Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ghost Stories (update:Trip End)

share po tayo ng karanasan natin,
okaya ay kwentong nasa guni guni natin..
dito lang po sa [SIZE=+2]Ghost Stories[/SIZE]..

Page 1 ------ One Step Forward Part 1-8
Page 2 ------ Be Careful What You Wish For Part 1-6
Page 3 ------ Campus Queen Part 1-3
Page 4 ------ Campus Queen Part 4-6
Page 5 ------ Campus Queen Part 7-9
Page 6 ------ Campus Queen Part 10-12 | Alexa(sequel)
Page 7 ------ Campus Queen Part 13-15
Page 8 ------ Campus Queen Part 16-17
Page 9 ------ Campus Queen Part 18-19
Page 11 ------ Campus Queen Part 20-23
Page 12 ------ Campus Queen Part 24-25
Page 13 ------ Campus Queen Part 26
Page 14 ------ Campus Queen Part 27(Finale)
Page 15 ------ The Girl From Cyber Wolrd 1
Page 16 ------ The Girl From Cyber World 2 & 3
Page 17 ------ The Girl From Cyber World 4(End)
Page 19 ------- Trip Part 1-6
Page 20 ------- Trip Part 7-End ; 7 Deadly Sins (Gluttony)

Other Ghost Stories
Noong Bata Ako
Umuuga Ang Kama

[SIZE=-2]just like us on Facebook..Ghost Stories Mo, Post Mo Dito[/size]​
 
Last edited:
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 19)

Campus Queen Part 20
by ARIAN

+G+

"Im sorry Ysa.. "nasabi na lang ni Tristan. "Hindi ko sinasadyang saktan ka" bulong nito at saka ito parang bulang nawala.

Dahan dahang napaluhod si Ysa habang bumubuhos ang luha nya, si Lexin ay iniwan na sya, panong ngayon naman ay pati si Tristan ay mawawala na din, sino na lang ang magiging kakampi nya.

"YSA.."isang kamay ang humawak sa kanyang balikat, alam nyang si Carlo yun, nilingon nya ang inspector at doon bumuhos ang luha nya, kaya pala may pagkakahawig si Tristan at Carlo, pati sa ugali.

"Ysa.. anong problema?"nakakunot noong tanong ni Carlo.

Umiling lang si Ysa at kapagdakay napaupo sa sahig. "Anong kinamatay ng pamangkin mo?"natanong na lang ni Ysa.

Napabugtong hininga si Carlo at kasunod noon ay ang pagtanaw nya sa paligid. "Dito.. Dito mismo sya sa rooftop na ito namatay.."

"Dito? Paanong?"

"Walang makapagsabi sa totoong nangyari Ysa, basta nahulog sya mula dito sa rooftop, may nagsasabing nagpakamatay daw si Tristan pero hindi ako naniniwala, mahal na mahal ni Tristan ang Mama nya para gawin yon,at isa pa.. Nakausap ko pa sya bago yung insidente na yun, at masayang masaya sya...."

***

"Hoy Tristan, ngingiti kang magisa dyan!"bati ko sa kanya ng minsang makita ko syang pangiti ngiti habang nagaagahan.

"Wala Uncle.. May iniisip lang..ikaw talaga.."ngiting sagot nya. "Basta ganto pala ang feeling ng.... Ewan..!"

"Naks, mukhang inspires ka pamangkin ah.."kantyaw ko sa kanya noon.

"Basta Uncle, kung ano man ito, another reason to para mas maging masaya ang buhay ko, paano Uncle, pasok na ako at ng masilayan ko na sya.."masayang paalam ni Tristan noon saka yumakap pa sya sa akin at wala ako kamalay malay na yun na pala ang huling pagkikita namin ni Tristan.

Alas diyes ng gabi noon ng tumawag sa akin si Ate Trini na iyak ng iyak.. Patay na daw si Tristan, tumalon sa rooftop ng school kung saan sya madalas nakatambay.

***

"Hindi mo man lang ba naisip na maaring may nangyaring hindi maganda noon na naging dahilan para gawin nya yon"seyosong sabi ni Ysa.

"Maari, pero talagang malabo, iba si Tristan, ang daming problemang dumaan sa kanya pero kahit kailan hindi sya nagisip ng masama, ngingiti lang yan.."kwento ni Carlo.

Napangiti si Ysa sa sinabi ni Carlo na yon, si Tristan nga ang tinutukoy nito, palaging nakangiti kahit anong problema.

"Alam mo ba na sya ang dahilan kung bakit mula sa pagiging NBI agent ay nagpalipat ako pagiging ordinaryong inspector sa bayan na to, gusto ko kasi maimbestigahan ko ang maaring koneksyon ng pagkamatay ni Tristan sa patayan 3years ago at sa patayan ngayon."pahayag ni Carlo, napatingin dito si Ysa.

"May kinalaman Ang pagkamatay ni Tristan sa mga patayang nangyayari?"nagugulihan nyang tanong.

"Maari, pakiramdam ko may kinalaman din ito dun sa sinasabi mong babaeng nakaitim"makahulugang sabi ni Carlo.

Napatingin dito si Ysa at napanganga, si Carlo na ba ang maaring makatulong sa kanya, tanong nya sa isip nya, Pero natatakot sya na pati ito madamay sa kamalasan nya.

"Ysa.."putol ni Carlo sa kanyang mga iniisip. "Alam mo bang mahilig magdrawing noon si Tristan?"nakangiti biglang sabi ni Carlo.

"Talaga? Mahilig din ako magdrawing.."sagot ni Ysa.

"Bago pa mangyari iyong sunod sunod na insidente noon, madalas may mapanaginipan si Tristan na babae, lagi nyang kinukwento sa akin, dinedescribe, at hindi pa sya nakatiis, dinrowing nya yung babae"kwento ni Carlo at saka kinuha ang wallet nya. "Nakatago pa sa akin yun, sabi nya kasi, kung sakali daw na may makulong na ganun ang itsura sa prisinto, sabihin nya daw sa akin at pipyansahan nya"natatawang sabi ni Carlo sa alaala ng pamangkin saba kuha ng isang nakatiklop ng papel sa wallet nya at inabot kay Ysa.

Tila naman naguguluhan si Ysa kung bakit binigay sa kanya iyon, kinuha na lang nya ito at binuklat at napanganga na lang si Ysa sa pagkamangha.

"Paanong.."

"Kamukhang kamukha mo sya diba Ysa..kamukhang kamukha mo ang dream girl ni Tristan, alam mo ba na nagbiro pa sya sa akin noon, na kung sakaling patay na daw sya at saka pa lamang nya nakita ang babaeng yan, hindi pa din daw sya magdadalawang isip na magpakilala.."wika ni Carlo, napatingin naman si Ysa sa inspector at saka tumitig muli sa drawing at saka nya yon niyakap at nagumpisang tumulo ang luha.

"Ysa..okay ka lang?"nagaalalang tanong ni Carlo.

"Alam mo ba, nung unang araw ko sa LAC ay may isang lalaki akong nakilala dito mismo sa rooftop na to, napakabait nya..ilang beses nya akong tinulungan, at hindi sya nagsawang patawanin ako sa mga oras na sobrang miserable ako, bago mamatay si Papa ay kasama ko pa sya, and you know what, yung moment na yun ang pinakasafe na pakiramdam ko.."tuluyan ng napaiyak si Ysa sa kwento at isang malakas na hangin ang umihip, kasabay noon ay ang biglang pagsulpot ni Tristan sa at pagupo sa tabi nya, walang nakakakita kay Tristan ng mga sandaling iyon maging si Ysa.

"Pero kanina lang.. "tuloy ni Ysa sa kwento nya. " I just found out, na yung taong iyon na nagbigay sa kin ng pinakakomportableng pakiramdam...ay matagal na pa lang pata.."at pagkasabi noon ay bumuhos ang luha ni Ysa.

Natulala si Carlo sa narinig at hindi makapaniwala. "Nagpapakita sayo si Tristan?.."

Tango na lamang ang sinagot ni Ysa at saka sya nagpatuloy sa pagtangis. "Ano ngayon Tristan! Masaya ka ba sa nakikita mo..? Masaya ka ba na nasasaktan ako, SUMAGOT KA!!"wika ni Ysa.

Nakatitig lang si Tristan kay Ysa noon at hindi nya napapansin ang pagpatak ng mga luha nya, hindi sya makapaniwala na ang babaeng importante sa kanya ay nasasaktan nya.

"IM SORRY YSA.. IM SORRY.."iyak ni Tristan at saka yumakap sa dalaga mula sa likuran nito.

Pakiramdam naman ni Ysa ng mga sandaling iyon ay may kung anong hangin ang yumakap sa kanya.

"TRISTAN.."nasambit na lang ni Ysa at saka niyakap nya ang sarili.

+ S

"WHATT? ANONG IBIG NYONG SABIHIN NA MAHINA ANG EBIDENSYA?"nanlalaki ang matang sabi ni Inspector Bonker, kausap nya ang abogado ni Corine na si Atty. Editha Aurea.

"You heard it right, hindi nyo man lang siniguro na valid ang mga ebbidensya nyo at agad agad nyo ng kinulong ang kliyente ko, pwede namin kayong idemanda"sopistikadang pahayag ng isa sa magagaling na lawyer ng Pilipinas.

"Pero.."

"Hindi nyo gugutuhin na maiskandalo itong prisinto nyo dahil dyan Inspector, imagine, kinulong nyo si Corine for one week dahil lang sa isang tape recorder na maari namang hindi talaga sya, and for some reason, ginawa nyo pang non Bailable ang kaso nya."mayabang pang wika ng attorney.

Napatameme si Bonker ng mga sandaling iyon at saka napahinga ng malalim, kapagdakay tinawag ang isang pulis at sinabing pakawalan si Corine.

Ilang saglit pa ay kasama nito si Corine.

"YOU STUPID PIG!"nanlilisik ang matang sabi ni Corine. "Sisiguraduhin ko na magbabayad kayo sa ginawa nyo sa aking to!"

"Attorney Aurea, pagsabihan nyo yang kliyente nyo.."banta ni Bonker.

"Corine, halika na, umuwi na tayo,"awat ni Editha sa dalaga.

"No Attorney, may sasabihin pa ako.."ani Corine. "Alam nyo! napakatatanga nyong mga pulis kayo dahil nagpauto kayo kay Ysa at Lexin, bakit hindi nyo imbestigahan yang si Ysa, alam nyo bang dalawang kaibigan na nya ang magkasunod na namatay..!!"sigaw ni Corine pero inawat na ito ni Editha at saka hinila palabas ng prisinto.

Naiwan namang napapaisip si Bonker sa mga binitawang salita ni Corine.

+ M

"Hindi ako makapaniwala na nakakausap mo pala ang pamangkin ko noon pa.."putol ni Carlo sa mahabang katahimikang kanina pa nila pinagsasaluhan.

"At hindi rin ako makapaniwalang nakakausap ko sya.."sagot naman Ni Ysa na tumigil na sa kakaiyak.

"Nandito ba sya..??"tanong ni Carlo.

Umiling si Ysa at tumingin kay Carlo."Bakit?"

"Madami kasi akong gustong itanong, gustong sabihin.. At gustong liwanagin.."malungkot na sabi ni Carlo.

"Kung ano talaga ang sanhi ng pagkamatay nya? Wala ba syang kaibigan man lang noong nabubuhay sya na pwede mo pagtanungan?"wika ni Ysa.

"Meron pero hindi ko kilala, nagtanong tanong ako nung nagiimbestiga kami pero wala na daw sa school na yun, ewan ko pero lahat sila tikom ang bibig."

Biglang naalala ni Ysa ang kwento ng kaibigan nun na si Aileen, na hindi daw inilabas ng school ang mga pangyayari dahil sa takot na walang magenrol doon.

"May isang lalaki lang kaming nahuli noon na umamin na sya daw ang pumapatay pero duda kami, at ang mas nakaduda pa ay nahatulan kaagad ang lalaking yon.."kwento ni Carlo.

"Sinong lalaki?"tanong ni Ysa.

"Si Alfonso Bautista, sya ang tatay nung isang estudyanteng napabalitang namatay dahil sa pagkaposses.."sagot ni Carlo.

"Si Aileen? Tatay ni Aileen ang nanagot sa nangyari noon??"gulat na sabi ni Ysa.

"OO..bigla bigla syang umamin, sa totoo lang ay mahina ang ebidensya pero masyadong agresibo ang mga magulang nung napatay noon kaya nakulong pa din sya.."si Carlo.

Napaisip ng mamalim si Ysa, sa totoo lang ay madami pa pala suang hindi alam sa kaibigang pumanaw, at saka sya may naalala bigla..

***

"O ano? Iiyak ka na.. Kawawa ka naman.. Ano gagawin mo ngayon? Magsusumbong ka sa tatay mong kriminal? Whoa.. Papapatay mo kami ha Aileen" nang-aasar pang sabi ni Bea.

***

Tama! Sa isip ni Ysa, iyon ang dahilan para magtatakbo si Aileen sa sama ng loob, naalala na nya.

"Ysa?"tawag pansin ni Carlo.

"Carlo.. Kailangan tulungan mo ako! Kailangan masagot natin lahat lahat ng mga katanungan natin, madami ng namatay at hindi na ako papayag na may sumunod pa! At lalong lalo na kung importanteng tao na naman sa buhay ko!"matapang na pahayag ni Ysa.

+ P

Ilang araw ng nagmumukmok si Lexin sa kwarto nya, kinababahala na ito ng kanyang ina at lola.

"Anak..Lexin, anak halika na kumain na tayo.."aya ni Maita sa anak na nagkukulong sa kwarto.

Pero walang Lexin na sumagot, kaya naman naiiling na umalis na lang si Maita.

Sa loob ng kwarto ay nakatanaw lang sa bintana si Lexin at nakatulala.

"Ysa.." lagi nyang sambit.

Madilim na madilim at gulo gulo sa kwarto nya,wala syang pakialam.

Maya maya ay nakaramdam ng panlalamig si Lexin, kaya patay malisya na lang nitong sinara ang binata at bumalik sa kanyang kama.

Maya maya ay biglang bumukas ang bintana, pintuan sa banyo at pati ang ilaw. Napabalikwas ng bangon si Lexin sa pagkabigla. Dahan dahan syang tumayo at palinga linga ang mata, pagkatapos ay tinungo nito ang bintana at sinara, pagkatapos ay ang pintuan ng cr at pagawi na sana sya sa ilaw ng bumukas ulit ang bintana at pintuang kakasara lang na kinagulat nya. Agad syang bumalik mulit dito at matapang na sinara ang ito at saka nagmamadaling pumunta sa ilaw at saka ito pinatay at pagkatapos at agad tinungo ang pintuan at akmang lalabas na pero nabuhay muli ang ilaw, pero sa pagkakataong ito ay dinig nya ang tunog ng switch na parang may nagbubukas, maya maya ay namatay muli ito, patay sindi ang ilaw kasabay ng tunog ng switch at dahan dahang nilingon ni Lexin ang switch at doon ay nakita nya ang babaeng nakaitim na ini-on at off ang ilaw, nakatingin sa kanya at nakangisi.

"AARHHHHHHHHHHHH"

Pababa na noon si Maita ng marinig ang sigaw ni Lexin, agad agad syang bumalik sa kwarto nito at kinatok ito.

"Lex! Anak! Lexin! Buksan mo ang pinto!"katok ni Maita sa pintuan at pamaya maya ay napalitan na ng Kalampag. "LEXIN! OPEN THE DOOR!"

Pero wala pa rin nagbukas, bagkos ay sunod sunod na kalampag ang narinig nya sa loob ng kwarto, nagpanic na si Maita kaya agad agad nitong tinawag ang biyenan.

"MA! SI LEXIN! SI LEXIN! KUNIN NYO ANG SUSI! "sigaw ni Maita at saka tinuloy pa rin ang pagkalabog sa kwarto.

Si Marietta naman ay panic na panic na umakyat kasunod ang katulong na may dalang susi.

"ANO BANG NANGYAYARI?"tanong ni Marietta na putlang putla sa pagaalala.

"HINDI KO ALAM MA, BIGLA BIGLA NALANG SYANG SUMIGAW"kabang kabang sabi ni Maita.

Isang malakas na kalabog na naman ang narinig nila sa loob at isang malakas na daing mula kay Lexin.

"DIYOS KO ANG APO KO! BUKSAN MO NA ANH PINTUAN!"utos ni Marietta sa katulong, agad namang tumalima ang katulong.

"Nyora, ayaw po eh.."wika ng katulong.

"ANO KA BA! BAKA HINDI YAN YUNG SUSI, NAPAKATANGA MO! BUMABA KA KUNIN MO YUNG SUSI AT BAKA NAPAPANO NA ANG ANAK KOO!"galit na sabi ni Maita sa katulong.

Agad agad namang tumalima ang katulong.

"Ma, anong nangyayari sa anak ko!"umiiyak na si Maita, sakto namang dating ni Alberto.

"ANO BANG NANGYAYARI AT NAGKAKAGULO KAYO?"sita nito.

"ALBERT, TULUNGAN MO KAMI, TULUNGAN MO SI LEXIN, KANINA BIGLA NA LANG SYANG NAGSISISIGAW TAPOS KUMALALBOG SA LOOB AYAW NAMANG BUKSAN!"tarantang sabi ni Maita.

Tinungo nI Albert ang pintuan at pinihit ang seradura pagkatapos ay tinapat ang tenga sa pintuan.

"Lexin!"tawag nya pero isang malakas na ungol at daing ang kanyang narinig kasunod ng isang malakas tunog ng nabasag na salamin. "LEXIN!"panic ni Albert ng marinig iyon. "ISTONG! BADONG! HALIKA KAYO DITO DALI!"tawag ni Albert sa mga body guard. Agad namang nakapanik ang guard at inutos dito ni Albert na pwersahang buksan ang pinto at ganon na nga ang ginawa ng dalawang bodyguard na malalaki ang katawan, gamit ang buong lakas at tamang bwelo ay binunggo nila ang pinto hanggang sa bumukas na ito, si Maita ang unang pumasok.

Kitang kita nya na hila hila ng babaeng nakaitim si Lexin sa paa, puro dugo ito na hula nya ay nanggaling sa basag na salamin ni Lexin.

"IKAW...!"bulalas ni Maita kasunod noon at saka bigla itong nawala, pagdakay isang malakas na sigaw ni Marietta na sunod na pumasok.

"LEXIIINNNNNNN!"sigaw nito bago tuluyang mawalang ng malay.

"MA! MA! BUHATIN NYO DALI! KUNIN NYO SI LEXIN! DALIAN NYO! DALIN NATIN SILA SA HOSPITAL"panic ni Albert ng makitang nahimatay ang ina at si Lexin na duguan at walang malay.

+ M

"YSA?"gulat na sabi ni Rebecca, ang ina ni Aileen.

"Tita Rebecca, kamusta na po?"bati ni Ysa.

"Mabuti naman, halika tuloy ka.."aya ni Rebecca sa kaibigan ng anak na pumanaw.

Pagkatapos ng klase ni Ysa ay dumiretso na sila ni Carlo sa bahay nila Aileen, nagpaiwan na lang si Carlo sa kotse nya at baka masamain ng ina ni Aileen pag nakita sya.

Napansin ni Ysa na hindi tulad ng huli nyang punta, medyo madalang na lang ang gamit ngayon sa bahay nila Aileen, karamihan ay nakakahon na.

"Pasensya ka na magulo Ysa, nagaayos na kasi ako ng gamit at balak na naming lumipat ng bahay, tutal kaming dalawa na lang ng bunso ko.

Tango na lang ang sinagot ni Ysa at saka ginala nya ang mata, at doon nakita nya ang picture ni Aileen, ngiting ngiti ang kaibigan doon at buhay na buhay pa, napalapit si Ysa dito ay hinawakan ang picture ng kaibigan.

"Namimiss mo na din ba si Aileen Ysa?"narinig na lang nyang tanong ni Rebecca na kanina pa pala nasa tabi nya.

"opo..miss na miss ko na sya, sila lang po kasi ni Marj ang kaibigan ko dito tapos pareho pa silang.."

"Shhhh, tama na, panahon na para magmove on Ysa, walang mangyayari kung papaapekto pa rin tayo sa nakaraan.."nakangiting sambit ni Rebecca saka inakbayan si Ysa ay iginiya sa sofa para maupo.

"Pero paano naman oo kung yung nakaraan mismo ang humihila sayo pabalik sa kanya."nasabi na lang ni Ysa pagkaupo.

"Anong ibig mong sabihin?"usisa ni Rebecca.

"Tita, hindi nyo po ba nababalitaan ang nangyaring patayan sa LAC?"ganting usisa ni Ysa.

"Patayan? Na naman? Paanong.. Wala akong nababalitaan dahil madalang na lang akong manood ng tv"nabiglang sabi ni Rebecca.

"Sunod sunod na naman pong brutal na patayan ang nangyari.."kwento ni Ysa.

Napatayo si Rebecca at napatingin sa picture ng anak. "Sino naman kaya ngayon ang pipilitin nilang umamin sa patayan na yan?"parang may hinanakit sa tonong wika ng ina ni Aileen.

"Tita? Bakit nyo po nasabing pipilitin?"tanong ni Ysa na tila nagkakaidea na tungkol sa sinasabi ni Rebecca.

"Alam ko hindi ko dapat ikwento sayo to Ysa dahil wala ka namang kinalaman, pero tutal kaibigan ka naman ni Aileen hindi nya siguro mamasamain kung ikwento ko man"umpisa ni Rebecca. "Ysa, hindi ka ba nagtataka o nagusisa man lanf kay Aileen noon ng tungkol sa ama nya?"

