementarya pa kami, twing papasok sya ng bahay papansinin nya ang sofa namin,

“Ganda naman ng sofa nyu, nkakahiyang upuan,baka kasi maututan ko. Pilo pwede ba umutot?”

“Utot well!”, sagot ko naman.

May iba din syang version ng katagang yan. Minsan habang kumakain kami ng fishball sa kanto, bigla na lng sya bubungad,

“Permission to fart sir!”. Sasakyan ko naman, “Permission granted!”. Di na kami natatawa dun.

Minsan natanong ko sya, “Umuutot ka ba talaga?”

“Bakit naaamoy mo ba?”

“Hindi eh, ala akong naaamoy.”

“Bka ala lang talagang amoy utot ko”, sabay tatawa sya.

“Kaya mo bang pigilin ang utot?” , tanong ko.

“Ako kaya ko, talent ko na ata yun, Bat mo natanong?”

“Wala! Dala lang ng kuryusidad.”

“Wag masyado curious baka yan ikakapahamak mo.”

“OK na yung mapahamak at mamatay basta madami kang natutunan.”

Biglang sumama ang ekspresyon ng mukha nya sa sinabi kong yun. Nadulas na naman ako. Nasabi ko naman ang bawal.
Sa twing mababanggit ko ang salitang kamatayan, para bang nagagalit sya. Ayaw na ayaw nya marinig yun. Yung mga bagay tungkol sa kamatayan, pagkawala, paghihiwalay. Ayoko syang tanungin kung bakit, natatakot din akong malaman.

________________________________________________________________________________________________________

3. Jackstone
“Bakla ka ba?”

Di ko makakalimutan yang tanong na yan. Yan ang tanong sa kin ng kuya ko nun nung bata pa ako.

Panu ba naman daw lagi kong kasama ay babae saka lagi kong nilalaro ay pambabae. Ewan ko ba, si Tin lang naman lagi kong kasama at kalaro , di ko naming pwedeng sabihin na no choice ako kasi nasisiyahan naman ako sa ginagawa ko. Ayaw naman kasi ni Tin ng panlalaking laro kaya tuloy halos pambabae nilalaro namin. Madami kaming trip na laruin, piko, chinese garter at yung pinakapaborito namin, Jackstone.. inaabot kami ng gabi ni Tin sa kaka-Jackstone kasi hindi ko sya matalo talo.. Magaling si Tin sa Jackstone, sabi ko nga sa kanya kung may Unibersidad lang na tumatanggap ng varsity ng jackstone, iskolar ka na. Ewan ko ba di ko rin masisisi si kuya kung pagdudahan nya yung pagkalalaki ko. Kahit siguro ibang tao sa amin ganun iniisip.

Minsan nasabi ko kay Tin ayoko ng maglaro ng mga larong pambabae kasi napagkakamalan na akong bakla. Pero magaling lang ata talaga mambara si Tin,

“Bakla ka ba?” tanong nya.

“Hindi ah!”, sagot ko.

“Di naman pala, bat mo ba iniisip ang iniisip ng iba, at kung maging bakla ka ano naman problema dun. At kung magiging bakla ka magiging masaya pa ko, magkukulutan tayo”, sabay tawa si Tin.

Pag naiisip ko yun ngayon natatawa na lang ako. Kahit papano naman di ako lumaking bakla. Di ko din kinahiya na noon naglaro ako ng piko, chinese garter at jackstone. Ewan ko ba bat ganoon yung kultura natin, lagi tayo umaayon sa dikta ng tradisyun at makalumang paniniwala sa halip na manindigan tayo sa mga bagay na ikakasiya natin at ng mga taong tumatanggap sa tin. Tama si Tin, minsan kailangan mong lumabas sa agos ng tradisyon, madalas kailangan mo baliin ang mga expectation para malaman mo kung sino ka at para malaman mo kung ano gusto mo.

Halos araw- araw kami magkasama ni Tin. Antayan kami pag uwian. Ganun lagi hanggang mag hiskul kami. Na-miss ko yung Pan de coco moment namin. Tuwing Biyernes pumupunta kami sa tabing dagat, dala dala namin ang mainit na pan de coco at malamig na sago’t gulaman. Mayaman ang ala-ala ko sa lugar na yun, dun namin malayang napapag usapan ang mga bagay bagay sa buhay namin. Minsan tinanong nya ko habang nandun kami,

“Pilo ano gusto mo sa buhay, anong pangarap mo?”

“Ako iisa lang naman gusto ko, marinig at maamoy ang utot mo!”, sabay tawa ako. Kasi naman mula noon sa araw-araw na kami ay magkasama, ni minsan di ko pa narinig o naamoy ang utot ni Tin kahit lagi syang nagbibiro tungkol dun.

Pero hindi natawa si Tin. Seryoso ata sya. Sabi nya kung gusto ko raw magtagumpay sa buhay, dapat magkaroon daw ako ng pangarap. Sa totoo lang , nung panahong yun di ko pa alam gusto ko sa buhay.

Tinanong ko sya, “ Kaw Tin, ano pangarap mo?”

Parang nalungkot ako bigla sa tanong ko. Naiisip ko kasi nasa huling taon nang hiskul si Tin at magkokolehiyo na sya, at ako ay nasa third year pa lang. BIgla sumagi sa isip ko ano magiging buhay ko na malayo na si Tin. Nasanay na kasi akong lagi syang nandyan.

Hinihintay ko sagot ni Tin. Malalim yata iniisip nya. Malayo tingin nya. Nilalaro nya ang mga buhangin sa kanyang mga palad habang nakatingin sa papalubog na araw. Bigla syang nagsalita,

“Pilo…” sambit ni Tin. Kala ko sasagutin na nya yung tanong ko.

“ Pilo, lika uwi na tayo, madilim na.”, sabay tayo ni Tin.

Tumayo na rin ako. Ayokong tingnan si Tin pero alam kong malungkot mga mata nya.

__________________________________________________________________

4. Sampaguita
“Kuya bili ka, sampu lang!”

Boses yun ng isang batang babae, habang inaabot nya sa kin ang mga kwintas ng sampaguita.

Bigla akong napukaw sa tinig nyang yun, napukaw sa malalim na pagninilay-nilay. Tumingin ako sa paligid, maliwanag na ang ilaw sa mga poste, madilim na ang paligid. Gabi na pala, di ko na namalayan.

“Kuya, sampaguita, bili ka na. Sariwa kakapitas lang.”

“Aanhin ko naman yang sampagita na yan?”, balik ko.

“Bigay mo sa gelpren mo kuya, tiyak matutuwa yun.”

“Wala akong gelpren eh, panu ba yan?”

“Bakit kuya? Bakla ka ba? Sayang pogi mo pa naman.”

Natawa ako sa sinabi nyang yun. “Ilang taon ka na ba at ang dami mo ng alam?”

“Sampu kuya!”

“Sampu? Kaya pala sampu din sampagita mo, ang mahal.”

“Kuya mura na nga yan, may VAT kasi.”

“VAT? Ano kinalamn ng VAT sa sampagita?”

“Ewan, basta sabi ng nanay ngmamahal daw lahat ng bilihin kasi may VAT, pero di ko alam kung ano ang VAT na yan.”

Napapangiti ako ng batang to. Iba na talaga ang mga bata sa henerasyon ngayon, mulat na sila sa mga bagay sa paligid nila kahit di pa nila ito maintindihan.

“Kuya bili na, bigay mo sa boypren mo kung wala ka gelpren.”

Natawa ako lalo, natutuwa akong kausap ang batang eto.

“Kuya, pwede mo rin isabit sa santo o kaya sa birhen.”

“Eh wala akong ganun, di ako katoliko eh.”

“Ganun kuya eh ano ka, Muslim?”

“Hindi rin! Born Again ako.”

“Ano yun kuya? Katoliko at Muslim lang kasi alam ko.”

Nahirapan akong sagutin ang tanong nyang yun. Nahirapan ako kasi di ko alam kung paano ko ba ipapaintindi sa kmura nyang isipan. Bigla akong nalaungkot sa narinig, minsan may mga bagay sa lipunan natin na di bukas sa mga bata, di pa minumulat sa kanila kasi wala pa daw silang pag-unawa. Kaya madalas nakakasanayan na nila kung ano dinidikta ng lipunan at sa kung anong nakikita nila sa kinalakihan nilang pamayanan. Minsan di na nila nakikita ang ibang bagay, ang ibang daan. At sa huli kahit may magmulat sa kanila nito ayaw na nila itong yakapin dahil sa mga paniniwalang itinanim ng kinalakihan nilang tradisyun na mahirap ng mabali.

“Pero kuya naniniwala ka naman sa Diyos?”, tanong nya ulit
.
“Oo naman!”, pasimple kong sagot. Pero dumating din sa punto ng buhay ko na nagdudua ako kung nandyan ba tlaga Sya. Pero kadalasan sa mga panahong yun, kung saan mo hinanahanap ang mga butas sa pagiging totoo nya ay doon mo makikita ang mga bagay na nagpapatunay na sya ay nandyan lang. Mula sa sikat ng araw, sa huni ng ibon, sa tinig ni nanay, sa mga mata ni tatay, sa mga ngiti ni Tin… Lahat yun nagpapatunay sa ideya ng Maykapal sa buhay ko.




SUNDAN SA CONTINUATION 1...

UNANG NILAY CONTINUATION | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 |

HULING NILAY CONTINUATION | 1 |

_____________________________________________________
SPOILER: THE FOLLOWING LINES ARE EXCERPT FROM THE LAST PART OF THIS STORY

"Makasarili ka Tin!
Kala ko ba lalaban ka, kala ko ba lalaban tayo!
Pero ngayon nasaan ka na?"
-Pilo




__________________________________________________________________
Ang mga pangyayari at tauhan sa kuwento ay pawang kathang isip lamang. Ano man ang pagkakahalintulad
sa tunay na pangyayari ay nagkataon lamang at di sinasadya.
Ito ay original na katha ng may-akda at pag mamay ari ng may akda. Ang pagkopya ng akda o kahit parte lang nito ay pinahihintulot naman basta't may kaukulang permiso ng may-akda. Salamat.
GENRE: Love, friendship, family, tragedy, philosopical, radical
 
Last edited:
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

CONTINUATION 1


5. Impyerno
“Kuya! Nabalitaan mo ba yung may namatay nung nakaraang araw?”

Nagpatuloy sa pagtatanong ang makulit na bata na nagtitinda ng sampaguita.

“Oo, kakaawa no!”, sagot ko naman.

“Takot ka ba mamatay kuya?”

“Oo!”

“Bakit kuya? Dahil ba pupunta ka sa impyerno?”

“Hindi yun ang dahilan.” Napangiti ako sa tanong na iyon. Oo nga naman, madaming tao ang takot mamatay dahil sa hindi naman nila alam kung saan tayo patutungo pagkatapos nun.

“Ano kaya mangyayari pagkatapos mamatay kuya” ,dugtong pa nya.

Ngumiti na lang ako sa kanya sabay hawak sa ulo nya.

“Kinalulungkot ko, pero di ko alam ang sagot. Bat ba kasi pinopoblema mo ang mga bagay na yan. Bata ka pa, madaming bagay ang mas kailangan mo intindihin. Tulad ng pag-aaral, aral ka muna mabuti.”

