Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Gusto ko siya pero taken siya. ANO NA BES?

jinkazama0017

Apprentice
Advanced Member
Messages
97
Reaction score
0
Points
26
Hi po! Nakikigamit lang po ako ng account, para humingi ng advice sa inyo. :noidea:

Ganito po kasi yan. Since college pa po kami ng boyfriend ko. 8 years na kami, pero yung last 5 years ay LDR na. Ok naman po kami, lalo pag magkasama kami. Kaso pag hindi po kami magkasama, sobrang busy niya sa work. Yung tipong hindi nya alam kung paano ako isingit sa oras niya. Kahit text o tawag wala. Sigurado po ako na wala naman siyang iba, workaholic lang talaga. Matagal ko na 'to nirereklamo sa kanya pero wala talaga eh, di niya alam pano ayusin, hangga't sa nasanay at napagod na ako. So, just recently, nakipagbreak na muna ako.

Sakto, nagsimula po ako maglaro ng RO. Trip trip lang kasi nilalaro ko 'to nung bata ako. Tapos dun, may nakilala akong guy. Ka-party ko lagi sa game. Syempre, sa simula, getting to know kami. Sabi nya sa akin may GF siya, LDR din tas busy sa work. Ganon, basta nag-sshare ng kwento sa buhay namin. Tapos ayun, naging sobrang close na. Lagi na kami magkausap sa gabi hanggang 4AM, sinasabihan na cute ako, tas sabay natutulog sa Viber.

Eventually, pakiramdam ko, nahuhulog na yung loob ko sa kanya. Yung tipong kinikilig ako na parang bata. :lol: And alam kong mali kasi taken nga siya, at hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi tingin ko dapat iwasan ko siya, kaso sobrang enjoy talaga ako sa company niya. Masaya kami pag magkasama. And ayun po.

Hoping mabibigyan nyo ako ng advice na di mashadong masakit gawin hahahaha
 
Breaking up with your boyfriend is a good choice since you can no longer tolerate his lack of time towards you. It would not be advisable to fight with him about it or pester him about it because it will just stress out both of you. How sure are you that he's really in an LDR situation? Perhaps he's just getting your sympathy so that he can be close to you. But even if his reason is true, he shouldn't be fooling around since he's pretty much in a relationship and he's sort of cheating already. I'm sure you wouldn't want your boyfriend/ex to just entertain random girls when he's having problems with you, would you? So better stay away and respect their relationship.
 
Gaya nga ng sabi ni sir motoro, tama lang na nakipag-hiwalay ka na sa ngayon ay ex-boyfriend mo na. May kasabihan nga tayo na kapag gusto may paraan, at kung ayaw may dahilan. Gaya ko na nagdaan din sa ganyang LDR, masasabi ko na hindi din hadlang yung pagiging busy mo o ng partner mo para mawalan ng time sayo. Kung mahal mo sya o kung mahal ka niya, gagawa at gagawa dapat ng paraan para makapag-communicate man lang. So yun, mabuti na din yan para sa inyong dalawa.

Ngayon naman sa current case mo. Naku, ang masasabi ko layuan mo na yan. Wag na wag kang papayag na maging dahilan ng paghihiwalay nila ng girlfriend niyang kalaro mo. Maghanap ka na lang ng single at yung abot kamay mo pa. Wag yang nasa ganyang situation. Irespesto mo ang sarili mo at silang dalawa ng girlfriend niya.
 
Break mo na. Ibreak mo na total, wala syang oras sayo, ikaw naman e nafafall na. call it quits. pero ung nkksama mung bago? iwanan mo na rin.walang mabuting idudulot yan sayo at sa kanya at sa gf nya.
 
edi nganga... look.. wag na wag kang susugal sa hindi mo kaya.. yung alam mong highstakes..
emotionally destructive yan... baka ma depress ka in the end tpos sabihin mo sana pala........

so.. yah... think thrice muna.
 
Back
Top Bottom