"Hindi naman po.."

"3 years ago ng magkasakit ang magkasakit ang isa pa naming anak na wala na din ngayon, si Anthony, nagkaroon sya ng leukemia, masyadong madugo ang pagpapagamot namin sa kanya kaya napilitan kaming mangutang, at ang nautangan namin noon ay ang si Congressman Mariano na boss ni Alfonso, umabot sa isang milyon ang pagkakautang namin, akala ko noon kusang loob niyang ginagawa yon, walang wala sa loob na kasalukuyan na palang may patayang nangyayari sa LAC, pero siguro kalooban na rin ng diyos, namatay din si Anthony, at kasabay ng pagkamatay nya ay biglang paniningil ni Congressman, humingi ng palugit si Alfonso pero hindi sya pumayag, kung gusto daw nya, ako na lang ang ibayad o kaya si Aileen. Galit na galit noon ang asawa ko pero wala syang magawa sa kademonyohan ni Mariano, hanggang sa makilala nya si Mr. Rivera na isa sa board member ng LAC, nagalok sya ng tulong kay Alfonso, pagbabayad sa utang nya kapalit ng pagamin sa kasalanang hindi naman nya ginawa, noong una ayaw pumayag ni Alfonso pero nung sinabi nitong buwan buwan kaming magkakaroon ng sustento at libre ang pagaaral ni Aileen ay pumayag din sya. Kung alam mo lang ang sakit sa loob namin ng umamin sya sa krimen sa patayan ng LAC dahil sa pagmamahal nya sa amin.."naiiyak na kwento ni Rebecca.

Tumayo si Ysa at niyakap si Rebecca, ayaw na nyang magtanong pa at malinaw na sa kanya ang lahat.

"Gusto ko sya makalaya.. Wala ng saysay ang pagsasakripisyo nya dahil patay na ang anak nya at hindi ako papayag na doon din magaral ang natitira kong anak!"pahayag pa ni Rebecca.

"Hayaan nyo tita, tutulungan ko kayo.. para kay Aileen, tutulungan ko kayo.."paniniguro ni Ysa, at matapos ang kanilang paguusap ay may binigay si Rebecca kay Ysa.

"Ysa.. May sulat akong nakita sa desk ni Aileen nung nagliligpit ako, para ata sa inyo ni Marj.."ani Rebecca at saka inabot ang isang puting sobre.

Hindi na muna binasa ni Ysa ang sulat at nagpaalam na kay Rebecca, pagkalabas at pagkalulan sa kotse at binuksan nya ang sobre ay nakita nya kaagad ang sulat at binasa.

Dear Ysa and Marj,

Ang daming kakaibang nangyayari sa akin mula ng mangyari yung sa CR,madalas makakita ako ng babaeng nakaitim, nakakatakot sya pero tinatapangan ko na lang, katulad ngayon habang sinusulat ko to ay papatay patay ang ilaw at gumagalaw ang bintana na parang may nagpipilit pumasok.

Pakiramdam ko hinding hindi na tayo magkikita kaya gusto ko magpasalamat sa inyong dalawa sa pagiging totoong kaibigan. Kasama ng sulat na ito ay ang picture nating tatlo. Ingatan nyo ah.

Nagmamahal,
Aileen
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 20)

ay naman.. wala pa rin?
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 20)

CAMPUS QUEEN Part 21
by ARIAN

+ G

***

Isang babae ang tumatawag kay Lexin.

"LEXIN, SUMAMA KA NA SA AKIN, IWANAN MO NA LAHAT NG PAGHIHIRAP MO, HALIKA NA"anyaya ng babae na malabo ang itsura.

Parang nahihipnotismo namang naglakad si Lexin papunta sa babae. Tulala at parang dalang dala sa pagtawag ng kung sino man yun.

"HALIKA NA LEXIN! HALIKA NA.. IWAN MO NA SILA.. HALIKA NA"

Parang sunud sunuran si Lexin sa boses, ni wala na sya sa sariling pagiisip.

"LEXIN, TAMA, SUMAMA KA NA SA AKIN, WALANG PAGMAMAHAL SAYO SI ALBERT, SI MAITA NAMAN AY WALA LAGI SA TABI MO AT ANG BABAENG MAHAL MO AY PINAGTATABUYAN KA"sabi pa ng babaE.

***

Samantala,si Ysa at Maita ay umiiyak lang na nakatanaw sa pagsasagip ng doctor sa buhay ni Lexin.

Nakatanaw si Ysa sa makina kung saan kitang kita nya na malapit ng magpflat ang linya na nangangahulugang malapit na ito mamatay.

"Lexin, lumaban ka, huwag mo ako iwan..please.."wika ni Ysa.

***

"TAMA LEXIN.. SIGE, SUMAMA KA NA SA AKIN.."aya pa ng babae na unti unti ng lumilinaw ang itsura, at kitang kita na eto ay ang babaeng nakaitim.

***

TOOOOOOOTTTTTTTTTTTTTTT...

Isang mahabang tunog na nangangahulugan na nabigo ang mga doctor sa pagsagip ng buhay ni Lexin.

"NO LEX! NOOOOO"sigaw ng ina ni Lexin na si Maita.

Si Ysa ay nakatanaw lang sa minamahal at maya maya ay agresibong pinuntahan ito kahit pigil na ng mga nurse.

"BITIWAN NYO AKO!"matigas na sabi ni Ysa ng tangkang hawakan sa braso ng nurse. Kinabig lang nito ang kamay ng nasabing nurse.

"Lexin.. Mine.. Wag mo akong iiwan.. Wag naman oh.."simula ni Ysa habang nakahawak sa braso ni Lexin at tumutulo ang luha. "Mine.. Gising ka na.. Please.. Wag naman pati ikaw.. Wag naman.."yugyog pa nito sa binata.

"MA'AM kailangan na po naming asikasuhin ang pasyente"sabi ng isa pang nurse at saka ito hinila palayo sa binata.

"HINDI.. HINDI.. MABUBUHAY SYA.. LEXIN! HOY LEXIN! BUMANGON KA NA DIYAN! BUMANGON KA NA! PLEASE! LEXIIIIN! MINE.."iyak ni Ysa sabay yakap sa binata.

***

Ilang hakbang na lang ay malapit na si Lexin sa babaeng nakaitim, pero isang tinig ang narinig nito mula sa kung saan...

"HOY LEXIIN, BUMANGON KA NA..PLEASE.."ani ng tinig.

Para namang nagising si Lexin mula sa pagkakatulog ng marinig iyon.

"YSA.."sambit nya at saka biglang huminto sa paglalakad.

"HUWAG LANG HUMINTO! HAYAAN MO SI YSA.. SINAKTAN KA LANG NYA! SUMAMA KA NA SA AKIN!"agresibong sabi ng babae ng makitang tumigil si Lexin.

"Hindi.. Kailangan ako ni Ysa.. Kailangan nya ako.. Kailangan ako ni Ysa..!!"wika ni Lexin saka tumakbo pabalik sa pinanggalingan.

"HINDIIIIIIIIIIIII!"

***

"LEXIIIINNNN, LEXIIINNNNN"iyak ni Ysa habang nakayap sa binata.

Maya maya ay naramadaman syang pagkilos mula sa binata, kasabay noon ay ang muling pagtunog ng makina na nangangahulugan na buhay sya.

"Uh.. "ani Lexin. "Ysa.."

"LEXIN! BUHAY KA!"biglang panlalaking matang sabi ni Ysa, napalaki din ang mata ni Maita at napalapit sa anak.

Dumilat si Lexin at tiningnan si Ysa, nakayakap pa rin ang dalaga sa binata.

"Ysa.. "tawag ulit nito sa dalaga.

"BAKIT?"

"Ano ka ba naman, nakaratay na nga ako lahat lahat, nakuha mo pa akong tsansingan.."mahina pero natatawang sabi ni Lexin.

Napangiti at napaiyak naman si Ysa saka tinapik ang binata at umalis sa pagkakayakap dito. "Sira ka talaga, at nakuha mo pa talaga magbiro ng ganyan"wika nito.

Ngumiti lang si Lexin at saka tumingin sa ina na parang nabunutan ng tinik ng makitang buhay pa ang anak nya, nginitian din ito ni Lexin at saka nanghihinang inaya itong lumapit pa. Lumapit naman si Maita ay hinawakan ang kamay ng anak.

"Ysa.. Ang Mama ko, ang nagiisang babaeng mahal ko ng hindi ka pa dumadating sa buhay ko.. "pakilala ni Lexin sa ina. "Ma, si Ysa po.. Ang buhay ko.."pakilala naman ni Lexin kay Ysa.

At isang nakabibinging katahimikan ang pinagsaluhan ng tatlo, lingid sa kaalaman nila ay nasa labas at nakatanaw mula sa salamin ang babaeng nakaitim at nanlilisik ang mata.

+ S

Lumipas ang araw at unti unti na ring bumalik ang lakas ni Lexin, pinayagan na rin ito ng doctor na makalabas.

Si Ysa naman ay sinama ang ina at dalawang kapatid na dumalaw kay Lexin bago pa lumabas ng hospital dahil napamahal na rin ito sa kanila, tuwang tuwa naman si Lexin ng makita ang kapamilya ng girlfriend nya.

"Tita Lina, pasensya na po kayo kung hindi man lang ako nakapunta sa burol ni Tito Javier, sinisisi ko po kasi ang sarili ko sa nangyari"hingi ng paumanhin ni Lexin sa ina ni Ysa habang naguusap sila.

"Hijo, ano ka ba? Walang dapat sisihin sa nangyari.."

"Meron.. Merong dapat sisihin, yung babaeng nakaitim na yon!"putol ni Ysa sa sinasabi ng ina.

"Ysa.. Wala tayong laban sa kung sino mang babaeng nakaitim na yun kaya ipagpasadiyos na lang natin ang lahat.."malumanay na sabi ni Lina.

"Hindi pwede, lahat na lang ng taong importante sa akin kinukuha nya.. Si Papa, si Marj, si Aileen, si Tri..."biglang tinigil ni Ysa sa huling sasabihin.

"Sino Ysa?"takang tanong ni Lexin.

"Wala wala.. Tapos ikaw muntik na rin nyang kunin, bakit lahat nalang ng malalapit sa akin kinukuha nya.."galit na sabi ni Ysa.

"Ysa.. Tama na yan, buti pa pagpahingahin mo na si Lexin at umuwi na tayo.. "aya ni Lina sa mga anak at saka tumayo, akma namang aalis na rin si Ysa ng pigilan ito ni Lexin.

"Tita Lina, pwede ko po muna ba makausap si Ysa.. May sasabihin lang ako.."pakiusap ni Lexin.

"O sige hijo, hihintayin ka na lang namin sa labas Ysa.."bilin ni Lina sa anak at saka lumabas na ng pinto.

Naiwang magisa si Ysa at Lexin sa loob, lumapit si Ysa kay Lexin.

"Pwedeng pakikuha yung paper bag na maliit dun sa cabinet.."utos ni Lexin kay Ysa.

"Asus, ikaw talaga Mr. Apostol, may papakuha lang kailangan pang maiwanan"reklamo kunwari ni Ysa at saka kinuha sa loob ng cabinet ng hospital ang pinapakuha ng binata. Doon nakita nya ang isang paperbag na kulat gold, kibit balikat na inabot nya yun kay Lexin.

"O pwede na ba akong umalis?"nakapamewang na sabi ni Ysa sa binata.

"Asus ang sungit mo naman, lika nga dito lapit ka sa akin"aya ni Lexin kay Ysa, nakataas ang kilay na lumapit si Ysa kay Lexin.

Hinawakan ni Lexin ang kamay ni Ysa at saka ito nilagay sa dibdib nya.

Napangiti sI Ysa at saka kinuha ang kamay pero pinigil ni Lexin.

"Ysa.. Alam ko sobrang laki ng kasalanan ko sayo, ilang beses kitang sinaktan, ilang beses pinaiyak at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil doon,"umpisa ni Lexin.

"Asus.. Ano ka ba, tapos na yon, ang importante ngayon magkasama tayo, buhay ka.."

Napahinto si Ysa ng ilapit ni Lexin ang mga kamay nya sa labi nito at halikan at maya maya ay may kinuha sa paperbag na isang maliit na kahon na kulay itim, at saka binuksan iyon, at doon tumambad kay Ysa ang isang napakagandang singsing na napapalibutan ng diyamante. Napanganga si Ysa at hindi malaman ang sasabihin.

"MARIA YSABELLA FAJARDO, MAARI BANG IBIGAY KO SAYO ANG APELIYIDO KO?"nakatitig na sabi ni Lexin kay Ysa.

"LEXIN.."

"pwede bang ikaw na ang maging buhay ko?"tanong pa ni Lexin.

Hindi malaman ni Ysa ang sasabihin, napayuko sya at nabitaw sa pagkakahawak ni Lexin at saka tumayo.

"So?! Akala mo ba gusto kitang mapakasalan Lexin Apostol!!"nakapamewang na ismid ni Ysa.

"Ysa! Hanggang ngayon ba galit ka pa din sa akin?? Akala ko ba.."napatigil ng sasabihin si Lexin ng ilagay ni Ysa ang hintuturo nito sa bibig ni Lexin.

"KUNG INAAKALA MONG PAPAYAG AKONG PAKASAL SAYO.. PWESSS! TAMA ANG AKALA MO!"ngiting sabi ni Ysa.

Namaang si Lexin at biglang sumigaw ng pagkalakas lakas na kinagulat ni Ysa.

"YESSS! YESS! HUH! I LOVE YOU YSA! MAHAL NA MAHAL KITA!!"hiyaw nito, agad namang tinakpan ni Ysa ng kamay ang bibig ng nobyo.

"Wag ka ngang maingay! Nakakahiya.."pigil ni Ysa.

Tinanggal ni Lexin ang kamay ni Ysa sa bibig at saka ito tinitigan pagkatapos ay saka nito dinampi ang kanyang labi sa labi ni Ysa.

At pagkatapos ng halik na yon ay nagyakap sila ng mahigpit.

Ganong eksena ang naabuta ng kararating lang na si Albert.

"tingnan mo nga naman,"sabi ni Albert sa nadatnang eksena, para namang napaso si Ysa sa pagkakayakap kay Lexin.

"O hija, wag kang mahiya, sanay akong nakikita si Lexin na kung sino sinong babae ang kakalantari, so hindi na iba sa akin"sarkastikong wika ni Albert.

"Pwede ba pa, kung nandito ka lang para bastusin ang fiancee ko, ngayon pa lang pwede ka na umalis!"asar na sabi ni Lexin na hindi binibitiwan ang kamay ng nobya.

"FIANCEE?"ulit ni Alberto at saka humagalpak ng tawa.

"You heard it right Pa, im going to marry Ysa.."seryosong sabi ni Lexin.

"Are you crazy Lexin? You are going to marry that.. "tiningnan ni Albert mula ulo gang paa si Ysa."At sa tingin mo papayag ako?"

"Nasa edad na ako kaya diko na kailangan ng consent mo.. magpapakasal kami ni Ysa sa ayaw mo at sa gusto.."mariing sabi ni Lexin sabay pisil sa kamay ni Ysa na naramdaman nyang nanginginig.

Samantala, si Lina ay nainip na sa paghihintay kay Ysa sa may hagdan kaya naman bumalik ito sa kwarto ni Lexin at doon ay dinig na dinig nya ang komosyon.

"AT SA AYAW MO MAN AT SA HINDI, HINDI AKO PAPAYAG NA MAHALUAN ANG PAMILYA NATIN NG ISANG PAKAWALA! Baka akala mo Lexin hindi ko alam na may sex video yang babaeng yan.."malakas na sabi ni Albert.

"HINDI SYA ANG NASA SEX VIDEO AT NALINAW NA YUN!"mataas na bose na sabi ni Lexin.

"totoo at hindi, hindi pa rin mababago ang paniniwala ko na walang kwentang babae yan kaya di ako papayag na makasal kayo at masama yan sa apamilya ko!"galit na sabi ni Albert.

Hindi na kinaya pa ni Lina ang mga naririnig kaya sumali na to sa usapan.

"At wala din ho akong balak isama sa pamilya nyo ang anak ko, baka mahawa pa to sa kasamaan mo! Dahan dahan ka sa pagsasalita sa anak ko ng.."hindi na naituloy ni Lina ang sasabihin ng makita ng harapan si Albert.

"CELY...?"gulat na bulalas ni Albert ng makilala ang Babaeng nasa harap.

"Albert!? Ikaw ang ama ni Lexin??"hindi makapaniwalang sabi ni Cely.

"Ma, magkakailala kayo?"nagtatakang tanong ni Ysa.

"Kung alam ko lang na ikaw ang ama ni Lexin, noon pa lang ay nilayo ko na ang anak ko sa anak mo! Halika na Ysa, uuwi na tayo, at kahit kailan, ayoko ng makikipagkita ka kay Lexin, ayokong magkaroon ng koneksyon ka sa demonyong lalaking to!"galit na sabi ni Lina at saka hinila ang anak.

"PERO TITA LINA BAKIT PO?"maging si Lexin ay naguguluhan.

"Bakit hindi mo itanong sa walang hiya mong ama!"pagkawika non ay walang pakundangan itong umalis.

Naiwang tulala si Albert, lalong lalo na si Lexin na gulong gulo, galit na binalingan nito ang ama.

"O masaya ka na? Nasaktan mo na naman ako, pero this time hindi physical, dito mo ako sinaktan"ani Lexin sabay turo sa dibdib nito.

"Pwede ba Lexin! Tigilan mo ako sa pagdadrama mo"nakabawing sabi ni Albert.

"Umalis ka na!"mahina pero may diing sabi ni Lexin. "Umalis ka na bago ko makalimutang ama kita"

"Bastos ka talagang bata ka!"mabalasik na sabi ni Albert.

"UMALIS KA NA! AYAW NA KITANG MAKITA! UMALIS KA NA! UMALIS KA NA!"pagwawala ni Lexin at saka pinagkakabig lahat ng makita sa paligid.

Biglang pasok na naman ni Maita kasama si Marieta na nakarecover na rin mula sa pagkaatake.

"Anong nangyayari dito?"tanong ni Maita saka pinuntahan ang anak na nagwawala. "Ano na naman ang ginawa mo sa anak ko Albert! At talagang hindi mo hinintay na makauwi sa bahay at makapagpahinga si Lexin bago mo gawan ng kawalang hiyaan!"sita ni Maita sa asawa.

"Hoy Maita! Wag ako ang sisihin mo sa kawirduhan ng anak mo! Ayusin mo yan.. Wag kayong magkalat dito magina na parehong sira ulo!"galaiting sagot ni Albert.

"ALBERT!"si Marieta, pero bago pa man makahuma si Albert ay isang suntok ang tumama sa mukha nito galing kay Lexin na mabilis na nakapuntta sa harap nya.

"Punyeta kang.."magsasalita pa sana ulit si Albert pero isa na namang suntok ang sa kanyay tumama dahilan para matumba ito, dali dali itong pinaibabawan ni Lexin at saka pinitsarahan.

"TARANTAD* KANG BATA KA! NAPAKAWALANG KWENTA MO TALAGA!!"galit na sabi ni Albert pero si Lexin ay parang wala sa sariling pinagsususuntok ito.

"Lexin tama na!"awat ni Maita pero ayaw tumigil ni Lexin, sunod sunod na suntok na ang pinakawalan ni Lexin, nilapitan na ito ni Maita at umiiyak na inawat ang anak kapagdakay niyakap ito.

"Anak.. Listen to Mama.. Tama na.. Tama na.. Sshhh.. "sabi ni Maita sa nagwawala pa ring si Lexin, hinawakan pa nya ito sa mukha saka parang batang inuto uto.

Tulala pa din si Lexin at humihingal, maya maya ay tumayo ito at mabilis na tumakbo palabas ng pinto.

"Lexin!"Si Maita.

+ M

Buong byahe ay walang kibo si Lina kaya hindi ito magawang tanungin ng gulong gulong si Ysa, sa isip isip nya, bakit sa tuwing abot abot na nya ang kasiyahan ay panibagong problema na naman ang dumarating.

Nang makarating ng bahay ay dali daling pumunta si Lina sa kawarto at maya maya ay lumabas ito na may dalang maleta.

"Bilisan nyo! Aalis na tayo.. Magimpake na kayo! Flor, tulungan mo magayos ng gamit si Lewis.. Ikaw Ysa, magayos ayos ka na rin.."tarantang sabi nito.

"Ma.. Bakit po ba? Ano po bang problema?"nagtataka na ring tanong ni Flor.

"Basta! Hindi na tayo pwede magtagal dito! Dalian mo.."wika nito habang kinukuha ang mga gamit sa aparador.

"Ma ano ba talaga ang koneksyon mo sa PAPA ni Lexin?? Bakit nagkakaganyan ka!"hindi na nakatiis na tanong ni Ysa.

"Basta ayoko na makikipagkita ka pa sa lalaki na yon! Ayokong magkaroon ka ng kaugnayan sa lalaki na yon maliwanag ba! Kaya kumilos ka na diyan..!"utos ni Lina.

"AYOKO!!"matigas na sabi ni Ysa.

"ANONG AYAW MO! PAG SINABING AALIS TAYO! AALIS TAYO..!"nanagagalaiting sabi ni Lina.

"Ma ano bang nangyayari sayo?!"takang tanong ni Flor at pinigil sa pagiimpake ang ina.

