Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Gising Kaibigan!

Arpln

Recruit
Basic Member
Messages
15
Reaction score
0
Points
16
Pilipinas. Simula pa noon hanggang ngayon problema na ng mga Pilipino kung paano uunlad ang ating inang bayan. Share ko lang yung mga nasa isip ko.

Government talaga problema ng Pilipinas. Sa dami ng bansang napuntahan ko, mas mahal ko parin yung Inang Bayan ko. Palagi yoon hindi ko mapigilan ikumpara yung mga meron sa ibang bansa na wala tayo.

Unity isa sa pinakamahalagang bagay para sa bansa. Marami saatin ang reklamo ng reklamo ngunit hindi naman gumagawa ng paraan para sa nakararami. Nagrereklamo sa pansariling kapakanan.

Government. Oo, isang matinong government lang ang kailangan naten ngunit sa panahong ito, malabo pa magkaroon. Bakit? Dahil sa dami ng problema ng bansa, hindi na mareresolba ng isa dalawa tatlong termino ng gobyerno. Pinakakulang saatin yung gobyernong Maka Bansa. Yung tipong pag unlad ng buong bansa ang nasa isip. Dahil sa dami ng kurakot. Halimbawa, Gobyerno ng Singapore. Lahat halos ng proyekto ng gobyerno nila e para mapaunlad pa yung bansa nila. Iniimprove yung tourism, transportation, urban planning at marami pang iba. Ngunit sa bansa naten? Sa dami ng problema, dapat talaga isa isa. War on Drugs. Tama na labanan ang droga. Sa ibang bansa? Mahuli ka na nag iimport ng ilegal na droga, bitay ka. Sino pa magtatangka mag angkat sa ganong bansa diba? dito sa pilipinas? Mayamang drug lord = Immune sa batas. Kulang tayo sa Iron fist. Prime minister ng Singapore? Binigyan ng choice mga kalaban. Umalis ng bansa o mamatay sa sariling bansa. Baket? Hindi nakatutulong ang kurakot sa isang gobyerno. Paano maayos ng gobyerno ang isang bansa kung mismong ang gobyerno yung kailangan ayusin. Saudi? Sumuway ka sa batas, pugot ka. Gaano kaunlad ang middle east ngayon? I'm not saying na "President, go on a killing spree". No. Pero isang malaking pagkukulang sa aten ay wala nang takot sa batas ang mga mayayaman. Mga drug lord. At mga pulitikong pulpol. Bakit? Ang sarap ng buhay nila sa bilibid. Drug lords? Mas masarap pa buhay nila sa kulungan kesa sa mga skwater. Haha sa America? Mayaman ka o mahirap ka pag nakulong ka, tapos na ang bayabasan. Bakit noong panahon ni Marcos, Maraming takot. Gaano katino ang pilipinas noon? 1:1 ang presyo ng dolyar sa piso. Like I said, Focused sa pag unlad. Expressways, powerplants, high rise buildings etc. Nasaan na ngayon? Pinatanggal ni Corazon sa kadahilanang "Maalala nila si Marcos sa mga ito" HAHAHA DEPUTA. United Kingdom bakit maunlad? Iisa ang namumuno. At alam nilang wala silang magagawa tungkol doon. Pilipinas? dayaan lang naman ang demokrasya e. Isangmalaking JOKE. Boboto kuno samantalang panalo na din naman. Ano pang silbi? edi mas mainam pang may diktador na namumuno. Na may BATAS na kinakatakutan. Singapore, Malaysia etc. MALINIS. Bakit? Pag nag tapon ka ng basura sa kalsada, kulong ka. Pag tumawid ka sa hindi tamang tawiran, kulong ka. Kalsada nila? Kasing laki ng expressways naten dito sa pinas. Haha Dito? shoulder nalang ng kalsada, ginagawa pang tindahan, paradahan, tambayan at iba pa. Sa dash cam ko nga madaming clips na mga sinundan ko na nag tapon sa kalsada. Haha wala hong naglilinis ng highway kaya itigil magtapon dito.

Open letter para sa mga pilipino. Gumising tayo sa katotohanan. Wag reklamo ng reklamo at gumawa ng paraan. Siguro nga hindi pa tayo dapat humawak ng sarili nating gobyerno. Ang problema, inaapi tayo pag iba ang may hawak. Pero gaano kaunlad sana ang pilipinas kung hindi tayo nawala sa pangangalaga ni Marcos? Oo maraming masamang bagay na nangyari pero marami ding mabuti. Ngayon? Hindi nga maraming masamang nangyayari pero wala namang mabuti. Presidente duterte maraming naipapatupad pero ang naibabalita mga killings, mga sablay nya. Hayahay haha paano na?