Madaming bagay sa mundo na mahirap maintindihan. May mga bagay naman na kahit naiintindihan natin ay mahirap ipaliwanag. At may mga bagay na kapwa mahirap maintindiahan at maipaliwanag.

Katulad na konsepto ng kamatayan.Malawak at Malabo ang konsepto nito. Nung bata pa ako ay di ako takot mamatay, kabaligtaran naman ako ni Tin na kahit mabanggit mo lang ang salitang ito ay para bang manginginig na sa takot. Di man ipahalata ni Tin, ngunit kitang kita ko sa mga mata nya na kinatatakutan nya ang bagay na yun.

Lagi ko na lang iniisip yun. Para bang may pinagmumulan ang takot nyang yun. Hindi iyon simpleng takot. Hindi iyon simpleng takot dulot ng bata nyang isipan.

Noong mga panahong yun, mahiwaga sa kin ang salitang kamatayan. Hiwagang nagdulot sa kin ng takot, takot hindi para sa kin sarili, kundi takot para kay Tin.



___________________________________________________________

6. Sampaguita Part 2
“ Oh panu kuya maiwaan na kita, di ka namn bibili eh!”

Paalam ng batang nagtitinda.

“ Oh sya , cge. “ Bago sya tuluyang umalis dumukot ako ng bente pesos at iniabot ito sa kanya.

“ Eto oh kunin mo na, pambaon mo.” , sambit ko.

“ Bibili ka rin pala kuya eh, dami mo pang sinasabi.”

Isip ko, sya nga tong madaming kwento at tanong.

“Hindi ako bibili, bigay ko na lang sayo yan, mabait ka kasi. ”

“Talaga kuya! Salamat!”

Lumiwanag ang mukha nya, sabay labas ang maganda nyang ngiti. Lumakad sya ng ilang hakbang papalayo, sabay inilipag sa lupa ang dalawang pirasong kwintas ng sampagita. Tapos tumakbo sya papalayo, huminto, sabay kaway sa akin.

“Kuya, kunin mo na lng yung dalawang sampagita iniwan ko. Bigay ko na lang yan sayo kasi mabait ka rin.” Sigaw nya sabay takbo papalayo.

Napangiti ako sabay kamot sa ulo. Naalala ko, di ko man lang pala natanong pangalan nya. Di bale magkikita pa namn kami siguro,isip ko.

Tumayo ako para kunin yung iniwan nyang sampaguita. Inilagay ko yun sa supot kong dala.Tinahak ko ang daan pabalik sa king dorm, malalim na ang gabi, malamig na.

Naamoy ko ang bango ng sampagitang dala ko, bigla akong binahiran ng lungkot. Bigla kung naalala ang lumang bahay nina Tin sa amin, madami kasing tanim na sampagita ang nanay nya sa harap ng bahay nila. Tila nanumbalik sa akin ang mga araw, ang mga araw noon, habang hininhintay ko Tin sa harap ng bahay nila habang naamoy ko yung mga sampagita.

Tiningnan ko ang aking cellphone. Wala pa rin. Wala pa ring text galing kay Tin.

Lalo akong nalungkot, mag-iisang buwan na rin at di pa rin nagpaparamdam si Tin.

Kaylamig ng gabi…

Kasing lamig ng pakikitungo ni Tin sa kin ngayon…

____________________________________________________________


7. Kisame
“Mggng bc muna aq pilo,d muna kta mttxt. TC lagi :)

Eto ang huling text sa kin ni Tin. Halos gabi-gabi ko na tong binabasa mula nun.

Pagkadating ko ng dorm ay nahiga na lang ako, di ko alam kung nalipasan na ko ng gutom kasi nawalan na ko ng gana kumain. Minsan naiinis na rin ako kay Tin bat kailangan nya sabihin yun, na bakit kailangan nya na hindi mag text. Mali. Mali ang isipang yun, dapat intindihin ko si Tin.

Itetext ko ba sya? Baka maabala ko lang sya. Cge, antayin ko na lang text nya.

Eto na naman ako nakahiga habang nakatitig sa kisame. Na-miss ko si Tin. Mula nung di na sya nagparamdam eh halos araw-araw ko na sya naiisip. Nakakainis isipin na bakit kailangan pa magbago ang lahat ng bagay, pagbabago na hindi moa lam kung papunta ba sa mabuti o hindi. Madaming beses ko na rin hiniling na sana di na matapos ang aming kamusmusan, na sana wag na kaming lumaki at magkahiwalay. Na sana di na kami magsawang maglaro, tumawa, tumakbo, umiyak at mag laro ng maglaro.

Nakakalungkot isipin na di mo na pwedeng maulit ang mga ala-alang yun. Mas nakakalungkot isipin na di mo rin pwedeng gawin ang mga ginagawa nyu noong mga bata pa kayo. Bakit ba kailangan magpatuloy ang pagbabago. Bakit kailangang may mag-iba. Bakit kailangang may dumating. At bakit kailangang may mawala.

Nagsimula kong katakutan ang kamatayan dahil kay Tin. Isang buwan bago sya magtapos sa hiskul noon, di na rin ako makatiis na hindi itanong sa kanya ang matagal ko ng gustong itanong. Doon kami nun sa dating tambayan namin sa tabi ng dagat, malapit sa puno ng malaking talisay.

“Tin may gusto sana ako itanong, pero natatakot ako na baka magalit ka sa kin.”

“Ano ba yun?”

“May gusto sana ako malaman, na sana bago tayo magkahiwalay ay masabi mo sakin eto.”

Nakangiti sya habang nginunguya ang ratiles na binigay ko sa kanya.

“Ano? Gusto mo bang malaman kung ano amoy ng utot ko.” Bigla sya tumawa.

“Tin naman, seryoso ako.”

“Ano nga, kung mahal kita kasi mahal mo ko?”. Tumawa uli sya.

Napaisip ako sa sinabi nyang yun. Pwede ko rin itanong yun pero may isa akong mas dapat malaman.

“Tin, pansin ko lang. Ganun ka ba takot mamatay?”

Biglang naging seryoso ang mukha nya, pero binawi nya ito ng pilit na ngiti.

“Bakit mo natanong Pilo?”

“Pansin ko kasi Tin sa twing mapag -uusapan natin tungkol dun parang nalulungkot ka at nagagalit.”

“Pilo kaibigan nga kita, kasi napansin mo yung maliit na bagay na yun.”

“Di maliit na bagay yun Tin. Matagal na kung ginugulo ng katanungang yun.”

Ngumiti si Tin.

“Pilo, alam mo, takot akong mamatay kasi ayokong iwan ang mga taong nagmamahal sa kin. Takot akong mawala kasi ayokong umiiyak sila dahil sa kin. Alam mo ayoko sa mga ngpapakamatay. Makasarili sila, mas iniisip nila sarili nila kaysa sa taong nagmamahal sa kanila. Na bago nila ppawiin ang sariling buhay, di man lang nila naisip ang mga ngiting mapapawi sa mga taong nagmamahal sa kanila, ang mga luhang papatak, mga pusong magdurugo at ang mga pangarap ng bigla na lang matatapos.”

Biglang tumingin sa kin si Tin.

“Kaya Pilo, pangako mo na wag tayo susuko. Na lalaban tayo, na pipilitin natin mabuhay. Na sikapin nating wag mamatay para sa mga taong ngmamahal sa tin.”

Tumango na lang ako sabay ngiti. Biglang nagkaroon ng ibang kahulugan sa kin ang kamatayan simula noon. Tama si Tin. Dapat katakutan ang kamatayan para sikapin nating iwasan ito. Dapat natin tong katakutan para sa mga taong maiiwan natin. Simula noon kinatakutan ko ang kamatayan. Natakot akong mamatay dahil ayokong mawala ang mga ngiti ni nanay, tatay, kuya at ni Tin.

Biglang pumatak ang ulan. Inaya ko si Tin na sumilong pero sabi nya maligo na lang kami. Malakas ang ulan, pero di sapat ito para itago ang mga luha na dumadaloy noon sa mukha ni Tin.

______________________________________________________

8. Panaginip
“Tulong! Tulong! Tulungan mo ko!”

Tinig iyon ng isang batang babae. Sumisigaw sya sa malayo, papalayo, papaliit ng papaliit an tinig. Malakas ang ulan at maggagabi na kaya di ko na masilayan ang mukha. Nakita ko inaaabot na nya yung isa nyang kamay, pero sobrang napakalayo nya at tanging bakas lang ng kaanyuaan nya ang nakikita ko sa dilim. Umiiyak ang bata, sumisigaw sa papaliit na tinig.
Hinabol ko sya, ngunit tila ang bagal ng pagtakbo ko, hanggang unti-unti syang lumiliit sa paningin ko. Pilit ko syang hinabol ngunit mabilis ang kanyang paglaho, hanggang sa di ko na sya makita.

Panaginip. Panaginip lang pala. Masamang panaginip. Nakatulog pala ako kagabi ng di ko namamalayan. Nakatulog na naman ako na inaalala si Tin. Nakakabahala ang panaginip kong yun. Sinilip ko ang aking cellphone, walang nagtext.

Tumingin ako sa labas at medyo madilim pa. Alas-singko y medya ang nakarehistro sa aking relo, maaga pa pala. Parang gusto ko pang matulog kasi sabado naman, pero parang di mapakali ang aking pakiramdam. KInakabahan ako, di ko alam kung dulot ito ng panaginip o ng malamig na hangin.

Ipinasya ko na lang na lumabas at bumili ng almusal. Sarado pa ang kantina ng dormitory kaya naglakad na lang ako papunta sa lugawan sa labas. Gusto kong pagpawisan, ayoko ang ganitong pakiramdam. Pagdating ko sa lugawan, narinig ko ang dalawang ale na may pinag-uusapan. Bumili ako ng lugaw at pumwesto dun sa malapit sa kanila. Mabilis ang pag usap nila, mahina na halos wala akong marinig kundi salitang kawawa, patay, mabait, patayan.

Naubos ko na ang aking lugaw ngunit wala man lang akong nasagap na balita sa dalawang ale na nag-uusap. Umalis na ko pagkatapos magbayad at pinasya kong bumili na lang ng dyaryo. Pagkabili ko ay tumigil muna ako sa parke ng eskuwelahan upang basahin ang dyaryo.

Pagbungad ko sa headlines ay para bang binalutan ako ng daang-daang sako ng kalungkutan. Nanlamig ako at nanginig. Parang gusto kong umiiyak…

Si Tin… Si Tin…





SUNDAN SA CONTINUATION 2..
 
Last edited:
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

CONTINUATION 2


9. Headline
“ ISANG BATANG BABAE, PATAY SA SAKSAK!”

Ito ang sinsabi sa headline ng dyaryo. At ang nasa larawan ay ang batang kausap ko kagabi. Oo, hindi ako pwedeng magkamali, sya yung batang babaeng nagtitinda na sampagita na kausap ko dito mismo sa lugar na ito. Halos tumayo ang aking balahibo habang pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

‘Isang batang babae ang namatay matapos saksakin ng tatlong lasing na kalalakihan. Ang biktima ay napag-alamang si Cristine Bandera o mas kilala sa tawag na Tin. Si Tin ay sampung taong gulang at nagtitinda ng sampagita. Ayon sa mga nakasaksi, hinarang sya ng tatlong kalalakihan at pilit na kinukuha sa kanya ang kanyang pera, tumanggi si Tin at sumisigaw na para daw sa lola nya yun na may sakit. Sinaksak sya ng isa sa mga lalaki at tumakbo tangay ang P100 na pera. Agad sumaklolo ang mga tanod at nahuli ang isa sa tatlong suspek habang ang iba’y pinaghahanap pa. Sinugod si Tin sa ospital ngunit di na ito umabot. Ang suspek ay napag-alamang lulong sa droga at alak.’