Pero naghysterical si Lina at inagaw kay Flor ang gamit ngunit malakas na di hamak si Flor kaya nagawa nitong bawiin sa ina ang mga damit. Walang nagawa si Lina kung hindi ang maupo sa sahig at magiiyak.

"Hindi nyo ako naiintindihan, hindi nyo kilala si Albert, hindi nyo siya kilala!"tangis ni Lina.

"Ma ano bang kinalaman nyo sa Papa ni Lexin..??"tanong ni Ysa.

Napatingin lang si Lina kay Ysa at saka umiyak.

"Ma, ano ba? Anak mo kami, sabihin mo sa amin ang problema?!"kumbinsi ni Flor sa ina pero hindi pa rin ito kumibo. "Ma, hindi tayo basta basta pwede umalis, wala na tayong babalikan sa Siquijor.. Isa pa, paano si Ysa, may kasunduan sa LAC na hindi nya basta basta pwede balewalain, at yung trabaho ko ma, nandito.. Nandito ang kabuhayan natin, ang business mo, ang pagaaral ni Lewis.."paliwanag ni Flor.

Maya maya ay nahimasmasan na si Lina at saka nakapagisip isip. Bumaling agad to kay Ysa.

"Ysa, wag na wag ka na magpapakita kay Lexin, naiintindihan mo.."wika nito.

"Pero Ma! Bakit kailangang madamay pa kami ni Lexin diyan! Alam naman natin na hindi talaga magkasundo si Lexin at ang papa nya.."

"KAHIT NA! WAG KA NA MAGPAPAKITA SA KANYA! AYOKONG MAGKAKAROON KA PA NG KAHIT ANONG KONEKSYON SA ALBERTO APOSTOL NA YAN!"sigaw ni Lina.

Sa puntong iyon ay parang nagpanting na rin ang tenga ni Ysa.

"Ma! Hindi pwede.. Mahal ko si Lexin.. Alam nyo yun.. At para sabihin ko sa inyo.. Inaya na nya akong magpakasal..."pagtatapat ni Ysa. "At pumayag na ako.."

"Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ako papayag!"nagwawalang wika ni Lina at saka biglang sinugod si Ysa at pinagsasampal, mabilis namang umawat si Flor.

"MA ANO BA?! BAKIT NAGKAKAGANYAN KA!!"naguguluhan na ring wika ni Flor habang akap akap ang ina.

Kumawala si Lina at saka nagtatakabo sa kwarto.
 
CAMPUS QUEEN Part 22
by ARIAN

+ P

"Hayop talaga yang bata na yan?!"daing ni Albert habang ginagamot ng nurse ang mga sugat at pasa dulot ng pambubugbog ni Lexin.

"Hiningi mo yan kaya binigay sayo ni Lexin"nakaisimid na wika ni Marietta.

"Kaya lumalaking hudas ang put*ngin*ng batang yan eh, sobrang pangungunsinti ang ginagawa nyo ni Maita, kaya kita mo pati ako sinusuwag"galit na wika ni Albert. "Wag na wag magpapakita sa akin yan at doble pa sa ginawa nya sa akin ang gagawin ko!"banta ni Albert.

"Pwede ba Albert, tumigil ka na..baka sa susunod nyan eh mapatay ka na ng anak mo.. "banta ni Marietta.

Pero tila walang naririnig si Albert, abala ito sa pagiisip kay Cely, o Lina, ang ina ni Ysa.

"Alam mo ba Mama, anak ni Cely ang girlfriend ni Lexin.."iba ni Albert sa usapan.

"Si Ysa?"hindi makapaniwalang sabi ni Marietta.

"Oo Ma, at hanggang ngayon, maganda pa rin sya.."nangiting sabi ni Albert.

"Alberto, kung ano man ang pinaplano mo, utang na loob! Magkakaproblema lang kayo lalo ni Lexin nyan!"sita ni Marietta.

"Hindi Ma, hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito.. Kailangan makausap ko sya.."seryosong sabi ni Lexin.

Naiiling na lang si Marietta, kabisado nya ang anak at hindi maganda ang kutob nya sa kung ano man ang iniisip nito.

+ M

Samantala, si Carlo ay nakalulan sa kotse nya papunta sa address na binigay ng ina ni Grace, inabot ito sa kanya ni Ysa bago pa man magpunta ng hospital.

Dinilim na sya sa daan kaya kinailangan pa nyang magtanong tanong sa mga nadadaanan tungkol sa lugar, pursigido syang malaman ang totoo kaya hindi nya ininda kahit magdilim na sya sa daan.

Sa kanyang pagtatanong tanong ay natuntun nya ang nasabing baryo. Madalang ang bahay sa lugar na iyon kaya naman napakatahimik, bukod doon ay walang ilaw ang daan, tanging ilaw lang sa kotse ni Carlo ang nagsisilbing liwanag nya sa daan.

Tahimik na nagdadrive si Carlo papunta kila Charm ng maya maya ay makarinig sya ng isang bulong.

"Huwag kang makialam.."

Napalingon si Carlo sa narinig na yun, ngunit wala naman syang nakita, kinikilabutan man ay naiiling na pinagpatuloy ni Carlo ang pagdadrive. Maya maya na naman ay isang mahinang bulong na naman ang narinig..

"PAKIALAMERO.."

"MAMAMATAY KA.."

"MAMAMATAY LAHAT NG NAKIKIALAM.."

Nagtayuan ang balahibo ni Carlo sa narinig kaya bigla itong napahinto at napalingon muli pero wala pa din sya nakita kaya naman nagpatuloy na lang sya.

"Carlo.. Carlo.. Maging matapang ka.. Hindi ito ang oras para matakot ka.."kausap ni Carlo sa sarili at nagpatuloy sa pagmamaneho, bigla nyang naalala ang huling pagkakausap nila ni Axle na anak ni Alexa nung isugod nila sa hospital ang tatay ni Ysa.

***

"Paano mo nagawa yon?"tanong ni Carlo nun kay Axle ng magkausap sila sa hospital.

"Ang alin?"tahimik na tanong ni Axle.

"Paano mo napatigil ang nangyayari kay Sir Javier?"usisa pa nito. "Ano yung sinaboy mo?"

"Ordinaryong lupa lang yon.."tipid na sagot ni Axle.

"Ordinaryo? Pero panong? Panong naitaboy mo kung sino mang espiritu yun kung ordinaryo lang sya"si Carlo.

"Dinasalan ko lang yung lupa.. "sagot ni Axle.

"Anong dasal..??"

"Dasal ng pagbasbas.."Sagot ni Axle muli. "at kasabay mo dapat sa basbas na yun ay ang isang kamamatay lang, at kamamatay lang ni Mama nun,

***

Naputol ang pagbabalik tanaw ni Carlo ng maalala ang namatay na si Alexa at ang nakuha nya sa ilalim ng carpet. Isang maliit na sisidlan na itim. May isang bahagi sa utak nya na gusto nyang buksan ang lalagyan pero alam nyang hindi para sa kanya yun, nakakalimutan nya lang iaabot kay Ysa.

Nasa ganong pagmumuni si Carlo na may biglang kumalabog sa kotse nya. Biglang bigla si Carlo na napalabas para tingnan ang kumalabog sa kotse.

Matapang na nilabas ni Carlo ang kung sino man ang nandoon pero wala naman syang nakita, binunot nya ang baril at saka pumusisyon at dahan dahang umikot sa kotse pero nakailang ikot na sya pero wala pa rin syang nakita kaya bumalik na lang sya sa loob ng kotse at saktong pagupo nya ay may kamay na sumakal sa kanya.

"PAKIALAMERO! PAKIALAMERO! PAKIALAMERO!!MAMAMATAY KA!"

Nanalalaki ang mata ni Carlo at nagpupumiglas na tumakas sa pagkakasakal sa kanya. At saka sya tumakbo palabas ng kotse, dumakot sya ng lupa at nagbakasakali.

"Kung may kamamatay lang sa paligid, pakiusap, tulungan mo akong basbasan ang lupang ito.."dalangin ni Carlo.

"Sa ngalan ng ama ng anak ng espiritu santo..."dasal ni Carlo at saka sinaboy sa babaeng nakaitim ang lupa. Nauubong pinikit ni Carlo ang mata upang wag mapuwing at kapagdakay dumilat din at doon ay tumambad sa kanya ang isang babae.

"Kuya? Nawawala po ba kayo?"tanong sa kanya ng babae.

Hindi kaagad nakasagot si Carlo pero maya maya ay nahimasmasan din.

"Ah, kasi pupunta sana ako sa address na to.."pagpapakita ni Carlo sa papel kung saan nakasulat ang address.

"Ah, alam ko yan, malapit na yan dito, gusto mo samahan na kita?"alok ng babae.

Sinipat muna ni Carlo ang babae at saka tiningnan sa mukha na wari ba ay sinusuri ang pagkatao nito.

"Kuya wag kang magalala, hindi ako masamang tao"nakangiting sabi nito.

"Hindi naman ako nagaalala, kasi kung sakali namang masamang tao ka eh walang problema sa akin yun at pulis ako"sagot ni Carlo at saka sumakay muli sa kotse. "O ano pa ang hinihintay mo Miss?"tawag ni Carlo sa babae. "Sakay na.."

Sumunod naman ang babae at sumukay. Habang nasa biyahe ay walang kibo ang babae, napansin ito ni Carlo at tinanong.

"Miss, okay ka lang?"tanong nya.

"Opo kuya, malungkot lang ako, kasi may namatay dito sa baryo namin nitong kailan lang.."sagot ng babae at saka tumingin sa labas ng kotse.

Napaisip si Carlo at naalala ang lupang sinaboy, siguro at tinulungan sya ng kung sino mang yumao na yun.

Maya maya ay nakarating na sila sa lugar na nakasaad sa address, napansin nya kaagad na madaming tao dito, may mga upuan sa labas at may mga nagsusugal. Naunang lumabas ang babae at dire diretso sa loob ng bahay.

Bumaba na rin si Carlo at sumunod sa babae, pagpasok nya ay hindi na nya makita ang babae na may edad na.

"Hijo, sino po sila?"tanong ng isang matandang babaeng tingin nya ay nasa 60 na ang edad.

"Ah.. Pwede ko po ba makausap si Charmaine Hizon? Pulis po ako, Inspector Carlo Sta. Ana po,"pagpapakilala ni Carlo sabay pakitang chapa nya.

Nakatingin lang sa kanya ang matanda. "Sandali lang hijo"paalam nito at saka lumapit sa isa pang babaeng mas bata ang itsura sa kanya. Dun na lang nya napansin ang kabaong na nasa may sala.

Lumapit sa kanya ang babaeng kinausap ng nauna nyang kausap.

"Hijo.. Anong kailangan mo kay Charm?"tanong ng sa hula ni Carlo ay nanay ni Charm.

"Ah, may mga gusto lang po akong malaman sa kanya.."magalang na wika ni Carlo.

"Hijo.. Gustuhin ko mang pakausap sayo si Charm pero.."hindi na naituloy nG ina ni Charm ang sasabihin dahil nagiiiyak na to, agad agad namang dumamay dito ang nasa paligid at saka sya inupo.

"hijo..halika dito"tawag ng naunang matandang nakausap, nasa may ataul ito.

Lumapit naman si Carlo nanlaki ang mata nya sa nakita.

"magiisang linggo na buhat ng namatay si Charm"wika ng matanda.

Hindi makapaniwala si Carlo na ang nasa ataul ay ang babaeng kanina lang ay sinamahan sya sa bahay na ito.

+ D

Napagitla si Ysa ng marinig ng nagring ang cellphone, nakatulog pala sya ng hindi nya namamalayan, sumilip sya sa bintana at nakitang malakas ang ulan. Narinig muli nya ang cellphone na nagriring kaya agad nyang sinagot to.

"YSA.. MINE.."

"Lexin?"si Ysa.

"Nandito ako sa labas ng bahay nyo"sabi nito.

Agad sumilip si Ysa sa bintana at doon lang nya napansin ang basang basang si Lexin.

"Bakit nagpapaulan ka?"ani Ysa.

"Kahit bagyuhin pa ako, hindi ako mapipigilan nito para puntahan ka.."sabi ni Lexin sa phone.

"Sira ka talaga.. Eh kung masira ang phone mo!"iba ni Ysa sa usapan.

"Kita mo to, basang basa na nga ako cellphone pa ang inalala mo"nadinig ni Ysang natatawang sabi ni Lexin.

Sinilip muli ni Ysa sa bintana ang nobyo at saka sinenyasan na sandali lang.

Nagmamadaling bumaba si Ysa at lumabas ng bahay upang humanap ng payong at pagkatapos ay saka lumabas, dun nya nakitang nakaupo si Lexin sa may gate.

Pinuntahan nya ito at saka inirapan kunwari.

"Hoy Mister Apostol, napakayabang mo talaga! Kagagaling mo lang sa hospital at nagpaulan ka na! saka mahiya ka naman sa suot mo napakanipis! Kita ko na lahat lahat sayo.."sabi ni Ysa na natatawa.

"Asus, kunwari ka pa, eh alam ko namang gustong gusto mo yung nakikita mo.."biro ni Lexin saka tumayo at hinubad ang tshirt na basa.

Napanganga si Ysa ng makita ang katawan ni Lexin.

"O laway mo.."natatawang sabi ni Lexin.

"Sira! Bakit ba nandito ka! Imbes na mamahinga ka eh dito ka pa nanggugulo at nagpapaulan, naku! Wanted ka na kay Mama at.."hindi na natuloy ni Ysa ang sasabihin dahil niyakap sya bigla ni Lexin.

"Walang makakapagpahiwalay sa atin Ysa.. Hindi man umayon sa atin ang buong mundo.. Isigaw man nila ang sampung libong dahilan kung bakit hindi tayo pwede.. Wala akong pakialam.. Dahil sa ngayon.. Isa lang ang pinaniniwalaan ko.. Ikaw at ako ay para sa isat isa.. At lalabanan natin ang buong mundo ng magkasama.."pahayag ni Lexin.

Kusang napayakap si Ysa kay Lexin at kapagdakay umiiyak na sinabi.

"hindi mapapantayan ng isang libong dahilan na yan ang nagiisang rason ko para lumaban.. At ikaw yun Lexin.. Ikaw!"sabi ni Ysa.

Nakangiting bumitiw si Lexin kay Ysa at saka sumigaw sa ulan.

"YSABELLA FAJARDO! MAHAL NA MAHAL KITAAAA! WALANG MAKAKAPAGPAHIWALAY SATINNN!!"sigaw ni Lexin.

"Ano ka ba! nakakahiya!"sita ni Ysa pero parang walang naririnig si Lexin, hinila pa ni Lexin at saka inalis ang payong ni Ysa at saka sila parang batang naglaro sa ulan at nagyakap, maya maya pa ay huminto si Lexin at isang matamis na halik ang pinagsaluhan nila sa ilalim ng ulan.

+to be continued+
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 20)

aww. Ampanget ng ending ng unang page ts. Kwawa nman c alyssa. Hays.
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 20)

aww. Ampanget ng ending ng unang page ts. Kwawa nman c alyssa. Hays.

salamat sa pagdaan sir..:clap:

antumal naman ngayon..kelangan ata mgupdate..uhm..mlamang pagpasok palang..kakainip maghintay noh?:lol:
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 23)

Campus Queen Part 23
by ARIAN

+ G

***
"Cely, ayan na naman yung anak ni Mayora, napakagwapo talaga ni sir Albert, napakaactive pa sa munsipyo kahit sa murang edad.."kinikilig na sabi ni Pilar na katrabaho ni Lina o mas kilalang Cely sa kanilang pinagtatrabahuhang restaurant.

"Asus, eh mukha namang mayabang, malayong malayo kay Mayora na mapagkumbaba, sige na puntahan mo na.."nakaismid na sabi ni Lina. Hindi alam ni Lina na napukaw na pala nya ang atensyon ni Albert ng mga oras na yun.

Sakto naman na nakalapit na si Pilar para tanungin ang order ng binata.

"Good Evening sir.. Here is our menu.."bati ni Pilar.

"Miss, anong pangalan nung kasamahan mo na yun,"nguso ni Albert kay Cely na abala sa ibang table sa pagkuha ng order.

"Si Cely po sir?"nakangiti pero nagtatakang tanong naman ni Pilar.

"Oo yun nga, gusto ko sya magsilbi sa amin.."utos ni Alberto.

"Pero sir, may.."

"Ang sabi ko gusto ko si Cely ang magsilbi sa amin.."diing sabi ni Albert.

Wala namang nagawa si Pilar kung hindi ang lumapit kay Cely.

"O bakit nakasimangot ka?"tanong ni Cely kay Pilar.

"Wala naman, yung crush ko kasi ikaw ang gustong magserve sa kanYa.."nakaismid na sabi ni Pilar.

"Ako, bakit ako.. Ayoko nga!"tanggi ni Cely o Lina.

"Wala kang magagawa, kaibigan nun yung mayari nito kaya sumunod ka na lang.. Sige ka pag natanggal ka dito di kayo makakaipon ni Javier sa kasal nyo.."pananakot kunwari ni Pilar sa kaibigan.

Sandaling napaisip si Cely at maya maya ay padabog na pumunta sa lamesa nila Albert.

"Good evening sir, welcome to Hernandez, may I take your order?"casual na sabi ni Cely.

"Can i take you out?"nakangiting sabi ni Albert, napatingin dito si Cely at saka sininghalan.

"Sir.. Nagkamali po kayo ng pinuntahan, hindi po ito ang kabaret at hindi po tinetakehome ang mga empleyada dito.."walang emosyong sabi ni Cely.

"O.. Cool ka lang, masyado ka naman hot.. ang ibig ko lang naman sabihin ay kung pwede kita yayayain sa labas.."nakangiting sabi ni Albert.

"Hindi po.. Pasensya na po sir, hindi po ako sumasama sa hindi ko po kilala"pormal pa ring wika ni Cely.

"Syempre kilala mo ako, anak ako ni Mayor Apostol.. At ikaw kilala kita, ikaw si Cely.."wika ni Albert at saka sinipat ang name plate ni Celey. "Celerina... Lu.. Luma.."

"Lumague po.. Oorder po ba kayo sir? Or aalis na po ako..kasi mukhang busog na po kayo sa mga salita nyo.."nakaismid ng wika ni Celerina at saka tumalikod.

"Miss Celerina Lumague, teka lang.. "pigil ni Albert. "Masyado ka naman seryoso, sige na, oorder na ako.."

Nakairap na tumalima si Cely.

"Isang Chicken Caldereta, isang lechon kawali at saka.."salota ni Albert habang sinisipat ang suot ni Cely na uniform, maikling paldang itim at puting blouse ang uniform nila sa restaurant. "At isang hitang manok.."ngisi ni Albert.

"Is that all sir?"naiinis ng tanong no Cely.

"Saka friend rice at pineapple juice"dagdag nito na ang mata ay nasa mga hita pa rin ni Cely.

Naiinis na umalis si Cely at kapagdakay tuloy tuloy sa kusina at binigay ang order.

Hindi na sya ang nagdala, pinili na lang nya na magstay sa kitchen kaysa makaharap ang anak ng Mayor nila.

Maya maya pa ay mismong boss na nya ang nagpatawag sa kanya. Agad syang sumunod pero laking gulat nya na ang boss pala nya ay nasa table ni Albert.

"Cely, halika! Dali.."tawag sa kanya ng boss pagkakita agad sa kanya.

"Bakit po sir?"

"Maupo ka dito.."utos ng boss nya, ang tinutukoy nito ay sa upuan sa tabi ni Albert.

"SIR?"parang naninigurong tanong nya.

"Ang sabi ko maupo ka dito..!"ulit nito. Wala sa loob na naupo na lang si Cely. "O ayan na Albert yung request mo.."nakangiting sabi ng boss ni Cely.

"Sir? Ano po ba yun?"di mapakaling sabi ni Cely dahil sa mga titig sa kanya ni Albert.

"Gusto ka kasi makilala nitong kaibigan ko Cely, anak to ni Mayora Marietta."wika ng boss ni Cely na si Edwin sabay hawak sa balikat nito.

"Eh sir.. May trabaho pa po ako.."sabi ni Cely at saka umakma na tatayo pero pinigilan ito ni Edwin.

"Sinabi ko na bang umalis ka? Binabayaran ko oras mo kaya pag sinabi kong maupo ka dito, maupo ka.."galit na sabi ni Edwin, may pustahan kasi sila ni Albert na mapapasunod nya ang dalaga pero sa inaakto ni Cely ay parang matatalo sya dito.

Si Cely naman na likas na palaban ay tila sumabog na sa puntong iyon, nanginginig ang lamang tumayo ito at saka hinarap ang dalawang lalaki.

"IM SORRY PO MR. DE OCAMPO, SA PAGKAKAALAM KO PO, WAITRESS PO ANG PINSUKAN KONG TRABAHO DITO AT HINDI POKPOK NA PWEDE NYO NA LANG ITABLE MAGKAKAIBIGAN!"galit na sabi ni Cely na kinatingin ng ibang costumer. "AT KUNG PINAGMAMALAKI NYO NA BINABAYARAN NYO ANG SERBISYO KO, PWES.. TINATAPOS KO NA ANG SERBISYO KO SA INYO!!"pagkasabi non ni Cely ay kinuha nito ang isang pitsel ng tubig na puro yelo at saka binuhos kay Edwin.

Gulat na gulat ang lalaki sa ginawa ni Cely, si Cely naman ay dali daling pumunta sa locker nya ay kinuha ang bag.

