mga sir/mam
meron po akong 2 aquarium dito.. dati po nag alaga na ako ng mga isda.. mga 10 years narin po siguro ang nakalipas.. want ko po sanang mag alaga ulit kasi gusto ng anak ko ang mga fish.. ano pong magandang alagaan na isda ngayun? at how much po? want ko po sana yung mga isda na low maintenance at nakaka tanggal stress..
BTW..
2 and a half feet lenght, 1 foot 8 inches height yung isa ko pong aquarium..
yung isa poh 2 feet lenght.. 1 foot 4 inches height..
tig iilang gallons poh sila sir? sensya na po newbie lang..
yung first tank is 20-25gallons pero tingin ko 20gallons yan
the second one is 15gallons pero much better kung mabigay mo
pati yung width, pero kung standard aquarium yan, eh tama nga
yung sinabi ko
about naman sa isda, madame ka po pagpipilian, just stay away
from barbs kase mahirap sila samahan and they need atleast
35gallons, so breakdown ko mga madali alagaan
Molly - madali lang sila alagaan, pero do your research merong
mga molly na bully. 15php - 50php
Zebra Danios - one of my favorite, madali lang sila isama sa mga
ibang isda and they come in different colors. (Pink, Blue, Yellow
and Green) 10PHP
Guppies - maganda ito sa community, dame strain nito or lahi
meron naman mumurahin at meron mamahalin. ito ang maganda
para sa anak mo kase sobrang makulay mga toh 20php - 4000php
Gourami(Dwarf Gourami) - take note na isa lang ang puwede
sa community para walang gulo, they tend to fight over teritory.
Dwark Gourami lang kase yun lang sakto sa tank mo. Never go
for 3 Spot Gourami, very Bully in my experience! 30-50php
Corydoras - Good in community. sarap panoodin pero konti lang
kulay nila, they look like common pleco or janitor fish but cuter and
smaller. dame din species nito hirap lang isa isahin. 30-50php
and ofcourse Cichlids - dame nito sa market, Blue Pindani, Auratus,
Convict, Flowerhorn, halos lahat ng isdaan or Fish Store di
nawawalan ng cichlids. pero take note mahirap sila isama or
pilian ng kasama kase bully, and they really grow big! as in BIG!!!
ano ba ibig mo sabihin sa low maintenance? anong mga
equipment ba ang mayroon ka na?