Tumutulo ang luha ko habang binabasa ang balita. Di ko alam bat ako umiiyak, dahil ba sa naaawa ako sa kanya, dahil ba sa bago ko syang kakilala o dahil ba sa kapangalan nya si Tin na kababata ko. Naalala ko bigla ang mga ngiti na batang nagtitinda ng sampagita,si Tin, magandang ngiti na di alintana ang problema na dinadala nya. May sakit pala ang lola nya pero nakukuha pa nyang ngumiti ng ganun. Ngiti na totoo, ngiti ng walang halong pagpapanggap.

Masakit nga ang mawalan, malupit ang kamatayan, nakakatakot.

Sino ba dapat sisihin sa nangyayari? Sino ba ang may kasalanan? Ang mga tao ba na lasing at sabog na sumaksak sa kanya? O ang mga otoridad ng may pagkukulang sa pagpapatupad ng batas kaya’t nagkalat pa rin ang droga? O ang mga pulis at tagapamayapa na na di seneseryoso ang sinumpaang tungkulin nila? O ang mga magulang ni Tin na nagpapabaya sa kanya? O si Tin sa di nya pagiging maingat?

Ang kamatayan ay tiyak sa bawat tao, ito ay resulta ng pagkukulang natin at dahilan upang makita natin ang mga pagkukulang na ito.

Sa kung ano pa man, di na maibabalik ang naglahong buhay. Tanging ala-ala na lamang, ala-ala na laging natitira kapag nawala na ang lahat.

Nagagalit ang aking isip. Nalulungkot ang aking puso. Umiiyak ang aking mata. Ngayon ko lang lalo naintindihan ang mga sinsabi ng kababata kong si Tin. Ngayon ko lang tunay na nadama ang takot na nooy nadama nya. Takot na sumibol dahil sa nangyari nung walong taong gulang pa lamang sya. Takot na sa hanggang ngayo’y dala-dala nya.

_________________________________________________________

10. Puwing
“Panu Pilo, maiwan na kita!”

Tandang tanda ko pa ang mga linyang yun. Linyang namutawi sa mga labi ni Tin nung araw na malapit na syang umalis. Doon pa rin kami sa dating tambayan. Sa dalampasigan, sa ilalim ng puno ng talisay. Kung saan di napapagod ang hangin sa pag-ihip. Kung saan masayang sumasayaw ang mga sanga. Kung saan walang tigil sa paghampas ang mga alon. Kung saan tinipon naming ni Tin ang masayang ala-ala ng pagkabata.

Magtatapos na ang summer at bukas ay aalis na si Tin para mag-aral sa Maynila. Doon na rin sila titira kasi doon naman nagtatrabaho ang ama nya. Ibebenta na lang daw nila sa probinsya kasi doon na sila mamamalagi.

“Iiwan mo na ba ako Tin, ni hindi mo pa napapaamoy sa kin ang mahiwaga mong utot.”

“Utot ko lang ba Pilo ang dahilan bat ka sumusunod sa kin.”

“Hindi Tin, isa lang yun sa mga dahilan.”

“Ang malas mo, di ako nauutot ngayon.”

Ngumiti si Tin. Kayganda ng ngiti nya, ngiting di ko pinagsawaan pagmasdan kahit lagi koi tong nakikita. Pero kakaiba ang ngiti nya ngayon, ngiting humahatak sa luha ko para pumatak.

“O, bakit ka umiiyak, ganun mo ba kagusto maamoy ang utot ko.” Tumawa si Tin.

“Wala, napuwing lang ako.” Di ko napigilan ang pagluha. Natatakot akong di ko na lagi masisilayan ang mga ngiti na yun ni Tin. Mamimiss ko yun, mamimiss ko sya.

“Napuwing daw! Uy mamimiss nya ko.” Sabay kurot sa tagiliran ko.

“Ano ka ba Pilo, kung umasta ka parang di na tayo magkikita. Lagi naman akong uuwi dito para bisitahin ka. Saka sabi ni Papa bibilhan nya daw ako ng cellphone, yung katulad ng sa mama mo. Pwede daw magpadala ng message dun, text ba tawag dun. ”

Tahimik lang ako habang pinupunasan ang luha sa mata ko.

“Saka sa isang taon kung makapasa ka sa scholarship mo, malapit ka narin sa Maynila. Diba Pilo? Di ba?”

Tumulo ang mga luha sa mata ni Tin. Di nya rin napigilang umiyak. Niyakap nya ako bigla. Sa unang pagkakataon naramdaman ko ang yakap nya, mahigpit na yakap na nagpaparamdam sa kin na dito lang sya.

“Pilo, wag kang mag-alala, kahit na malayo walang magbabago. Sana ganun ka rin.”

“Ang drama mo Tin, nakakhiya para tayong nasa teleserye.” Dinaan ko na lang sa biro para gumaan ang paligid.
Bumitaw si Tin sa pagkakayakap, sabay hampas sa kin.

“Aba! Gumaganti ka ah!” Ngumiti uli si Tin.

May 14, 2000. Di ko makakalimutan ang araw nay un. Araw kung saan nadama kong espesyal sa kin si Tin. Araw na huling nasilayan ko ang ngiti nya. Araw na huling nakita ko si Tin.

__________________________________________________________

11. Liham
“Pilo may sulat ka!”

Tinig iyon ni inay habang inaabot sa kin ang isang sulat. At gaya ng inaasahan ko, galing yun kay Tin. Halos mahigit isa at kalahating buwan na rin mula nung umalis sya, at ito ang unang pakikibalita ko sa kanya. Mula ng umalis si Tin hindi nagging madali ang lahat. Para bang nagging emotionally attached na ko sa kanya, na halos lahat ng ginagawa ko, pinupuntahan ko, at nakikita ko ay naaalala ko sya. Hindi naglaon ay nasanay na rin ako, itinuon ko na lang ang aking panahon sa pag-aaral at sumali ako sa isanag civic group na tumutulong sa mga di pinalad na kabataan.

Pumasok ako ng kwarto para basahin iyon. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso nung bubuksan ko na ang sulat.

June 29, 2000

Para kay Paolo Magbanwa aka Pilo,

Pareng PILO! Kauutot ko lang, sayang wala ka dito.hehe
Musta? Sana OK ka lang dyan. Na-miss mo ko noh? Na-miss rin kita,, (wehew)
Maiksi lang ang sulat ko, kakapagod kasi magsulat haha. Sa school kasi dami pinagsusulat. Juk lang Pilo, sumulat lang naman ako para kamustahin ka baka isipin mo kasi nakalimutan na agad kita. Baka umiyak ka pa.
Wag ka mag-alala OK lang ako dito, madami akong nagging kakilala pero yaan mo di kita ipagpapalit. Para sa kin kaw pinakaDaBest!
OK ka lang ba dyan? Wag mo pababayaan sarili mo, wag magpapawis. Oh yung sipon mo baka tumutulo na, wag kalimutang isinga. Hahaha. Juk lang Pilo, Alam ko OK ka lang. Malaki ka na, may bigote ka na nga, haha. May nililigawan ka na ba dyan? Ang bilis ng panahon no, parang kelan lang sipunin ka pa, hehe. Sya sige hanggang dito na lang , hanggang sa muli na lang. Sulat ka ha, balitaan mo ko!

Ang nagmamay-ari ng hinanap mong utot,
Cristine Falcuna aka Tin :)

PS, Sa papel na kasama nito pala nakalagay address ko. Sa susunod ibibigay ko sayo Cell number ko pag nabilhan na ko ni PAPA.


Wala pa rin syang pinagbago, sya pa rin ang reyna ng pang-aasar. Ang laman ng sulat nya ay puro pang-aasar. Di man lang nya sinulit ang pagsusulat, wala man lang syang kuwento. Si Tin talaga. Pero masaya ako kahit papano naalala nya ko. Masaya akong malaman na kahit papano namimiss nya ko. Maliit lang na bagay yun, pero yung malilit na bagay basta galing sa mga taong mahalaga sa ‘yo ay ang mga bagay na pinakamaganda sa mundo.

__________________________________________________________

12. Liham Part 2
“Smile Before you Open :(.”

Ito ang naka-imprinta sa makulay na sobre. Smile before you open daw pero ang nakaguhit ay isang malungkot na mukha. Ito ang pangalawang sulat ni Tin sa kin, halos magtatatlong buwan din bago nasundan ang una nyang sulat. Di tulad nang nauuna na puro pang aasar ang laman ng sulat nya, ngayon naman ay tila ba may kaakibat na lungkot.

October 1, 2000
Pareng Pilo,

Kamusta? Natanggap ko pala sulat mo, pasensya ka na at natagalan ang sagot ko. Medyo busy, dami ginagawa. Masaya akong marinig na ok ka lang dyan, talagang nagbibinata ka nga Pilo, OK yan. Sa tanong mo na kung uuwi ako dyan sa sembreak namin, ay di ko pa alam. Baka daw magbakasyon ako sa Lolo, matagal na kasi naming balak yun.

Pilo, napasulat ako bigla sayo kasi di ako makatulog ngayon. Mag-iisang buwan na rin akong ganito, lagi hirap matulog. Para bang kinakabahan ako Pilo. Sabi ng mga roommate ko sa dorm lagi daw ako napapasigaw sa pagtulog. Di ko alam, na parang may kinatatakutan ako na di ko naman alam. Di ko pa to sinsabi sa mama at papa. Baka stress lng ako o kaya di pa ako nakakapag-adjust kaya ganun.
Lagi ko napapanaginipan yung ngyari sa kin nung nasa grade 2 ako. Di ko pa rin yun makalimutan Pilo. Di ko to nakuwento sa ‘yo noon kasi baka pagtawanan mo ako. Lagi ko rin to napapanaginipan noon pero nung mag-hiskul ako madalang na lang.

Kasi nung walong taong gulang ako nun, nung nasa maynila pa kami. Sumabay ako sa mga kaklase ko noon pauwi kasi sasamahan ko sila bumili nung isang laruan na uso noon. Maaga kasi kaming pinauwi kasi may bagyo daw na paparating pero maaliwalas pa rin naman ang panahon sa amin. Malalapit lang ang bahay nila at akoy medyo may kalayuan kaya sinusundo ako ni papa. Makulimlim nun at parang uulan bukod sa malapit ng gumabi. Nung matapos kami bumili ay pinasya kung doon na lng sa may waiting shed sa may kalsada mag-antay kay papa kasi madalas dun naman sya dumadaan.