"WALANG HIYA KANG BABAE KA!"galit na sigaw ni Edwin ng matyempuhan ito na palabas, aakmaan na sana ya ito ng suntok ng pigilin ito ni Albert.

"Edwin.. Bakla lang ang pumapatol sa babae.!"ani Albert.

Binawi ni Edwin ang kamay at saka hinarap muli ang dalaga.

"Huwag na huwag ka ng babalik dito CELY! Hindi mo na makukuha ang sweldo mo! Layas!"galaiting galaiting sigaw ni Edwin.

"TALAGANG HINDI!! AT SAKSAK MO SA BAGA MO YANG PERA MO!"
***

Isang katok ang pumutol sa pagbabalik tanaw ni Lina ng mga sandaling iyon, kumpara kanina ay mahinahon na sya at nakakapagisip mabuti.

"Sino yan??"tanong nya.

"Ma, si Ysa po ito.. May gusto po sanang kumausap sa inyo.. "medyo alangnang sabi ni Ysa.

"SINO?"tanong ni Lina pero alam nyang si Lexin, nakita nya ito sa bintana kanina sa harap ng gate.

"Si Lexin po.."

"Lalabas na ako.."wika ni Cely.

+ S

Nakabawi na si Carlo mula sa pagkabigla, nakaupo na sya at pinagkape ng mga kaanak ni Charm.

"Hijo, kung hindi mo sana mamasamain, bakit ba naparito ka sa anak ko? May kaso ba sya?"nagaalalang tanong ni Berta at sa likod naman nito ay ang nakaalalay na si Adonis.

"Oo nga hijo, kasi kung hindi ako nagkakamali, tiga maynila ka at dalwang taon ng umuwi si Charmaine mula maynila, magkakilala ba kayo?"tanong ni Adonis.

"Hindi po, sa totoo lang po, naparito po ako dahil sa isang kaibigan.. Medyo hindi kapani paniwala kung paano naman nakilala si Charm, basta ang alam namin nasa kanya ang sagot, pero mukhang huli na ang lahat dahil wala na sya.. Kung hindi nyo ho mamasamain, Ano ho ba ang kinamatay nya?"tanong ni Carlo matapos ang paliwanag.

Kitang kita nya ang pagtitinginan ng magasawa, maging ang pagtitinginan ng ibang nandon sa lamay na tila ba natatakot.

"Sa totoo lang ho sir, hindi ho namin maipaliwanag.."sagot ni Adonis.

"Paanong hindi nyo po maipaliwanag..??"tanong ni Carlo.

"Isang hapon kasi, galing kami sa bayan, hinahanap namin sya pero hindi namin sya makita, akala namin nasa kapitbahay lang pero nung sasalok na ako ng tubig sa balon. Dun na bumalaga sa akin ang bangkay ng anak ko.."pigil na pigil ang iyak ni Mang Adonis.

"Narinig ko na lang sumigaw si Adonis kaya naman nung nilabas ko, kitang kita ko ang takot sa mata nya habang tinuturo ang balon, pagkahila ko sa pangkuha ng tubig, nagulat pa ako at mabigat, at pagkataas non ay nandoon si Charmaine, dilat na dilat ang mata na para bang takot na takot at nakalawit ang dila."humihikbi ng kwento ni Aling Berta.

Napaisip ng malalim si Carlo at tila ba nahuhulaan na ang nangyari.

"Akala ko hindi totoo ang sinasabi ni Charmaine noon, nung umuwi sya, Kakaiba na sya, dati kasi masiyahin sya pero biglang nagbago.. Naging matatakutin na sya, sarado daw namin ang pinto at bintana dahil may babaeng nakaitim, uwi uwi pa nya yung pinaghubarang damit ng namatay nyang kaibigan kasi daw hindi sya masusundan nito, maliban na lang daw kung may magsabi kung nasaan sya.."kwento pa ni Berta.

Naisip ni Carlo na marahil natunton ito nung ibigay ng nanay ni Grace ang address nito dito, yun din siguro ang isa sa dahilan kung bakit ayaw daw itong ibigay nung una.

"Nung umuwi ho sya, wala ho ba sya ibang nabanggit tungkol sa mga naging kaibigan nya sa Maynila?"naalalang itanong ni Carlo, nabanggit kasi ni Ysa sa kanya minsan ang kwento ng tatlong magkakaibigan.

"Wala pero meron syang isang kahon na pinakatago tago, patago daw yun ng kaibigan nya, hindi na ako nagusisa kung ano yun dahil kakaiba lagi sya pag may kinalaman sa kahon na yun"pahayag pa ni Berta.

"Nasaan po ba yung kahon na yan? Maari po bang makita kung hindi nyo mamasamain, maari ho kasing makatulong yun sa pagkatuklas ng pagkamatay ni Charmaine"nagbabakasakaling sabi ni Carlo, nakita nyang parang medyo nagalangan ang magasawa pero maya maya ay nakita nyang tumngo si Berta at sya namang tayo ni Adonis na naintindihan ang tinuran ng asawa, pumunta ito sa isang kwarto at maya maya ay lumabas ito na may dalang isang kahon. Isang kahon ng sapatos na binalutan lang ng magandang disenyo, naupo si Adonis at inabot kay Carlo ang kahon.

Kinuha ni Carlo yun at tiningnan ang ibabaw, may picture doon ng tatlong babae, ang isa ay nakilala nyang si Charm. Ang dalawa ay marahil ang dalawa nyang kaibigan na namatay. Binuksan ni Carlo ang kahon at bumungad sa kanya ang samut saring laman nito, mga papel, mga lumang dyaryo, mya malilit pang kahon at isang tape recorder na may lamang tape. Ipeplay na sana nya iyon ng biglang humangin ng malakas at magpatay sindi ang ilaw. Tila nataranta ang mga naroon na para bang takot na takot lalo na ng nagumpisa ng magliparan ang mga gamit, kilabot na kilabot ang mga nakikiramay, kanya kanya silang dasal, si Carlo naman ay nabitiwan ang kahon tape recorder, mabuti na lamang ay hindi ito nasira dahil lupa ang sahig, yumuko sya para kunin ito at pagkahawak ay isang paa ang umapak sa kamay nya, tiningala sya at laking gulat nya ng mapagsino ang may-ari ng paa, ang babaeng nakaitim, na bagamat walang mata ay bakas na bakas sa mukha ang galit.

"HINDI MO KAMI MAPIPIGILAN NG ANAK KO.."wika nito at saka nito sinakal si Carlo. Ang mga nandun naman ay may nahintakutan ng makitang tumataas sa ere ang pulis na dumating. At maya maya pa ay isang lalaking nakatalukbong ang tumayo at nagsaboy ng lupa sa harap ni Carlo.

"ESPIRITU NG KAMPON! LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY NA ITO.. !"sigaw nya at maya maya pa ay bumagsak na si Carlo.

Kahit sanay ng manganib ang buhay dahil sa trabaho ay nakaramdam si Carlo ng takot sa mga sandaling iyon, napahawak sya sa leeg at pagkatapos ay hinawakan nito ang tape recorder at saka hinagilap ang kahon at ang mga laman nito saka lumapit sa lalaking tumulong sa kanya, nakajacket ang lalaki ang nakasuot sa ulo ang hood nito kaya di nya mamukhaan, pero laking gulat pa sya ng mamukhaan ang lalaki ng tinanggal ito.

"AXLE!"bulalas ni Carlo.

"Kamusta po inspector?"wika ni Carlo.

"Anong ginagawa mo dito??"usisa nito.

"Magmula po ng ilibing si Mama, madalas po itong magpakita sa panaginip ko, at gusto nyang tulungan ko kayo, pinuntahan ko din si Mrs. Alumpihit para sa address ni Charm, pagkagaling ninyo ni Ysa sa kanila ay pinilit ko ito na ibaigay din sa akin ang address, pero ayaw nya, kaya pinili ko na lang na sundan ka at dahil sa pagtanong tanong mo ay narinig ko ang address kaya naman nauna na ako"kwento ni Axle.

"Nakalimutan kong banggitin ang pagdating nya kani kanina lang, sabi nya may kasama daw syang pulis para tumulong at ikaw nga yun"salita ni Aling Berta na nakabawi na mula sa kababalaghang naganap.

"Paano mo nalaman ang tungkol kila Charm?"natanong ni Carlo.

"Pinamana ni Mama sa akin ang kanyang kakayahan..parang sinalin nya sa akin ang mga alam nya.. Ang kagandahan lang, nakakakita ako kaya mas malakas ang kakayayahan ko.."sagot ni Axle.

"Ang papa mo?"

"Binilin sa akin ni Mama sa panaginip ko na wag na wag idamay si Papa sa kung ano mang ginagawa namin.. mapilit si Papa na isama ako sa ibang bansa pero katulad ko, nagpakita sa panaginip nya si Mama at sinabing kailangan ko pa manatili dito, at dahil malaki anh tiwala ni Papa kay Mama, pumayag ito pero isang buwan lang ang palugit, at kinailangan ko syang basahan ng ritual ng proteksyon para di sya idamay ng babae."kwento ni Axle.

"Kung ganon, kailangan natin magtulungan. Nanganganib si Ysa at lahat ng malapit sa kanya kaya kailangan tulungan natin sya.."nabuhayang sabi ni Carlo.

"Bago yun,"ani Axle at saka bumaling sa ina ni Charm. "Maari nyo po bang ipahiram sa amin ang damit na suot ni Charm nung namatay?"pakiusap nito, nung una ay bantulot ang magasawa pero ng ipaliwanag ni Carlo ang layunin ay binigay din nito. Matapos nun biniluhan ni Axle gamit ang isang patpat ang buong bahay na may hawak itong kandilang puti. Proteksyon daw ito sa sinomang masamang espiritung papasok. At pagkatapos nun ay dalawang maliit na kandila na pink ang inilagay nito sa kabaong ni Charm at saka nagbilin sa may asawa.

"Sa oras na maubos ang kandila na yan, ipalibing nyo na agad si Charm, dahil kung hindi, kagaya ng espiritu ng ibang namatay dahil sa babaeng nakaitim, hindi rin sya matatahimik."babala ni Axle. Tumango naman ang magasawa na manghang mangha sa sinasabi ni Axle.

Pagkatapos maibigay ang damit ni Charm nung namatayay agad ng nagpaalam ang dalawang lalaki.

Nang nasa kotse na ay masayang masaya si Carlo.

"Sa wakas, malalaman na natin ang katotohanan, tiyak matutuwa nito si Ysa.."ani Carlo.

"Sa tingin mo ba pag nalaman nya ang katotohanan matatapos na ang lahat inspector? Nagkakamali ka.. Magagaya lang sila sa mga namatay.. Sa ngayon, kailangan natin alamin ang nasa likod ng babaeng nakaitim.. at kung paano sya puksain.

"Anong ibig mo sabihin?"tanong ni Carlo. Pero hindi sya sinagot ni Axle, bagkus ay kinuha nito ang tape recorder at saka ito pinindot ang play.

"Hi, ako po si Arianne Liu, and today.. Naguumpisa ang araw ko sa LOZADA ARELLANO COLLEGE.. WISH ME LUCK...." simula ng boses sa tape recorder at pagkatapos ay tahimik ng pinakinggan ng dalawang binata ang mga susunod.
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 23)

+ M

"Good Evening po Tita.. "magalang na bati ni Lexin kay Lina.

"Good Evening din Hijo.. "casual na sagot ni Lina na bago sa pandinig ni Lexin dahil kadalasan, pagkain kaagad ang alok nito sa kanya.

"Maupo ka.."pagpapaupo ni Lina kay Lexin. Nakapagbihis na si Lexin mula sa pagpapaulan, mabuti na lamang ay may damit itong naiwan kila Ysa kaya nakapagpalit din sya. "Ysa" baling ni Lina Sa anak.

"Ano yun Ma?"

"Pwede ba ibili mo ako ng gamot ko sa sakit ng ulo dun sa kanto.. Habang maaga pa.. Sige na anak,"utos ni Lina kaY Ysa. Agad namang sumunod si Ysa, pero bago lumabas ang dalaga ay tumingin muna ito kay Lexin at ngumiti.

Nang makaalis na si Ysa ay nagumpisa ng magsalita si Lexin.

"Tita.. Alam nyo naman po kung gano ko kamahal si Ysa, alam na alam nyo yan.. Kaya naman po sana kung may ano mang galit kayo sa ama ko, wag nyo na po idamay ang kung ano mang meron kami ni Ysa, gusto na po namin magpakasal.."titig na titig kay Linang sabi ni Lexin.

"HINDI PWEDE.."

Napatingin si Lexin kay Lina at nakita nito ang pagiba ng ekspresyon ng mukha ni Lina na para bang gulong gulo.

"Pero tita..!"

"Sana nga yung sama lang ng loob ko kay Albert ang problema, pero hindi.."emosyonal na wika ni Lina.

"Kung ganon tita.. Ano?"natanong ni Lexin. "Bakit bigla biglang tinatanggihan nyo ako para kay Ysa.."

"Dalawamput apat na taon na ana nakakaraan.."umpisa ng kwento ni Lina habang nakamasid sa malayo. "Nakilala ko si Albert sa isang restaurant na pinagtatrabahuhan ko nun, undergrad ako ng college nun kaya naman wala akong makitang magandang trabaho kaya napilitan akong mamasukan para makatulong na makaipon sa kasal namin ni Javier, at hindi ko makakalimutan ang araw na nakilala ko ang Papa mo dahil naging sanhi yun ng sapilitang pagreresign ko sa restaurant na yun, at akala ko, kapag umalis na ako dun ay mawawala na sya sa buhay ko pero nagkamali ako..."

***

"CELERINA! CELRINA!"gising sa akin ng nanay ko nun, pansin ko sa boses nya nun ang pagkaexcited kaya nagtataka akong napalabas ng kwarto non.

"CELERINA ANAK! NANDITO YUNG ANAK NI MAYORA MARIETTA.. ! ANG DAMING DALANG PAGKAIN.."tuwang tuwa na sabi ni Nanay.

Kahit gulo gulo pa ang ayos ko ay nalabas ko ng di oras ang sinasabi ni nanay at dun nga tumambad sa akin si Albert, at sa kusina namin ay punong puno ng pagkain, maging sa labas ng bahay namin ay punong puno din, ng usisero at usisera.

"Magandang Umaga Cely.."bati nya.

"Anong ginagawa mo dito? At saka ano yang mga yan?? Wala kaming ibabayad diyan!"iritang sabi ko.

"Regalo ko sayo yan.."malaking ngiti ni Albert nun.

"Regalo?? Hindi ko naman po birthday.."

"Ano ka ba Bata ka! Ganyan ba ang tamang pagtrato sa bisita at sa anak ng mayora"saway ng nanay sa akin. "Ay naku sir, wag nyo po pansinin yang si Lina, mangyari po kasi eh kakagising lang kaya masungit."paliwang ni Nanay noon.

"Tiago! Tiago! Halika nga dito at may bisita tayo! Lubayan mo muna yang lintek na mga manok na yan! Madali ka!"sigaw ni Nanay kung nasan si Tatay, maya maya ay humahangos na pumanik ang tatay at tila ba iritable dahil sa pagbubunganga ng nanay.

"Ano ka ba naman Tonya! Sino ba yang bisita na yan at binganga ka ng bunganga..." napatigil si Tatay ng makita ang bisita namin, "Magandang Umaga po, bakit po naparito kayo sir Albert?" sa manggahan nila Mayora nagtatrabaho ang tatay ko nun kaya naman ganun na lang ang pag-galang ni Tatay.

"Dinadalaw ko lang po si Celerina.."magalang na wika ni Albert.

"May sakit ka ba Hija?"natawa ako sa tanong ni Tatay, si Nanay naman ay kinurot si Tatay, pinagbihis ako ni Nanay kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod. Sakto naman nun, dumating si Javier dahil may lakad kami ng araw na yun.

"O Javier, mabuti nadaan ka, halika nga dito at kumain tayo, ang daming dala ni Sir Albert."aya ni Tatay, gustong gusto nya si Javier dahil sa pursigido ito ay masipag, pero kabaliktaran naman ito ni Nanay, hindi nya gusto para sa akin si Javier dahil mahirap lang ito.

"O Javier, wala ka bang makain sa inyo at nung mabalitaan mong madami kami pagkain dito ay sumugod ka kaagad.. Pasensya na Javier pero para lang sa amin ito.."nakaismid na sabi ni Nanay, para namang napahiya si Javier non na nobyo ko pa lang.

"Ano ka ba Nanay! Aalis kami ni Javier.. At hindi kailangan ni Javier ng mga pagkain na yan dahil nakakakain naman sya.. Partida pa yun dahil sarili nyang pera ang pinambibili nya"makahulugang sabi ko.

"Hoy Celerina, anong aalis, may bisita ka dito tapos aalis ka.. Anong klaseng ugali yan, dumating lang ang damuhong lalaking to eh.."

"Nanay, mas masama naman ho ata kung babalewalain ko si Javier eh NOBYO ko ho sya.."katwiran ko kay Nanay.

"Abay.. Etong batang to.."biglang tinakpan ni Nanay ang bibig ko na parang pinipigil ako na marinig ni Albert, pero narinig naman ako ni Albert.

"Nobyo mo?"tanong ni Albert. "May Boyfriend ka na pala.."parang dismayadong sabi ni Albert.

"Ay opo, kasintahan po ng anak ko tong si Javier"pagmamalaking sagot ni Tatay na lumapit pa at inakbayan ang nakayukong si Javier na tila nakabawi na sa pagkapahiya ni Nanay. "Future pulis po ito kung hindi nyo natatanong.."kwento pa ni Tatay sa hindi namang interesadong si Albert na parang naiba ang mood ng mga sandaling iyon pero wala ako pakialam, inaya ko na si Javier, inusisa nya ako king bakit nandun si Albert pero diko sya sinagot, bagkus ay sinabi ko sa kanya na madaliin na kasal namin, hindi naman sya tumanggi.

At ganun na nga ang nangyari, minadali ni Javier ang kasal namin, may nangyari na sa amin kaya bago pa ako ikasal ay pinagbubuntis ko na noon si Flor kaya naan walang nagawa si Nanay ng nagpakasal kami, maging si Albert na ang balita ko ay kinasal na din sa anak ng Vice noon.

Masaya ang pagsasama namin ni Javier non, sa Siquijor namin naisipang tumira, nandoon kasi ang mga magulang ni Javier, nagawi lang sya sa amin dahil sa pagaaral nya, naging maganda ang trabaho nya sa pagpupulis, ako naman, nagtayo ng sariling karindirya na ng lumaon ay medyo lumaki, naging maayos ang pamumuhay namin, nakapagpagawa kami ng bahay sa mismong lupa nila Javier na pinamana pa ng mga magulang nya, unti unti na ring naging maganda ang tingin ni Nanay sa kanya pero sayang lang at matapos ang 3 na taong pagsasama namin ay namatay si Nanay at ilang buwan lang ang nakalipas ay sumunod si Tatay. At naiwan tong bahay na to dito dahilan para ayain ko si Javier na lumipat dito dahil ayokong ibenta to, pumayag naman sya at nagpaassign na lang sa presinto dito, ang nagiisa nyang kapatid na matandang dalaga ang tumira sa pinagawa naming bahay.

Nagtayo muli ako ng mumunting karindirya dito at dahil madami naman nakakakilala sa akin kaya pumatok din agad to at ng nakaipon ay pinaayos namin ang bahay. Dalawang taon ang lumipas mula ng lumipat kami dito ay wala na ako naging balita kay Albert, sa totoo lang ay nakalimutan ko na din ang sakanya, ang huling usap usapan sa bayan ay nagpunta na daw sa America.

Akala ko noon, hindi na magkukrus ang landas namin ni Albert hanggang sa isang araw, habang nasa palengke ako at namimili kasama ang kasambahay ko..

"CELERINA!!"narinig kong tawag ng isang pamilyar na tawag.

Nilingon ko ito at nakita kong si Albert pala, as usual, may kasunod itong mga body guards, may mga tao din na parang supporters nya.

"Mas lalo ka atang gumaganda.."masayang bati nya.

"Hiyang po sa pagiging nanay sagot ko na lang non.

"Siguro nga, pero tiyak mas maganda ka kung ako ang napangasawa mo"nakangiting wika nya na hindi maganda ang dating sa akin.

Npansin nya na hindi maganda ang dating sa akin ng birong iyom kaya iniba nya ang usapan

"Nga pala, tumatakbo ako as Vice Mayor. Suportahan mo ako ah.."wika nito na nakangiti at saka ako kinamayan, naramdaman ko ang pagpisil nya sa kamay ko kaya binawi ko kaagad yun.

"Sige po, mauna na kami.."paalam ko at saka ako dire diretsong naglakad at hindi na lumingon pa.

Hindi na ulit naulit ang insidenteng yun, nabalitaan ko na lang na nanalo sya bilang Vice Mayor ng Bayan namin. Kaya nagpaVictory Party sya, kinailangan umattend ni Javier dahil sa pulis sya, inaaya nya ako pero tumanggi ako at nagsabing masama pakiramdam ko, sinama na lang nya si Flor na limang taon nun at ang katulong namin. Dahil sanay naman ako magisa, hindi ko yun ininda. Ilang oras na ang nakalipas nun ng may kumatok sa pintuan namin.

"CELY! CELY!"kalampag ng kung sino man yun.

Humahangos akong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang kasamahang pulis ni Javier.

"Cely.. Si Javier.. Nasa hospital.. Nagkaron ng riot sa Paparty ni Vice.. Halika sumama ka sa akin!"sabi nito.

