Yo!
Sino po kayang magpaliwanang kung pano ang mga effects sa bawat adjustments ng EQ sa effect pedal or amps. Kelangan ko lang po ng deep understanding sa mga ito para di ako nangangapa sa pagtitimpla.
Low?
Mid?
High?
kung pano ba ang makakagawa ng mabigat na tunog or kung saan adjustment yung may matining/melodic na sound.
Kung medyo interesting tong topic nato, Kaya niyo rin po ba ipaliwanag gamit ng iba ibang effects like Flanger, Phaser, Compressor ,Chorus and harmonizer?
Marami po kasing mga variables Sir e.....
A.) Anung genre ng musika tugtugan nyo/mo, usually clean parts ba kalimitan or may distortion or both....ganu kabigat distortion, pang soft rock lang, hard rock, or all out metal?
B.) Bedroom player ka lang ba or nasa banda?
C.) Lidista ka ba or rhythm sa banda nyo?
D.) Kung may distortion tugtugan nyo, san manggaling distortion mo, sa amp ba o sa effects?
E.) Anung klaseng amp mo? Solid State o tube amp, may pre equalizer and post equalizer ba, or isang master equalizer lang? Kung two channels yung amp mo, clean and drive channels, may separate equalizer ba ung dalawang channels? May effects loop ba o wala ung amp mo, at series ba o parallel ung effects loop?
F.) At hindi lahat ng effects may equalizer at may individual pedals (stompboxes) at merun din tinatawag na multi effects......anung gamit mo sa dalawa?
G.) Anung effects merun ka na at balak na magkaroon pa lang?
H.) At san ilalagay sa chain ang particular kind of effects: namely
distortion/overdrive pedals, noise suppressors, wah-wah, harmonizer/pitchshifter, volume effects (tremolo or volume pedal, or compressor), modulation pedals (chorus, flanger, phaser, etc.), time/delay effects (delay, reverb), loopers, etc.
Mahaba habang topic eto mga Sirs....
Eto yung mga situation ko nun at mga experiences nung nagbabanda ako;
BTW, lidista po ako sa banda ko noon at usually tugtugan namin e metal na may occassional clean parts din.
A.) First amp ko may built in overdrive but not enough for metal at walang effects loop, master equalizer lang, so i have to rely on distortion pedals and some effects like chorus, flanger, delay, etc. but wala akong pambili ng individual pedals like ung sa Boss brand, kaya bumili na lang ako ng zoom 606. Dito lahat ng nanggaling ng
distortion ko at some ambient effects.....
B.) Then nagkarun ako ng second amp na maybuilt in distortion na from overdrive to all out metal, two channels siya, clean and drive, separate equalizer at may parametric equalizer din sa mids sa drive channel pero walang effects loop. Nagsimula nakong mangolekta ng mga individual stomp boxes, Boss brand lagi para uniform ang sizes, built like a tank, at small footprint lang. I had Boss distortion effects din dati like MT-2 (dalawa pa nga e), MD-2, BD-2, SD-1, DS-1, etc at minod ko pa para mas gumanda tunog (paki search na lang sa google etong mga pedals na eto kung gusto mo malaman tunog nila modded at unmodded at anung mga itsura nila). So even though may built in distortion na ung amp ko merun pa rin akong mga distortion pedals, reason mainly is, for versatility/flexibility. Then nangolekta din ako ng mga old modulation and time base effects ng Boss like DSD-2 digital delay, DD-2 digital delay din, BF-2 analog flanger, PH-1r phaser, RV-2 Digital Reverb, Line Selector LS-2, Noise Suppressor NS-2, GE-7 and GEB-7 graphic equalizers, etc. for my specific needs.
C.) But then I realize, mas maganda pa pala tunog ng built in distortion ng amp ko kesa sa mga distortion pedals ko hindi ko lang talaga na explore ung sweet spot ng amp ko at may parametric equalizer pa na realize ko na laking tulong sa pag sculpt ng iba't ibang metal tone sa amp ko no need for a separate equalizer, at napansin ko ang hirap magtimpla sa mga pedals pag nakakabit na lahat. So binenta ko lahat ng mga distortion/overdrive pedals ko at tinira ko na lang ung mga modulation effects at time/delay effects. So nagiba na naman setup ko, and take note at walang effects loop etong amp na eto...
