Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Give me enough reason why macbook is a good buy?

Hmmm. Maybe stylish? Kase dito sa pilipinas pag naka mac ka ang sasabihin "Wow bigtime naka mac sya". But for Programmers/ Ethical hacker eh di sila bugok na sasayangin ang pera sa pag bili ng mac. Depende kasi sa tao eh. Kung akong tatanungin Bibili ako ng HI- End pc or laptop.
Ang pinakamaganda lang kasi sa mac is yung Superb OS nila. Kahit 5 years na sayo eh never kang makaka experience ng hang apps or OS problem
 
^I agree reason bkit gmgamit ako mac is for programming purposes at web development purposes. As for Ethical hackers hmm most prefer PC running on Linux abd not a MAC. atleast most hackers I know.
Because Mac does not give them freedom kea prefer ko pa din ang PC o laptop katulad mo

Explain ko yan: OSX like Snow Leopard eh isang highly proprietary OS system from Apple. Napakaraming restrictions in terms of customization. I don't mean yung interface ah I meant by technical matters kea hindi sya pwd kalikutin mga internal settings directly kea ndi rin sya prone for instability unlike PC that runs on Windows kahit ano settings pwd mo kalikutin technically and directly example na lang siguro concerning drivers. Lahat ng drivers ng MAC eh coming from Apple, highly developed at isang company lang kea walang conflicts while PC under Windows napakaraming manufacturers ang naghahandle ng drivers sa iba't ibang website ka kumukuha kea prone for instability at driver conflicts dahil iba iba company ang developers ng drivers.

Windows uses registry to store settings while Linux and MacOSX eh hindi. Ang registry eh prone for instability habang lumalaki ito and is the major reason bakit bmbagal ang windows in the long run while each software or tool sa OSX eh may kaniya kaniyang settings called preference and stored as file and not in a hive. While linux eh same din all individual settings eh stored under /etc or /usr/local/etc as configuration files.

And most of all, halos lahat ng malware/viruses/trojan/adware eh specifically built for Windows. Yan nakakacause ng instability sa OS kea kung ssuriin mabuti mas stable ang MAC OSX at Linux OS kasi wala masyado viruses available.

It is not because it is a Superb OS at walang hangups for the 3 reasons (Proprietary drivers, less viruses available, highly restricted ang system for technical customization,does not have a centralized settings like registry) =high stability
Same din sa Linux (open source drivers, less viruses available, highly customizable ang system,does not have a centralized settings like registry)=high stability

Isa na rin reason why do you think ang iOS eh need pa ijailbreak para macustomize or install ng unauthorized app? Kasi may restriction sa core level ng OS this applies also sa OSX katulad ng Snow Leopard sa Mac.
 
Last edited:
I think it depends sa user pa rin. like other said mas stable ang Mac unlike windows. Pero pagdating sa tulad kong mahilig tumuklas ng mga bagong applications, games, etc. mas gamitin pa rin ang windows. Most of this runs by windows. Although di pa ako sumubok ng Linux. Saka tama napakamahal ng Mac pero sulit dahil sa uniquity nito.

But I'll go for Windows pa rin.. Sa tulad kong hindi nakakaluwag sa buhay mas priority pa rin ang value ng pera. Siguro kasama na din dito yung mga business owner, example na lang diyan ang mga Net Cafe owner, you can't put Mac units sa shop lol..As usual PC pa rin ang mananaig.

All in all depende pa rin sa user at budget.. I'm not a Pro mga Sir, it's just may own opinion lang po..
 
halos lahat ng kilala kong youtube celebrity.. mac yung gamit nila. Mas mabilis siguro mag render dahil sa mas optimized ang hardware.
 
the only reason why people use mac and other apple product is because they can afford it.. and to show it off as well!
 
hindi ako mac user pero meron akong kakilala na mac user.

sabi niya sa akin and nag test din ako gamit yung mac niya.

Na observe ko.. oo agree ako sa karamihan na mga sinasabi nang mga mac user dito.

Kung ang balak mong maging career eh focus sa imaging at video editting maganda ang mac kasi full support ng OS ung graphics card nito. tsaka kung tutuusin eh yung buong mac unit eh compatible sa isat isa kaya talagang walang problema.

Kung isa kang adventurous na tao at mahilig mag laro mag windows ka nalang kasi alam naman ng lahat ng windows ang pinakasupported OS ng karamihan ng games eh.

