Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Gallery] DeuceCaliper's Drawings

May binalikan lang sa WIP pile ko. Personally created for a personal project...

27171660131_56d50c1978.jpg

Gusto ko lang magkaroon ng more recent illustration yung ibang characters ko. Hehe

- - - 2016.06.18 - - -

27129367743_35f917544e_z.jpg

Painted on a few details and tones to the arm, holster/straps, and the scarf.
Busy weekend kaya 'yon lang muna.

Tool: Painter

 
Last edited:
Woooooooh! ang lupit mo TS :10:
 
whaaaa. ang galing mo po. naiiyak ako :'(
hala, wala po akong intensyong magpaiyak. haha

ganda ng OCs mo TS :approve:
OC as in original character? Bunga ng daydreams frustrated collaborations. haha

Woooooooh! ang lupit mo TS :10:
'Di naman masyado, sir. More practice pa and a whole lot more to learn. :)


Thank you sa feedback, mga ka-Symb! :)

----

Dahil wala pang masyadong time, may idadagdag muna pala akong backlog sa pila...

27402169542_555bf3830b_z.jpg

June 2014: Rough sketch of a set of characters created in the early 2000s.
Story lang yata nila yung balak ko sanang i-render sa manga style.
Sinubukan ko lang gawan ng medyo recent drawing para 'di nila masabing nakakalimutan ko sila nung digital na medium ko. Hehe

26891575084_3acb524ab9_z.jpg

June 2014: Inked version.
Dito nag-alangan na akong ituloy dahil 'di ko masyadong gusto yung design and/or poses nung tatlong characters sa likuran.
Pero sinimulan kong kulayan yung dalawang girls (not shown).

27429146851_91a6cfd664_z.jpg

June 2016: ...At sinimulan ko na silang ayusin--after two years. xD
PERO mahihinto muna 'to. Ngayon lang ako talaga nagkaroon ng references at kailangan pang magbasa-basa 'pag may oras.

- - - 2016.06.12 - - -

27326170770_a327863ac9_z.jpg

Sketches of revised versions of the male characters. And minor adjustments to the girl in the front (light effects, and line art colors

- - - 2016.06.23 - - -

27229016234_f891d8ec3d_z.jpg

Wala pang final na design sa character sa kaliwa. One step at a time...

- - - 2016.07.04 - - -

27467629184_1c5cd73cb1_z.jpg

Added a temporary gradient background, adjustments to some light effects, saka tatapusin ko sana yung outfit ng character sa kaliwa...
Tapos naalala kong maaga akong papasok sa trabaho bukas... :hilo:

- - - 2016.08.02 (halos one month na pala) - - -

28107159693_5ca09b2497_z.jpg

Some details for the outfit of the character on the left, inks and rough tone for the character on the right (para may idea ako sa gagawin kong actual toning).

- - - 2016.08.09 - - -

28796262141_e114c73b86_z.jpg

Tones ng character sa kanan. (Temporarily hidden yung girls)
Dahil wala akong color reference ('di kasi sa 'kin yung character), saka na yung kulay.
Still open for improvements sa mga susunod na edit.

- - - 2016.09.02 - - -

29307170161_8daa987996_z.jpg

Colors ng character sa kanan.
Additional effects sa character sa kaliwa
Adjustments sa brightness/contrast/hue/saturation ng mga characters.
Saka slight atmospheric perspective at integration nila sa plain background.
Yung correction ng lighting kapag kumpleto na lang sila.

- - - 2016.09.30 - - -

30203906214_a5e797621f_z.jpg

Tones ng fourth character na nasa likuran.
Tattoo, tweaks, saka kaunting clean-up na lang 'pag may time.
Gusto ko sana major update kaso busy pa sa isang major life event hanggang December (hence the image date na September 30 pa).

- - - 2016.12.19 - - -

31743279005_d64ac73af2_z.jpg

Details ng character sa likuran (bandages, tattoo).
Color balance, subok lang na bawasan yung yellow na overall color.

