Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[GUIDE]Android Applications 101 (Basics)

Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

napaka userful! salamat ts!
 
Personalizing your device

Isa sa mga pinagmamalaki ng Android ay ang kakayahan nitong "bihisan" ang UI (User Interface) at baguhin ang halos lahat ng elemento na bumubuo nito ng hindi dumadaan sa anumang proseso gaya ng rooting.

Ang pinakamadalas na ginagamit sa Android, bukod sa wallpapers, fonts at icon sets ay ang Home Launcher, Widgets at Themes.

Home Launcher
Ito ang magsisilbing "Desktop" ng iyong Android Phone.
Ang mga Home Launcher ay may kanya-kanyang katangian at "unique features" na may kakayahang baguhin ang kabuuang "user experience".
Ilan sa mga sikat na Launchers ay ang iLauncher, GO Launcher EX, SPB Shell 3D, Nova Launcher, ssLauncher, Apex Launcher, Holo Launcher, atbp​

Widgets
Kung ikaw ay gumagamit ng Windows 7 sa iyong PC ay maaaring may idea ka na kung ano ang Widgets pati na rin ang ginagawa nito.

Ang widgets ay maihahambing sa isang "mini application" na inilalagay sa Home Screen ng iyong phone na maaaring magbigay ng impormasyon o magsilbing daan upang magawa ang mga bagay nang hindi kinakailangan pang buksan ang isang buong application.


Gaya ng nasa screenshot, ang mga widget ay maaaring gamitin bilang system monitor, switch, pang-view ng social media updates at rss feeds, atbp.​

Themes
Wala pong "Universal Theme" ang Android OS.

Ang ibig sabihin nito, ang mga themes na iyong nakikita sa Android Market / Google Play ay kinakailangang gamitin o i-apply sa isang Home Launcher na sinusuportahan nito.

Ang mga themes ay hindi limitado sa Home Launchers.
May mga applications at widgets din na maaaring gamitan ng themes na ginawa para sa kanila.

***Tandaan: Ang mga themes ay hindi isang application kung kaya't hindi mo magagamit ang mga ito kung wala ang kaukulang application o widget na gumagamit nito.​

Salamat dito ts! Ayos!!!
 
Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

Thanks for this!
 
Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

up up for this
 
Back
Top Bottom