Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Guide] Bakit di MADALDAL ang lalaki?

baet

Professional
Advanced Member
Messages
186
Reaction score
44
Points
78
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
--> isa sa mga malaking challenge sa mga lalaki ang i-interpret ang salita ng mga babae nang tama kapag ang mga babae ay nagsasalita tungkol sa kanilang nararamdaman. Ang pinakamalaking challenge para sa mga babae ay yung pag-suporta at pagintindi sa mga lalaki when he talks less than she does or talagang hindi na siya nagsasalita.

-->Ang mga babae ay madalas mamisinterpret ang katahimikan ng mga lalaki. We tend to get anxious kapag ang ating mga partner ay tumigil sa pakikipagcommunicate for no apparent reason. Minsan iniisip natin na hindi sila interesado sa atin o dun sa sinasabi natin, kaya naman gumagawa tayo ng effort para mapansin or makuha natin ang atensyon nila. Kapag nagpakita sila ng minimal reaction - o kaya talagang di tayo pinansin,nasasaktan tayo at feeling natin eh rejected na tayo.

-->Merong explanasyon tungkol dito sa Communication Gap.
Ang mga babae at lalaki ay magkaiba ng pag-iisip at ang pagproseso ng informasyon. Ang mga babae ay nagsasabi ng kanilang nararamdaman at naiisip nang malaya. at once na nasa mood na tayo, salita na tayo ng salita. Chika ng chika. This style of communication enables us to feel contented and fulfilled.

-->Madalas nating isipin, Bakit ba ang mga lalaki eh hindi gumaya satin?" "Bakit di sila mag-open'up agad?", "Hanggang kelan nila itatago ang kanilang nararamdaman?" Tulad ng sinabi ko, ang mga lalaki ay iba-iba.
Bago sila magsalita, ini-internalize nila at nag-iisip sila ng tahimik tungkol sa kung ano ang kanilang sasabihin. Ang mga utak nila ay naghahanap ng pinakatama at pinakakapaki-pakinabang na bagay na irereply or irerespond nila sa statement na narinig nila.

--> Yung proseso ng pag-iisip nila ay pwedeng umabot ng minuto... sa maniwala ka't sa hindi, pwede itong umabot ng oras sa pag-iisip.Kapag nakapagdesisyon sila na wala pa silang impormasyon na maibabahagi, hindi sila nagsasalita maski isang salita. Minsan, ang katahimikan ng mga lalaki at ang kahinaan ng mga babae na intindihin yun ay nakakaapekto sa isang relasyon.

Kailangan nating maintindihan na kapag ang lalaki ay hindi nagsasalita, hindi ibig sabihin nito na hindi siya nagpa-function. Pwede kasing hindi pa niya alam ang kanyang sasabihin o kaya masyado siyang pagod para makisali o ma-involved sa isang mahabang talakayan.

-->Ang pagiging tahimik eh hindi nangangahulugan na pagiging inconsidereate at insensitive. Hindi rin ibig sabihin nito na siya ay galit dahil sa maling ginawa ng kanyang partner. Ang katahimikan ay importante sa isang lalaki. Ito yung paraan niya para makapag-adjust sa mga particular circumstances, so dapat bigyan mo din siya ng space. Eventually, magiging ready rin siya na i-express the loving and caring side of himself.

Like sa amin... after ng oras ng work namin, magtetext na ako tapos magkukwento ng mahaba.. tapos ang sasabihin lang niya ay "hehe ahh ok" Dati, nagtatampo talaga ako o kaya tatanungin ko kung galit ba siya... pero habang tumatagal, naiisip ko na paranoid lang siguro ako dahil wala naman palang dahilan para magkaganun.

So sana, kung ganito din ang sitwasyon nyo, mga girls sa inyong mga partner.. hanggat alam mong wala kang ginagawang masama... eh hayaan mo muna ang mga guys kung gusto nilang matahimik..

Later on, hahanap-hanapin ka din niyan kapag ready na siyang makipag-usap saka mo i-chismis kung sino yung kalaguyo nung kapit-bahay nyo wahahahahah peace! You know what i mean diba? At yung mga guys naman...wag ka naman umabuso haha! kapag may sasabihin ka, pwedeng manahimik... magrelax... isipin ang mga sasabihin.. saka mo ipagsabi sa kanila.
Lagi lang kasi natin tandaan na importante din kasi ang Communication.

Ikaw, may kwento ka ba nito?
 