"Ano, nasaan ang anak ko, nasaan si Flor? Kamusta si Javier, nasaan ang asawa ko?"tarantang sabi ko.

"Sa sasakyan ko na lang ipapaliwanag, wag ka na magbihis, halika na"kahit umuulan non ay hindi ko ininda ang panahon, agad akong sumakay sa owner ng pulis.
Kung nagtagal siguro ako ng konti ay naabutan pa ako ni Javier na wala man lang galos kasama ang anak ko at ang katulong namin.

Abot abot ang dalangin ko, ni hindi ko na namalayan ang ngisi sa labi ng pulis. Dahil sa sobrang pagaalala ay huli na ng mapansin kong iba pala ang ruta namin.

"Saang hospital ba talaga nandon si Javier." naguumpisa na akong kabahan pero hindi ko yun pinahalata.

"Wag kang magalala, malapit na tayo.."

Maya maya pa ay huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay.

"Nasan tayo? Hindi naman.."hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil isang kamay na may panyo ang tumakip sa bibig ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Nagising na lang akong nasa isang silid, iba na ang suot ko, isang manipis na nighties at wala na akong panloob.

"Gising ka na pala mahal ko?"

Nagulat na lang ako ng makita ko si Albert na nakaupo sa isang couch at nakarobe lang, may tangan itong alak sa kopita.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa akin?" saka ko tinakip ang kamay ko sa katawan ko.

"Wala pa ako ginagawa.. Gagawin pa lang.. " at saka sya lumapit sa akin at nangyari na ang mga sumunod na mangyayari, pinilot ko manlaban pero dahil sa gamot na binigay nila sa akin ay pakiramdam ko ay nanghihina ako. Ilang beses nya akong binaboy. Isang linggo akong nandon sa lugar na yun, isang linggo nya akong pinagpakasasaan. Pinapakain nila ako pero ng mga oras na yun ay anhin ko na lang ay mamatay ako. Para akong isang hayop non na nakakadena na gagamitin na lang ni Albert kung kailan nya gusto.

Matapos ang isang linggo, narescue ako nila Javier, wala na dun ang mga tauhan ni Albert, maging sya o kahit anong bakas nila. Tulala at di ako makausap non, napagalaman ko na may nakapagsabi sa kanila na may nangyayaring kababalaghan sa lugar na yun at walang kamalay malay si Javier non na alalang alala na sa akin na ako pala ang ililigtas.

Matagal ako bago nakausap, dinala nila ako sa hospital at dun natuklasan ang sinapit ko, sariwang sariwa pa rin sa akin ang panangis ni Javier non.

"DIYOS KO! BAKIT ANG ASAWA KO PA.. BAKIT POOOO??"naririnig kong sigaw nya habang pinagsususuntok ang pader sa hospital.

Iyak lang ang nagawa ko nun, pakiramdam ko ang dumi dumi ko, isang linggo o dalawang linggo akong walang kibo non, at si Javier, walang sawa akong inalagaan. Gang sa para akong nagising sa isang masamang panaginip at nagiiyak ako na sinisigaw na si Albert Apostol ang may gawa sa akin non.

"SI ALBERT! DEMONYO KANG ALBERT KA! NAPAKAWALANGHIYA MO!!!"sigaw ko non habang sinasaktan ang sarili ko.

Agad nagsampa ng kaso si Javier sa lalaki pero huli na, nasa america na ang demonyong iyon, nabayaran ang mga dapat mabayaran at si Javier, walang ginawa kung hindi ang magiinom sa sobrang pagkaapekto sa nangyari sa akin.

Makalipas ang isang buwan ay nagpasya si Albert na bumalik na lang kami sa Siquijor, katulad na din ng hiling ko sa kanya. At doon pinilit namin kalimutan ang mga pangyayari. Nagdesisyon kaming wag ng ituloy ang kaso.

***

Napatigil si Lina sa pagkukwentong iyon. At saka tila may isang masakit pang bagay na inalala.

"Napakahayop talaga ng lalaki na yun! Hindi ako magugulat kung ganun sya kawalang hiya dahil saksi ako sa kademonyohan nya, buong buhay namin ni Mama ay nakaunder kami sa kanya, puro pananakit ang ginagawa nya sa amin magina.. Kung hindi pisikal ay verbal.."galit na sabi ni Lexin at saka tumingin si Lexin kay Lina. "Pero tita.. Wala naman pong kinalaman sa amin yun ni Ysa.. Mahal na mahal ko sya.. Ay hinding hindi ko sya sasaktan.. Pinapangako ko..Kaya wag nyo na po kami idamay.."

"Yun nga Lexin ang masakit.. Damay kayo ni Ysa simulat simula pa lang.. "napipiyok na iyak ni Lina at saka humagulgol.

"Paano tita???"

"Nang nasa Siquijor na kami ulit, hindi ako nagpagamit kay Javier dahil duming dumi ako sa sarili ko.. Pero isang araw natuklasan ko na lang na..."hinto ni Lina sa pagsasalita.

"Na buntis ako.. Nagbunga ang kahayupang ginawa sa akin ng ama mo.."

Parang namanhid ang uong katawan ni Lexin ng mga oras na yun, at parang nagblanko ang utak nya. Nanlalaki ang matang naiiling si Lexin.

"Magkapatid kayo sa ama Lexin.. Magkapatid kayo ni Ysa sa ama kaya hindi kayo pwede.."naiiyak na rebelasyon ni Lina.

"hindi totoo yan!"mahinang sabi ni Lexin at saka tumayo. "Hindi totoo yan! hindi totoo..!"

"Ilang ulit ko din pinalangin sa diyos na sana hindi totoo, pero totoo Lexin, magkapatid kayo ni Ysa.. Pero sadyang mabuting tao si Javier kaya inako nya ito at minahal na parang isang tunay na anak.."tuloy tuloy pa rin ng pagiyak ni Lina.

Pero parang naririnig si Lexin, dire diretso itong lumabas sa pinto.

Paglabas nya, bago sumakay ng kotse, ay nakita pa nya si Ysang humahangos palapit sa kanya, pero dire diretso lang sya sa kotse at tuloy tuloy ang pagpapaandar.

Nagulat naman si Ysa sa reaksyon ng nobyo.

"Mine! Anong problema? Ano napagusapan nyo?!"sigaw ni Ysa sabay kalampag sa bintana pero mabilis na pinabarurot ni Lexin ang pagmamaneho.

Takang taka naman si Ysa at naisip bigla ang ina, sa isip nya, siguro ay pinagsalitaan ito ng hindi maganda ng ina. Agad syang tumakbo papasok ng bahay para sitahin ang ina. At doon naabutan nyang umiiyak na nakaupo ang ina.

"Anong sinabi mo sa kanya? Anong sinabi mo sa kanya? ANO??"hysterical na sabi ni Ysa.

Pero naiiling na umiyak lang si Lina.

"Siya lang ang kasayahan ko! Sya lang pero hindi nyo pa ako napagbigyan!"wika ni Ysa.

"Hindi na kayo pwede, tanggapin mo na yun Ysa!!"

"AYOKO! KUNG MAY PROBLEMA KAYO, WAG NYO AKO IDAMAY SA PAGIGING MISERABLE NYO!!!"sigaw ni Ysa at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ysa, nanlaki ang mata ni Ysa sa sampal na yun.

Gulat na gulat naman si Lina sa nagawa sa anak,"Im sorry Hija.. Im so sorry.." pero dire diretsong lumabas si Ysa.

"YSA! ANAK! UMUULAN!"

+ P

Hindi makapaniwala si Carlo at Axle sa mga naririnig sa tape recorder kung saan kinukwento ni Arianne ang tungkol sa mga nangyayari sa kanya.

"Kailangan talaga malaman ito ni Ysa Axle, kailangan nya malaman to.."sabi ni Carlo sabay kuha sa cp pero kinuha yun ni Axle.

"Tapos? Ano? Gusto mo bang magaya si Ysa kay Arianne ha Inspector?"ani Axle.

"Pero nanganganib sya!"

"At nanganganib din kayo..!!"sabi ng boses mula likuran nila at ng lingunin nila yun ay sinunggaban nito ng sakal si Carlo, si Axle naman ay mabilis ang naging kilos, agad nyang kinuha ang kahon at nilagay sa isang bag na itim pati ang recorder, tutulungan sana nya si Carlo pero huli na dahil ang kotse ay papunta na sa isang matarik na lugar at pabulosok paibaba. Napapaikit si Axle at nagwika ng isang orasyon.

"Ele-eyu fonta simpen Saiguid"

At pagkatapos nun ay dirediretso silang bumulusok pababa.

"AAARRRGGGGGGHHHHHHHHHH!!"

+ M

Sa simbahan na minsang pinagdalahan sa kanya ni Tristan dinala si Ysa ng kanyang mga paa. Agad syang pumasok sa pintuan at umupo sa isa sa mg upuan doon.

Pero imbes na lumuhod ay nahiga sya sa upuan at hindi namalayan na nakatulog na pala sya, maya maya ay nagising sya dahil sa isang tugtog sa Piano.

Dahan dahang naglakad si Ysa papunta sa pinanggagalingan ng tugtog. At nakita nya ang isang piano pero wala namang tao, napaupo na lang sya doon at sa harapan ng Piano ay may salamin, at kitang kita ni Ysa na sa salamin ay katabi nya mismo si Tristan, nagpipiano at nakatingin sa kanya pero ng lingunin nya ang tabi nya ay wala ito, tumingin sya sa muli at kitang kita nya na nandoon si Tristan at nagumpisang kumanta.

Kung hindi man tayo,
Hanggang dulo..
Wag mong kalimutan,
Nandito lang ako,
Laging umaaalalay,
Hindi ako lalayo..
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw..

Pakiramdam ni Ysa ng mga sandaling iyon ay gustong gustong nya yakapin si Tristan pero wala syang magawa dahil nasa reflection lang sya, kaya naman lumapit ito sa salamin at doon ay yumakap at pumikit.

"Tristan.. Kailangan kita.. Kailangan kita.. Bakit kailangan mong lumayo.."unti unting pumatak ang mga luha ni Ysa at napadilat na lang sya ng maramdaman ang isang mahigipit na yakap sa kanya, nagmulat sya ng mata at nakitang si Tristan iyon.

"Nandito lang ako Ysa.. Hindi ako mawawala.."madamdamin at sincere na pahayag nito.

"HIJA! HIJA"napamulat si Ysa sa gising sa kanya, napabangon sya ng makita ang isang lalaki na sa tantya nya ay ang pari.

"Pasensya na po Father, pagod lang po.. Wala na po kasi ako iba mapuntahan.."wika ni Ysa at saka napatingin sa piano, tila nanlulumo sya ng mapagtanto na panginip lang ang lahat.

"TRISTAN.."nasambit na lang nya.

"Kung gusto mo Hija, dun ka muna mamahinga sa quarters nila sister ng makapagpahinga ka, medyo gabi na rin at hindi na kita hahayaang umuwi ng gantong oras."pagaalala ni Father.

Walang nagawa si Ysa kung hindi sumangayon sa pari, patayo na sana sya ng mapansin ang hawak nya. Isang puting rosas at may nakataling papel. Nagtataka syang binuksan ito.

'Ngiti lang Ysa, nandito lang ako'

~Tristan

Inamoy ni Ysa ang rose at bumulong.

"Salamat guardian angel ko.."

+ D

+ to be continued+
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 23)

Ganda! Idol ko talaga si Tristan :)
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 23)

Campus Queen Part 24
by ARIAN

+ G

"DEMONYO KA TALAGA ALBERTO APOSTOL!! WALA KANG GINAWA KUNDI SIRAIN ANG BUHAY KOOO!!"

Iyon ang mga katagang paulit ulit na sinisigaw ni Lexin habang nagwawala sa loob ng kwarto nya. Halos magpanic ang mga katulong sa mansyon ng mga Apostol sa pagwawala ni Lexin.

At sya namang dating ni Maita na kanina pa hinanahanap ang anak at nagulat pa ng malamang nasa bahay na ito at nagwawala.

"Anong nangyari? Bakit hindi nyo man lang sinabing nandito pala si Lexin?"sita ni Maita sa mga katulong.

"Eh Mam, kararating rating lang po nya, pinagbubugbog yung hardinero at driver tas nagbasag na ng kung ano ano dyan, tas nagkulong sa kwarto at nagwawala"kwento ng kasambahay.

Agad agad namang sumugod sa taas si Maita at saka kinatok ang nagwawalang anak.

"LEX..! ANAK! OPEN THE DOOR, SIGE NA,.."

"LUMAYO KAYO! LUMAYO KAYO! IWANAN NYO AKO MAGISA! UMALISS KAYOOOO!!"sigaw ni Lexin at saka isang malakas na kalabog ang narinig sa loob, maya maya pa ay dumating na rin si Marietta at si Albert, narinig nila ang pagwawala ni Lexin.

"O ano na naman ang drama ng anak mo Maita?? Hayaan mo syang mamatay dun sa loob.."nakangising sabi ni Albert, isang malakas na sampal ang binigay ni Maita dito.

"Anak ka ng.."nasabi na lang ni Albert ng sampalin ni Maita, agad nitong sinunggaban ang buhok ni Maita. "Sumosobra ka na talaga!!"

"Bitiwan mo ang Mama ko!"napatingin lahat sila kay Lexin na nasa may pinto na ng kwarto nya at matalim na matalim ang mata.

"uyy, tingnan mo nga naman, ang magaling kong anak"ngisi na sabi ni Albert pagkakita kay Lexin at saka sinenyasan ang dalawang body guard. Tumalima naman ang dalawang tauhan at pumunta Kay Lexin saka ito hinawakan sa magkabilang kamay.

"Anong gagawin mo sa anak ko!?"galit na sita ni Maita na akmang aawat pero tinulak naman ito ni Albert.

Hinarap nito si Lexin na matalim pa din ang titig sa ama na parang hindi man lang natatakot sa kung ano mang kahihinatnan nya. Hinawakan ni Albert sa baba si Lexin at hinarap sa kanya.

"Ngayon ka magmagaling ha Lexin! Ano? Anong magagawa mo? Lalaban ka pa?"sabi ni Albert saka sinampal si Lexin at sinundan ng pagsisikmura dito.

Hindi kumikibong nakatitig lang ng masama si Lexin kay Albert, nilapit ni Albert ang mukha dito at sya namang dura ni Lexin sa mukha nito.

"Putang.."nasabi ni Albert at saka binira sa mukha si Lexin.

Napayuko si Lexin at ng magbalik tingin dito ay isang tingin mula kay Lexin ang talagang nagpataas ng balahibo ni Albert na dahilan para mapaatras to. Galit na galit ang tingin nito na parang wala sa sarili.

Saglit na napatulala si Albert sa anak at ng makabawi ay sinenyasan na naman ang dalawang tauhan na may hawak kau Lexin na tila senyas na silang dalawa na bahala dito.

Pagtalikod ni Albert ay narining nitong nagsalita si Lexin.

"Sirang sira na ang buhay ko dahil sayo!"malalim ang tinig na sabi ni Lexin, napalingon dito si Albert at kitang kita nyang nagbago ang ekpresyon ng mata ni Lexin, kung kanina ay madilim at galit na galit na parang may pagbabanta, ngayon ay parang isang bata na tila nagtatampo, sa puntong iyon ay may kung anong awa syang naramdaman para kay Lexin.

Pinagsusuntok si Lexin ng mga tauhan at nakatitig lang si Albert, kitang kita nya na walang emosyon ang mukha ni Lexin pero ang mga mata nito ay parang punong puno na hinanakit.

Si Maita naman non ay tila natauhan na sa pagkakatulak ni Albert at nakita nyang binubugbog ang anak ng mga tauhan ni Albert.

"Napakawalanghiya mo talaga Albert!"sugod ni Maita sa asawa pero si Albert ay napako ang paningin sa pambubugbog kay Lexin at di ininda ang ginawa ni Maita.

Iyon ang eksenang naabutan ni Marietta, binubugbog ng tauhan ng anak ang pinakamamahal na apo.

"ANONG GINAGAWA NYO SA APO KO??!"galit na galit na sita nito at saka napahawak sa dibdib. "Mga Hayop ka..."di na naituloy ni Marietta ang sasabihin dahil biglang tumirik ang mata nito at napahawak ng mahigpit sa dibdib at bigla biglang natumba.

"MAMA!"gimbal na sabi ni Albert na nagising mula sa pagkatulala ng makita ang ina na inatake. "ANO PANG GINAGAWA NYO DIYAN"sita ni Albert sa dalawang tauhan na bumubugbog kay Lexin. "Kumilos kayo dyan mga GAG*!" dali dali namang binitawan ng dalawang body guard si Lexin at binuhat agad agad binuhat si Marietta, si Maita naman ay sumaklolo agad sa anak na hinang hina ng bitiwan.

"Anak ko.."yakap ni Maita kay Lexin samantalang si Lexin ay wala pa ring emosyon, nakatanaw lang ito sa Lola nyang buhat buhat ng tauhan ni Albert, tumulo na lang ang mga luha sa mata ni Lexin kasabay non ang mga katagang...

"MAMITA..."

+ S

"Mam, gabi na po, baka po makagalitan ako ni sir Carlo pag nalamang pinalabas ko kayo"pigil ni Ana sa among si Trini.

"Ano ka ba nurse, hindi yun, kasama ko naman ang anak kong si Tristan kaya di magaalala si Carlo."mahinahong sabi ni Trini at saka ito tumingin sa kung saan at ngumiti na parang may tao don.

Kinilabutan naman ang nurse na si Anna sa inakto ng pasyente nya.

"Mam naman eh, tinatakot na naman ako, saan po ba tayo pupunta?"natanong na lang nya sa alaga.

"Diyan sa simbahan, diyan kami kinasal ni Crisanto, diyan din bininyagan si Tristan, tapos diyan din sya nagkumpil at.."napatigil na lang si Trini ng maalala kung ano pa ang ginanap sa simbahan na tinuturo.

"At ano po?"napansin ni Ana na napatigil si Trini pero hindi na sumagot ang kanyang pasyente at nagpatuloy sa papuntang simbahan.

"Alam mo ba nurse, madalas kami magina dito, paano gumagaan ang loob namin pag nandito kami, madalas magvolunteer si Tristan ng pagpipiano dito para sa misa.."iba ni Trini sa kwento at saka ito humarap sa kawalan na naman "diba Tristan?" wariy kausap nito sa kung saan.

Hindi na kumibo si Ana, sanay na sya sa alaga, mula ng mamasukan sya aa private nurse ni Trini ay madalas nitong kausapin ang hangin at sinasabing anak daw nya iyon. Nung una ay binabalewala nya dahil alam nyang may problema ito sa pagiisip pero lately ay parang naniniwala na syang nasa paligid lang ang yumaong anak ng pasyente.

Naalala nya nung minsang nagwawala ito at ayaw uminom ng gamot, wala si Carlo noon pero biglang umihip ang malakas na hangin at maya maya ay huminahon na ang alaga nya na para bang may nakitang kanais nais. Pagkapainom dito ng gamot ay lumabas ang nurse para may kunin sa baba at pagbalik nya ay may narinig sya mula sa labas ng kwarto ni Trini na parang naghuhum, boses ito ng lalaki, akala nya ay si Carlo iyon pero ng pasukin nya ay walang ibang nandon kung hindi ang himbing na himbing na si Trini.

Pagpasok nila ng simbahan ay natanaw kaagad nila ang pari na syang dinadalaw ni Trini doon ay maging ang pari ay dumadalaw din minsan dito, araw araw silang nagpupunta sa simbahang iyon pero non lang sila nagpunta ng gabi, naalala nya tuloy kanina ang eksena bago sya yayain ng alaga doon.

****

"Nurse! Kailangan kong magpunta ng simbahan"biglang bangon ni Trini.

"Saan? Gabi na po"

"Kailangan ako ni Tristan, hinhintay nya ako sa simbahan.."sabi nya at saka dire diretso sa aparador nito ng mga damit.

"Pero Mam, gabi na po, baka makagalitan tayo ni sir Carlo"pigil ni Ana sa nagbibihis na si Trini.

"Hindi.. Kailangan ako ng anak ko, kung ayaw mong sumama ako magisa ang pupunta"pagmamaktol ni Trini kaya walang nagawa si Ana kung hindi samahan ito.

****

"Father.."tawag ni Trini sa Pari na may kausap na babae.

"Trinidad.. Gabi na Hija, anong ginagawa mo dito?"gulat namang sabi ng pari na si Miguel ng makita ang ina ni Tristan.

"Father, kailangan ako ng anak ko, pinapunta nya ako dito.. Sabi nya may kailangan daw akong.."napatigil si Trini ng makita ang babaeng kausap ng pari. "Ikaw..."

Si Ysa naman ng mga sandaling iyon ay naguguluhan sa tinuring ng babaeng kausap ni Father Miguel, kausap nya ang pari ng biglang dumating ang babaeng ito na may kasamang nurse, at ngayon ay tiningnan sya na parang matagal na syang kakilala.

"Ikaw.. Kilala kita.. Ikaw yun.. Ikaw yun diba? Ikaw ang babae na yun.."hindi makapaniwalang bulalas ni Trini ng makita si Ysa, ang babae na madalas ipinta noon ni Tristan.

"Excuse me po.. Kilala ko po ba kayo ma'am?"tanong na lang ni Ysa.

"Ako.. Ako si Trinidad Pangilinan.."

Napalaki ang mata sa narinig na para bang may nakita matagal ng kakilala.