Mag simula tayo sa sarili naten bago tayo humangad at mag reklamo. ^_^ ang dami ko pang gustong sabihin kaso para saan pa? Wala din naman mangyayari dahil wala akong kapangyarihan. Hahaha

Re: Some things are easier to rebuild if you rebuild it from scratch. Makakarelate dito mga programmers. Sabi ko nga sa dami na ng problema ng pilipinas, mahirap na itama ang nakagisnang mali. ^_^
 
Last edited:

Tama ka. Kulang tayo sa pagkakaisa. Yun lng naman talaga kulang satin e. Lagi kasi nating inuuna yung sarili nating interes. Sabi nga ni napoleon, takot at sariling interes ang naguudyok sa tao para kumilos. Kaya hanggang ngayon ganito padin tayo. Wala tayong pagkakaisa. Nagpaulit ulit lng ang mga pangyayari; nagiba lng ng mga character pero iisa padin yung kwento. Gumising na tayo kababayan. Di tayo uunlad hangga't di tayo nagkakaisa sa hangarin na umunlad ang bansa.
 
Unity?
Medyo malabo yong depenisyon mo. Kung gusto mo walang magrereklamo pumunta ka na lang doon sa mga komunistang bansa gaya ng North Korea, Cuba o di kaya China. Baka gusto mo rin, gawin mo na lang lSIS ang bansa para siguradong kontrolado mo na may unity. Ang unity ay may malalim na kahulugan, hindi dahil nagrereklamo ka sa katiwalian sa gobyerno ay wala ka ng unity. Kahit nga ang US, united sila pero marami pa rin ang nagrereklamo. Magkakaroon lamang ng totoong 'Unity' kung ang gobyerno nagbibigay ng totoong serbisyo sa kanyang mamamayan, walang katiwalian o korupsyon, at respeto sa karapatang pantao. Ika nga ni dating Senador Nene Pimentel, 'Habang may panahon ka pang magsalilta e magsalita ka na!' Ganyan ang 'demokrasya' binibigyan ka nito ng karapatang mag salita.

Gobyerno?
Oo, malaki ang problema sa gobyerno kasi marami ang demonyo, mga ganid o korup. Kahit nga sa kasaysayan natin ang pangit na ng pasimula ng gobyerno. Pinapatay ni Aguinaldo ang Supremo at totoong unang Presidente ng Bansa. Di lang yan, pinapatay pa niya ang magiting na si Heneral Luna para wala ng mag rereklamo pa. Ganito ba ang klase ng gobyerno na gusto mo? Ganyan talaga tayong mga Pilipino, nasa dugo na yan, di na yan magbabago.

Saudi?
Nabanggit mo Saudi, akala mo wala silang problema pero di mo lang alam maraming mga mamamayan na nagrereklamo dahil halos lahat ng pribilihiyo ay nasa Royal Family lang. Kahit din yong Royal Family ay may power struggle din. Wala nga lang nagrereklamo dahil pinatitikom agad. Gusto mo bang ganun na bawal kang mag salita pag may nakita kang kamalian? HIndi mo ba alam na kaawa awa yong mga kababaihan nila na 2nd citizens lang ang turing, walang kalayaan na makapamili kung sino ang mapapangasawa. Yong iba naman nari rape ng sariling kamag-anak pero di makapag complain dahil 'taboo' o 'haram' sa kanila. Kung nasa sa Saudi ka dapat alam mo yan. Hindi maganda na ang isang gobyerno ay puro takot ang kanyang pinapakita sa kanyang mga mamamayan. Ang gobyerno ay binubuo ng mga tao hindi ng isang tao lamang.

Death Penalty?
Naturingan ka pa namang Kristiyanong bansa pero di mo naman isinasabuhay ang mga turo ni Kristo. Kung hindi ka sumunod sa katuruan ni Kristo e sigurado Anti-Kristo ka. At kapag wala si Kristo sayo hindi mo maiintindihan ang halaga ng buhay at pag-ibig. Sinabi nga nya, 'Kung sino man sa inyo ang walang kasalanan ay siyang unang bumato...' Pinaparusahan ang tao dahil sa paglabag niya sa kautusan o batas. Ang parusa ay isang pagtatama. Ngayon, paano ba itatama ng isang tao ang kanyang kamalian kung siya ay patay na? Kaya nga inabolish ang death penalty dahil hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali.