Last edited:
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

buti nalang madaldal ako (in more ways than one).
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

Calling the attention of Elmo's girlfriend. Sana nababasa mo tong post ni baet. *sigh*
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

haha baligtad sitwasyon ,,:D ako ang tahimik, ayoko ko kasi ng sobrang ingay na wala namang kakwenta kwenta pinagsasabi at malakas masyado boses na parang kinukwentuhan ang buong bayan heheh

Hindi naman sa ayaw kong makausap..e kasi wala lang talaga akong masabi at pagod na ako galing sa skul heheh kaya.. "ahehe ok" nalang narereply ko:D tsaka hindi talaga ako mahilig magtext kahit anong pilit ko sarili ko :lolcard:kaya nga minsan siya nagdududa sakin..grabe naman
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

ay baet, ako yan... inaaway ako pag di ako nagsasalita or nagwewento... pero pag nagwento na ko, babanatan ka ng ano nakain mo? bat makwento ka? :noidea:

tama naman kasi. bago kasi ako magsalita, iniisip ko muna yung sasabihin ko. ina-analyze ko pa minsanan kung sasabihin ko ba to, ano reaction nya, yung ganun... minsan kaka-isip ng tamang term, apporach or word, di ko na nasasabi iniisip ko kasi may bago na naman sya sinasabi, so bago na naman yung ire-reply ko na pinag-iisipan pa...
 
Last edited:
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

Ang daming nakarelate ah haha

salamat po sa pagbabasa =)
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

naku korek!!


isa lang masasbi ko


marami tinatago ang taong di marunong umamin :D
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

pag ganyan ang lalaki or bf nyo wag nyo na lang kwentuhan...
kc maiimbyerna ka lang tlga pag kwento ka ng kwento tapos sasagot lang sau ok..

d sa ayaw ko sila intindihin pero sana naman isipin din nila ung mararamdaman ng ngkwekwento db? maliban na lang kung ang sinsabi ko sa kanya eh non-sense... dun wg ka mgreact...
naiintindihan ko sila pag ung d sila ngsasalita pag ung galit ako kc ayaw nila ng gulo... at kahit ako ganun din naman..

ewan ko kung kakayanin ko ung guy na ganun lang
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

Nakakainis ba talaga yung ganun?:lol: Madalas kasi akong ganun.. Makuwento kasi gf ko.. Pag ako naman tinanong niya kung musta araw ko ang sagot ko isang sentence lang "ayos naman".. :slap:
Nung una nagagalit siya pag ganun ako pero ngayun siguro nasanay na lang.. :lol: Pero hinde naman sa lahat ng oras eh tahimik ang lalaki.. Lalo na kung interested siya sa topic na pinag uusapan niyo..

So wag kayo agad magtampo or magalit pag di masalita or makuwento bf niyo.. As long as mahal ka niya :inlove: at naipapakita naman niya mas maganda na yun kesa sa taong panay hangin lang ang laman..

Sabi nga "Actions Speak Louder Than Words"
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

madaldal lang talaga siguro ang mga babae.:D
ang lalaki ayaw ng maingay kaya di sila nakikipagsabayan sa babae:rofl:
 
Last edited:
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

ang sipag talaga ni ms.baet dto..hehe..btw thanks
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

Salamat na rin po sa pagbisita =)
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

ikaw talaga baet,, san po napagkukuha yan? hehehe:lol:

ok to ah.. ganyan bf ko ngaun eh.. pero super daldal pa rin ako.. kasi pagnanahimik nako baka iba mangyari..hehehe :lmao:
 
Re: [Guide] Bakit di madaldal ang lalaki?

^Sa experience :dance:

Salamat po sa mga nagbasa, nakarelate, at nag-thank you sa akin..

You made my Thread Complete by just posting your comments.
 
Last edited:
hehe now ko lang nabasa toh...

hahaha... dami ko na talaga natutunan sayo ate baet...
:clap:


suki ako sa mga threads mo...yun nga lang hindi ako nagrereply.. taga basa lang..

pero dahil dito pwede ko ipaliwanag sa GF ko kung bakit ako nagkakaganito ...hahaha

+ reps... thanks po....
 
ibang klase talaga bumanat si BAET.. ang baet! baet!
 
panu yung mga guy na masyadong madaldal ??? ... pwede ko bang sabihin sa kanya na ... para syang babae na walang tigil mag salita ??? ..
 
Ako.. Madaldal akong lalaki.. Madaldal lang ako kapag kilala ko na talaga yung kinakausap ko.. Pero kapag ilang araw o linggo lang, medyo ilang pa ko.. Hehe..
 
panu yung mga guy na masyadong madaldal ??? ... pwede ko bang sabihin sa kanya na ... para syang babae na walang tigil mag salita ??? ..

That kind of guy wants to prove na Entertaining siyang kasama..
Na you will not get bored...

There were times na sobrang mejo malala na at hindi na natin maawat... yun ang Negative sa kanila..

Kaso nga lang, pag nasanay na sila sa ganung manner..
Ang hirap alisin... Boys yan remember? :)

@Rozar,
Fans pala kita di ka nagsasalita..
Asan ang Banner mo hahaha
Thanks po sa pagsuporta =)

@All,
Salamat sa mga bumisita...
Sa mga boys, wag nyo naman din samantalahin yung nabasa nyo hahaha
 
Last edited:
Back
Top Bottom