Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Gallery] DeuceCaliper's Drawings

Post #46 update.
May major life event lang na inaasikaso hanggang December kaya limited pa muna updates. :(
 
A week or so ago may natapos akong book cover para sa publishing house ng kaibigan kong writer.
Since gagamitin 'yon for print, courtesy na lang na saka ko na ilalagay dito (o sa Facebook page) 'pag approved at printed na.
O at least may permiso nung gagamit.

Kaya sa ngayon fan-art muna...

----

'Di ko sigurado kung kilala 'nyo, character siya sa isang fighting game na all-girls ang fighters. :)

33113927941_926a360f24.jpg

Sketch saka blocking ng colors, kung 'yon nga ang tawag sa ginawa ko. xD
Wala akong concrete idea sa porma ng kamay nito...

32859196590_6a1936751d.jpg

...Pero walang kwenta rin naman yung nilagay kong porma ng kamay. :cry:
Nabagalan ako sa progress ko dito kaya 'di ko na nagawan ng snapshots ng iba-ibang steps, such as:
  1. Digital inking
  2. Color flats
  3. Tones
  4. Colors
- - - 2017.03.05 - - -

33134573891_ff11a63fae.jpg

Changes based sa to-do list sa baba...

- - - 2017.03.07 - - -

33177807111_930e8f2361.jpg

Lighting lang saka ilang extras ang update.
Background na lang saka color adjustments.

- - - 2017.03.08: FINAL - - -

33168887712_5da98a9bc9_z.jpg

Background (credits to Willy Hwang, kung siya nga ang gumawa).
Adjustments: levels, gradient map (pang-warm)

Tools:
  • Lines/Colors: Painter
  • Post-processing: Photoshop
----​

To-do:
  • Refinements sa rough tones (ex. yung sa hip) - done na 'yan! :P
  • Tones sa buhok - done
  • Colorization ng lahat ng gray - done (saka madali lang naman 'to)
  • Lighting - done
  • Background - done
  • 2017.03.07: Post-processing (color adjustments) - done
Yay! xD
 
Last edited:
Update uli sa post #63.
'Di ko pa sigurado kung dadagdagan ko pa ng lighting.
Pero bukod don, background saka post-processing na lang ang kulang. :)
 
Ganda ng mga artwork mo idol, ibat ibang theme may concept at ang contrast, color selection sophisticated na, pati tonal shadows, sino mga idol mong mga artist?
mga binahasa ko kasi puro action manga, trip ko sana komiks kaso talagang bibili. Hilig ko rin kasi mag drawing hindi nga lang ganun kadalas, pero mga idol kong action scene na manga eto, vinland saga, gantz, baki, boku no hero. kaka-iba mga action stunts mga toh, tpos si jungi itou at albrecht durer din. at tsaka gaano katagal nyo po yang ginawa ?
 
Ganda ng mga artwork mo idol, ibat ibang theme may concept at ang contrast, color selection sophisticated na, pati tonal shadows, sino mga idol mong mga artist?
mga binahasa ko kasi puro action manga, trip ko sana komiks kaso talagang bibili. Hilig ko rin kasi mag drawing hindi nga lang ganun kadalas, pero mga idol kong action scene na manga eto, vinland saga, gantz, baki, boku no hero. kaka-iba mga action stunts mga toh, tpos si jungi itou at albrecht durer din. at tsaka gaano katagal nyo po yang ginawa ?

Salamats sa feedback. :D

Idols? Madami-dami 'to. Haha

Nung wala pa sa isip ko na makakagamit ako ng colors (lapis, papel, ballpen/sign-pen/tech-pen pa lang tools ko), 'eto:
  • Fernando Amorsolo (may nabasa akong magazine article dati na may kasamang sketches niya)
  • Arnold Arre (The Mythology Class author) - simple lines, rich colors
  • Leonardo da Vinci (especially yung mga studies/sketches)
Western comic book artists for line-art tulad nina:
  • Jim Lee, Jae Lee, Whilce Portacio. Line details ni Travis Charest. Alex Ross (painted comic book covers)
(Kabarkada ko kasi nahilig bumili dati ng mga sale na comics sa Book Sale)

Mula naman nang nakakagamit na ako ng computer (at nag-try ako ng manga na style):
  • Culture Crash Comics artists (style digital painting): Melvin "Taga-Ilog" Calingo and Elmer Damaso
(Nangolekta din kabarkada ko ng Culture Crash)

Lastly, Stanley "Artgerm" Lau. Merged na western saka Asian ang style niya. Karamihan din ng ginagawa ko sa coloring ngayon sa kanya ko nakuha.

Gaano katagal? Kung tuloy-tuloy, average mga ilang oras. Tumatagal lang ng days/weeks dahil sinisingit ko lang pagdodrowing dahil stressed/pagod pag-uwi galing work, saka gawaing-bahay, Basta ang goal ko muna makatapos ng gawa. Saka iniisip ko na lang na 'di ako pwedeng magdahilan na wala akong oras, lalo't may oras ako sa mas unproductive na bagay tulad ng pc/mobile games, Facebook o TV. Saka mahal ko pagdodrowing. <3 Haha

Maganda talaga action scenes sa manga. 'Di lang ako masyadong naimpluwensiyahan ng manga artists. Kadalasan kasi basic lang yung coloring saka line-art compared sa detalye ng Western comics. Saka mas maraming "daya" sa manga art. Pero nagbabasa ako ng manga minsan (Naruto, Bleach, One Piece, Gantz, Basilisk, Blade of the Immortal).

- - - Updated - - -

Final update sa post #63. :D
 
Last edited:
Fan art uli. Dahil lagi kong naaabutan yung Pokémon XY dati bago pumasok sa office...

----

34004434402_48ff4264e7_z.jpg

Sinubukan ko lang yung simula straight sa blocking colors. Minimal yung sketches, pang form lang minsan.
Low priority muna sa ngayon.

- - - 2017.05.05 - - -

34300492922_8930fcaf21.jpg

(Low prio daw pero ito lang ang may progress)
Refinements, lighting.

Tool: Painter

----​

To-do:
  • Refinements/corrections sa tones at shadow/lighting.
  • Pokéball, in hand. (saka mga Pokémons niya kung masisingit nang maayos)
  • Background.
  • Post-processing.

 
Last edited:
Back
Top Bottom