"Kayo po ang Mama ni Tristan?"natanong na lang ni Ysa at naramdaman na lang nya ang lakas ng hangin na parang nakikisabay sa pagtatagpo ng ina ng lalaking naging karamay niya sa tuwi tuwina.

"Nakikita mo rin sya diba.. "parang buhay na buhay ang loob na sabi ni Trini. "Nakikita mo din si Tristan at nandito sya.."

Napatingin sa paligid si Ysa at saka nito naalala ang hawak na bulaklak na alam nyang galing kay Tristan, binigay nya ito kay Trini na para bang sagot nya sa tanong nito. Kinuha naman ni Trini ang puting rosas at niyakap ito.

"Nakikita mo nga sya.. Nakikita mo nga ang anak ko.. Ang aking si Tristan.."hagulgol ni Trini na para bang ang rosas na yun ay may mas malalim na kahulugan. "Sabi nya sa akin, pag paunta ko daw dito sa simbahan, may babaeng may hawak ng puting rosas.. at sya daw ang nagbigay non sa may hawak"pagkasabi ni Trini niyon ay niyakap nito si Ysa at saka umiyak ng umiyak. "Sabi ko na, hindi talaga ako nababaliw, totoong hindi tayo iniwan ni Tristan, hindi talaga tayo iniwan ng anak ko, nandyan lang sya.."palahaw ni Trini ng iyak, at wala namang nagawa si Ysa kung hindi ang mapayakap sa ina ni Tristan, pakiramdam nya ay ito na lang ang maigaganti nya sa kabutihan sa kanya ng kaibigan, ang damayan din ang ina nito.

Si Ana naman ay tila nahiya sa inakto ng pasyente, akma nyang pipigilin ito pero pingilan sya ng pari at nginitian at saka tumingin sa may piano kung saan kanina pa pala nakamasid si Tristan, nakangiti ito sa pari na para bang siyang siya sa nakikitang pagkikita ng dalawang babaeng importante sa kanya.

+ M

Umiiyak na ginagamot ni Maita ang sugat ni Lexin na hanggang sa kasalukuyan ay tulala at di makausap.

"Napakahayop talaga ng lalaki na yun, napakahayop.. Palagi na lang nya akong sinasaktan, tapos pati ikaw.."napatigil si Maita sa paggagamot sa anak at saka umiyak ng umiyak.

Si Lexin naman ay tila natauhan sa mga pangyayari ng makita ang pagluha ng ina.

"Ma.. "

Napatigil naman si Maita sa pagiyak ng makitang nakatingin sa kanya ang anak, tinuloy nito ang pag-gamot sa pasa ni Lexin,

Si Lexin naman ay pinigil ang kamay ng ina na gumagamot sa mukha nya at saka ito hinila payakap sa kanya.

"Kayo na lang ngayon ang meron ako Ma, mukhang pati si Mamita ay iiwan na rin ako, at si Ysa, hindi na sya pwede maging akin.. Hindi na kami pwede dahil sa hayop na Alberto na yun.. Ma ang sakit, ang sakit sakit.."naiiyak na pahayag ni Lexin habang mahigpit na nakayakap sa ina.

Awang awa si Maita sa paghihirap ng anak. Wala itong nagawa kung hindi haplusin ito sa ulo.

"Anak.. Patawarin mo ako.. Kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit na nadarama mo, ginawa ko na.."nasa ganong eksena ang magina ng biglang pumasok ang katulong nila na umiiyak.

"Ano ka ba naman Manang Lora, bakit ba hindi ka man lang kumakatok!"galit na sita ni Maita.

"Madamme.. Si Senyora Marietta po..."Umiiyak na sabi ng katulong.

Napakalas sa pagkakayakap si Lexin sa ina at saka napatayo.

"Anong nangyari kay LOLA Mommy?? Ano??!"wika ni Lexin na kahit may hinala na sya ay tinanggi pa rin ya yun sa isip.

"Patay na po sya.. Dead on arrival daw po.."

Kahit mahina pa sa pagkakabugbog ay bigla biglang tumakbo si Lexin palabas.

"Lexin saan ka pupunta!"tawag ni Maita sa anak.

Pero dire diretso si Lexin, at hindi na ito naabutan ni Maita dahil mabilis na nakasakay sa kotse at pinabarurot ito ng anak.

+ P

"Matagal na po bang nagpapakita sa inyo si Tristan?"umpisang tanong ni Ysa kay Trini, iniwanan silang mapagisa nun ni Fr. Miguel at ng nurse, matagal bago sila nagsalita hanggang si Ysa na mismo ang nagpauna.

"Mula ng mamatay ito ay hindi na ako iniwan magisa ng anak ko.. Oo inaamin ko nadepress ako pero hindi ako nawala sa katinuan tulad ng iniisip nila, talaga lang hindi ako baliw.. Talaga lang nakikita ko si Tristan"kwento ni Trini kay Ysa.

Napatahimik naman si Ysa wariy may kung anong iniisip.

"Ikaw Ysa, kailan nagpakita sayo si Tristan?"tanong ni Trini sa dalaga.

"Mula po ng pumasok ako Sa LAC, at magmula ng makilala ko sya ay never po sya pumalya na pagaanin ang loob ko"pagtatapat ni Ysa.

Pagkasabi noon ay isang malakas na hangin ang umihip.

"Nandito sya.. Nandito si Tristan"sabi ni Trini, napayakap naman si Ysa sa sarili at saka napatingin sa paligid, nagawi ang tingin nya sa may labas ng simbahan at doon ay hindi si Tristan ang kanyang nakikita kung hindi ang babaeng nakaitim.

Biglang napatayo si Ysa na takot na takot.

"Hija bakit?"takang tanong ni Trini.

Hindi malaman ni Ysa kung sasabihin nya sa ina ni Tristan o hindi ang tungkol sa babaeng nakaitim, pero ng huli ay mas nanaig sa kanya ang takot na baka madamay ang ina ng kanyang espesyal na kaibigan.

"Wala po"pagsisinungaling ni Ysa at saka naupo muli, pero halata pa rin na may bumabagabag sa kanya dahil palingon lingon pa din ito.

"Wag mo syang pansinin Ysa, hindi sya makakapasok dito"

Napatingin si Ysa kay Trini na para bang hindi makapaniwala sa sinabi nito.

"N-nakikita nyo sya Tita Trini?"tanong ni Ysa.

"Oo, nakikita ko sya.. At hinding hindi sya makakapasok dito.. Dahil takot sya kay Fr. Miguel.."sagot naman ni Trini at saka nilingon ang babaeng nakaitim na nasa trangkahan ng simbahan. "At kahit lumabas ako dito ay hinding hindi nya ako masasaktan.."taas noong sabi ni Trini.

"P-panong.."naguguluhang tanong ni Ysa.

"20 years ago..."

At tila nagbalik sa nakaraan si Trini...

****

Tatlo kaming matatalik na magkakaibigan noon, Ako, si Crisanto at si Lucia.

Elementary pa lang kami ay magkakaibigan na kami, hanggang sa maghighschool at kahit noong college. Sa aming tatlo, si Lucia lang ang pinakamay kaya, anak sya ng pulitiko at kami ni Crisanto ay anak lamang ng ordinaryong mamamayan ng bayan na yun. Pero hindi hadlang yun para maging magkakaibigan kami. Hanggang magkolehiyo nga ay magkakasama kami, nagawan pa ng paraan ni Lucia na mabigyan kaming dalawa ni Crisanto ng scholarship para makapasok sa isang sikat na unibersidad. Ngunit sadyang hindi katalinuhan si Lucia, dahil imbes na maging magkakaklase kami ay hindi nangyari yun dahil hindi kinaya ng grades nya ang course na gusto naming tatlo, naging dahilan tuloy iyon upang maging mas malapit kami ni Crisanto, at sa bandang huli nga ay nagkagustuhan kami, naging magkasintahan kami ng lingid kay Lucia, pero isang pagtatapat ang tila naglamat sa pagkakaibigan naming tatlo.

"Mahal ko si Crisanto, Trini.. Gusto ko syang maging boyfriend, tulungan mo naman ako.."

Wala akong nagawa non, masakit man sa loob ko ay pinalaya ko si Crisanto bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagkakaibigan namin ni Lucia. Naging mahirap ito para kay Crisanto pero dahil ako na rin ang mismong lumayo sa kanya ay nagkaroon sila ng pagkakataon ni Lucia na magkapalagayan ng loob.

"Grabe Trini, inlove na inlove na talaga ako kay Crisanto.. Wala ng pwedeng makapagpahiwalay samin, sya ang magiging ama ng mga anak ko, at ang anak namin ay aalagaan ko ng sobra sobra at mamahalin ko ito ng walang katulad."madalas nyang maikwento sa akin non.

Masakit man sa loob ko pero tiniis ko yun para sa pagkakaibigan namin, pero walang lihim na hindi nabubunyag..

Isang sulat ko para kay Crisanto ang hindi aksidenteng nabasa ni Lucia, at nakapaloob dun ang tungkol sa relasyon namin.

PAKK!

"Traydor ka! Matapos kong maging mabuting kaibigan sayo! Ganto pa ang igaganti mo sa akin!!"galit na galit na sita nya sa akin matapos nya akong sampalin.

"Naging mabuti din akong kaibigan sayo, nagawa kong pagparaya ang lalaking mahal ko dahil sinabi mong mahal mo din sya"umiiyak kong sagot non.

"Oo! Mahal ko sya! MAHAL NA MAHAL KO SYA TRINI! At walang pwedeng umagaw sa akin sa kanya! KAHIT IKAW PA!!!!"galit na sabi nya saka nya ako tinalikuran non.

Magmula ng insidenteng iyon ay hindi ko na nakita si Lucia, hindi na sya pumasok sa school at naging dahilan yun para mapalapit muli kami ni Crisanto sa isat isa, at hindi sinasadyang nabuntis ako ni Crisanto dahilan para maipakasal kami ng wala sa oras, nabalitaan yun ni Lucia at pumunta sya sa kasal namin suot ang kulay itim na wedding gown, talaga namang nakaagaw sya ng pansin non.

"Tingnan mo nga naman! Ang dalawa kong matalik na kaibigan, ang dalawa kong ahas na mga kaibigan na matapos kong tulungan ay tinuklaw naman ako pagkatalikod, mga hayop kayo! Hindi kayo magiging masaya tandaan nyo yan!"kung hindi pa sya inawat ng mga tao ay talagang sira ang aming kasal, pero bago pa man sya nakalabas ay napaisip pa ako sa huli nitong sinabi. "Malalaman din nya Crisanto! Malalaman din nyaaaaa!"
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 23)

***

Napatigil si Trini sa pagkukwento at saka napaupo at tila nagisip ng malalim.

"Si Lucia po ba ang babaeng nakaitim?"natanong ni Ysa.

Pero hindi kumibo si Trini, bagkus ay tumingin ito kay Ysa na parang nagtataka.

"Sino ka?"

"Tita? Ano pong.."nabigla namang sabi ni Ysa, yun ang tagpong naabutan ni Ana na nurse ni Trini.

"Naku, ayan na naman, may sumpong na naman si Mam.."sabi ni Ana at saka nilapitan ang alaga.

"Anong nangyari sa kanya?"nagaalalang tanong ni Ysa.

"May alzeimer's disease sya.. Bigla bigla na lang ay hindi ka nya kilala, palala na ito kaya nga ako kinuha ni sir Carlo na kapatid nya para alagaan sya, hindi dahil sa pagkabaliw nya daw!"sabi ni Ana ay saka tinayo si Trini. " Lika na po Ma'am, mabuti pa umuwi na tayo.."

"Sino ka ba? Nasan si Tristan? Tristan anak halika na uuwi na, wag ka na makulit, uuwi na tayo, tawagan mo na Papa mo"biglang ang kaninang matinong kausap ni Ysa ay tila nakalimot naman.

Napasinghap na lang si Ysa, na tila desperado, maari kayang ang babaeng nakaitim ay may kinalaman kay Lucia, pero ano naman ang kinalaman nya doon at pati sya ay ginugulo.

Naputol ang pagiisip ni Ysa ng may pumasok na dalawang lalaking humahangos.

"Father Miguel! Father Miguel!"

Sagsag namang lumalabas ang pari ng marinig ang nakakatarantang tawag sa kanya.

"Ano ba yun mga Hijo at parang natataranta kayo?"tanong ng mabait na pari.

"Father, kailangan nyo po sumama sa amin, kailangan nyo po basbasan si Madame Marietta, ang ina ni Gov.."kwento ng isa. "Kamamatay lang po nya at inatake, halika na po kayo"aya ng isa pa.

Gulat na gulat si Ysa sa narinig, hindi sya pwedeng magkamali, ang lola ni Lexin ang tinutukoy ng mga ito.

"Father, sasama po ako!"bigla na lang nya nasabi, napatingin lang sa kanya ang pari at kapagdakay tumango din ito.

Lulan ng sasakyan ng dalawang tumawag, kabadong kabado si Ysa at alalang alala kay Lexin.

+ M

Hindi na inabutan ni Lexin sa hospital ang kanyang mamita, nasa morgue na daw ito, pero imbes na magtuloy sa morge ay nagtuloy ito sa isang bar na malapit.

Nagpakalango sya sa alak at dun ay pinagluksa nya ang pagkawala ng kanyang Lola na naging kakampi nya sa lahat.

Habang nagpapakalunod sa alak ay isang kamay ang humawak sa kanyang balikat.

"LEXIN.."

Napatingin si Lexin sa may ari ng kamay at doon ay nakita nya si Corine. Kanina pa pala ito nakamasid sa lalaki at nakita nyang tila may dinadamdam ang binatang minamahal kaya di nya natiis na magmasid lang.

"Anong ginagawa mo dito?"concern na tanong ni Corine, kahit may sama sya ng loob sa binata ay hindi nya pwedeng palamapasin ang pagkakataong damayan ito sa kung ano man ang iniinds nito.

"Anong ginagawa mo dito?"lasing na tanong ni Lexin.

"Nandito ako para samahan ka!"maarteng sagot ni Corine.

"Iwan mo ako, ayoko ng kasama, gusto ko mapagisa.."taboy ni Lexin sa dalaga pero imbes na umalis ay umupo ito sa tabi ng binata.

Tinitiganang ni Lexin si Corine at saka nailing na tumayo at nagbayad.

"O saan ka pupunta?"usisa ni Corine.

"kung ayaw mo umalis, ako ang aalis"sabi ni Lexin at saka nagiwan ng pera sa lamesa.

"Lexin wait!"habol ni Corine.

Nakita nyang sumakay ng kotse si Corine at dali dali ay sumakay din sya dito.

"Baba!" utos ni Lexin kay Corine pero parang walang narinig ang dalaga, kaya walang nagawa si Lexin kung hindi paharurutin ang sasakyan.

"Lexin! Ano ba magpapakamatay ka ba!"takot na takot na sabi ni Corine ng parang wala sa sarili ng nagmamaneho si Lexin, nakipagkarerahan ito sa malalaking truck at maya maya ay isang ten wheeler ang kanilang mabubunggo pero dire diretso pa rin si Lexin.

"LEXIIIINNNNNNNNNN!"sa sigaw na iyon ni Corine ay tila natauhan si Lexin at tinapakan nito ang preno.

Shock na shock si Corine at si Lexin naman ay hingal na hingal, at matapos makabawi sa pagkabigla ay yumukyok ito sa may manibela.

"LOLA MOMMY.. LOLAAA.. LOLA KOOOO"parang batang iyak ni Lexin, nahabag ang puso ni Corine, lumabas ito sa kotse at tumungo sa kabilang side kung nasaan si Lexin, binuksan nya ang pinto at doon ay niyakap ang binata.

"Tahan na Lex.. Tahan na"alo ni Corine.

"Wala na ang Lola Mommy ko Corine, wala na sya, iniwan na nya ako.."at saka ito tumingin sa dalaga at kusang yumakap kay Corine.

Nasa ganong eksena sila ng isang sigaw ang narinig nila.

"HOY MGA TANGA! MAGPAPAKAMATAY BA KAYO!"sigaw ng isang lalaki na driver ng van na nasa likod nila.

Napatingin dito si Lexin at isang matalim na titig ang binigay nito sa lalaki.

"ANONG TINITINGIN TINGIN MO HA GUNGGONG!

"Sakay na Corine,"utos ni Lexin kay Corine.

"Lexin, wag mo na patulan.."

"SAKAY NA!"walang nagawa si Corine kung hindi ang bumalik sa pwesto, pagkaupong pagkaupo ni Corine ay binarurot na naman ni Lexin ang kotse, binaling nya ito at hinarap sa van kung nasan ang lalaking sumisigaw sa kanila, umatras ito at maya maya ay mabilig at dire diretsong binangga ang van, kinagulat ito ng lalaki, pero di pa man nakakabawi sa gulat ay sunod sunod na bangga pa ang binigay ni Lexin dito.

Kapagdakay umayos ng takbo at sumenyas na nag dirty finger sa hindi pa rin makaget over na driver.

+ D

Si Ysa ay abala ay nasa Funeraria na kasama si Fr. Miguel, hindi na kasi sila umabot sa hospital.

Palinga linga sya ng tingin kakahanap kay Lexin pero hindi nya ito makita, kaya naupo na lang sya sa may labas para maghintay.

Magisa syang nakaupo dun ng may mapansin syang naupo sa tabi nya, hindi na lang nya iyon tiningnan dahil sa kakaisip kay Lexin.

Maya maya ay nagsalita ang nasa tabi nya.

"Kung ano man at ano man ang kahahantungan nyo ni Lexin, magpakatatag ka Hija.. Magpakatatag ka, may dahilan ang lahat.."

Napalingon bigla si Ysa sa katabi at dun ay nakita nya ang lola ni Lexin na nakaupo dun at nakangiti sa kanya.

"Ysa.."napalingon si Ysa sa tumawag sa kanya at pagbalik ng tingin nya sa matanda ay wala na to.

Si Maita pala na ina ni Lexin ang tumawag sa kanya.

"Mabuti naman napunta ka, kailangan ka ni Lexin.."malungkot na wika nito.

"Opo.. Alam ko kung gano nya kamahal ang lola mommy nya.."sagot ni Ysa.

Maya maya pa ay natanaw na ni Ysa si Lexin, nakita nyang puro ito pasa at hinang hina.

Si Lexin naman ay nakita na rin si Ysa, gustong gusto nyang tumakbo dito para yakapin ito at ibuhos ang sama ng loob nya. Pero paulit ulit na sinisigaw ng utak nya na hindi pwede dahil iba na ang sitwasyon ngayon.

"Lexin, anong nangyari sayo? Sinong may gawa nyan?"alalang tanong ni Ysa.

"Anong ginagawa mo dito?"pagalit na tanong nya.

"Nabalitaan ko ang nangyari at.."hindi naituloy ni Ysa ang sasabihin dahil nakita nya si Corine."Anong ginagwa mo dito?"

"Buti pa Ysa, umalis ka na.. At wag na wag ka ng babalik"narinig nyang malamig na sabi ni Lexin.

"Lexin.."

"Narinig mo yun Ysa, umalis ka na daw, hindi ka kailangan dito, kaya ano pang hinhintay mo? Layas..!"nakangising sabi ni Corine.

Napatingin si Ysa kay Lexin at paulit ulit na tanong ang tumatakbo sa isipan nya, anong nagawa nya, bakit nagkakaganto.

"Lexin, Bakit??"tila basag ang tinig na sabi ni Ysa.

Masakit man sa damdamin ni Lexin ay humarap sya dito at hinanda na ang mga sasabihing alam nya ay makakasakit sa damdamin ni Ysa. Pero kailangan para ito na mismo ang kusang lumayo sa kanya.

"Bakit? Dahil malas ka sa buhay ko!"umpisa ni Lexin. "Mula ng dumating ka ay puro kasakitan na lang ang nararanasan ko? Alam mo ba yun?! Kaya ayoko ng lalapit ka pa sa akin kahit kailan" pagkasabi nito ay tumalikod ang nagpipigil na si Lexin.

"Heard it bitch? Alis.. Alis na.."gatong pa ni Corine.

Napanganga na lang si Ysa sa sinabi ni Lexin, hindi talaga nya maintindihan ang mga nangyayari, walang kahit ano mang salita ang makawala sa bibig nya.

Maglalakad na sana si Lexin papasok ng magkalakas ng loob na magsalita si Ysa.

"Kahit pagtabuyan mo pa ako.. Kahit pa sabihin mong wag na wag akong lalapit sayo.. Hindi mo ako mapigigilan para damayan ka.. Kung sinasabi mong malas ako.. Wala akong pakialam, dahil pipilitin kong gawing tama lahat ng sa tingin mo ay naging mali mula ng maging parte ako ng buhay mo"pahayag ni Ysa at saka tumakbo palayo.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Lexin ng mga oras na yun, hindi nya kayang mapalayo kay Ysa.. Pero mali, magkapatid sila. Ilang sandaling napako si Lexin sa kinatatayuan pero ng huli ay kumilos ito at sumunod kay Ysa.

"YSA!"

Si Ysa noon ay umaagos ang luha habang tumatakbo, ilang beses na syang minsang pinagtabuyan ni Lexin dahil sa nangyari noon sa school pero bakit ang nangyari kanina ay mas masakit.

Napahinto na lang si Ysa sa may hagdan ng gusali kung nasaan ang funeraria at doon ay napaupo sya at tahimik na umiyak.

Wala syang kamalay malay na nakamasid sa likod nya ang punong puno ng hinanakit na si Lexin dahil sa mga pangyayari.