Lumipas ang ilang oras, bumuhos ang malakas na ulan, dumilim na wala pa rin si papa. Lalong lumakas ang hangin at nawalan ng ilaw sa mga poste at gusali. Halos wala akong makita, sa sobrang lakas ng hangin naabot na ako ng ulan kahit nakasilong ako. Basang-basa ako Pilo, nangiginig ako, takot na takot ako. Umiyak ako at sumigaw sa mga taong dumaraan na halos anino lng nila ang naaninag ko. Ngunit di nila siguro ako marinig dahil sa ingay ng ulan. Takot na takot ako noon Pilo, nakakatakot mag-isa. Ilang oras din akong ganoon hanggang sa magdilim na ang aking paningin. Nagising na lang ako nun nasa ospital na ako at nandoon na si mama.

Hanggang ngayon di ko yun makalimutan Pilo. Naisip ko ikwento sayo dahil baka kahit papaano maibasan ang takot na nararamdaman ko sa twing binabalikan ako ng ala-alang yun. Na umaasa ako, matapos ko tong mailabas sa sulat na to ay makakatulog na ko ng mahimbing.

Hanggang dito na lng Pilo. Medyo napahaba sulat ko, napagod ba mata mo sa pagbabasa? Pasensya na, kaw lang kasi mapagsasabihan ko nito. Hanggang sa muli, kuwentuhan mo uli ako ha, natutuwa ako sa mga pinagsasabi mo.

Hanggang sa muli,

Tin.

P.S. Sa card na kasama nito naklagay ang cell number ko.


Nabahala ako sa mga sinabi ni Tin. Ito ba dahilan ng takot na dinadala nya? Ilang beses ko ding inulit basahin ang liham ni Tin. At sa mga araw na binbasa ko iyon, tila ba gusto kong puntahan si Tin at yakapin. Gustong kung sabihin sa kanya na ayos lang ang lahat, na di sya nag-iisa.








SUNDAN SA CONTINUATION 3...
 
Last edited:
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

tuloy mo na, yan fan mo na ako, ganahan ka na haa..
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

hahaha nays wan trops. buti nang amoy repolyo wag lang imburnal :lmao:

tuloy mo na, excited ako sa kasunod :salute:
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

CONTINUATION 3



13. Time Machine

“The tires on my bike are flat.
The sky is grouchy gray.
At least it sure feels like that
Since Hanna moved away.

Chocolate ice cream tastes like prunes.
December's come to stay.
They've taken back the Mays and Junes
Since Hanna moved away.

Flowers smell like halibut.
Velvet feels like hay.
Every handsome dog's a mutt
Since Hanna moved away.

Nothing's fun to laugh about.
Nothing's fun to play.
They call me, but I won't come out
Since Hanna moved away.”

Eto ang tulang pinag-aaralan namin ngayon, Since Hannah Moved Away ni Judith Viorst. Huling subject ko sa araw na to, 4th year English, isa sa pinaka-ayaw kong subject.
Bakit bas a dinami-dami ng mga tulang pwede pag-aralan ay ito pa ang napili ng guro namin. Sapul na sapul ako, masyado akong nakakarelate.

Huling subject ko, kaya pagod na utak ko. Pagod na rin ako, di na nga ako makasulat na tila ba hindi na mabuhat ng mga daliri ko ang bolpen. Ayoko ng mag-isip pa. Mali ayoko ng mag-isip ng tungkol sa lesson. Iisipin ko na lang si Tin.

Masyado akong na-absorbed sa tula na binasa naming kaya naalala ko naman si Tin. Oo nga naman tama ang tula, tumpak, sakto eto sa kin. Simula nung umalis si Tin noon, di ko na nagamit ang aking bike, kaya ayun napabayaan sa bodega kaya flat na ang gulong. Yung ratiles na lagi naming kinakain ni Tin ay di nag nun katamis pag kinakain ko ngayon. Parang nabawasan din ng bango ang sampaguita sa hardin ng bahay nila Tin mula nung umalis sya. At tila tinamad na ko lumabas ng bahay mula nun.

Isang linggo na lang at sembreak na nila Tin. Uuwi kaya sya dito? At di na rin nasundan ang huling sulat nya sa akin. Di rin ako makatext kasi di naman nagloload si mama, tinatawagan lang kasi sya ni kuya. Kamusta na kaya si Tin, siguro busy na siya.

“Aray”, napasigaw ako bigla. Na parang biglang may tumama sa ulo ko.
Chalk. Oo chalk nga ang tumama sa kin. Namalayan ko nagkakantyawan na ang mga kamag-aral ko. Kanina pa pala ako tinatawag ng aming guro pero di daw ako sumasagot kaya binato na lang ako chalk. Wala ako pakialam magalit man sya, kasalanan nya naman kung bakit ako natunganga. Bat ba kasi yun ang tula na pinili nya, yan tuloy naiisp ko si Tin.

Tapos nun ay di na nagpatuloy sa pagtatalakay ng leksiyon ang aming guro. Nagsermon na lang sya hanggang matapos ang klase. Ngunit sa mga sinabi nya parang wala naman akong naririnig.

Nagmamadali akong umuwi ng bahay, para bang tinatamad na ko mag-aaral. Nakakainis isipin na sa buong buhay mo ay halos wala akng ginawa kundi mag-aral. Nakakinis pero kailangan gawin. Sinisikap kong magsipag sa pag-aaral para makapasok sa isang mgandang unibersidad. Kahit pa sinasabi ng nanay na pare-pareho lang daw ang mga kolehiyo, na kahit ano daw pasukan ko. Sabi nya sa diskarte ko na daw yun, ang pinag-aralan mo daw ay para lang isang pera na binibigay ng unibersidad pag nakapagtapos ka na, kaw na daw bahala kung saan mo gagamitin. Sabi ko naman, magkaiba pa rin kasi magkakatalo sila sa halaga ng pera na ibibigay sayo.

May mga paaralan na magbibigay sayo ng sapat na kaalaman at ihahanda ka sa takbo ng buhay, may iba naman na para pagkakitaan ka lang. Pero may punto pa rin si inay, kahit kasi gaano kaliit ang pinag kaloob sayo na karunungan ng paaralang pinasukan mo, nasasayo na yun kung paano mo gagamitin at palalaguin.

Naalala ko bigla ang usapan naming ng isa kong kaklase,

“Alam mo tol, ayaw na ayaw ko talaga ng mathematics na yan. Balang araw, mag-iimbento ako ng time machine at babalik ako sa nakaraan. Hahanapin ko ang mga mathematician na yan at isa isa ko silang papatayin.” Pasimula nya.

“Bakit naman?”, pagtataka ko.

“Para pagnapatay ko sila at bumalik ako sa kasalukuyan, wala ng mathematics, hahaha.” Lakas ng tawa nya.

“Imposible yun tol!”

“Bakit tol, kasi imposible ang time machine?”

“Hindi! Imposible na maimbento mo yun, eh yung simpleng algebraic equation nga di mo m-factor ano pa kaya ang time machine. “

“Tol, walang ganyanan!” sabay tawa nya.

Mahalaga talga na may natutunan ka kahit kunti, para may mapupuhunan ka pagdating ng araw. Eto ang kahalagahan ng edukasyon.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako ng kwarto. Pagod na pagod ako ngayong araw, iidlip muna ako saglit. Binuksan ko ang radio para making ng musika sa FM.

“Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?”

Sapul na naman ako sa kanta. Sakto na naman. Ang salita at musika ng awitin ay tila isang bankang isinakay ako papunta sa ala-ala ni Tin. Ilang buwan na di parin sya sumusulat. Wala na ko balita sa kanya. OK pa ba sya? Naaalala pa ba nya ako?. Uuwi kaya sya sa Nobyembre?

Sana… Sana…

Dumapa ako at isinubsob ang mukha sa aking unan. Nagbabakasakaling mapigilan nito ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa king mga mata.


“Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?”


______________________________________________________________

14. Ulan

“Iho, magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo?”

Tinig iyon ng isang matandang lalaki. Lumapit ito sa akin para payungan ako. Napalalim ang aking pagbabalik-nakaraan at halos di ko na namalayang pumapatak na pala ang ulan.

“Mukhang malalim iniisip mo at halos di mo na napansin ang ulan, may problema ka ba?”

Matanda na ang lalaki, batay sa kanyang kaanyuaan masasabi kong nasa mahigit pitumpu na ang edad nito.

“Wala naman po, may naalala lang ako. Salamat po pala sa payong, dyan na lang po ninyu ako ihatid sa may gusali na yun.”

“Masarap balikan ang mga ala-ala no? Lalo pag tumanda ka na, masarap na nakakalungkot.” Pangiti nyang tugon.

“Opo.” Tanging nasagot ko lamang habang inihatid nya ako sa pinakamalapit na gusali.

“O sya, dyan ka na lng ba kamo. Maiwan na kita, di naman magtatagal tong ulan na ‘to.” At tumuloy na ang matanda.

Mukhang may kaya at pinag-aralan ang matanda, mukhang masayahin ang mukha. Siguro masaya sya kasi hindi sya hirap sa buhay. O kaya naabot nya ang gusto nyang marating. O kaya napangasawa nya ang mahal nya. O kaya naman ang isipan nya ay puno ng magaganda at masasayang ala-ala.

Malakas pa rin ang ulan, tila nakikiramay ang langit sa paglisan ng batang nagtitinda ng sampaguita. Inilatag ko sa sahig na semento ang dyaryong binili ko para upuan. Tumingala ako sa langit, mabagal na lumulutang ang maitim na ulap na nagdadala ng ulan. Malalaki ang butil ng ulan, tila sanlibong luha na bumabasa sa lupa. Napaisip ako, kasama din ba sa ulan na to ang mga luhang ng mga ngmamahal sa batang si Tin? Luhang pinatuyo ng mainit nilang paghihinagpis, pinalipad sa langit ng naghihimutok nilang panaghoy, at ibinaba ulit sa lupa ng lungkot sa kanilang puso.

Tumingin ako sa mga dumaraang mga tao. May mga nakapayong, may mga tumatakbong basang –basa na, may mga batang masayang naliligo. Ganitong-ganito ang nakikita ko noon sa aking binatana nung 4th year pa ako, habang inaantay ko na tumila ang ulan. Habang inaantay ko kung darating ba si Tin noon.

Dumating na ang Nobyembre noon, sembreak na nina Tin at kami naman ay may isang linggong walang klase. Halos araw-araw umuulan noon, at halos araw araw rin lang akong nag-aabang sa bintana ng aking kwarto. Wala pa rin akong balita kay Tin, di na nasundan ang pangalawa nyang liham sa akin. Kahit tawag o text wala na rin. Lungkot na lungkot ako nun.

Iyon na yata ang pinakamahabang tag-ulan sa kin. Naalala ko tuloy yung sabi ni nanay sa akin nung maliit pa ako.Lumuwas nun si tatay sa Maynila, at dalawang linggo sya doon kaya lungkot na lungkot ako nun. Nahuli akong umiiyak ni nanay bigla habang nakadungaw ako sa bintana at tinitingnan ang ulan.

“ Nak, bat ka umiiyak?”

“Di po ako umiiyak nay, nabasa lang ito ng ulan. Nay, bakit po umuulan?”

“Umuulan, kasi madaming nalulungkot na kalapati.”

“Nay kalapati ba ako?” biglang napangiti si nanay noon sabay yakap sa akin.