Linux(Ubuntu,Backtrack,etc) Maganda yan for anonymity and libe na din(xD) sa linux madami ka pwede bagohin kaya eto yung tipo nang OS na para sa mga dynamic na tao.

sana nakatulong. :p
 
MAC ba? Pc pa rin ako. At yang mga claims ng naka MAC na parang kala mo sobrang ganda ng MAC na parang galing to sa ibang planeta sa pagka high tech e mejo exaggerated na yan. Una ang mga naka mac kadalasan e di masyado marurunong sa computer. Technician ako alam ko sinasabi ko. Kaya pag narinig nilang malupit ang MAC malupit na talaga yan para sa kanila. Madami daw error ang PC pag tumatagal. Kung alam mo ginagawa mo sa computer mo kahit nagkamali ka maibabalik mo sa dati. Sa PC marerecover mo ang mga error na mangyayari basta alam mo ang huli mong nagawang mali. Registry wag pakialaman pag di alam ang ginagawa. Maganda ang MAC. Maporma. Pero di pa rin yan ganun katindi kung lalabanan pa rin yan ng mga high end na PC. :p
 
if maganda ang Mac dapat sana makikita ko yan na nakainstall sa offices, sa airport towers lalo na sa equipments, sa mga establishments, etc. kaso hindi naman. malamang Windows XP or Windows 7 ang operating system na gamit nila.

if titingnan nyo yung iOS at MacOS ay parang Linux-based lang din. tingnan na lang sa commands na ginagamit, lalo na sa FILE EXTENSION ng applications like .deb
 
bukod sa kilala maganda ang mac for image and video editing.. about os maganda ang takbo ng os nya smooth as hell.. pero depende parin yan kung para san mo gagamitin ang pc.. if pang kalahatan windows.. if pure image and video editing eh mac
 
sa madaling salita
"Design is not just what it looks like and feels like. Design is how it works"
hehehe
 
halos lahat ng kilala kong youtube celebrity.. mac yung gamit nila. Mas mabilis siguro mag render dahil sa mas optimized ang hardware.


Its a Big NO Sir. Kaululan lang yun. Ikaw na nga nagsabi diba? Youtube celebrity sla. Malamang gagamit sila ng apple products dahil mayaman sila and sikat sila. Gets mo ba?

Kung sa Hardware specification eh yung mabibili mo sa halaga nung mac eh 2x or 3x the hardware specs ang mabibili mo pag pc .
 
if maganda ang Mac dapat sana makikita ko yan na nakainstall sa offices, sa airport towers lalo na sa equipments, sa mga establishments, etc. kaso hindi naman. malamang Windows XP or Windows 7 ang operating system na gamit nila.

if titingnan nyo yung iOS at MacOS ay parang Linux-based lang din. tingnan na lang sa commands na ginagamit, lalo na sa FILE EXTENSION ng applications like .deb


brad correct ko lang sinabi mo hindi po linux-based ang macOS at iOS tawag po sa OS nila eh UNIX. UNIX ang pinagbasehan ng mga early LINUX developers kaya kung mapapansin mo eh halos same lang sila ni linux. ;)

* tsaka add ko lang po mga sir/maam hindi po ganoon kamahal ang apple products sa ibang bansa specially sa US. Sabi dun sa napanoon kung balita at nabasa ko din ito sa isang news site mas mura ang apple products kaysa sa mga kalaban nito. kaya kung mapapansin niyo specially sa mga taga US eh naka apple sila.(ito ay ayon sa nabasa at napanood kung balita)

**nag share lang po
 
Last edited:
on a light side bakit mo po natanong "why mac" if bibili ng PC/laptop???
dagdag ito sa rason mag papabili ka ng neto??? :):):)
 
In terms of "legality" another advantage of MAC OS/System is that, you don't have to buy Volume License like on Windows in order to Install it to another Windows System/MAC Computer. As long as your Installation Disk is Genuine you can install it as many times as you want. You don't have to contact their CSR unlike MS.

Plus, I'd rather say MAC System is for Advanced User not for those " karamihan ng naka MAC eh hindi maalam sa Computer ", that I read on previous page. Windows System is pretty basic to Navigate unlike MAC OS.
 
yung mac eh maganda sa mga editing ng mga sounds, movies pictures, yun lang alam ko kaya mac gamet sa mga recording, photo studio blah blah blah.. pero kung games habol mo wag kang mag mac at kung nasanay ka sa ms office mahihirapan kang mag ms office sa mac kasi iba format ng keyboard nila diba?..
 
Agree!!!in terms of style,performance,ok ang mac..D mo klngn problemahin ang ng anti virus mo coz u dont need it!!! at kng gus2 mo mg video call panis ang skype s facetym...



Macbook Air 2013,macbook pro late 2011..
 
in terms of software ..wala nmn pinagkaiba ang mac at windows..kahit anong meron nang mac ay meron nmn sa windows,,at sa observation ko ay mas madami at libre pa ang sa windows.. kaya nmn gusto nang iba ang mac dahil unique sa paningin at syempre may tinatawag tayo na colonial mentallity..ito kase hilig nang banyaga kaya ride.on din tayong mga pinoy..
 
yung mac eh maganda sa mga editing ng mga sounds, movies pictures, yun lang alam ko kaya mac gamet sa mga recording, photo studio blah blah blah.. pero kung games habol mo wag kang mag mac at kung nasanay ka sa ms office mahihirapan kang mag ms office sa mac kasi iba format ng keyboard nila diba?..

in terms of software eh hindi talaga yan pwede ma compare..lahat nmn yan ay meron na katumbas..
 
Back
Top Bottom