"YSA... YSA KO..."

+

Sa presinto, habang abala si Inspector Bonker ay isang tawag ang natanggap nito.

"Hello.."kausap nya dito, at isang maTagal na katahimikan ang narinig habang kausap nya sa nasa telepono, sunod sunod na tango lang ang ginagawa ni Bonker.

"Sir! Sir!"tawag ng isang pulis sa inspector.

"Bakit?"tanong nito sabay patay sa cellphone.

"Yung kotse po ni Inspector Sta. Ana, naaksidente sa probinsya, grabe daw po.."balita nito.

Napailing lang si Bonker at saka kinuha ang mga gamit.

"Halika, puntahan natin"

+

To be continued..
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 24)

ngayun na lang ulit napadaan dito.. tnx sa pag update at may nabasa ulit ako..
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 25)

Campus Queen Part 25
by ARIAN

+

Lalapitan na sana ni Lexin si Ysa ng makitang parating na si Lina, ang ina nito kasama si Lewis at Flor.

Napatiim bagang na lang si Lexin at bumalik na sa burol ng Lola Mommy nya.

Nakayuko namang umiiyak si Ysa at hindi napansin ang paglapit ng ina nya sa kanya.

"Ysa anak.."malungkot na wika ni Lina, nabalitaan nya lang sa mga kapitbahay ang tungkol sa pagkamatay ni Marietta Apostol kaya naman nagbakasakali sya na baka narito si Ysa, at eto nga, hindi sya nagkamali.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Ysa na hanggang sa mga panahong iyon ay may dinadamdam pa rin sa ina.

"Anak, umuwi na tayo, hindi ka dapat nandito.."malungkot na wika ni Lina.

"At saan ako dapat nandoon? Sa bahay? Para ano? Ano ba talaga sinabi mo kay Lexin at tinataboy nya ako Ha Ma!"mataas na boses na sabi ni Ysa.

"YSA! SUMOSOBRA KA NA SA PANABABARUMBADO KAY MAMA"pigil ni Flor na naiirita sa ginawi ni Ysa.

Pero hindi ito pinansin ni Ysa, tumakbo ito palayo sa ina at mga kapatid.

"Ysa, hindi pa tayo tapos magusap! Bumalik ka dito."sita ni Flor pero hindi ito pinansin ng kapatid. Susundan pa sana nya ito pero pinigil na sya ng ina.

"hayaan na lang muna natin ang kapatid mo"parang naiiyak na sabi ni Lina.

"Pero Ma, sumosobra na si Ysa.."

"Masyado syang madaming dinadamdam ngayon kaya hayaan na lang na natin sya"nanghihina pang saad ni Lina.

Paalis na sana sila ng sya namang dating ni Albert at tila lumiwanag ang mundo nya ng makita nito Ang babaeng minamahal.

"CELY?!"tawag nya, nilingon ito ni Lina at ng makitang si Albert ito ay nagmamadali itong naglakad.

"Wag kayong lilingon, pagpatuloy nyo ang paglalakad,"Utos ni Lina sa mga anak.

"Ma, bakit natin tatakbuhan si Gov? Anong problema?"takang tanong ni Flor.

"Basta!"

Napailing na lang si Albert ng makitang nagmamadaling umalis sila Cely.

"Istong, sundan mo yung magiina, wag kang magpapahalata,"utos na lang nya sa Bodyguard imbes na sundan ito.

Si Lina naman ay humhangos na naglalakad, takang taka dito ang dalawang anak. Kaya naman hindi nakatiis si Flor at tumigil ito sa paglalakad at hinarap ang ina.

"Ma! Ano ba ang problema? Bakit nagkakaganyan ka? Magtapat ka nga! Anong kaugnayan mo kay Gov?"naguguluhang sabi ni Flor.

"Hindi mo na kailangang malaman, hindi na, wala! Ayoko! Umalis na tayo dito, umalis na tayo dito!"nanginginig sa takot na sabi ni Lina.

"MAMA! BAKIT BA? ANO BANG PROBLEMA?! Ano ba ako dito, tau tauhan lang sa pamilya na to? Wala ba talaga ako karapatan malaman man lang kung anong nangyayari? Ikaw na mismo ang nagsabi noon kay Papa na malalaki na kami at pwede na kaming pagsabihan ng problema!"nangingilid ang luhang sabi ni Flor sa kanyang ina, si Lewis naman non ay nakamasid lang at tila naiintindihan ang nangyayari.

Napaupo si Lina at nagiiiyak sa mga sinabi ng anak.

"Kung alam mo lang, kung alam mo lang kung gano kabigat ang dinadamdam ko.. Kung alam nyo lang.."tangis nito.

Parang namang naguilty si Flor ng mga sandaling iyon at nahabag sa inakto ng ina.

Lumapit sya dito ay niyakap sI Lina.

"Ma, kahit ano man ang mangyari, nandito lang kaming magkakapatid para sayo, hayaan mo kakausapin ko si Ysa"paniniguro ni Flor.

+

Si Ysa ay umiiyak na tumatakbo, gustong gusto nya makalayo sa lugar na yun, malayo sa mga taong nagbibigay ng hinanakit sa kanya.

Dahil sa punong puno sya ng emosyon ay hindi na napansin ni Ysa ang isang rumaragasang Kotse at...

Kasunod noon ay ang isang malakas na preno, pero huli na ang lahat, isang kalabog ang sumunod na narinig kasabay noon ay ang pagtilapon ni Ysa kung saan.

"Boss may nasagasaan tayo!"sigaw ng driver ng kotse na dali daling bumaba at pinuntahan si Ysa.

"Bilisan mo dalin natin sa hospital!"sigaw ng amo ng driver.

+

"Lexin, Lexin magusap tayo.."habol ni Maita sa anak bakas sa mukha ang pagkamiserable, pero hindi man lang huminto si Lexin sa paglalakad kaya naman binilisan nito ang paglalakad at hinila ito sa braso."I said magusap tayo!"iritang sabi ni Maita.

"WHAT!!"pasigaw na sabi ni Lexin at saka hinarap ang ina, at doon napansin ni Maita ang mga luha sa mata ni Lexin, tila nadurog ang puso nito sa nakitang kalagayan ni Lexin kaya hinawakan nya ito sa mga pisngi at pinagmasdan.

"Anak.. Bakit? Ano problema? Bakit ka umiiyak?"tanong ni Maita at saka pinahiran ang mga luha sa mata nito.

Si Lexin naman ay iniwas ang mukha pero hindi ito pinayagan ni Maita.

"Tell me Lexin, Anong nangyari at ganon ka karude kay Ysa? I thought you lover her, I thought you'll marry her"sabi pa ni Maita, pero nanatiling nakatulala si Lexin at hindi kumikibo, samantalang lingid sa kaalaman ng magina, si Corine noon ay tahimik na nakamasid at nakikinig sa kanila.

"Lexin.. Whats wrong.. You can tell me everything.."paglalambing ni Maita sa anak.

Tiningnan lang sya ni Lexin at madamdaming nagwika. "I cannot marry Ysa anymore.."wika ni Lexin kasunod ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata na nagbabadyang pumatak.

"But Why? I thought you love her,Anong nangyari..?"usisa ni Maita na naguguluhan.

"Yes, I Love her, I love her with all my heart, with all my life, with all my soul,"mamiyok miyok na sagot ni Lexin. "Pero hindi ko na sya pwede pakasalan.. At hindi ko na rin sya pwedeng mahalin.."

"B-bakit?"

"BECAUSE YSA IS MY SISTER! KAPATID KO SYA MA! ANAK SYA NG HAYOP KONG AMA DUN SA BABAENG BINABOY NYA NOON!"sigaw ng emosyonal na si Lexin. "KAPATID KO SYA MA! KAPATID KO SI YSA.. KAPATID KO ANG BABAENG MAHAL KO NG HIGIT PA SA BUHAY KO"tuluyan ng bumigay ang damdamin ni Lexin at bumuhos na naman ang kanyang mga luha, niyakap ito ni Maita at inalo alo.

Habang balot ng kalungkutan ang magina, si Corine naman na kanina pa nakikinig ay napangisi sa mga narinig.

"Well, Well.. Tingnan mo nga naman, "ani Corine at saka ngumiti ng parang demonyita. "Matitikman mo ngayon Ysa ang balik sayo ng lahat ng ginawa mo sa akin,"pagkasabi non ay lumakad na si Corine at pumasok sa chapel, di nya napansin na sa tapat ng salamin na kaninang tinatayuan nya ay ang babaeng nakaitim na nakangisi.

+

***
Isang babae ang patakbong umiiyak sa isa sa mga CR ng school, nakagown ito at suot ang korona ng pagiging campus queen, pagadating nya sa CR ay naabutan nya ang dalawang babae.

"Tingnan mo nga naman, our new Campus Queen is here, ano Arianne, nagustuhan mo ba yung supresa namin sayo.."natatawang sabi ng isang babae.

"Bakit nyo ba ginagawa sa akin to! Ano bang kasalanan ko sa inyo!! Sinadya nyo ba yung nangyari sa awarding!"umiiyak na sabi ng babae.

"Gusto lang namin! Kasi nabubuwiset kami sa katulad ming feeling! Pavirgin! At higit sa lahat Mangaagaw!"sabi ng babae at saka hinila ang buhok nito.

"Bitiwan mo ako Lea nasasaktan ako"sabi ng babaeng nakagown pero hindi ito binitawan ng isa, bagkos ay mas hinila pa ito.

"Juvy, hawakan mo sya, dali, "utos ng isang babae na sinunod naman.

"Anong gagawin nyo sa akin??"kinakabahan at nagpapanic na sabi ng babae.

"Wala naman, lulubos lubusin lang namin ang pagiging sikat mo"wika ng babae at saka may kinuha sa bag nito, isang malaking panyo. "Hawakan mo mabuti Juvy"utos ng babae sa kasamahan at saka tinakip sa mga mata ng babaeng naagown ang panyo.

"Anong ginagawa mo? Tigilan nyo ako!"hysterical na sabi ng babae pero hindi na nya nakahuma pa dahil hinablot ng dalawa ang gown na suot nya, tatanggalin na sana nya ang piring sa mata pero may humawak sa mga kamay nya.

"Sino may sabi sayong tanggalin mo? Ha?"sabi ng babae at saka nito nilagay sa likod ang mga kamay nito at tinali ng isa pang panyo.

"Parang awa nyo na tigilan nyo na ako! Ano bang kasalanan ko sa inyo!"pagmamakaawa ng babae at saka nagumpisa ng umiyak.

"Kawawa ka naman Arianne, MALANDI KA KASI!"at saka tuluyan ng tinanggal ang mga damit maging ang underwear ng babae, walang natirang saplot, tanging ang korona lang ng pagiging Campus Queen ang naiwang nakasuot dito. Magsasalita pa sana sya ng may maamoy syang kakaiba, dahilan para mahilo sya at mawalan ng malay.

Ang sumunod na eksena ay sa school quadrangle kung saan madaming tao ang naroon at tila may inaabangan, Foundation Day noon kaya naman hindi lang mga estudyante ang nandoon kundi may mga outsider din.

"Attention everyone" malakas na sabi ng babae sa mike. "Ladies ang gentlemen, our new Campus Queen, Arianne Liu.."kasunod non ay ang paglabas sa boot ng isang babaeng nakahubot hubad at parang bulag na kakapakapa sa paglalakad dahil sa mga piring sa mata, suot ang tangin korona lang ay nabandera ang katawan nito sa mga taong nandoon,tila naman walang kamalay malay ang dalaga dahil sa nakapasak sa kanyang tenga, di naman nya maalis ang piring sa mata dahil hindi na ito panyo kung hindi pinagpatong patong na packaging tape. Pilit nya itong tinatanggal sa mga nasa mata pero sadyang mahigpit ito.

"Nasan ako, nasan ako? Parang awa nyo na.."sigaw nito. Walang kamalay malay ang dalaga na pinagpipyestahan na ang katawan nya sa mga oras na yon ng mga tao.

"Ay grabe naman"

"ano ba yan?"

"wow sexy"

"pwede patouch"

Ilan lang yun sa mga komento sa paligid, napayakap ang dalagang walang saplot sa sarili dahil sa malamig na hangin na umihip.

May isang lalaki naman ang tila hindi makapagpigil sa kagandahang nakikita, lumapit ito sa dalaga at niyapos sya sa may braso.

"Sino ka! Wag mo akong hawakan!"sigaw ng babae at saka tinakpan ng kamay ang katawan.

"Ang arte naman nito"sabi ng lalaki at saka pwersahang tinanggal ang piring sa mata ng dalaga maging ang nakapasak sa tenga.

Unti unting binuksan ng babae ang mga mata at doon bumungad sa kanya ang madaming taong nakamasid sa kanya. Sa hubad nyang katawan.

"O aarte arte ka pa eh wala ka naman ng itatago pa kaya pagbigyan mo na ako Miss"nakangising sabi ng lalaking nagtanggal ng piring nya kasabay non ay ang pagsunggab sa kanya, pero bago pa man nito mahawakan ang dalaga ay isang suntok ang lumanding sa mukha nito, halos mabasag ang mukha ng lasing ata na lalaki sa suntok ng dumating na binata, pagkatapos bugbugin ang manyak na lalaki ay tinanggal nito ang suot na jacket at sinuot sa dalagang walang saplot at saka ito inakbayan.

Ng padaan na sila sa babae na may pakana ng lahat ay huminto ito at binantaan ang babae.

"siguradong hindi ko palalampasin to Lea, hinding hindi.."wika ng binata.

***

"Miss, Miss.. "gising ng nakabangga kay Ysa, kasalukuyan silang nasa loob ng kotse noon papunta sa hospital.

Tila naalimpungatan naman si Ysa mula sa mahabang panaginip. Dinilat nito ang mga mata at bumungad sa kanya ang lalaking hindi naman kilala.

"Sino ka?"

"Miss, nabunggo ka namin, hindi namin sinasadya at bigla ka na lang tumawid, mabuti na lang hindi ka napuruhan, okay ka lang ba?"sabi ng lalaki na sa tantya ni Ysa ay nasa mga trenta na, pinikit muli ni Ysa ang mata at inalala ang mga nangyari, kung paanong emosyonal syang naglalakad kanina at biglang biglang may sasakyan sumulpot, isang lalaki ang sa kanya ay yumakap noon kasabay ng pagtilapon nya kung saan.

Pakiramdam nya ay may kung sinong naglapag sa kanya ng maayos kaya hindi sya nasaktan, at bago pa man sya mawalan ng malay ay isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig.

"Nandito lang ako Ysa, wag kang magaalala.."

"Tristan.."nasambit na lang ni Ysa at saka biglang bumalikwas ng bangon.

"Miss okay ka lang ba? Dadalhin ka na namin sa hospital.."tanong ng lalaking kaharap na hindi sa mukha nya nakatingin kundi sa katawan nya. Saka pa lang napansin ni Ysa na nakakatawag pansin nga ang ayos ng damit nya dahil nakalilis ito kaya naman agad nya itong inayos.

"Ihinto nyo na ho, bababa na ho ako.."sabi ni Ysa.

"Sandali lang Miss, cool ka lang, gusto mo ba ihatid ka namin sa inyo..?"tanong ng lalaki.

"Wag na ho.."

"Boss, gusto yata ni Miss na ibaba natin sya dito sa delikadong lugar na to kung saan madaming babaeng dinadampot at nirerape"makahulugang sabi ng nagdadrive at saka tumingin sa salamin ng kotse na tila makahulugan.

"Ano ka ba naman berting tinatakot mo naman si Miss eh"nakakalokong sagot naman ng lalaking katabi ni Ysa.

"Sir, bababa na po ako.. "Kinakabahang sabi ni Ysa at saka lumayo sa lalaking naguumpisa ng isiksik ang sarili sa kanya.

"Bakit ka naman nagmamadali Miss? Ayaw mo ba kami muna samahan nitong si Berting? Tutal naman mukhang okay ka naman at hindi mo na kailangang dalin sa hospital.."wika ng lalaki at nilapit pa ang mukha kay Ysa, doon naamoy ni Ysa na amoy alak pala ito.

"Bababa na po ako"pagkawika ni Ysa noon ay binuksan nya ang pintuan ng kotse pero pingilan din sya ng lalaking katabi.

"Berting bilisan mo.. Alam mo na gagawin."utos ng lalaki sa driver.

"Pabayaan nyo ako, hayaan nyo ako.. Pabayaan nyo ako.. Pabayaan nyo ako.. Parang awa nyo na!"palag ni Ysa at saka pinagtutulak ang lalaki pero sadyang malakas ito kaya hindi nya kayang pigilin.

Si Berting naman ay mabilis na pinaandar ang kotse at tila sabik na sabik sa mga gagawin, makakatikim na naman kasi sya ng babae, ganto kasi ang gawain ng boss nya, pag may nakukuhang babae, pagkatapos pagsawaan ay binabalato sa kanya, at eto nga, jackpot siya dahil maganda ang nadale nila, kanina pa nila napapansin ang babaeng ito na palakad lakad at tila wala sa sarili, at dahil madaming tao sa paligid, kailangan nilang palabasin na aksidente ang lahat, yun nga lang napalakas yata ang pagkabangga nya, mabuti nalang at walang nangyaring masama dito at mapapakinabangan pa nila. Sanay na sanay na sya sa trabahong ganto ng amo, may sakit kasi ito, pagkatapos galawin ang babae, ay pinapatay ng brutal at saka binabaon kung saan.

Abalang abala sya sa pagmamaneho sa madilim na eskenita noon ng may isang lalaking biglang tumawid, agad agad nyang binaling ang sasakyan at nabangga ito sa mga basurahan.

"Ay putang.. "napasigaw ang amo nito sa nangyari, napabitiw ito kay Ysa at yun ang naging pagkakataon ni Ysa, agad agad yang lumabas sa kotse at nagtatatakbo.

"Bilisan mo Berting, paandarin mo ang sasakyan at habulin mo yung babae.."utos ng Lalaki.

Umiiyak na tumatakbo si Ysa, habang nagsisigaw.

"Tulungan nyo ako! Tulungan nyo ako! Tuloongggg!"

Lalong bumilis ang takbo nya ng madinig ang parating na sasakyan, pero naabutan na sya nito at sinabayan pa ang pagtakbo nya.

"Bilisan mo pa takbo Miss, bilisan mo pa.."Nakakalokong sabi ng lalaki na nakasilip pa sa bintana.

"Layuan nyo ako! Layuan nyo ako!"mas mabilis pa ang ginawang pagtakbo ni Ysa at saka pumasok sa isang eskinita.

"Bumaba ka, habulin natin..!"utos ng lalaki kay Berting. Agad namang tumalima ang driver at saka nila hinabol si Ysa.

Si Ysa naman ay hindi malaman kung saan susuot, lahat ng madaanan nya ay nagkandatumba tumba na, kahit masugatan sya ay hindi nya ininda.

Hanggang sa makarating sya sa hangganan ng pinasukan na eskinita, babalik na sana sya sa pinanggalingan nya ng makitang nandoon na ang mga humahabol sa kanya.

"Wala ka ng pupuntahan Miss.. Kung ako sayo sumama ka na lang sa amin.."wika ng driver na si Berting.

"Wag kayong lalapit.."ani Ysa at saka pinulot ang isang malaking dos por dos at inakma.

"Kung ako sayo Miss, hindi na ako lalaban.. Magugustuhan mo din naman Ang gagawin namin eh"sabi ng amo ni Berting at lumapit kay Ysa, agad namang inamba ito ng palo ni Ysa pero mabilis ang lalaki, nahawakan ang dos por dos at si Berting naman ay sinunggaban si Ysa at sinikmuraan sa tiyan kaya naman nawalan ng sya ng malay.

Binuhat sya ng amo ni Berting.

"ihanda mo na yung kotse at baka may makakita pa s atin"utos nito kay Berting.

Dali dali namang sumunod si Berting at hindi nya inaasahan ang aabutan nya sa kotse.

"Paanong.."nagtatakang wika nito ng makitang nagbubukas sindi ang ilaw ng kotse , tandang tanda nya na patay ang makina nito ng iwan nya, sa katunayan nga, nasa kanya pa ang susi kaya takang taka siya sa dinantnanag eksena.

"Ano ka ba naman Berting, ano pa ginagawa mo diyan, HALIKA NA!"nagmamadaling sabi ng amo nya habang buhat ang walang malay na si Ysa.

Palapit na sana sila ng kotse ng bumururot ito ng andar, sindak na sindak silang dalawa dahil wala namang tao sa loob. Napaatras ang dalawa sa nakita.

"Anong nangyayari, bakit umaandar magisa ang kotse?"tanong ng amo ni Berting at saka binitiwan si Ysa sa isang tabi.

Isang malakas at sunod sunod na busina ang kanilang narinig, kapagdakay umatras ang kotse at maya maya ay tila torong galit na galit na pasugod sa kanila, kanya kanyang takbo naman ang magamo.

Si Ysa naman ay naiwang walang malay sa isang sulok doon. Isang lalaki ang sa kanya ay bumuhat,

Naalimpungatan naman si Ysa at parang wala sa sarili na inaninag ang may buhat sa kanya.

"WAG PO, PARA NYO NG AWA.."nanghihinang sabi ni Ysa.
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 25)

+

"Tsk. Tsk. Grabe ang nangyari dito Inspector, walang pasaherong mabubuhay sa inabot ng kotse na yan"naiiling na wika ng kasamahang pulis ni Bonker na si Adrian.

Si Bonker naman ay nakamasid lang at tila may malalim na iniisip.

