Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Ghost Encounter - Tricycle

Tricycle šŸš¦
(A Short Story about a ghost encounter)

pic.jpg


Hindi ko alam kung panaginip ba ang mga nangyari o dahil lasing lang ako pero di ito mawala sa isip ko.

Pauwi na kami galing sa pyesta at mga nakainom na. Ako, ang pinsan kong lalake at ang isang tropa habang nakasakay sa tricycle namin pauwi sa bahay. Malayo layo ang pinuntahan namin at medyo madilim ang daan pero maayos ang kalsada. Mejo pahiga na pwesto ko sa loob dahil sa kalasingan pero alam ko pa rin ang mga nangyayari.

Mejo malayo layo na tinatakbo namin ng bumagal ang takbo ng tricycle. Hindi naman patarik o paakyat ang takbo kaya tumigil muna kami saglit kasi baka nasiraan. Sabi ko pa nga ng pabiro sunugin na lang namin kaya kasi palagi na lang nasisiraan pag umaalis kami. Sabi nang pinsan ko, okey naman daw at baka mabigat lang talaga. Sa isip ko, tatlo lang kami, bakit mabigat?

Pinilit namin umalis sa lugar kahit mabagal ang takbo namin. Ako lang ang nasa loob ng tricycle pero pakiramdam ko ang sikip ng inuupuan ko. Hindi ako natatakot pero dumating sa point na pakiramdam ko talaga na may humihila sa amin.

Mali siguro ang ginawa kong pag lingon sa likod. .Dalawang bata ang nakita ko. Ang isa ay naka dungaw sa likod ko, ang isa ay may tali,.nakatali, parang kinakaladkad namin, para siyang nakatali sa tricycle.

Sa taranta ay pinukpok ko ang likod ng tricycle. Hinampas ang batang nakadungaw at nakita ko siyang nalaglag. Nahila sya at nahulog kasama nung batang kinakaladkad. Para silang tinali pareho sa katawan, parang preso, yung parang tali sa mga movie pag nahuli kang nagnakaw.

Hindi ako nakapagsalita at hindi rin siguro napansin ng mga kasama ko na may nalaglag. Pagkauwi sa bahay, sinabi ko ang nakita ko.. Sabi nila mukha daw akong tulog sa loob ng tricycle at wala silang nakita na kasama namin pag uwi. Hindi nila narinig ang pag hampas ko nung nalaglag ang bata pero sa sarili ko, ramdam ko ang sakit ng kamay ko. Sa loob loob ko, totoo ang nangyari at sa tingin ko hindi rin sila maniniwala kahit ipilit ko pa. Wala akong third eye at hindi ko rin pinangarap na magkaroon..pero sana, .. sana matahimik na yung dalawang bata, totoo man sila o hinde.


-edit: nilagyan ng pic at edit ng slight para intense hehe
 
Last edited:
Back
Top Bottom