“Nak, wag ka na malungkot, malapit na dumating ang tatay mo.”

Pag-naalala ko yun tila ba gusto kong yakapin uli ako ni inay at marinig na sabihin nya na wag na ako malungkot kasi darating na si Tin. Pero natapos ang isang lingo naming bakasyon, natapos na rin ang sembreak nina Tin, natanggap ko na na di na talaga sya makakauwi.

Lumipas ang pasko at bagong taon at walang dumating na Tin, ni wala man lang sagot sa mga liham at text ko. Ayoko ring makibalita sa mga kaklase nya na sa Maynila rin nag-aaral kasi gusto ko talaga manggaling sa kanya ang mga malalaman ko.

Lumipas na rin ang ilang buwan at malapit na ako magtapos sa hiskul, wala pa ring balita kay Tin. Paunti-unti na ring nawala sa isip ko si Tin. Di na rin ako nakasulat at nakakatext. Nasanay na rin ako nun wala sya. Nawala na rin ang kirot sa puso ko tuwing naiisip ko sya. Parang natanggap ko na bahagi na lng ako cguro ng pagkabata nya.

__________________________________________________________________________

15. Tinolang Manok
“Ang gabing itoy gabi ng pagtatapos at panimula. Katapusan ng pagtanggap natin ng karunungan dito sa sekundarya, katapusan ng kapwa masasaya, malulungkot at nakakahiyang ala-ala ng buhay hiskul. Pero ito din ang gabi ng simula sa pagharap natin ng bagong karanasan at bagong karunungan ng buhay. Ito din ang simula ng pangguhit natin ng mga bagong ala-ala. Na kahit papano pa man, naway naging sapat ang pabaong karunungan at karanasan ng ating paaralan para maging handa tayo sa makabagong hamon ng buhay. At sanay maging sapat din ang iniwang ala-ala ng ating mga guro, kaibigan at kapwa mag-aaral upang tayo’y lalong tumibay. Maraming salamat po at magandang gabi!”

Ito ang huli bahagi ng aking salutatory address. Kasunod nito ay pumaimbabaw ang masigabong palakpakan at hiyawan. Di rin ako nakligtas sa huthot at sipol ng aking mga kaibigan. At syempre di mawawala ang sigaw na, “I love you Pilo!” mula sa mga nant-itrip lang. Pagbaba ko ay kinamayan ako ng aking mga guro. Bago ako bumalik sa kinauupuan ko ay pinuntahan ko sina tatay at nanay, kinamayan ako ni tatay sabay tapik sa aking balikat sabay bitaw ng pamatay na titig nya, "The eyes say it all" yan ata pilosopiya nya. At si nanay, gaya ng inaasahan ko, niyakap nya ako, isang mahigpit na yakap.Kung yakapin nya ako para bang nanalo at sa pagka-Presidente ng Pilipinas o kaya sa loto.

“Pilo, Congrats anak!” bulong ni nanay sa akin. Nakita ko ang ningning sa mata ni nanay.

“Salamat, tay, nay. Nay wag kayong iiyak, sayang make-up nyu aakyat pa naman kayo sa stage mamaya.” Pabiro kung sagot kay inay.

Bumalik ako sa aking upuan kung saan nag-aantay ang tapik, batok, at asar ng mga kamag-aral ko. Masayang masaya ako nung gabing yun. Tiningnan ko sina nanay at tatay sa malayo, kitang kita ko sa kanilang mga mata ang pagmamalaki. Siguro gulat na gulat sila, di kasi halata sa bahay na matalino ako kaya ganun na lang pagkasurpresa nila. Kahit na minsan patamad-tamad ako masipag din naman ako. Ano daw, ang labo ko.

Dumaloy ng mabilis ang oras ng gabing yun, at natapos ang programa. Nakakapagod ngunit masaya. Pagdating sa bahay nag-aantay ang madaming pagkain at syempre dun din ang mga kapitbahay namin na nag-aantay din makalibre ng hapunan.

At natapos din ang lahat ng araw na yun at ito na naman ako nagninilay sa aking kwarto. Madami akong dapat ikasiya at ipagpasalamat tulad ng pagtatapos ko sa hiskul, regalo kong cellphone mula kay tatay, pagkapasa ko isang scholarship sa gusto kong unibersidad at syempre yung masarap na tinolang manok ni nanay na ulam namin ngayong hapunan.

Gusto ko nang matulog, gusto kong tumakas. Tumakas sa oras na ito, na alam kung maaalala ko naman sya. Maraming araw na di ko na sya naiisip pa, ngunit tila kakampi nya ang gabi na pilit syang ginuguhit sa aking isipan.

Masaya ako ngayon, ngunit bakit parang may kulang. Dumating na lahat ng inaabangan ko ngunit parang naghihintay pa rin ako. Ayokong isipin kita ngayon, ngunit bakit kinakausap ko ang iyong ala-ala.

Tin, kamusta ka na? Saan ka na? Masaya ka rin ba para sa akin? :weep:

______________________________________________________________________

16. Katok

“Pilo! Pilo!”

Malakas ang tinig at katok na nagmumula sa pintuan ng aking kwarto na gumising sa papatulog kong diwa. Tinig iyon ni nanay, at iniisip ko kung ano ba yung pakay nya.

“Pilo may tawag ka dali!” Yun ang narinig ko habang bubuksan ko ang pinto. Bigla akong nanghina, kinabahan at bumilis ang tibok ng aking puso. Si Tin na kaya yun?

“Pilo, gusto ka daw makausap ng kuya mo.” Sambit ni nanay habang inaabot sa kin ang cellphone. Nabigo ako, hindi pala yun si Tin.

“Hello kuya, kamusta ka na dyan sa Saudi?”

“OK namn Pilo, Congrats kapatid. Kagulat ka ah, kala ko pangjackstone ka lng :lol: .”

“Kuya naman, wala ka lang kasi tiwala sa akin.”

“Di naman ganun kapatid. Natutuwa ako kasi di napupunta sa wala pinagpapaguran ko dito, sana ipagpatuloy mo yan ha.”

“Salamat kuya.”

“Si Tin yung kaibigan mo, musta na?”

Di ko alam isasagot ko kay kuya. Bat kailangan nya pang tanungin yun.

“Ah ok naman sya kuya.” Tanging nasambit ko na lamang. Sana nga OK sya.

“Ah buti naman! San na si nanay, pakausap nga ulit.” Iniabot ko ang cellphone kay nanay at pumasok na ako sa kwarto.

Kahit papaano namiss ko rin si kuya, siguro namiss ko ang pang-aasar nya. Pero nagulat ako ngayon at nasasabi nya na ang mga ganung bagay. Laki na ng pinag bago ni kuya, sabagay mag-aapat na taon na rin sya sa Saudi.

Humiga ako para matulog ulit, ngunit parang iniwan na ako ng antok. Ipinikit ko ang aking mata nagbabasakaling dalawin ulit ng antok.

“Pilo! Pilo!”. Si nanay tinatawag na naman ako. Siguro si kuya yun gusto uli ako makausap.

“Pilo si Tin!”. Bigla akong kinabahan sa aking narinig. Tama ba ang narinig ko? Di ba ako nananaginip? Gising ba ako? Kinurot ko ang aking sarili. Masakit. Oo, gising nga ako, walang duda. Parang sa tingin ko ang tagal kong nakatulala bago ko kunin ang cellphone ni nanay.

“Pilo, pasensya.” Yun ang una kong narinig na mga salita mula sa kabilang linya. Parang gusto kong umiiyak kaso nandun pa si inay. Namiss ko sobra ang tinig na yun, na kahit medyo nag-iba na. Ang dating matinis at matamis na tinig ay naging ganap ng babae.

“Bat ka humihingi ng pasensya Tin? Ano ka ba, wala yun. Alam ko busy ang buhay kolehiyo.” Pagsisinungaling ko.

“Buti naman naiintindihan mo, Pilo. Congrats pala, sabi ng nanay mo Salut ka daw. Akalain mo yun, akala ko magtatapos ka na kulelat. :lol: Kasunod nun ang mga tawa sa kbilang linya. Tawa na tagal ko rin di narinig.

“Kaw lang naman nag-iisp nun, wala lang sa mukha ko pero medyo matalino din ako.”

“Wala bas a mukha mo? Nandyan kaya, kitang kita, lapad kasi ng noo mo. Kala ko lng kasi walang silbi yang malaki mong noo. :lol:Sabay tawa ulit ni Tin.

“Tin sa Laguna pala ako mag-aaral, medyo malayo sa Maynila. Pero cguro pag may oras ako pwede ako pumasyal sa inyu.”

“Wala problema Pilo. Always welcome ka dun, kinakamusta ka nga ni mama eh.”

“Tin may cellphone na pala ako, itetext na lng kita. Magreply ka naman ah.”

“Oo Pilo. Mahal kasi ang load, tong pinantawag ko nga sayo pinag ipunan ko pa nga to.Cge Pilo mauubos na to. Ingat ka lagi. Pilo na- namiss kita……. ng sobra”. Sabay putol ng boses sa kabilang linya.

[Paglilinaw: Noong mga panahon na papauuso pa lang ang cellphone ay mahal pa ang load. Wala pang tingi na load mula sa suking tindahan, at lalong-lalo wala pang pasaload.Puro nasa-card pa ang load nun]

Prang ayokong matapos ang pag-uusap na yun. Madami pa kong gusto marinig kay Tin. At marami rin akong gusto sabihin sa kanya. Na kahit di ko sigurado kung kaya ko bang sabihin yon sa kanya.

Ibinalik ko na ang cellphone kay nanay at muling bumalik sa aking pagkakahiga. Ang tagal nablanko ang aking isip, di ko alam kung bakit. Alam ko pagod na ang aking mata ngunit ayoko pang pumikit. Tila ba inaantay ko si nanay na muling kumatok at sabihing, “Pilo, si Tin tumawag uli.” Ngunit lumipas ang oras, di na kumatok si inay.

Masaya ako, masaya akong malaman na hindi pa pala ako nalilimutan ni Tin. Masyado akong naging makasarili at kung ano pinag-iisip ko sa mga nakaraang buwan tungkol sa kanya. Masaya ako at narinig ko ulit ang tinig nya. Masaya ako at narinig ko ulit ang matamis na tawa nya.

“Pilo, namiss kita ng sobra.” Malinaw pa rin ang mga huling sinabi ni Tin. Malinaw pa rin ito sa aking isipan. Pinikit ko na ang aking mata, nagbabakasakaling makausap ko ulit si Tin sa aking panaginip. :sleep:




SUNDAN SA CONTINUATION 4...
 
Last edited:
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

Naisulat ko na ang kasunod.. Basahin nyu na lang sa first post..:yipee:
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

Nautot naman ako sa pagkabitin :rofl:

tuloy mo na ulit.. nagustuhan ko ang simpleng humor :)
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

Natawa naman ako dito . Mukhang magandang subaybayan to. Suportahan taka. Tuloy na otor. :dance:
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

CONTINUATION 4



17. Groceries

“Pilo kaw pala yan, bat nandyan ka? Wala ka ba payong?”