30933313503_aa68493fbd_z.jpg

Tentative background ('di ko na-note yung source). Tentative dahil balewala hirap ko sa details kung 'eto gagawin kong final image. :slap:
Nilaro ko lang layer blending modes.
Inspired by the art of Budjette Tan's "The Lost Journal of Alejandro Pardo".

Gradient background/Lens Flare/Layer blending modes: Photoshop
Everything else: Painter

 
Last edited:
Minor updates:
  • 2016.06.12: Post #46 (sa taas^)
  • 2016.06.15: Post #1 (use the date as search keyword sa browser)
 
Last edited:
Minor update sa Post #42.
May update yung partner niya kaya siya naman daw. xD
 
Gaganda ng mga work mo TS, :salute:
:10: keep it up! :salute:
 
idol tips naman po kung paano ka nag start photoshop po ba muna or painter agad? grabe :thumbsup: ako sa mga gawa sana matuto din ako kahit papaano may mga artwork din ako dati kaso nawala ung hilig ko nung naadik sa dota. Nung nakita ko gawa mo nainspire ako grabe ang ganda buhay na buhay ung object <3
 
idol tips naman po kung paano ka nag start photoshop po ba muna or painter agad? grabe :thumbsup: ako sa mga gawa sana matuto din ako kahit papaano may mga artwork din ako dati kaso nawala ung hilig ko nung naadik sa dota. Nung nakita ko gawa mo nainspire ako grabe ang ganda buhay na buhay ung object <3

Salamats, ka-Symb. Kasama sa goal natin yung maka-inspire. :)

  1. Photoshop: nung may computer saka scanner sa bahay, ginusto kong sa subukang sa computer kulayan yung ibang drawings ko, pero 'di ko pa alam Photoshop non. Sinubukan ko pa sa bundled software nung scanner. Haha! Tapos may nabasa ako tungkol sa pagkulay ng line art gamit ang Photoshop. Sinubukan ko kaso mouse lang ang gamit ko non. Line art coloring lang naman ang kailangan sa comics (pero wala akong nagawang comics, ni isa. haha). Kaunti pa lang'ng alam ko non sa pagkukulay in general kasi 'di ko inakalang makakapagkulay ako. Akala ko hanggang pencil saka ink drawings lang (mahal ang art supplies kaya hanggang pangarap lang).
  2. Painter: kung alam mo yung Culture Crash Comics (yup, si Alodia at Ashley yung nasa image, dyan sila lalong nakilala as cosplayers), doon ko nakilala yung Painter kasi gamit nila sa pagkulay. Na-inspire ako sa Culture Crash kasi locally made saka dahil sa mga original characters, yung maiisip mong hindi pala malayong mabuhay yung mga characters saka stories na nasa imagination mo lang. Saka nagustuhan ko yung style ni idol Taga-Ilog (Melvin Calingo) sa "Pasig", yung parang painting. Nag-stick ako sa Painter kasi madaling gamitin sa coloring saka blending, mas mukhang natural. Ginagamit ko pa rin ang Photoshop pero madalas sa text saka post-processing na lang.
'Sensya, napahaba. Haha :lol:

Additional tip:
Kung ok ka naman na sa basics/fundamentals ng drawing saka coloring, at sariling style na ang habol mo o mayroon kang style na gustong makuha, tingin ka lang ng mga gawa ng artists na trip mo. Ok din kung may videos, makikita mo kung paano sila gumawa ng artwork.

Ang importante lang talaga 'wag tumigil. Saka tiwala sa sarili may mag-like man ng gawa mo o wala. :)
 
salamat idol :thumbsup: goodluck sa career mo simulan ko na mag aral ng photoshop sunday lang ako bakante kasi may work sana mahanap ko pa ung mga artwork ko dati kaso nasa dating bahay namin un panigurado natapon or nasunog na un. salamat idol ^^
 

Makikiuso lang. Haha...

28970840730_c9751f490e_z.jpg

Bellsprout and its evolutions, Weepinbell and Victreebel.
My favorite grass type pokémon nung naglalaro pa ako.
Not final.

Tool: Painter
 
Back
Top Bottom