War on Drugs?
Ang droga ay hindi isang krimen against persons o against property, kundi krimen against State Policy. Ibig sabihin ang nagtatakda na ito ay isang krimen ay ang polisiya ng bansa. Kung ipinagbabawal ng bansa na bawal uminom ng alak, hindi dahil nakapanakit ka ng ibang tao o nakasira ka ng properidad. Ginawang polisiya ito ng Estado upang mapangalagaan ang kanyang mamamayan (deterrent) at ang kanilang mga karapatan at pagtatama na rin sa dapat pagbabayad ng buwis. Ang droga ay medisina ngunit ang pag-aabuso sa paggamit nito ay isang ilegal kung hindi ito naaayon sa itinakda ng batas. Ang tanong, dapat bang patayin ang mga durugista? Sagot ay depende kung ano lang ang nakasaad sa batas o 'Rule of Law'. Kung gagawa ka ng mga bagay na taliwas sa isinasaad ng batas, ito rin ay isang paglabag.

Mainam ang Diktador?
Saan mo naman makikita na mainam ang diktador? Pagka kulang ka sa kaalaman ganito talaga ang masasabi mo. Dumaan na tayo sa diktador sa panahon ng rehiming Marcos, ang tanong bumuti ba ang kalagayan ng Pilipino? Hindi naman, mas gumulo pa. Nung maging diktador ang China sa pamumuno ni Mao Tse Tung, bumuti ba buhay nila? Hindi rin naman, kaya nga daming mga Chinese nagsilisan papunta sa Pilipinas. Sa pamumuno ba ni Fidel Castro sa Cuba na naging diktador, bumuti ba ang kalagayan ng Cuba? Lalong hindi, nagsi-alisan nga yong mga Cubans gamit ang bangka papuntang US. Nung maging diktador si Adolf Hitler ng Germany, bumuti ba ang kalagayan nila? Hindi, maraming Germans pa ang namatay kasama yong mga Jews na wala namang nilalabag. Sa panahon ngayon, sa pamumuno ni Kim Jung Un, bumuti ba ang kalagayan ng taga North Korea? Tanga lang ang nagsasabing bumuti ang kalagayan nila. Marami nga sa kanila gusto tumawid sa South pero napapatay dahil bawal sa batas nila. Kaya kung ikaw ang tatanungin? Mabuti kaya ang pamumuno ng isang diktador? Tanga at walang alam lang siguro ang nagsasabi na mabuti. Yong Malaysia, diktador ba sila? Hindi naman ah. Ang sistema po ng gobyerno nila ay federal representative democratic constitutional monarchy o parang Westminster Parliamentary system. Kung diktador sana sila di na sana naalis at nakasuhan yong dati nilang Prime Minister na si Nazib Razak dahil sa alegasyong korupsyon.