Tinig iyon ni Leah, nakilala ko dito sa kolehiyo at naging malapit ko na rin na kaibigan.
Pawala na rin ang ulan, manaka-naka na ang patak. Balik na sa katotoha,n tama na siguro muna ang pagbabalik nakaraan. Sabi nga nung matanda na nakausap ko kanina, ang sarap talaga balikan ang nakaraan pero kakalungkot din minsan.

Ang bilis lang ng panahon, parang kelan lang eh parang katatapos ko lang ng hiskul, parang kelan lang kapapasok ko pa lang dito sa kolehiyo. Pero ito, mag-iisang taon na rin ako.

“Buti nakita kita dito, sakto pupuntahan sana kita sa dorm. Magpaptulong sana ako sa project ko.” Sambit ni Leah habang papalapit na sya sa kin.

“Ah ganun ba, buti nakita mo ko dito. May silbi talaga ang malaki mong mata na yan:lol:. Lakas ng ulan eh, nakisilong muna ako, di ako nakadala ng payong.”

“Heh! San ka ba galing? Ang aga-aga pa eh.”

“Dyan lang sa may lugawan sa labas, masama kasi ang gising ko eh kaya napaaga bangon ko.”

“Sabi ni Kat, pwede ba sabay daw tayo magdinner mamaya matagal na daw kasi tayo di nagkakausap-usap eh.”

“Ayan na naman si Kat, mag-aaya tapos di na naman makakarating. Sabihin mo nga sa kanya nakakatampo na sya.”

“Hayaan mo na, darating yun sigurado.Eh di kung hindi dumating eh di tayo na lang diba, bakit di ka ba makakain pag wala sya? ”

“Kaw na naman, nauumay na ako say o eh :lol:. Biro lang Ley.” Sabay tawa ko.

“Ah ganun, eh di kayo na lang ni Kat. Tutal parang atat ka naman na lagi syang kasama.” Sabay hampas sa aking braso.

Si Leah at Kat ang mga una kong nagging kaibigan sa kolehiyo. Naging magkaklase kami sa 1st year Math subject noon. At dahil pare-pareho kaming galing sa malayong probinsya, nagkapalagayan kami ng loob.

Si Leah ay lagi ko nang nakakasama. Masarap kasama si Leah, masayahin, palabiro at higit sa lahat ang sarap asarin. Si Kat naman ay katulad ng kababata kung si Tin, sya yung malambing na bersyon ni Tin. Magkatulad sila halos ng ngiti, pananalita, pati pagtawa. Lagi ko nga naalala si Tin sa kanya. Madalas natatawag ko syang Tin. Lagi nga nya sinasabi sa kin, “Tin na lang kaya itawag mo sa kin!”.

Lagi kami noon magkasama. Madalas sabay kami bumili ng groceries, kumain, gumala, at mag-emote.

Sila ang mga naging bago kong kaibigan, Sila ang naging kasalo sa mga sandaling dinadalaw ako ng kalungkutan. Sila ang dahilan kung bakit di ko naramdaman na nag-iisa ako dito. Dahil sa kanila, naging malawak ang pagtingin ko sa mundo, na di lang pala kay Tin umiikot ito. :hilo:

__________________________________________________________________________________________________________________________


18. Junson

“Junson! Junson! Junson! Junson!”

Mabilis na tawag ng driver ng jeep na nag-aabang sa tabi ng kalsada. Hindi pangalan ng tao ang tinatawag nya, bagkus ang binibigkas nya ay salitang “junction” na nagiging “junson” dahil sa mabilis na pagkakasabi.

Kalalabas ko lang sa isang gusali na pinagdausan ng Orientation Program para sa mga Freshmen ng unibersidad. Unang araw ng buhay kolehiyo, nakakakaba ngunit nag-uumapaw ang excitement.

Sabi nila masarap daw ang buhay kolehiyo. May allowance na ikaw ang bahala kung saan mo gagastusin. Walang magulang na manenermon sa yo. Pwede kang gumala kahit saan mo trip. Sa madaling salita, malaya.

Sumakay ako ng jeep papuntang junction na kung saan nagkalat ang madaming establisemento, mga tindahan ng kung ano ano lang at mga ibat ibang kainan. Pinili kung kainan ang isang simpleng karinderya lang. Pinili kong ulamin ang tinolang manok kasi yun ang paborito ko.

Inihain sa akin ang umuusok na putahe. Nakakatakam, nakakagutom. Nagsimula akong humigop ng sabaw. Nang ganap kong mapagtanto ang lasa nito ay nadismaya ako, hindi ito ang tinolang manok na hinahanap ko. Pinilit kong ubusin ang pagkain ko dahil lamang sa gutom ko, pagkatapos noon bigla na ko umalis.

Umaagos ang luha ko habang naglalakad ako palabas ng karinderya. Bigla kong naalala ang luto ni nanay, bigla kong naalala si nanay. Bigla kong naalala ang bahay, yung mga bagay na kadalasan kong ginagawa.
Dito ko napagtanto na totoo talaga ang sinasabi nilang, “There is no place like home”. Yung pag bata ka pa ay tila nagsasawa ka na sa sarili mong tahanan na parang gusto mo ng umalis, ngunit pag nakaalis ka na at nagsawa ka na sa buhay, ay dun mo nanaising bumalik.

Parang Tinolang manok lang ni nanay, madaming klaseng tinolang manok sa Pilipinas pero nag-iisa pa rin yung luto nya. Maraming lugar na mas maganda at mas kumportable kesa sa bahay nyu, ngunit sa huli ito pa rin ang hinahanap mo.

Masaya nga ba ang buhay kolehiyo? Masarap ba ang maging malaya? Ngunit kaninang umaga , bakit hinahanap ko mabangong amoy ng sinangag ni nanay. Hinahanap ko ang boses nya na madalas nagsasabing, “Pilo, gising na! mali-late ka na nyan.” Hinahanap ko ang paggabay lagi ni tatay na, “O aalis ka na? Ingat ka anak!”.


Sa puntong ito parang gusto ko nang umuwi sa probinsya. Pero alam ko na ang “homesick” ay isa sa malungkot na bahagi ng buhay kolehiyo na dapat kung lampasan. Papara na sana ako ng jeep ng biglang may tila tumatawag.

“Kuya! Kuya! Sandali lang.”

NIlingon ko at nakita koi sang ale kumakaway sa direksiyon ko at tumatakbo.

“Ako po ba tinatawag nyo?”

“Oo kaw nga! Di mo pa kasi nababayaran yung kinain nyu kanina.”

Ay tanga. OO nga pala nakalimutan kong magbayad kanina.

“Ay syensya na po ate, nakalimutan ko lang po.”

Dumukot ako ng pera at inaabot sa ale. Nakakahiya hindi lang dahil ang tanga ko na nakalimutan kung bayaran, kasi mamasa-masa pa ng luha ang mukha ko ng hinarap ko si ale. Napatanong tuloy sya,

“Na-busted ka ba?”

Parang gusto kung sagutin si ate na kung umiiyak na-busted na ba agad, di ba pwedeng may na-mimiss lang. Pero buti kahit papaano nanalo pa rin ang pagkamagalang ko.

“Di ate, di sanay kasi ang mata ko sa usok dito. Taga-probinsya kasi ako.” Pasinungaling ko.

“Ah ganun ba, bago ka pala dito. O sya sige salamat ha.”

“Walang anuman, pasensya po ulit.”

Sumakay ako ng jeep pauwi sa dorm na walang naghihintay kundi ang higaan, kumot at mga unan ko lamang. :(
________________________________________________________________________________________________________________

19. Nutbuk

“Tol, gising na! Kanina pa nag-iingay alarm mo!”

Bigla akong nagising, sa tapik ng roommate ko. Napasarap yata ang tulog ko at di umepekto ang alarm ko. Halos mag-uumaga na kasi ako nakatulog kagabi dahil parang naninibago ako.

“Ah ganun ba tol, salamat.” Sagot ko sa roommate ko habang kinakapa ko kung may muta ba ang mata ko.

Napapapikit pa ang mata ko, parang ayoko pang bumangon. Tiningnan ko ang orasan, 7:15 am. Patay late na ko, 7:30 ang unang klase ko! Dali-dali kong hinablot ang tuwalya na naka sampay sa gilid ng aking kama. Patakbo akong lumabas papuntang banyo dala dala ang lagayan ko ng mga sabon. Patay ulit! Ang haba ng pila sa banyo. Pasimple akong pumasok at nagtutbrush sa lavatory, sabay hilamos na rin.Mamamaya na ako maliligo, tutal may break ako pagkatapos ng una kong klase.

Pagkatapos kung makapagbihis ay patakbo kong tinahak ang daan patungo sa gusali ng una kong subject sa araw na iyon. Unang klase ko sa buhay kolehiyo at late ako, ang gandang simula. Labinlimang minuto akong na-late sakto pagdating ko sa klase ay nagdi-discuss na ang instructor namin tungkol sa rules and policies. Buti na lang lecture class ito at madami kami kaya di masyadong nakakahiya. Dun ako pumwesto sa bandang likod, halos wala na akong maupan kaya pinili ko dun sa may babae na may mahaba ang buhok. Dahan–dahan akong lumapit sa uupuan ko, iniisip ko ano kaya itsura ng babaeng to, sana cute sya, isip ko.

“Hi! May nakaupo na ba dito?” bati ko.

Lumingon ang babae, at cute nga. Swerte ko pa rin talaga. Pero nakasimangot. May dalaw ata.

“Bakit? May nakikita ka bang nakaupo?” Sagot naman nya.

Aba suplada ata ito, isip ko. Pero biglang bawi ng napakagandang ngiti, sa isip ko sobrang cute nga nya.

“Biro lang, Wala, walang nakaupo dyan. Ako nga pala si Kat.” Sabay abot ng kamay nya sa akin.

“Ah, eh, salamat. Ako pala si Pilo, ah, eh Paolo pala.” Sabay abot din ng kamay ko at nagkamustahan kami. Di ako makasagot ng matino, pamatay kasi ang ngiti ni Kat.

“Pilo, ito pala si Leah, bagong kakilala ko rin ngayon lang.” Sabay turo ni Kat sa katabi nya. Kumaway na man ito s akin.

Dito kami unang nagkakilala ni Kat at Leah. Tahimik akong nakikinig sa guro namin pero parang wala akong maintindihan, at kanina ko pa napapansin na pangiti-ngiti sina Kat at Leah. Isip ko baka kinikilig sila sa akin, he he.

Lumabas muna ako para umihi kasi di ako nakaihi kanina sa dorm. Pagharap ko sa salamin sa banyo ay dun ko napansin na tayo-tayo ang aking buhok. Nakalimutan ko palang magsuklay. Hay hiyang hiya ako sa aking sarili, kaya pala panay ngiti nina Leah at Kat kanina. Para akong matutunaw sa hiya, parang ayoko nang magpakita sa kanila. Tinagalan ko pa pagpapanatili ko sa banyo tutal papatapos na naman ang klase.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nagsisilabasan na ang mga estudyante. Dali-dali akong pumasok sa lecture room para kunin ang gamit ko. Nandun ang bag ko pero nawawala ang notebook na inilabas ko. Hinagilap ko ang bawat mukha ng mga estudyanteng lumalabas ng room. Saan na kaya sina Leah at Kat? Baka sakaling nakita nila ang notebook ko. Ayun sa labas na! Tatakbo na sana ako papunta sa kanila ngunit pinangunahan ako ng hiya.

