Hello po. Magpapatulong ulit ako dun sa mga may alam lalo na kay @
jskhulitz.
About po ito sa billing ng Globe sa LTE Plan 1299. First billing po ito. Hindi po ba may FREE Landline with Unlimited Calls to Globe/TM? Pero ang ipinagtataka po namin bakit may bayarin kaming (yang naka-highlight ng red)
UNLI BB SHP BUNDLE - P88.39 at
SHP TELSET FEE AMORT 6MOS CXO - P178.57 ???
View attachment 1161186
Yang TELSET FEE, ibig bang sabihin another phone yan? So ibig sabihin dalawa na yung phone namin kasi may free landline pa? Kasi hindi naman kami kumuha ng another device sa kanila dahil internet connection lang talaga yung kailangan namin. Tapos yung free landline or wireless phone (kung same man yun) ay di pa namin nare-receive.
Ganito ba talaga ang billing pag bagong kuha ng LTE Plan 1299? Kasama yung mga binaggit ko na BB BUNDLE at TELSET FEE? Kasi yung alam lang namin na additional payment ay yung AMORTIZED INSTALL FEE for 3 months.
Maraming salamat sa makakasagot. Dito ako nagtanong kasi walang sumasagot sa thread sa Globe website.