Ano ang kulang ng Pinas?
Diktador ba ang sagot? Hindi! Ang kelangan ng Pilipinas ay mga ito:
1. Saktong Implementasyon ng batas.
Hindi ito trabaho ng Presidente kung hindi trabaho ito ng mga Pulis na ipatupad ang batas. Ang problema ginagawa itong trabaho ng Presidente kaya tuloy wala na siyang nagagawa sa ekonomiya, kaya grabe ang Inflation. Isa ring problema ay hindi consistent ang pagpapatupad ng batas, parang weather weather lang kaya walang nangyayari.
2. Kusang Disiplina.
Ang disiplina ay hindi kelangan na pagsabihan ka parati, ito dapat ay ginagawa ng kusa. Ang daming mga college graduate at mga may mataas na estado sa sosyedad pero walang disiplina sa sarili.
3. Tigilan ang iba't ibang uri ng korupsyon.
Daming klase ng korupsyon mapa gobyerno man o pribadong sektor. Punta ka sa mga sangay ng gobyerno ang kupad kupad ng serbisyo at yong iba may mga fixers pa. Sa pribadong sektor naman, naku yong empleyado naman grabeng makipag tsismisan pinapatay nila oras ng trabaho, yong iba pati office supplies dinadala pa sa bahay.
4. Pababain ang Populasyon.
Ang problema pag mataas ang populasyon, marami ngayon ang kukunin mo na taga bantay kaya mahirap ma monitor lalo na pag gumagawa na yan ng krimen. Pag malaki ang populasyon malaki ngayon ang demand sa supply ng pagkain atbp., kaya maraming gutom at walang trabaho at nai exhaust ang resources ng gobyerno. Pati nga kabukiran ay nasisira na dahil ginagawang subdivision dahil nga sa dami ng tao.
5. Pakontiin ang mga posisyon sa Pulitika.
Pag marami kang pulitiko, marami ang magnanakaw. Kung konti lang sila, mas madali mo sila ngayon ma monitor. Ang problema dahil gusto nyo ang Federalism, dadami ngayon ang mga posisyon sa gobyerno at dadami din yong mga matatalinong magnanakaw. Ang hirap i trace yan. Yong SK wala namang magandang nagagawa yan, naging stepping stone lang yan ng mga kabataan para matutong mangurakot.
6. Alisin ang palakasan at bata-bata system.
Ito naman ang nangyayari sa bansa natin, kahit sino pa ang nakaupo dyan. Lalo na siguro ngayon. Pag palakasan kasi, wala ng importansya yong galing, kwalipikasyon at dedikasyon mo. Masasayang lang ang pagsusunog mo ng kilay e wala naman pala yang mapapala. Nakakadismaya at nakakasira sa reputasyon nating mga Pilipino.
7. Palakasin ang Penal system natin.
Kung gusto natin na ma deter yong krimen, aba e gumawa tayo ng mga Prisons sa West Philippine Sea o other secluded places na malayo sa kabihasnan. Doon pagta trabahuin sila para may maiambag sila sa kanilang pamilya o sa mga taong nasaktan sila. Bawal ang visitation para di makapag dala ng mga droga, bladed weapons, at gawing hotel pa ang prisohan. Sigurado ako pag ganito ang sistema wala ng gaganahan pang ma bilanggo.
8. Responsible Parenthood law.
Dapat kasuhan at makulong ang mga magulang na hindi kayang pakainin, pangalagaan at disiplinahin ang kanilang mga anak. Remember, family is the basic unit of our society, pag dysfunctional sila, magiging dysfunctional din lahat. Kelangan din talaga palawigin yong responsibilidad ng DSWD.
9. Strengthening the Local Government Units (LGUs).
Hindi na kelangan ang Federalism kung ang gusto mo lang ay reversal ng budget distribution at independence from NEDA control. Sa tingin ko ito yong gusto ni PDu30 na buwagin yong Imperial Manila sa pagdesisyon especially sa mga proyekto at sa budget. Ang problema imbes na dapat pagtuonan ng pansin ito ng Presidente thru amendments sa Kongreso nawala ata siya sa focus. Ito yong practical at SMART (Systematic, Measurable, Achievable, Realistic and Time-bound) na paraan hindi katulad ng Federalism na kelangan pang gumastos ng malaki. Tapos di naman nakakatulong yan sa mga mamamayan yang Federalism kasi mas malaki ang fiscal budget na kelangan tapos saan naman kukuhanin? Panibagong tax na naman sa mga tao.
10. Huwag utang ng utang ang gobyerno at Performance-based Appraisal para sa mga kawani nito.
Sabi nga ni Abdul, huwag utang ng utang, dahil wala talagang umaasenso pag utang ng utang. At kung mangutang man, dapat ilaan ito sa mga priority projects na may economic return. Ang problema kasi sa mga pulitiko ngayon e dadamihin yong projects para may masabi yong tao at maalala sila pagdating ng eleksyon. Ang problema dito naman ito prioridad kaya ang nangyayari e nasasayang lang yong budget na hindi napapakinabangan ng mabuti.

Yon naman increases sa sweldo dapat kasi dyan performance-based di yong pantay pantay na kahit natutulog lang yong iba e ganun din ang natatanggap. Kaya tayo nagkakaroon ng Inflation dahil nga sa gusto nating ma cope-up yong budget sa pa sweldo ng mga pulis at AFP, nagkaroon tuloy ng deficit ang gobyerno. At para ma solusyon yong deficit kelangan talaga ng tax reforms na nagpapahirap naman sa mga mamamayang Pilipino. Di ko naman masisisi yong liderato, kasi nga nasabi na niya na 75 lang yong grado niya nung siya ay nag-aaral pa. Kaya ano naman ang mai expect mo sa tao? Kaya ito nagdurusa tayo ngayon.

:thumbsup:
 
Last edited:
kailangan pa rin ng magpapatupad nito. maski nga oposisyon e sinabing kailangan daw ng "kamay na bakal" eh.... :slap:
 
Back
Top Bottom