“Hayaan muna, notebook lang naman yun.” Nasambit ko na lang sa sarili ko.

Naisip ko sa susunod aagahan ko na ang gising, at uupo ako dun malayo sa kanila para di nila ako makita. :sigh:

______________________________________________________________________________________________________

20. Tanga

“Math exercise, assignment. “

Ito ang biglang pumasok sa isip ko habang papauwi na ako ng dorm pagkatapos ng huling subject ko sa unang araw na ito. Nakakapagod din pala kahit nakaupo ka lng maghapon, nakakpagod kahit utak mo lang ang iyong ginagalaw. Sa dami ng impormasyong nasagap ko sa araw na ito parang di na kaya ng utak kong tanggapin lahat.

Oo nga may assignment pala sa math. Ano na nga ba yun? Teka, tama, nailista ko yun sa nutbuk. Hinagilap ko ang nutbuk ko sa loob ng aking bag. Patay, yun pala ang nawawala kong nutbuk, yung tinangay ng kung sino man kanina sa unang subject ko.

Naupo muna ako sa tabi ng upuan malapit sa daan. Ano kaya gagawin ko, wala akong kakilala, wala akong mapagtatanungan tungkol dun. Teka, wag ko na lng kaya gawin, tutal assignment lang naman yun? Naku, baka patayuin ako ng titser namin, nakakahiya. Teka, uso pa ba ang pinapatayo sa college?

Naguguluhan na ako kaya pinukpuk ko na lang ang aking ulo ng aking kamao. Madalas talaga akong lapitan ng kamalasan.Mali. Hindi pala kamalasan yun, katangahan pala.

Ano kaya gagawin ko? Maliiit lang na bagay bat pinuproblema ko? Solusyon, solusyon, pati kaw ba iniwanan mo na rin ako?

Sa wakas may naisip na rin akong paraan. Dito na alng ako mag-aabang. Aabangan ko kung sino man maalala ko na kaklase ko sa math. Siguro naman may makikita ako sa dami ba naman ng dumadaan dito.

Para akong tanga dito, nag-aabang ako ng taong di ko sigurado kung kaklase ko ba o hindi. Naghahanap ako ng mukha na di ko alam kung nakita ko na o namumukhaan ko lang. Tanga. Tanga ko talaga.

Ayun may nakita ako, parang kaklase ko sya sa math. Naku parang kamukha lang. Sya b aba talaga yun? Hay, sa totoo lang, napakahirap ng gingawa ko? Gawain ba to ng matalino o kaya ng matinong tao? Nagsimula ko nang pagdudahan katalinuhan ko pati na rin katinuan ko. Wala naman kasi akong natatandaang mukha kundi yung mukha lang ni Kat at Leah. Pero nakakahiya naman lapitan yun, kasi nagmukha na akong katawa-tawa sa kanila kanina.

Suko na siguro ako, kailangan ko nang tanggapin na wala na akong maipapasang takdang-aralin bukas.

Humanda na ako pauwi ng saktong pagtingin ko sa papalapit na mga tao, ay nasilayan ko ang pamilyar na mukha. Naku, parang kilala ko ito. Tama si Kat nga ang papalapit.

Lalapitan ko ba sya o magtatago ako? Muling nagulo ang isip ko. Minsan nawawala rin ng silbi ang katalinuhan kung may kakambal na katangahan. :noidea: :laugh:




SUNDAN SA CONTINUATION 5...
 
Last edited:
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

CONTINUATION 5



21. Ben Tumbling

“Dubdub-dub-dubdub! Dubdub-dub-dubdub! “

Ito ang malakas na bulong ng aking puso habang papalapit na si Kat sa kinaroroonan ko. Kinapa ko ang aking dibdib, parang sasabog. Ano ba itong nararamdaman ko, napadami yata ang na-inom ko na kape kanina.

Malapit na si Kat, kinuha ko ang isa kong nutbuk para pantakip sa mukha ko habang sinisilip ko ng bahagya ang mga dumaraan. Ayan na si Kat, sa tapat ko na. Huminto sya! Nakilala nya ba ako kahit nakatakip na ang mukha ko? Di ko makita ang mga mukha nya at tanging nasisilip ko lamang ang ibabang parte ng katawan nya, pero alam kong sya yun.

Bat sya napahinto sa may tapat ng kinauupuan ko? Nakilala nya ba ako? Makikiupo rin ba sya? Wag naman sana.

Ewan ko ba parang nasa pelikula lang, tumahimik bigla ang paligid at tanging naririnig ko lamang ay ang malakas na tibok ng aking puso. Mabagal ang lahat, na tila ang oras ay naghihintay rin sa susunod na mangyayari. Nang biglang…

“Atsing! Atsing!” Kasunod nun ay narinig ko tunog ng singhot.

Kaya pala napahinto si Kat kasi babaheng pala sya. Inamoy ko ang sarili ko bigla. Di pa naman ako ganun kabaho. Baka yung lalaking nasa harap nya ang salarin.

Nakahinga na ako ng maluwag nung nakalagpas na si Kat. Bumalik na rin sa normal ang aking puso. Pero muli ko namang naalala ang assignment ko sa math. Si Kat lang talaga makakatulong sa akin, tinulungan na nga ako ng tadhana at pinadaan na nya si Kat.Kailangang di ko sayangin ang binigay na opurtunidad.

Kailangan kausapin ko na si Kat, kailangan puntahan ko sya bago pa sya tuluyang maglaho sa paningin ko. Tama na ang hiya-hiya. Siguro ay nalimutan na nya ang ngyari kanina. O kung matandaan man nya, di malaking bagay yun. Ang katangahan ay parte ng isang normal na tao.

Tama. Kakausapin ko sya.

Dali-dali akong tumindig upang habulin ang ang papalayo ng si Kat. Nung halos dalawang dipa na lang ang pagitan namin ay bigla na naman akong tinamaan ng hiya. Bigla na lang naglaho ang lakas ng loob na tinipon ko kanina. Hay. Ang dami kasing tao, at di ko man lang alam ko ano sasabihin ko.

Tama. Susundan ko na lamang sya hanggang umunti na lang ang tao.

Papasok na kami ng parke at umuunti na rin ang nakakasabay naming sa paglalakad. At dumating sa punto na halos kami na lang ang laman ng makitid na daan. Bigla syang napahinto. Naku nahalata yata na sinusundan ko sya. Bigla kong naisip magtago. Ngunit saan?
Ayun sa mga may halamanan, sabay lundag ko sa mga mayayabong na halaman sa gilid ng daan. Ang ganda ng pagkakalundag ko na tila ba isang bida sa aksyon na pelikula na lumulundag papalayo sa sumasabog na granada. Sa isip-isip ko, ito na yata ang pinaka exciting na parte ng buhay ko, eto rin ang parte na gusto kong e-edit at tanggalin. Di na kasi nagiging wholesome, di na cool ika nga, nagiging komedya na. Nagmumukha na akong tanga para sa simpleng Math assignment.

Nagpatuloy si Kat sa paglalakad, di nya ata ako nahalata. Ayos, matagumpay ang pagtatago ko, di naman nasayang ang mala-Ben Tumbling (Pelikula ni Lito Lapid) kong dive kanina. Bumalik ulit ako sa paglalakad, eto na talaga, kailangan ko na syang kausapin.

“Kat! Sandali lang Kat!” Tawag ko sa kanya.

Bigla na naming tumahimik ang lahat at tanging naririnig ko lamang ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso. Huminto si Kat at dahan-dahang lumingon. Tila ba kaybagal ng oras, parang isang pelikulang may slomo effect. Lumakas ang hangin at sinayaw ang mahabang buhok ni Kat, kasabay ng ng mga nahuhulog na dahon ng Acacia. Pakiramdam ko’y nanaginip ako.

Nasilayan ko ang ngiti ni Kat. Magandang ngiti na biglang naman nyan binawi.

…. (matagal na katahimikan)

Biglang tumaas ang kilay nya.

“Bat mo ako sinusundan?” Mataray na tanong.

“Ah, eh, hindi! Hindi kita sinusundan.” Nanginginig na yata ako.

Biglang humagikgik ng tawa si Kat. Nangti-trip lang pala.

“Joke lang Paolo. Hinahanap mo ang nutbok mo no?”

“Paano mo nalaman?”

“Sorry Paolo, di ko sinasadya nailagay ko sa bag yung nutbok mo kanina.At kanina ko lng din napansin na may sobra akong nutbok at naisip ko sayo yun.” Nagmamadali kasi ako.

“Oo nga eh may math assignment pa namn tayo dun.” Tipid kong sagot.

“Oo nga eh, uy may gagawin ka ba ngayon? Gusto mo sabay na tayo magdinner saka sabay natin sagutan ang assign kung OK lng sayo?”

“Ah sige!” Naubusan na yata ako ng sasabihin.

“Isama natin si Leah, para masaya.”

Kala ko masusolo ko na si Kat. Kala ko date na.

“Sige, OK yun para madali natin masasagot ang assignment.”

Napangiti uli si Kat. Pilyang ngiti.

“Bakit? “ Nagtataka kong tanong.

“ Sa susunod matuto kang magsuklay, at sa susunod din galingan mo ang pag-dive.” Sabay tawa nya.

Napakamot na rin ako sa ulo at ngumiti na lang. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Kat papunta sa Dorm nila. Doon nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo. Isang simpleng katangahang naglapit sa akin sa kanila.

_____________________________________________________________________

22. Utak


“Uy! Paolo, nakatulala ka na naman!”

Pansin ni Leah habang ginugupit ang mga karton na gagamitin namin sa project nya.

“Mukhang malalim iniisip mo ah!”

“Wala! May naalala lang ako.”

“Sino na naman yan? Parang alam ko na kung sino yan.”

“Wala, naisip ko lang kaybilis ng panahon, parang dati lang nasa 1st year pa lang tayo. Di pa tayo magkakakilala.”

“Naks, ayan ka na naman. Pero di ko talaga malimutan nung una kitang makita, gulo-gulo pa ang buhok mo nun. Buti namn ngayon marunong ka na magsuklay.” :lol: Humagikgik ng tawa si Leah.

“Eh ikaw? Mataba ka pa nun!” :lmao: Gumanti din ako ng tawa.

Malaki na din ang ipinagbago ni Leah mula nung una ko syang makilala. Mula sa pagiging mataba at mukhang bata ngayoy naging magandang dilag na. Sa isang taon namin sa kolehiyo kapansin pansin ang pagbabago nila ni Kat. Madami talaga nagagawa ang oras. Madami itong napapabago, madami itong nahihilom. Ewan ko ba parang ako na lang ata ang walang pinagbago.

Pinagpatuloy namin ni Leah ang paggawa sa project nya. Halos magkasama kaming buong araw. Madali lng naman ang project kaso napapatagal dahil sa kulitan. Sakto alas-singko natapos namin ang ginagawa at nag-paalam na sya para umuwi. Magkikita na lng daw kami nina Kat mamyang alas syete para sabay maghapunan.

Pumasok ako sa kwarto ko. Medyo madilim na ang paligid gawa ng nagbabantang ulan. Ayoko ng ganitong pakiramdam, yung nakakadama ka ng pag-iisa. Nakaramdam ako ng pagod at nanunukso na rin ang malamig kong kama. Sige matutulog muna ako.

