Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[GUIDE]Android Applications 101 (Basics)

MAganda pho ba ung IOS sa Andriod ? plzzz and paano mag Root ng Android

salamat boss.. pang beginner nga lang talaga.. gawa ka TS ng pang advance

maganda pho ba mag root ng Android or mag IOS nalang pho ako?
 
Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

:thanks: for sharing TS. very informative talaga!
 
Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

Ser pano to...
Nag install ako from Play store pero 'Package file is invalid' daw..
Minsan umuulit ung download/nag stuck tapos 'Error 491' daw
 
sir hello. paano ma download ang google play services sa aking phone. o+ 8.5 android sir. 4.0.4 android version nya. pa help naman po. salamat po :):)
 
TS salamat sa thread mong to. Madami ko nalaman as in newbie. Sana po makagawa din po kayo ng thread about first time rootef phone. Mga basic and yun mga dapat matutunan kapag ang phone nila ay rooted na. Tulad ng about sa supersu, titanium backup and rom tools. Salamat po prof.
 
INTRODUCTION
Last Update: Sept. 02, 2012

This is a short guide for beginners.
I assume that you're new to Android and that your phone is still STOCK and is not using a custom rom.

HINDI KAILANGAN ng root
upang makapag install ng apps (free, full or cracked) sa iyong phone

Paano mag-install ng applications sa android?

May dalawang paraan para mag install ng apps sa android.

1.) Android Market Google Play

Lahat ng android phones ay may kasamang application na Android Market Google Play. Pwede mo itong buksan para makapag browse ng apps, games, themes at kung ano-ano pa. Click install at hintaying matapos ang download. Siguraduhin lang na naka-connect ka sa internet.


Kung ayaw mo gamitin yung phone mo para mag browse ng apps, pwede ka magpunta sa market.android.com play.google.com
Mag login sa gmail account na kapareho ng nasa phone mo. (Requirement po ang Google account dahil dito naka-sync ang info at activities mo sa iyong Android phone)

Kung iyong matatandaan ay noong unang beses mo i-on ang iyong phone ay may lalabas na setup for first time users at may option upang mag sync ng isang google account.

Gaya ng sa phone, i-click mo lang sa pc yung install / download at hintayin na maipadala sa phone mo ang apps na gusto mo. Siguraduhin din na connected sa internet ang phone mo.

Kung nais mong gumawa ng bagong google account, pumunta sa
Settings -> Accounts & Sync -> Add account


***Hindi nasa-save sa PC ang mga downloads mula sa Android Market. Ipinapadala ito diretso sa iyong Android phone***

2.) Sideloading / Install from SDcard (.APK / Non-Market Apps)

Bago mag-install mula sa SD Card (internal or external), pumunta muna sa
Settings -> Applications -> Application Settings -> Unknown Sources -> ENABLE (for Android 2.3 and below)
Settings -> Security -> Unknown Sources -> ENABLE (for Android 4.0 and above)



Pwede ka magdownload ng APK files sa iyong sdcard at i-install ito mula roon. Siguraduhin na mayroon kang File Manager na nakapagbabasa ng .APK files. Kung wala pa, gawin ang OPTION #1 at mag install ng file manager na gusto mo. (ASTRO, ES, ANDROZIP, etc)​


***Mayroon pang ibang mga paraan pero dahil sa ito'y isang beginner's guide, hindi ko na isasama ang mga ito.***


Paano malalaman kung compatible ang isang application sa aking phone?

Ang pinaka-madaling paraan ay ang magdownload mula sa Android Market application o website mismo. (Paki tignan na lang ang screenshot sa taas)

Kapag ika'y nag search ng software sa iyong Android phone, kusa na nitong sinasala ang apps na maaari mong i-install at hindi lalabas ang apps na incompatible sa iyong unit.

Kapag ikaw naman ay nagbrowse sa Android Market website, maaari mong ma-search ang lahat ng software na available sa Market pero dini-display na agad ng site kung compatible ito o hindi sa iyong phone.​

Maaari mo ring i-double check sa Android Market ang info ng isang .APK file na nadownload mo mula sa Symbianize.

***Madalas kong mabasa ang "Sir, pwede ba ito sa blahblahblah kong Android phone?"

Ang mga applications ay hindi BRAND specific. Ibig sabihin, kahit ano pong application ay pwede sa kahit anong brand / model ng Android phone basta pasado ito sa requirements ng application.
***

Normal (Generic) at HD Games

May mga games na pwedeng i-install sa kahit anong Android device, high-end man o low-end na ang natatanging requirement ay Android OS Version.
Gusto ko lang i-grupo ito bilang Normal / Generic games.

Ang mga HD games naman ay nangangailangan ng specific requirements tulad ng:


Kung hindi mo alam ang specifications ng iyong phone, pwede mo i-search ang specs nito sa www.gsmarena.com

Sa isang normal na situation (stock Android OS phone), hindi mo malalaro ang mga HD Games na hindi akma sa iyong device o kung malaro mo man ay makararanas ka ng problema sa graphics o hindi mo ito malalaro ng maayos.

Kung "rooted" na ang iyong device, maaari kang gumamit ng isang application (Chainfire3D) upang i-adjust ang graphic properties ng isang game upang malaro ng maayos sa iyong phone.​

Mga errors na maaari mong ma-encounter sa pag-install ng apps mula sa sdcard:

1.) Parse Error

Maaaring corrupt ang file na na-download mo o sinusubukan mo mag install ng application na nangangailangan ng mas bagong Android OS version.​

2.) Application not Installed

I-uninstall ang lumang version ng app at subukang magre-install muli.
Kung nag-i-install ng cracked application, maaaring hindi ito na-re-sign ng maayos nung nag-crack.​

3.) Not enough space available

Maaaring puno na ang Internal Memory ng iyong device at kailangan mo nang mag-uninstall ng apps na hindi mo ginagamit.

Maaari rin na ang .APK file na iyong sinusubukan i-install ay higit na malaki kaysa sa /cache partition ng iyong phone.​

(pwede po mag tanong ehh pano po pag ang phone ay nag o auto download at kusang inioopen ang wifi at data connection at pano po i upgrade ung kitkat ng phone q sa lollipop para mawala ung malware at virus sana po matulongan nyo ako salamat po at umaasa jhay)
 
Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

nice i need this ts.
 
Thanks sa mga tips! Really would help sa bagong P9 Lite ko. First time Android user :)
 
Back
Top Bottom