Bale po may asawa nako na hindi pa kami kasal 6 years na kami netong may 29,2022 .. may anak narin kami isa kapapanganak niya lang nung may 25,2022 .. ako po yong may work ,siya taga alaga ng baby namin , lahat po ginagawa ko bilang ama , work time ko 11am uwi ko 10pm na ,kada break ko 1pm umuuwi ako sa bahay para iyuwian ko siya ng pag kain ,hindi rin kasi siya marunong magluto , malapit lang din kasi work ko walking distance lang ,pagkatapos naman ng work ko ng gabi ,mag luluto ako ng ulam namin,maglalaba ng damit namin pati baby namin , mag aalaga ng bata ,lahat po trabaho ko kahit pagod ako galing sa work ginagampanan ko parin ang responsibilidad ko bilang ama ..
Ang point ko lang po don ,kahit wala naman ako ginagawang mali sa work ko ,naprapraning siya masyado or selosa sa mga ka work ko pati boss ko na babae pinagseselosan niya .. nag away kami kanina kasi diko narin natiis yong ganun na ugali niya

need ko po advice nyo kasi diko narin alam gagawin ko , paulit ulit nalang kasi .. mahal ko pamilya ko ..kaya napapaluha nalang ako sa tabi 😥
Biilang isang Kristiyano at may takot sa Diyos:
1. una po ay dapat kayong magpakasal sa Harap ng Diyos ito ay hindi mabuti, at isa sa mga dahilan kung bakit napa praning ang iyong partner, sayo na rin nanggaling mahal mo ang iyong pamilya. patunayan mo ito sa kanya sa pamamagitan ng pagpapakasal. kahit sa huwes lang. ang mahalaga ay mabibigyan mo siya ng kapayapaan at kasigurahan, maliban lamang na may nais ka pang gawin sa buhay mo. para na rin sa inyong mga anak at mga magulang.
2. at kung kayo ay kasal na dapat mong tandaan ang katungkulan ng isang asawang lalaki o ang 3P's View (tatlong P) ;
* PARI/PASTOR
-Resposibilidad ng isang lalaki na ilapit mo ang iyong pamilya sa Diyos. ikaw ang nanguna na ipanalangin sila sabi " The family that prays together stay forever" simulan mo ito pag magkasabay kayo sa pagkain, bago matullog at pag linggo magsimba kayo maghanap kayo ng malapit na church.
* PRESIDENT
- dapat momg tandaan ikaw ang pangulo at ang iyong asawa ay vice-president ng inyong tahanan hindi ang inyong kapitbahay, ang iyong biyenan o ang iyong magulang may kasabihan tayo na "mahirap sa isang palasyo na dalawa ang Hari o dalawang Reyna" sikapin ninyo na bumukod sabi nga sa Bibliya iiwan ng lalaki at babae ang kanilang magulang at sila ay magiging iisa na. hindi ibig sabihin na pababayaan na ninyo ang inyon magulang maari pa naman kayo tumulong sa ibang paraan ang mahalaga ay magkaroon kayo ng intimate privacy. sikapin ninyo pag aralan at pag usapan ang mga pinagdaanan ninyo bawat mag asawa ay mayibat ibang pagsubok. pero ang pinaka mahalaga ay palagi kayo nag uusap ng maayos. isang tip: pag gusto mong mahalin ka ng iyon asawa learn how to T.A.L.K
T - (Truth) always speak to her the truth positive man o negative basta in proper timing and good manner.
A - (Affirmation) hindi palagi ang hinahanap sa asawa ay mga negatibong bagay, kaya mo nga siya minahal di ba dahi meron siyang katangian na wala sa mga ex mo

sabihan mo siya ng mga magagandang bagay din naman purihin mo siya sa alam mo kung saan siya magaling at humingi din ng sorry sa mga maling nagawa o nasabi tandaan mo hindi ka rin perpekto be humble ang be a man.
L - (Listen) hindi palagi ikaw ang dapat dapat pag aralan ninyo na mag bigay ng time para makinig sa bawat isa. hindi ninyo maiintindihan ang bawat isa pag [alagi kayo nagsasabay.
K- (Kindness) maging mabait palagi sayong asawa dapat mong tandaan na magka iba kayo ng magulang kaya you're getting to know each other at limitless ito habang lumilipas ang panahon. palagi mong isipin nang nanliligaw ka pa lang dami mong promise sa kanya but now dami mong demand why? "Love is patient, conquers all"
* PROVIDER
-Magiging walang bisa ang dalawang "P" na nauna kung hindi mo patutunayan hindi lamang sa salita maging sa gawa na ikaw ang nagpo provide ng kanilang needs even wants as well as being a Man in the family pwede naman mag pahinga pero hindi pede tumigil gaya ng ginawa ng ating mga magulang natin, matutunan kang lalong mahalin ng iyong asawa, mababago rin ang kanyang pananaw mabibigyan mo rin ang inyong mga anak ng true identity. As a provider you must povide them moral value, spiritual needs also.
v.11 (NKJV) “as you know how we exhorted, and comforted, ang charged every one of you, as a father does his own children.” (1Tes. 2:11)
1. Exhorted
2. Comforted
3. Charged
******* God Bless!!! *******