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Naramdaman ko ang lamig ng paligid. Narinig ko ang kaluskos ng malakas na hangin at ulan.

“Pao, d dw tloy dinner.Laks ng uln eh. buks n lng. Ingatz. ” :)

Nagtext si Kat, di daw tuloy ang dinner. Pilit ko mang iwasan ang ganitong mga oras. bat lagi ako napapatapat. Kinuha ko ang mga libro ko upang libangin ang aking isipan. Kasi alam ko pag pinabayaan ko itong maglakbay, iisa lang ang patutunguhan nito. Sinubukan kong ituon ang isipan ko sa aking binabasa ngunit bakit wala akong maintindihan. Pati isip ko tinatalikuran ako. Bakit ba pati ang isip ko ikaw ang hinahanap? Bakit ba pati ang isip sayo bumabalik?

Sumuko na rin ako at itinabi na ang libro ko. Bakit ba minsan di mo madiktahan ang utak. Dahil ba sa mga subconscious memory nito na nasa involuntary na bahagi ng utak? Bat ba kasi walang delete at reformat command etong utak, bat puro add memories lang?

Ano naman ba tong naiisip ko. Pati utak ko pinagtritripan ko na naman. Sa bagay di ko masisi ang utak ko na hanapin ka, na balikan ka. Kasi halos animnapung na porsyento ng ala-ala ko ikaw ang laman. Akala ko pag makahanap ako ng pagkakaabalahang iba mawawala ka na. Akala ko pag nagkaroon ako ng ibang kaibigan malilimutan kita. Ngunit bakit sa twing napapg-isa ako ikaw ang binabalikan ko?

Bakit Tin?

Tin sabihin mo sa akin? Makasarili ba ako? Makasarili ba akong pilit kang kalimutan?

Makasarili ba ako dahil pilit kong iniiwasan ang kalungkutan sa tuwing maalala ka? Na pilit kong ipinapaintindi sa isipan ko na matagal mo na rin akong kinalimutan. Na wala rin namang patutunguhan ang lahat.



Tin… Sumagot ka…



Anim na buwan na akong naghihintay… Naiisip mo pa ba ako? :weep:

________________________________________________________


23. TXT

“Pilo, musta? Sa wakas naktext din ako. Musta college life?”

Halos isang buwan din at mahigit mula ng mg-umpisa ako sa kolehiyo, ng magtext sa akin si Tin. Pagkatapos nun ay lagi na kaming nag-uusap sa text. Halos nagtitiis ako sa sardinas para lang may pang-load ako. Madami kaming napag-uusapan. Mula sa mga simpleng ala-ala namin hanggang sa mga pangarap na ninanais namin. Mula sa malilit na tutubi hanggang sa mga nagliliparang eroplano. Mula sa tindera ng fishball sa kanto hanggang sa pangulo ng bansa.

Pero kahit na medyo seryoso na madalas ang pag-uusap namin, di pa rin mawala-wala ang kunting kulitan minsan. Madaming bagay na madali sabihin sa text. Madaming tanong na madaling itanong sa text. Kaso ang text ay walang emosyon. Walang musika ng damdamin ang mga salita.Ni hindi mo talaga alm kong malungkot nga ba talaga sya o kaya masaya. Ni hindi mo rin masisilayan ang ngiti nya o maririnig ang mga tawa. O kaya di mo masusulyapn na tumutulo na pala ang luha nya. Pero kahit papaano, sapat na ang salita sa text para maipabatid kung ano mang mensahe ang nais mong ihatid. Mga maiikling salita na may napakalawak ng ibig sabihin.

“Uy gndng gabi. Gawa mo pilo?”

“Katapos ko lng kain, antay ko lng txt mo. Kaw gawa mo?”

“Nanonood ako TV kaso di ko gsto plbas.Cno namn ksma mo kumain?”

“Yung bgo ko kilala. sna Leah at Kat. Nng aya sila eh.”

“Lapitin k tlga babae pilo, hehe. Bka nmn mlimutan mo n ako kc may bago ka n jn.”

“Di nmn Tin, kahit papano mas espesyal k sa kn.”

“Tlga lng pilo ah, kaw tlga, mbola k n ngayon.bka msnay ako nyan.”

“Haha tin. Di ka p ba sanay? Lagi k nmn espesyal sa kin eh. Parng espasol espesyal lng na pabotiro mo kainin dati”

“Naks bestfrend nga kita. kahit ako din may bago ng kakilala pero mas mtimbang ka pa rin pilo.”

“naku naman, baka may nanliligaw na sayo jan, di ko maipagkakaila, maganda bestfrend ko.”

“Naku pilo, 2 b honest meron na, Pero ala ako interes, ayoko pa sa gnyan.”

“kelan kasal? Imbitado ba ako?”

“Sapakin kaya kita . Anong kasal sinsabi mo eh ayaw ko p nga tumannggap ng ligaw.”

“Joke lng! Hinhanda ko lang sarili ko para di na ako mabigla pag sinabi mo yun.”

“Mtgal pa bago mngyari yun, pero don’t wori kaw gagawin kong bridesmaid ko. Haha”

“No thanks! Pwede ba flower girl na lng ako.”

“Naku sorry di ka n cute para maging flower girl, mgpastor ka na lng para kaw mgkakasal sa kin.”

“Pwede rin pero mahal sisingilin ko sayo. Kasi maarte ka eh.”

“pilo sya cge na pawala na load ko. Bukas ULit. Nyt pilo.TC”

“Cge tin mag-aaral pa din ako. Nyt.TC din.”

Halos ganyan ang takbo ng usapan namin lagi sa text. Lokohan.Asaran. Pero minsan may matino din naman. Sa araw araw naming pag uusap, di ko rin mapigilan na ngbabago na nararamdaman ko sa kanya. Pero sa hinahaba haba ng pag uusap namin, di hindi ko man lang magawang sabihin eto. Di ko alam kung takot o hiya ang pumipigil sa akin para sabihin lahat kay Tin.

Mula sa simpleng paghanga ko sa kaibigan, lumago eto sa isang espesyal na pagtingin sa kanya. Mahal ko na si Tin. Sigurado na ako dun. Pagmamahal di bilang isang simpleng tagahanga ngunit pagmamahal na ngbunga ng pangarap na makasama sya habambuhay.

Pero ang pagmamahal na itoy nakatago sa kailaliman ng aking puso, walang lakas na kumawala. Siguro itatago ko na muna ito, aantayan ko na lng lumago at maglakbay. At sa tamang oras at lugar, sya na mismo ang hahanap ng daan papunta sa puso ni Tin.

______________________________________________________________

24. Kendi

“Pilo, cge d n muna kta iistorbohin, BC ka na ata jan…”

Nabigla ako nung mabasa itong text ni Tin. Mula nung magsimula kaming mgtext nung mga unang buwan ko dito sa kolehiyo, puro masasaya napag –uusapan namin. At sa mga panahong yun na di pa masyadong madaming ginagawa sa skul, halos lagi kong nasasagot ang mga tawag at text nya. Ilang buwan na din kaming ganun, halos araw araw na kaming magkausap. Masaya ako kapag nababasa kahit simpleng “Gandang Umaga!” na text ni Tin. Masaya ako pag tumatawag sya at naririnig ko ang boses at ang mga tawa nya. Nasanay ako na naririnig yun araw-araw. At nalulungkot ako pag lumilipas ang araw na wala akong natatanggap o naririnig sa kanya.

Pero lumipas ang mga buwan na lalong papahirap ang buhay kolehiyo. Halos araw araw may mga exam. Araw-araw may pinapasang requirements. Di ko na rin napapansin halos mga text ni Tin. At yung mga buwan na yun na lalo akong napapalapit kay Kat, kasi halos sya lagi nakakatulong ko sa paggawa ng mga school requirements.

At sa paglipas ng mga buwan, napapansin ko ang pag-demand ng atensiyon ni Tin mula sa akin. Madalas na sya magtampo sa text, na dati ay di naman nya ginagawa. Minsan dumating pa sa punto na nag-away kami dahil sa hindi kami nagkaintindihan sa isang biro. At dumating din sa puntong nagtampo sya kasi di ko nasagot ang tawag nya. At laging bukang bibig nya sa twing magkakatampuhan kami ay si Kat. Minsan sa sobrang inis nya nasasabi nya na ipinagpalit ko na daw sya kay Kat.

Noong mga panahon na yun, nagsimulang gumulo ang aking isipan. Na di na malinaw sa akin kung ano nga ba kami ni Tin. Di ko alam kung papaano ako sasagot, di ko alam kung saan ako lulugar. Lalong nagiging kumplikado ang buhay habang tumatanda. Simple lang ang buhay namin noon. Pinag-aawayan lang namin ay kung sino ang magaling, kung si batman ba o si superman; kung ano ba ang masarap, ang medyo hinog na ratiles o yung hinog na hinog; o kaya kung ano magandang alagaan, kung yung mayang pula ba o mayang asul. Tapos bibigyan ko lang sya ng kendi o kaya lollipop bati na kami. Pero ngayun, di na ganun kasimple.

Lalo kaming nagiging malapit ngayon ni Tin, pero parang pakiramdam ko lalo din kami nagkakalayo. Dumarami ang bagay na di ko na maiintidihan sa kanya. Dumarami ang tanong na gusto kong itanong. At ngayon ko lang din napagtanto na kahit pitong taon na kaming magkakilala ni Tin, ay di ko pala sya ganun kakilala.

Nagiging magulo ba ang lahat, dahil mahal ko na sya. Ganun ba kagulo ang pag-ibig? O sadyang magulo lang at isip at damdamin ng tao? :noidea:

Minsan gusto ko ng sabihin kung ano sya sa akin. At madalas gusto ko nang itanong kung ano ba ako sa kanya. :weep:











“Tin,pxnxa na.. busy lang ako.. Pero lagi nman kta naiisip, namiss kita.. Wag k n mgtampo. Pls.”



[Message Sent]






ITUTULOY...
 
Last edited:
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

pabasa din ts, natatawa ako ng konti nung binabasa ko yung simula, hehe
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

pabasa din ts, natatawa ako ng konti nung binabasa ko yung simula, hehe

Basa lang bro.. sana magustuhan mo.. TINATAMAD pa akong sundan,
parang kunti lang nkaka appreciate ng kwento..:weep:

Salamat na din.:salute:
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

SPOILER UPDATE..:yipee:
 
Re: NILAY [Unang Serye]: UTOT

Update ko na 4th continuation,nsa first post na,:clap:

sa mga silent reader ng kwentong to, feedback naman po..
salamat sa pagbabasa..:salute:
 
Re: NILAY [Unang Serye]: 14

TS san na yung kasunod Nakakabitin

ganda pa naman ng kwento mo....
 
Re: NILAY [Unang Serye]: 14

Nice gusto ang mga kwentong may lesson tsaka meaningful. Namatay pala si tin. :sad:
 
Re: NILAY [Unang Serye]: 14

pasensya na po kau kung ala pa update. medyo busy lang.. try ko po post yung dalwang continuation ASAP. sala mat po sa mga nag aabang.
 
Back
Top Bottom