Ang problema sa walang effects loop/may mga modulation pedals or time base effects na maganda tunog sa unahan ng distortion at pangit sa unahan ng distortion...for example yung delay or ung reverb pangit tunog pag nasa unahan siya ng distortion (very muddy ang tunog walang articulation notes).....so kung wala kang effects loop lahat ng delay reverb chorus flanger tremolo for example e nasa unahan ng distortion pag built in ang distortion mo sa amp.....also hindi ka makakapag experiment, for example may unique na tunog ung flanger pag nasa unahan ng distortion at unique din tunog nya pag nasa hulihan...hindi mo magagawa eto kung wala kang effects loop.........yung wah-wah, pitch shifter/harmonizer, etc. ideally dapat nasa unahan siya ng distortion and straight from the guitar, frequency base kasi etong mga effects na eto, kelangan malinis as much as possible ang narereceive nilang signal mula sa guitar...pero ung wah wah pwede rin pagkatapos ng distortion may unique sounds siya before and after the distortion....pero ung harmonizer/pitch shifter kelangan talaga sa unahan ng distortion, dahil minomonitor nya closely ung frequency ng signal, as much as possible walang overtones, para ma pitch shift o ma harmonize nya ung tunog ng guitar mo depende sa interval o key na sinet mo, other wise tunog wala ka sa tono or parang dalawang taong sabay na nagguguitar na hindi magkatono ang tunog mo......hehe......Yung compressor naman e dapat nasa unahan siya ng distortion due to common sense, ang trabaho ng compressor is to monitor ung volume ng signal mo and level it out......ibig sabihin kahit gano ka kalakas magstrum, pareho lang volume dun sa pinakamahina mong strum......may threshold siyang tinatawag, lahat ng mababang volume sa threshold e itataas nya sa level ng threshold volume, lahat ng malalakas na volume signal e ibababa nya sa threshold volume......nilelevel/cinocompress nya ung dynamics ng pagtugtog mo, hina at lakas ng volume, pareho lang volume ano mang gawin mong strum sa guitar....kaya compressor tawag........anu na mang kinalaman nun sa distortion at bakit kelangan nasa unahan ng distortion ang compressor? Kasi ang process ng pag distort ng signal mula sa guitar mo e involve ung compression (natural compression), ibig sabihin pag gumamit ka ng distortion na cocompress din signal mo.....balik tayo sa compressor, pag ung settings mo sa compressor e over compress yung signal tinodo mo lahat ng knobs makakalikha ka rin ng distortion sounds hindi nga lang ganun kaganda tunog.......so ang tendency pag sinunod mo ung compressor after distortion, cinompress na nga ng distortion yung signal mo, so wala ng makikitang pagbabago sa volume yung compressor pedal mo, anu pang trabaho nya? Mas ideal gamitin ung compressor sa mga clean parts, para uniform ung volume ng bawat strings mo, ginagamit rin siya sa mga chicken picking styles (you can research for this) na paggguiguitar, para masigurado din na uniform volume ng bawat strings mo.....
D.) Then nagkarun ako ng 3rd amp, same amp din like ung 2nd amp ko, mas mataas nga lang power output, dati 65 watts lang at iisa lang speaker, now and my current amp 150 watts naman at two speaker configuration, and this time may effects loop din, series. So nagiba na naman ung connection at configuration at placement ng mga effects ko at pagtitimpla. Kasi dahil sa effects loop mas mauutilize natin yung pre-amp and power section ng amp and their individual equalizers along with our effects and their ideal placement into good and advantageous use para mas lalo pa nating matweak ang ating tone.
Next time I'll try to provide general tips sa pag setup ng effects, their placement and connection, and anung ginagawa nila, at panu isesetup pag kasama na ang amp may effects loop man o wala, rules sa pagequalize ng amp at effects lalo na pag nasa band situation ka, etc.