"Mabuti pa Cruz inspeksyunin mo yung paligid, at ako naman dun sa kotse"utos ni Bonker at saka maingat na tinungo ang kotse na wasak na wasak, inikot nya ang sasakyan at saka sinilip sa loob, at natanaw nya ang drawer ng kotse, maingat at dahan dahan nyang inabot iyon at may kung anong kinapa.

"Inspector!"

Gulat na gulat si Bonker sa pagtawag ng kasamahan, kaya nabigla sya ng pagbawi ng kamay nya mula sa drawer dahilan para mabitiwan nya ito muli. At ang malala pa ay bumigay na ng tuluyan ang kotse. Naging imposible tuloy para sa kanya kunin ang kinukuha kanina.

"Lintik na! Ano ka ba naman Cruz, Bakit ba nanggugulat ka!"sita ni Bonker sa kasamahang pulis.

Napakamot sa ulo si Adrian. "Pasensya na Inspector, may nakita po kasi akong bag sa paligid, ang alam ko po kay Inspector Sta. Ana tong bag na to"

Napakunot ang noong kinuha ni Bonker ang bag ni Carlo kay Adrian at saka binuksan.

Ilang gamit ni Carlo ang nandoon at isang kahon na mukhang pambabae. Agad nyang kinuha ito. At binuksan, doon ay may mga pictures at ilang sulat na pambabae.

"Sa Girlfriend kaya yan ni Inspector Sta. Ana?"singit ni Adrian sa malalim na pagiisip ni Bonker. Pero imbes na sumagot ay binalik nya ito sa bag at sinukbit sa likod nya.

"Cruz, tulungan mo ako, may kailangan akong kunin sa drawer ng kotse."wika ni Bonker at saka hinarap ang kotse. At pinagtulungan nilang ni Adrian na iaangat ito. Kahit mahirap ay pinilit abutin ni Bonker ang drawer sa koste ng may isang nakapangingilabot na bose ng babae syang narinig.

"WAG KANG MAKIALAMMMM.."

Nabitawan tuloy ulit ni Bonker ang pilit inaabot..

"Inspector bakit ho?"usisa ni Adrian.

"Wala, mabuti pa bilisan na natin"sabi nito at saka muli ay pilit inabot muli ang kanina pa inaabot, at kahit mahirap ay sa huli, nakuha na nila ito.

Isang sisidlan ang kanyang nakuha.

"Ano ba yan Inspector at parang alam na alam mong nandoon yan sa drawer ng kotse"tanong ni Adrian.

Hindi kumibo si Bonker, bagkos ay pinamulsa nya ang sisidlang napulot.

"Halika na, kailangan natin haluglugin ang lugar.."iba nito sa usapan.

+

"Ysa.. Ysa.. Anak.."Gising ni Lina sa anak.

Napadilat naman si Ysa at nagsisigaw.

"Wag po! Parang awa nyo na po! Wag po!"pagwawala nya.

"Ysa! Anak! Tama na.. Wala na sila.. Wala na"pigil ni Lina kay Ysa at saka niyakap ang anak.

Si Ysa naman ay tila natauahan at tumignin sa ina, at saka luminga linga sa paligid, doon ay nakita nya na nasa kwarto na nya sya, nandoon ang dalawang kapatid.

"Ma.."nasabi na lang ni Ysa at saka mahigpit na niyakap ang ina at nagiiyak.

"Tahan na anak.. Tahan na.."wika ni Lina habang hinahagod ang likod nito, lumapit naman si Flor at Lewis at nakiyakap din.

"Mabuti na lamang ay may mabaiy na binata na naguwi sayo dito.."sabi ni Flor.

"Binata?"napabitaw sa inang tanong ni Ysa.

"Oo.. 'gwapong binata" mukhang angel at napakaganda ng smile nya, parang.. Parang pag nakikita ko yung smile nya.. Parang..."

"Parang ang komportable ng pakiramdam mo at ligtas?"putol ni Ysa sa sasabihin ng kapatid, kilala na nya ang binatang tinutukoy nito, ang kanyang guardian angel, ang nagligtas sa kanya kanina, ang kanyang si Tristan.

"Oo.. At pinapasabi nya na hindi nya daw hahayaang may masamang mangyari sayo.."wika ni Flor.

Napangiti si Ysa at napatingin sa may bintana.. "Alam ko Tristan.. Alam ko.."naiiyak na wika ni Ysa.

+

Lumipas ang araw at nailibing na ang lola ni Lexin, nagluksa ang buong nayon sa pagkawala nito.

Pinilit ni Ysang maging normal na lang ang kanyang pamumuhay, pumasok sya sa school at pinilit mahabol ang mga araling di napasukan.

Isang linggo matapos ang libing ng Lola ni Lexin ay pumasok na rin ito.

Si Ysa naman ay hinahatid palagi ni Lina upang makasiguro na hindi gagambalain ni Albert. Pero sadyang maliit ang mundo para sa mga ito. Nakatakda talaga ang dapat itakda.

Papasok noon si Ysa hatid hatid ng kanyang ina ng pumasok ang isang kotse na pamilyar kay Ysa.

"Kotse ni Lexin yun.."ani Ysa at saka akmang tatakbuhin natin ng pigilin sya ng ina.

"Ysa.. Akala ko ba napagusapan na natin na lalayo ka na kay Lexin"nanlalaki ang matang sabi ni Lina sa anak.

Naiiling si Ysa na tinanggal ang kamay ng ina pero mas hinigpitan pa ito ni Lina.

"Ma.. Hindi ko talaga kaya.. Hindi ko kaya Ma.. Bawat isang segundo na hindi ko sya nakakasama ay parang isang libong beses akong sinasaksak dito.."ani Ysa sabay kabog sa dibdib nya. "Pinilit ko dahil ayokong bigyan ka pa ng sama ng loob kahit hindi ko maintindihan kung bakit pero Ma.. Paano ako lalayo sa taong pinagalayan ko ng buong pagkatao ko.. Mahal na Mahal ko si Lexin Ma.."pagkatapos noon ay umalis si Ysa at sinundan ang kotse ni Lexin.

Si Lina naman ay naiwang nakatulala at gulong gulo ang isip.

"Anak.. Kung alam mo lang na sa isang libong saksak sa puso mo ay milyon milyon naman ang katumbas na nararamdaman ko.."

+

"Lexin.. !"bati ni Ysa sa nobyo ng makababa ito ng kotse pero imbes na masupresa si Lexin ay si Ysa ang nasupresa ng makita kung sino ang kasunod nitong bumaba sa kotse ng binata. Walang iba kung hindi si Corine.

"Oh Hi Ysa.. Anong ginagawa mo diyan? Baka ka maatrasan ng kotse ni Lexin kapag dika umalis diyan."nakangising wika ni Corine at saka kinawit ang kamay kay Lexin.

Si Lexin naman ay parang tuod na walang pakiramdam na nakatingin lang sa dalaga.

"Anong ibig sabihin nito..?"yun na lang ang mga salitang namutawi mula kay Ysa.

"Hindi pa ba malinaw sayo Dear.. Kami na ni Lexin.. After ng burial ni Lola Marietta, nagpropose sya sa akin so hindi na ako tumanggi.."parang demonyong wika ni Corine.

"Hindi totoo yan.."si Ysa.

"Oh come on Ysa.. Wake up.. Hindi na kayo ni Lexin.. Kami na! Kaya wag ka na magdrama diyan.. "pangiinis pa ni Corine at saka yumakap kay Lexin.

"Sabihin mo sa akin Lexin na hindi totoo ang sinasabi ng babae na yan! SABIHIN MO SA AKIN NA HINDI TOTOO YUN, AKO ANG MAHAL MO!"naiiyak na wika ni Ysa.

Si Lexin ay nakatanaw lang at hindi nagsasalita.

"Im sorry Ysa, pero.. Ako na mahal ni Lexin, hindi na nya kayang makisama pa sa malas na katulad mo.. Ako ang mahal nya.. At kung gusto mong patunayan ko sayo yun, I Will.."wika ni Corine at saka humarap kay Lexin. "Kiss me.."

"What?"nabigla si Lexin.

"I said kiss me Lexin, halikan mo ako.. Show her how much you love me.. kiss me!"mapanuksong sabi ni Corine.

"Hindi Lexin.. Huwag! Huwag!"pigil ni Ysa.

Si Lexin naman ay parang robot na hinalikan si Corine. Pakiramdam ni Ysa ay binagsakan sya ng mabigat na bagay. Pagkatapos halikan ay tiningnan lang sya ni Lexin at umalis na.

Si Corine naman ay ngising ngisi sa nangyari.

"See?"sabi nito at saka sumunod kay Lexin.

Naiwang nakanganga si Ysa at nakatulala sa nasaksihan.

+

"LEXIN! LEXIN WAIT!"habol ni Corine kay Lexin, at ng maabutan ang binata a hinatak ito. "I SAID WAIT!"

"BAKIT KAILANGAN MONG GAWIN YON CORINE?!"malakas na sabi ni Lexin kay Corine huminto ito.

"Ang alin?"maang na tanong no Corine.

"Ang saktan ng ganon si Ysa? Ang pagmukhain syang tanga? Ang paniwalaing may relasyon tayo ganong nagpumilit ka lang naman talagang makisabay sa akin? Ano ba talaga ang gusto mo mangyari?"sita ni Lexin at saka nagpatuloy sa paglalakad, sa isang room ng mga Student Supreme Council ito nakapasok, dito ay may isang maliit studio na parang sa radio na ginagamot sa mga important announcements sa school. Pinasok ito ni Lexin dahil sa kagustuhan makaiwas kay Corine, pero sumunod pa din sa kanya si Corine sa loob at nilock ito.

"Bakit ba patay na patay ka sa aswang na yun? Mamamatay tao sya Lexin! Sya ang pumatay kila Yuan at Kay Bea.. Alam ko sya!!"sigaw ni Corine.

"Pwede ba Corine, utang na loob, wag kang gumawa ng kwento! Hindi mamamatay tao si Ysa.. Baka ikaw!"sagot ni Lexin.

"KUNG MAMAMATAY TAO AKO, SI YSA ANG UNANG UNA KONG PAPATAYIN! DAHIL INAGAW KA NYA SA AKIN!"sigaw ni Corine.

"Walang inaagaw sayo si Ysa dahil kahit kailan hindi ako naging sayo! At hinding hindi ako magiging sayo!"sabi ni Lexin at saka akmang lalabas na ng studio pero niyakap ito bigla ni Corine dahilan para mapaatras ang binata ay di sinasadang matabig ang isang button na sa studio, ang ON AIR button.

Samantalang ng sandaling iyon ay tulala pa din si Ysa, mabuti na lamang ay nandon pa rin si Lina at nasaksihan ang mga pangyayari kaya agad nyang nadamayan ang anak.

"Anak.. Tahan na.. Kalimutan mo na sya.. "alalang alalang wika ni Lina sa anak.

"Para mo na ring sinabi Mamang kalimutan ko ng huminga.."sagot ni Ysa.

Tinayo ni Lina ang anak at saka ito inalalayang maglakad. Papunta na sanasila sa room ni Ysa ng mapatigil dahil ma biglang narinig.

"BAKIT BA HINDI MO AKO KAYANG MAHALIN LEXIN! MAS MATAGAL TAYONG MAGKASAMA! PERO YANG SI YSA, NITO MO LANG NAKILALA PERO HALOS MABALIW KA NA SA KANYA!"si Corine, walang kamalay malay ang dalawa na dinig na dinig na pala sila sa buong Campus.

Napatigil ang mga estudyante ang nakinig, si Ysa naman noon ay napakunot ang ulo at nakinig din.

"CORINE, ANO PA BA ANG GUSTO MONG MARINIG? HA? AYOKO SAYO.. ! SI YSA ANG MAHAL KO! SYA LANG.. KAYA PWEDE BA ITIGIL NA NATIN ITONG USAPANG ITO! MAGKAROON KA NAMAN NG KONTING RESPETO SA SARILI MO"wika ni Lexin at saka akmang lalabas na.

"Pero hindi pwedeng maging kayo right?"salita ni Corine dahilan para mapatigil si Lexin sa paglabas.

"Anong..?"kunot noong tanong nya.

"Kanina, pwedeng pwede mong ideny na hindi nama talaga tayo pero ano.. Hindi mo nagawa, dahil sinasadya mo ding pasakitan sya para lumayo na sya sayo.. Right?"seryosong sabi ni Corine.

"Anong pinagsasabi mo Corine!"

"Come on Lexin! Alam ko na.. Alam ko ang dahilan kung bakit pinagtatabuyan mo si Ysa palayo sayo.. I know her mom's dirty little secret"parang nakakaasar na sabi ni Corine.

Napatingin naman si Ysa sa kanyang ina ng mga sandaling iyon na nanlalaki ang mata.

"Itigil nyo yan! Wag.. Wag nyo ituloy.. Itigil nyo yan"wala sa sariling wika ni Lina at saka tinakbo ang direksyon papasok sa school.

"Ma, ano ba yun!" habol ni Ysa sa ina. bigla namang huminto si Lina at parang buwang na natataranta.

"Shut up Corine"nadinig muli nilang sabi ni Lexin.

"Oh.. Come on Lexin.. Tayo lang namang dalawa ang nandito.. So Lexin.. Tell me.. How does it feel... How does it feel to kiss your own sister.."pagbubunyag ni Corine.

Napalaki ang mata ni Ysa sa narinig.

"Anak, wag mo silang pakinggan, hindi totoo yan, halika na umuwi na tayo!"hila ni Lina sa anak pero binawi ni Ysa ang kamay at nakinig pa rin.

"Paanong.."nadinig nyang nagtatakang sabi ni Lexin.

"Narinig ko kayo naguusap ng mommy mo Lexin, dun sa funeral ng lola mo.. I heard it all.. NA ANAK SI YSA SA AMA MO! BUNGA SYA NG PANGRERAPE NI GOV SA NANAY NYA!"nakabibinging rebelasyon ni Corine.

Parang bunuhusan ng tubig na malamig noon si Ysa. Si Lina naman ay nagiiyak ng mga sandaling iyon.

Sa studio naman ay isang malakas na katok ang narinig ng dalawa.

"WHAT!"bukas ni Lexin sa pinto, at bumungad sa kanya ang isang estudyante.

"ON AIR KAYO! DINIG NA DINIG KAYO NG BUONG SCHOOL!!"hinihingal na sabi nito.

Napatingin si Lexin sa pinagsandalan kanina at doon nakita nya ang ON AIR sign na umiilaw.

"YSA..!"nanlalaki ang matang sabi ni Lexin at saka patakbong lumabas.

"TOTOO BA?"kompronta ni Ysa sa ina!

"YSA.. Umuwi na tayo!"nasabi nalang ni Lina.

"TOTOO BA MA!"sigaw ni Ysa na biglang bigla sa narinig.

Umiiyak na tumango lang si Lina.

"NAGKAANAK TAYO CELY!"nabigla pa ang magina ng makilala ang boses na sumingit sa usapan nila. Si Albert, na kanina pa pala naroroon.

Siya namang dating ni Lexin na humahangos.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"sita kaagad ni Ysa kay Lexin.

"Dahil ayokong masaktan ka.."sagot ng binata.

"At sa tingin mo ngayon hindi ako mas nasasaktan na kasabay ng buong school ko malaman ang totoo?!"galit na sabi ni Ysa.

"Mahirap din para sa akin tanggapin ang lahat Ysa, kung alam mo lang.."

"SINUNGALING!"putol ni Ysa sa sasabihin pa ni Lexin.

"Anak.. Hindi namin gusto ang lokohin ka.."sabi ni Lina.

"ISA KA PA! MAGSAMA SAMA KAYONG MGA SINUNGALING!"

"Hija.. Kailangan mo tanggapin ang katotohanan na ako ang ama mo"si Albert.

"Hindi.. Hindi ikaw ang ama ko, nagiisa lang ang ama ko.. At patay na siya!"at saka nagtatakbo si Ysa.

Hahabulin na sana ito ni Lexin pero pinigil sya ni Lina.

"Hayaan na lang muna natin sya.."umiiyak na pakiusap nito.

+

Nang gabing iyon ay laman ng isang bar si Albert na tila nagsasaya sa natuklasan.

Ngingiti itong magisa sa isang sulok na para bang nasisiraan na nga bait.

"Gov.. Gumagabi na po, hindi pa po ba tayo uuwi?"napapakamot na tanong ni Badong sa amo.

"Kung gusto nyo na umuwi, umuwi na kayo.. Kaya ko pangalagaan ang sarili ko.."pagkawika nun ay nilabas nito ang isang 45 caliber na baril at nilapag sa mesa. "Tingnan lang natin kung lumoko loko pa sila sa akin"mayabang na sabi nito at saka lumagok pa ng isang baso ng alak. "Sige na, mauna na kayo, iwan nyo na lang yung kotse"utos nito sa tauhan.

Tumalima naman agad si Badong,inaantok na rin sya at ala una na ng madaling araw non kaya hindi na sya nagdalawang isip.

Si Albert naman naiwanan magisa at nagmumuni muni pa sa kaninang narinig na balita.

"My god Cely, may anak tayo! HAHAHAHAHA! MAY ANAK TAYO.."saka ito humalakhak ng humalakhak.

"Gov.."bati ng isang matanda na kararating lang, eto ang abogado ni Albert, agad nya itong tinawagan at nagpagawa ng bagong testamento kanina ng malaman nya ang katotohanan na anak nya si Ysa.

"Gov, bakit ho ata bigla bigla ang pagbabago nyo ng testamento, at bakit di nyo pa pagpabukas ang pagpirma"tanong nito kay Albert.

Hinila bigla ni Albert sa kwelyo ang attorney. "Attorney, hindi kita binabayaran para kwestyunin ang desisyon ko.."

"Sorry Gov, eto napo yung pinapagawa nyo.. "takot na sabi ng abogado at saka inabot ang papeles. "Nakasaad po diyan na si Ma. Ysabella Fajardo ang nagiisa nyong anak ang magmamana ng lahat lahat ng kayamanan nyo, "paliwanag ng abogado.

"Tama! Karapatan nya naman talaga lahat ng kayamanan namin dahil isa syang tunay na Apostol"makahulugang sabi ni Albert.

"Paano po si Lexin, legal nyo po syang anak"

"Sa papel lang iyon! Wala akong anak na walang hiya.. Pasalamat sya at may pinamana pa sa kanya si Mama dahil kung ako masusunod wala syang karapatang magmana ni singkong duling sa kayamanan ng mga APOSTOL!"putol ni Albert sa ano man ang sasabihin ng Attorney. Kinuha nito ang testamento at saka pinirmahan iyon.

"O ayan Attorney, asikasuhin mo na yan! Basta ikaw na bahala sa anak ko.."paalala ni Albert.

"Aalis ho kayo Gov?"tanong ng attorney.

"Tonto! Pinapaaasikaso ko lang yan at syempre hindi ko pa mabubulgar ang katotohanan sa lahat.. Masisira ang pangalan ko.. Basta kung ano man at ano man ang mangyari, ikaw na ang bahala sa anak ko attorney"sabi ni Albert at saka umalis na gegewang gewang epekto ng alak na ininom.

"AT SAKA NGA PALA ATTORNEY, MAY DINEPOSIT NA AKONG PERA SA ACCOUNT MO, NAKATIME DEPOSIT YUN, SAPAT NA SIGURO YUN PARA SA MADAMING TAON NA TAPAT NA PAGLILINGKOD SA PAMILYA APOSTOL"parang namamaalam na bilin ni Albert.

Napatingin na lang dito ang abogado at naiiling na tumayo bitbit ang mga papeles.

Si Albert naman ay susuray suray na dumiretso sa parking lot, patungo sa kotse nya, may isang babae syang natanaw na nakatayo sa harap ng kotse nya, nakaitim ito.

"SINO KA?"wika nito pero di kumibo ang babaeng nakaitim. "SINABI NG SINO KA EH!!"sita nito sa babae pero bago pa man nya malapitan ay isang busina ng kotse ang sa kanya ay gumulat dahilan para maatras ito at malingon sa bumusinang kotse.

Pagharap nya ay hindi na nya nakita ang babae. Takang taka naman nyang tinungo ang kotse nya.

Hiling hilo si Albert kaya naman hirap na hirap sya sa pagbubukas. Natingin sya sa binata ng kotse at isang tao ang nakita nya sa repleksyon na nasa likuran nya. Nakatakip ang mukha nito. Lilingunin na sana nya ito pero hindi na nya nagawa dahil bigla syang hinawakan sa ulo at sunod sunod na inuntog sa bintana ng kotse hanggang sa mabasag ito. Si Albert naman ay may malay pa ng pumasok ang ulo nya sa basag na salamin ng kotse at doon ay nakita nya ang babaeng nakaitim na nakatingin sa kanya at nakangisi.

"MAMAMATAY KA....!"

+ to be Continued +
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 24)

ngayun na lang ulit napadaan dito.. tnx sa pag update at may nabasa ulit ako..

:welcome:
malapit na nga matapos eh..:)
:yipee::clap::yipee:
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 25)

kalain mu, nakasama pa ang name mu s kwento hehe.. Tapusin na yan.. Excited nako s ending.
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 25)

kalain mu, nakasama pa ang name mu s kwento hehe.. Tapusin na yan.. Excited nako s ending.

haha..malakas ako sa author eh..:lolcard:
 
Re: Ghost Stories (update: Campus Queen Part 25)

sino kaya yung babaeng nakaitim na yan.. Hehe..
 
Back
Top Bottom